Part 15: Mapaglarong Kapalaran

1817 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Oct 17, 2018   "Huwag kang mag alala Narding dahil wala ni isa sa atin ang makikinabang kay Bart. Ang iyong kasintahan ay ang aking kasakapan, laruan at parausan! Noong isalin ko sa kanya ang binhi ay nasa kanya na rin ang aking kapangyarihan kaya upang muli ko itong makamtan ay kailangan kong kainin ang kanyang katawan. Katulad ng ginawa ko sa aking sariling ama, kinain ko ang kanyang katawan upang makuha ko ang kanyang lakas. Huwag kang mag alala dahil mabilis lang ito, hindi  mamalayan ng kawawang si Bart na siya ay pipira pirasuhin ko at gagawing pang himagas!" masayang wika ni Serapin Napatingin ako sa kanya, tuwid at hindi ko maitago ang namumuong matinding galit sa aking dibdib. "Bakit ganyan kang makatingin Narding? Galit ka ba sa akin? O baka naman naalala mo pa rin yung ginawang pag kantot sa akin ni Bart, alam mo ba na ang b***t niya ang pinaka masarap at pinaka makatas na ari na aking natikman. At ang kanyang mga halik ay talagang nakakabaliw." ang wika ni Serapin habang gumagapang ito patungo sa akin "Cookie, dalhin mo si Bart sa aking likuran. Ako ang bahala sa isang ito." ang bulong ko. Agad na nag tatakbo si Cookie patungo kay Bart noong makita ito ni Serapin ay agad rin siyang kumilos upang hadlang ang aming plano. Lumipad ako patungo kay Serapin, nag liyab ang aking kamao at isang malakas na suntok na punong puno ng galit ang inihataw ko sa kanyang mukha.     Part 15: Mapaglarong kapalaran Isang malakas at nag aapoy na suntok ang iginawad ko sa mukha ni Serapin dahilan para maantala ang pag punta niya kay Bart. Tumilapon ang kanyang katawan at sumadsada sa lupa. Hindi pa ako nakontento, ang aking kamao ay nangangati pa rin sa pang gigigil at ang aking dibdib ay naninikip pa rin sa matinding galit. Kailangan kong wakasan si Serapin hanggang hindi niya nakukuha ang kanyang kapangyarihan kay Bart kaya naman mabilis akong sumibat ng lipad sa kanyang kinalalagyan at pinaulanan ito ng suntok sa mukha, hinawakan ko ang kanyang buntot at pinag hahampas sa lupa na parag laruan. Ang lahat ng tamaan ng kanyang katawan ay nagigiba katulad ng mga gusali sa paligid. Noong mga sandaling iyon ay hindi ako naawa, matinding galit ang aking naramdaman kaya hindi ako tumigil sa pag atake hanggang sa kusang nang hina ang katawan ni Serapin, ang kanyang mukha ay nag kabasag basag at ang kanyang buntot ay halos masunog at maputol. Hingal ang aking inabot.. Binitiwan ko ang walang malay na katawa ni Serapin at hinayaan itong naka handusay sa lupa. Si Cookie naman ay inaalalayan si Bart para makalayo sa lugar kung saan kami nag sasagupaan. Lalapitan ko pa sana ang katawan ni Serapin ngunit bigla itong gumalaw, mula sa kanyang bibig ay may lumabas na ulo at mga kamay. Tila naka limutan ko na abilidad ni Serapin ang mabuhay at mag hunos ng paulit ulit. Kapag nasira ang kanyang katawan ay aahon mula rito ang mas bago. "Masyado kang hot na hot Narding. Bakit nag aapura ka? Natatakot ka ba na kapag nakuha ko ang aking kapangyarihan kay Bart ay malagay nanaman sa alanganin ang iyong buhay? O baka natatakot ka na kainin ko si Bart at mawala siya sa iyo? Kung sa bagay, nakaka adik naman talaga siya diba? Isang lalaking malakas ang resistensiya, malambing, masarap humalik at magaling makipag talik sa kama." ang wika niya. "Bakit kinakailangan mo pang ihiwalay ang iyong kapangyarihan sa iyong katawan? Bakit kailangan mo pa itong ilagay kay Bart? Sana ay nilamon mo na ng buo para hindi kana nakakaperwisyo ng kapwa!" galit kong sigaw Natawa siya. "Alam mo Narding, masyadong malakas ang aking kapangyarihan, hindi ito kakayanin ng binhi kaya dapat itong ihiwalay. Maihahalintulad sa isang usb na may maliit na memory, kapag masyadong malaki nag files ay tiyak na hindi ito mag kakasya sa usb na iyon kaya kinakailangan ng back up. At ang back up na iyon ay ang katawan ni Bart. Minsan na siyang naging aking alipin kaya't kayang kaya ng kanyang katawan na dalhin ang aking enerhiya. Ngayon na buo na muli ang aking katawan ay kakainin ko siya upang makuha ko ng buo ang aking lakas." ang wika ni Serapin "Hindi ako makakapayag na isayad mo ang daliri mo kay Bart!" "Baliw ka ba Narding? Taon na akong namalagi sa katawan ni Bart, daliri ko pa ba ang pag babawalan mo? Bobo ka rin eh!" sagot ni Serapin sabay taas sa kanyang kamay, itinutok niya sa akin ang kanyang mga daliri at naging ahas ang mga ito. Humaba ang iyon at inatake ako mula sa aking kinalalagyan. Ang bawat daliri niya ay naging ahas na parang mga latigo na humahampas at tumutuklaw sa iba't ibang direksyon kaya naman lumipad ako upang maka iwas, ngunit sa pag aakalang makakatakas ay nag kakamali ako dahil ang mga ahas na iyon ay humahaba, walang katapusan ang pag haba nito at nakasunod kahit saan ako mag punta. Sa tuwing iiwasan ko ang mga ahas ay humahampas ang mga ito sa mga gusali paligid na nakaka sira ng husto. "Wala kang kawala Narding, inaaksaya mo lamang ang iyong lakas sa pag takbo dahil hindi ka titigilan ng mga ahas ko." Mas lalo pang naging agresibo ang mga ahas ni Serapin, ngayon ay talagang winawasak na nito ang lahat ng madaanan. Huminto ako at nag karga ng enerhiya sa aking medalyon. Nag liwanag ang aking katawan habang iniipon ang aking lakas. Ang lahat ng liwanag na iyon ay gumapang patungo sa aking dibdib at noong malapit na ang mga ahas ni Serapin ay binuga ko ito sapat para tamaan ang aking target! Nag labas ito ng kulay pulang liwanag, nag liliyab na animo apoy! Natupok ang mga ahas sa paligid dahilan para bumalik sa normal ang mga daliri ng kalaban. Lumikha ng pag yanig at pag sabog ang aking ginawang pag atake. Umangat rin ang tubig sa karagatan at tumapon ito sa sea wall na ikinatakot ng lahat. Noong maka kuha ng pag kakataon kay muli akong sumugod kay Serapin. Hindi naman siya nag pasindak sa akin. Sinalubong niya ako ng buong tapang at mula dito ay nag bago ang anyo ng kanyang katawan, naging isang dambuhalang ahas ito. Sinunggaban niya ako kaya naman sinalo ko ang kanyang bibig upang hindi ako makain. Umusad ang aming katawan at humampas ito sa mga gusali sa paligid dahilan para mag kasira ang lahat. Ang mga tao ay nag takbuhan sobrang takot. Pilit na isinasara ni Serapin ang kanyang bibig ngunit naka hawak ako sa kanyang dalawang higanteng pangil habang nag aapoy ang aking katawan. Ang higanteng porma ni Serapin ay sobrang mapanira, halos mag kasugat sugat ang aking likuran habang pilit niya akong inihahampas sa paligid. Noong makahanap ng pag kakataon ay mabilis akong bumitiw at umalis sa kanyang bibig. Muli kong inipon ang enerhiya sa aking dibdib at ibinuga ito sa kalaban. Isa.. dalawa.. tatlo.. apat.. lima! Limang beses na malalakas na enerhiya ang aking pinakawalan.. Yumanig at nagiba ang mga lupa sa paligid. Nag angatan ang mga bato sa ere dahil sa malakas na pwersa.. Tinamaan si Serapin at sumadsad ang kanyang higanteng porma sa kalayuan. Ako naman ay nawala sa balanse kaya't tumilapon rin ang aking katawan pa bagsak sa lupa. "Nardo! Ayos ka lang ba?!" ang sigaw ni Cookie noong tumatakbo ito patungo sa akin "A-ayos lang ako. Nasaan si Bart?" tanong ko habang bumabangon "Nadoon siya sa likod ng gusali. Sa tingin ko ay maayos naman ang kanyang kalagayan, pero nang hihina pa rin ito." ang sagot ni Cookie "Bumalik kana doon, ilayo mo si Bart hanggang sa makakaya mo dahil kakainin siya ni Serapin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan siya." ang utos ko at habang nasa ganoong pag uusap kami ay bigla nalang sumulpot ang higanteng ahas sa aming likuran. Itinulak ko si Cookie palayo upang hindi na siya madamay pa.. Isang malakas na suntok ang iginawad ko sa kalaban ngunit hindi ito natinag. Sinubukan ko ring hilahin ang kanyang buntot at itapon ito sa malayo ngunit sa tuwing gagawin ko ito ay lumilingis lamang sya paikot sa mga gusali kaya naman nabibigo akong ilayo ang kanyang katawan. Noong mga sandaling iyon ay naging magulo sa buong siyudad. Ang muling pag labas ni Serapin ay nag dulot ng kakaibang takot at pag kasindak sa mga tao sa paligid. At kada pag atake na aming ginawa sa isa't isa ay tiyak na may nasisira o sumasabog. Muli akong lumipad, at sa ikatlong pag kakataon ay inipon ko ang aking enerhiya. Halos nangangatog na rin ang aking katawan dahil bihira kong gamitin ang medalyon sa aking dibdib dahil batid kong kumukonsumo ito ng matinding lakas ng aking katawan. Noong akmang ibubuga ko sa kanya aking pag atake ay bigla na lamang may bumukas ang bibig ni Serapin at dito ay lumabas ang isang ahas na kakaiba ang kulay at anyo. Kulay pilak ang ahas na iyon ay mabilis na sumibat sa aking kinalalagyan. Naantala ang aking pag atake dahil sa aking pag iwas. Ngunit dumikit sa aking braso ang ahas at mabilis itong pumalupot sa aking katawan. Pinigil nito ang aking pag kilos at kahit ano pang gawin kong pag kukumawala ay nabibinat lamang ang ahas na parang isang matibay na goma. Kinagat ng pilak na ahas ang aking leeg at dito ay naramdaman ko ang pag baba ng aking enerhiya. Ang aking katawan ay unti unting bumagsak sa lupa. At kasabay nito ang pamamanhid ng aking mga binti at braso. Nanatili akong naka dapa sa lupa, iyon ang pag kakataong hinihintay ni Serapin, gumapang siya patungo sa akin dahilan para makaramdaman ako matinding kaba dahil sa ganitong kalagayan ay tiyak na wala akong laban! Patuloy siya sa pag gapang at noong malapit na sa aking kinalalagyan at bigla itong lumiko sa direksyon kung saan naroroon sina Bart at Cookie! "Wag!! Ako ang harapin mo!!!" ang sigaw ko habang pilit kumakawala sa aking pag kakagapos. Pilit kong iniusad ang aking katawan na parang uod upang masundan si Serapin. Mabilis na lumiko ang higanteng sawa sa sirang gusali kung saan naroroon sina Bart at Cookie. Pilit akong tumayo ngunit hindi ko pa rin magawa. Lahat ng aking natitirang lakas ay ibinuhos ko sa pag wasak sa ahas na nakapalupot sa akin ngunit nabibinat lamang ito at mas lalo pang humihigpit kapag bumabalik. Maya maya ay isang malakas na sigaw mula kay Cookie ang aking narinig. At noong iangat ni Serapin ang kanyang ulo ay kagat kagat na nito si Bart! Inihagis niya sa ere ang katawan ni Bart.. Para itong slow motion sa aking paningin.. Ibinuka niya ang kanyang maluwang na bibig at sinunggaban ang katawan ng walang kalaban labang biktima.. Kitang kita ko kung paano niya kainin si Bart, ang kamay nito ay naputol pa at na bumagsak sa aking harapan.. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD