Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Oct 25, 2018
Hindi sumagot ang kalaban bagkus nakita kong iniangat niya ang kanyang espada at inihampas ito sa ere. "Alis dyan Cookie!!" ang sigaw ko noong makita ang isang matalim na hanging pabulusok sa aking kinalalagyan.
Itinulak ko si Cookie para hindi matamaan ito kaya ako ang nasapol. Tumama ang matalim na hangin sa aking katawan dahilan para mahiwa ang aking dibdib pa baba sa aking tiyan. Nagawa rin nitong tangayin ako at muling mapa dausdos sa lupa.
Part 20: Para sa minamahal
Isang malalim na hiwa ang aking natamo dulot ng pag atakeng iyon ng aking kalaban. Halos umagos ang dugo sa aking dibdib pababa sa aking tiyan. Mabuti na lamang at hindi ako napurohan ng husto. Kitang kita ko rin ang pag shock sa mukha ni Cookie, kung hindi ko hinarang ang aking sarili ay baka nag ka pira piraso na ang kanyang katawan ngayon.
Nag simula akong bumangon at bawiin ang aking balanse mula sa pag kaka higa sa lupa. Nasa ganoong posisyon ako noong makitang kong nag tatakbo si Juho patungo sa akin, hawak niya ng mahigpit ang dalawang armas sa kanyang kamay.
Inihanda ko muli ang aking sarili, hindi ko inalis ang aking tingin sa kanyang pag galaw. Ni hindi ko nagawang kumurap..
Nasa ganoon ng posisyon kami nang biglang may marinig akong putok ng baril, marami ito at umulan ng mga bala sa kinalalagyan ng kalaban.
BRATATATATATATTT!!!
Kitang kita ko ang halos daan daang balang tumatama sa kalasag ng kalaban. "Ayos ka lang ba hijo? Kaya mo bang tumayo?" ang tanong ng isang lalaki na biglang sumulpot sa aking likuran
"Mayor, anong ginagawa niyo dito? Delikado!" ang sagot ko
"Team tayo diba? Tutulungan kita hijo." ang wika niya. Naalala ko tuloy noong mga panahong pinatuloy niya kami sa kanyang tahanan at binigyan ng proteksyon dahil delikado sa buong siyudad. Halos hindi siya nawalan ng pananalig sa aking kayayahan.
FLASHBACK
"Huwag kang mag alala hijo, ligtas ka dito. Nandito tayo sa bahay ko." ang sagot niya at noong ibaling ko ang tingin sa kanya ay agad ko itong nakilala. "Mayor, kayo po pala." ang pag bati ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Siguro ay nag tataka ka kung paano ka napunta rito hindi ba? Nakita ko itong si Cookie na bumibili ng gamot sa butika kahapon kaya naman nag alok akong tulong sa kanya at dito nga ay sinabi niya sa akin ang kalagayan mo. Agad kaming nag tungo sa ilalim na tulad upang ikaw ay sunduin ngunit wala kana doon. Mabuti na lamang at pinakalat ko ang aking mga tauhan sa paligid ng ilog at dito nga ay natagpuan ka nilang walang malay habang naka lutang sa tubig. Agad ka naming kinuha at dinala dito sa aking tahanan upang gamutin. Pasensya kana at hindi kita ipinadala sa ospital dahil alam kong mapanganib para sa iyo ang lumabas sa publiko." ang naka ngiting wika ni Mayor.
End of Flashback (Scene from Book 1 Part 46: Ang Hukbo ni Serapin)
"Sorry pinsan, napurohan ka pa yata. Kasalanan ko ito. Sana ay naging maingat ako. Sorry talaga." ang umiiyak na wika ni Cookie habang inaalalayan ako sa pag tayo.
"Wala iyon, delikado sa lugar na ito. Umalis na kayo at iwan ako." ang utos ko at habang nasa ganoong posisyon kami ay nakita kong itinaas ng kalaban ang kanyang palakol at mabilis na inihataw ito sa lupa..
Yumanig ang buong paligid at bumuka ng sementadong kalsada, ang ilang tauhan ni mayor ay nahulog sa awang nito at ang ilan naman ay nabagsakan ng mga piraso ng nasirang parte ng gusali sa paligid. Ang iba ay tumilapon kung saan saang direksyon.
Hindi ako makapaniwala na pati ang mga ordinaryong tao ay pinag tatanggol ako at tinutulungan kahit wala silang kalaban laban. Para silang mga langgam na nakipag sagupaan sa isang aguila.
Noong malinis ng kalaban ang buong paligid, bulagta ang halos nasa limampung tauhan ni Mayor at ang iba ay mga pulis at sundalo na nag magandang loob para tulungan ako.
Lumakad si Juho patungo sa aming kinalalagyan, agad binunot ni Mayor ang kanyang baril at humarang sa amin ni Cookie. "Paanong nakakapatay ang inyong mga sandata? Ni hindi man lang ako nabigyang galos ng mga ito. Bakit gumagamit kayo ng mga laruan sa pakikipag laban?" tanong niya
"Dito lamang kayo sa likod ko." ang wika ng alkalde sabay baril sa nag lalakad na kalaban. Tumatama ang mga bala sa kanyang kinalalagyan ngunit wala lang ito sa kanya.
"Hayaan nyo turuan ko kayo ng tamang pag atake." ang wika ni Juho. Hinawakan niya ng mahigpit ang palakol sa kanyang kamay at tumalon ito ng mataas sa ere.
Napatingala ang lahat sa kanyang ginawa..
Maya maya ay bigla siya bumulusok pa bagsak sa lupa, inihataw niya ng malakas ang palakol dito.
Isang malakas na pag sabog ang naganap, nag liparan ang lahat ng bagay sa paligid katulad ng mga gumuhong gusali, mga sasakyang sira at kasama na rin ang mga taong naabot ng malakas na impact.
Agad kong niyakap ang katawan nina Cookie at ng alkalde, mabilis ko silang inilipad sa lugar na hindi maabot ng pag sabog. Ang aking dugo sa katawan ay halos humalo sa kanilang mga damit.
Maya maya ay nakita ko muling lumundag si Juho sa ere, naka ngisi ito na animo demonyo at mukhang uulitin nanaman niya ang pamiminsalang ginawa. Sa pag kakataong ito ay dalawang sandata na sa kanyang kamay ang hawak niya, kapwa ito nag liliwanag ng husto. Mukhang pagsasamahin niya ang pag hagupit ng dalawang armas ng Diyos at pag nag tagumpay siya ay batid kong mas marami pa ang masasaktan.
Hindi na ako nag dalawang isip, mabilis akong lumipad patungo sa kanya. At noong aktong babagsak ang kanyang katawan sa lupa at hinarangan ko ito. Ang lahat ng aking enerhiya ay inilagay ko sa aking kalasag sa braso na siyang ginamit ko bilang pananggalang.
Mistulang suspended animation ang pag tama ang dalawang sandata niya sa aking braso at noong mag dikit ang mga ito ay liwanag ng husto. Malakas ang impact kaya't lumubog ang aking mga paa sa lupa at mas lalo pang nag liparan ang kahit na anong bagay sa paligid.
Tahimik..
Binalot ng kulay puting liwanag ang aking mga katawan at maya maya ay sumabog ito ng malakas, kapwa itinulak ang aking mga katawan palayo sa isa't isa sa mag kaibang direksyon..
Lumipad ang aking sugatang katawan sa di kalayuan. Kasabay nito ang pag kabasag ng aking kalasag sa kanang braso. Para itong napulbos at nag karoon ng malaking pinsala ang aking kamao.
Tumilapon ang aking katawan sa lupa, ganoon rin ang kanyang katawan. Halos tumagal ng ilang minuto ang pag sabog bago tuluyang humupa ito.
Sugatan rin si Juho, bumangon siya at kinuha ang kanyang sandata na tumilapon mula sa kanyang pag kakahawak. "Bakit ginagawa mo ito? Bakit kailangan mong saluhin ang atakeng iyon? Bakit kailangan mong ipag tanggol ang mahihinang nilalang sa mundong ito?" tanong niya
Nag pumilit akong bumangon, itinukod ko ang aking kanang kamay ngunit napasigaw ako ng bigla na lamang lumusot ang aking buto sa aking balat. Bali ang siko at ang aking kamao ay nawasak dahil sa pag sangga ko sa kanyang pag atake.
Ibayong sakit ang aking naramdaman lalo't wala na ang kalasag sa aking kanang braso, wala na itong proteksyon..
Itinukod ko ang aking kaliwang kamay at napatingin ako sa mga taong naka handusay sa paligid. Ibayong awa ang aking naramdaman noong makita ko ang mga ito, mayroong matanda, may bata, may mga mag papamilyang namatay. "Ginagawa ko ito dahil mahal ko sila, mahal ko ang mundong ito. Oo nga't may mga pag kakataon na hindi ko nagugustuhan ang mga gawain ng tao pero hindi ko pa rin sila matiis at sa bandang huli ay heto pa rin ako at nag bubuwis ng buhay para sa kanila. Kapag nang hihina ako o nawawalan ng pag asa ay iniisip ko lang yung mga taong nag bibigay ng pag mamahal sa akin at pinapawi nito ang aking takot o kirot sa aking katawan. Ang pag mamahal nila ay sapat na para maging malakas ako. Bakit ko ito ginawa? Dahil ito ang aking tadhana.." ang sagot ko at dito ay unti unting nag apoy ang aking buong katawan. Ang aking mata ay nag init at naging kulay pula na lamang ang aking paningin.
"Ayos! Tapusin na natin ito!" ang sigaw rin ni Juho sabay takbo patungo sa akin..
Nag liyab ang aking buong katawan na parang isang ibong phoenix. Mabilis na umangat ang aking mga paa sa lupa at sumibat para salubungin ang atake ng kalaban.
Habang nasa ganoong pag lipad ako ay sumagi sa aking isipan ang mukha ni Bart na naka ngiti, ang mukha ni Cookie, ang aking ama, ni Estong, ni Ka Andres at ng aking mga pamilya dahilan para mas lalo pang sumiklab ang apoy sa aking buong paligid..
Nag abot kami ni Juho sa gitna..
Kapwa kami nilukuban ng malakas na liwanag sa paligid dulot ng pag uumpugan ng aming mga kalasag at pwersa. Halos niyanig na nito ang buong siyudad, umangat ang tubig sea wall, at nag dilim ang kalangitan habang bumabagsak ang matatalim na kidlat mula dito.
Matapos ang laban namin si Serapin noon na halos ibuhos ko ang aking buong lakas ay ngayon lamang ulit naabot ng aking katawan ang hangganan. Mukhang tama nga ang anghel na si Nardo, walang hanggan ang kalawakan at tiyak na mas marami pang kalaban na nag tataglay ng mas malakas na kapangyarihan kabilang na nga rito si Juho na isang pirata.
Tuloy pa rin ang mala delubyong pag yanig sa paligid..
Noong humupa ang liwanag ay nanatili kami ni Juho sa aming posisyon..
Gamit ang aking kalasag sa kaliwang braso ay sinangga ko ang kanyang palakol na noon ay naputol na nawasak. Nabura ang kalasag niya at tanging hubad na katawan na lamang ang natira..
Napatigtig siya akin at ganoon rin ako sa kanyang mata..
Tahimik..
Bumulwak ang dugo sa aking bibig, dito ko naramdaman ang pag tarak ang espada sa aking dibdib at tumagos ito sa aking likuran..
Nabasag ang aking kalasag sa ulo at tumulo ang dugo mula dito..
Nanatili siyang nakatitig sa akin sabay bulong ng mga katagang. "Nanalo ako."
Unti unting niyang hinugot ang sandatang nakatarak sa aking dibdib at kasabay noon ang pag bagsak ko sa lupa.
Naubos ang aking lakas habang si Juho ay nanatiling nakatayo. Nakadilat lamang ang aking mata at naka tingin sa madilim na kalangitan..
Maya maya ay nakita kong lumipad ang sasakyang pandigma ng kalaban at tumapat ito sa aming kinalalagyan. Lumipad si Juho at pumasok sa loob nito. Kasabay noon ang pag tama ng kakaibang sinag sa aking buong katawan na nag mumula sa kanilang sasakyan..
Umangat sa lupa ang aking lantang gulay na katawan at unti unting lumapit sa sasakyang pandigma ng kalaban. Mukhang seryoso nga si Juho na kuhanin ang aking katawan at pag eksperimentuhan..
Lumipad ang kanilang sasakyan habang naka kulong pa rin ako sa sinag na iyon. At bago tuluyang mag dilim ang aking paningin ay nakita kong nasa labas na ako ng madilim na kalawakan.
Unti unting hinigop ng kanilang sasakyan ang aking katawan at kasabay ng pag pikit ng aking mata ay ang pag sasara ng gintong pintuan na nag kukulong sa akin sa himpilan ng kaaway.
End of Season 1