Part 16: Kamandag sa kamandag

1688 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Oct 20, 2018   Maya maya ay isang malakas na sigaw mula kay Cookie ang aking narinig. At noong iangat ni Serapin ang kanyang ulo ay kagat kagat na nito si Bart! Inihagis niya sa ere ang katawan ni Bart.. Para itong slow motion sa aking paningin.. Ibinuka niya ang kanyang maluwang na bibig at sinunggaban ang katawan ng walang kalaban labang biktima.. Kitang kita ko kung paano niya kainin si Bart, ang kamay nito ay naputol pa at na bumagsak sa aking harapan.. Part 16: Kamandag sa Kamandag Tumulo na lamang ang aking luha habang naka tingin sa putol na braso ni Bart. Ang kamay na iyon ay ang parating humahaplos sa aking pisngi, ang parating humahawak sa aking kamay sa tuwing ako ay nasasaktan at nalulungkot. Si Bart, ang taong pinag alayan ko ng aking buhay at pag mamahal.. Tahimik.. Halos wala akong marinig kundi ang mabilis na t***k ng aking puso.. "BART!!!! Hindeeeee!!!" ang sigaw ko noong bumalik sa normal ang aking ulirat. Si Cookie naman ay nag kakadarapa sa pag takbo patungo sa akin. Humagulgol ito ng pag iyak. Ang katawan ay nanginginig sa matinding takot. "Kinain si Bart! Wala na siya!!" ang sigaw nito sabay kuha ng palakol na hawak na tinulungan niya akong hiwain ang gomang ahas na naka palupot sa akin. Nanatiling naka pako sa kanyang kinalalagyan ang dambulang ahas na para bang ninamnam niya ang katawan ni Bart na ngayon ay nasa kanyang sikmura na. Nag tagumpay siya sa kanyang nais na mabawi ang kanyang kapangyarihan kaya batid kong magiging mahirap na ang lahat mula dito. Patuloy akong kumawala mula sa nakagapos sa aking katawan. Si Cookie ay halos mag kasugat sugat na rin sa ginagawang pag tulong sa akin ngunit hindi pa rin ito bumibitiw sa pag kaka kagat sa aking leeg. Hindi pa rin gumagalaw si Serapin.. Maya maya ay nag simula nang lumiwanag ng husto ang kanyang katawan. Ang kanyang tiyan ay napuno ng kulay berdeng sinag at maya maya ay nabiyak ito. Hindi namin alam kung parte ba ng pag babago ni Serapin ang nangyaring pag kahati ng kanyang tiyan at mula sa hati na iyon ay lumabas ang isang nag liliwanag na nilalang. Pilit naming pinag masdan ni Cookie ang kaganapan kay Serapin hanggang sa makita namin kung sino ang lumabas sa katawan ng dambuhalang ahas. "Si Bart! Buhay siya!" ang sigaw ni Cookie Hindi ako makapaniwala na buhay si Bart, ngayon ay kakaiba na rin ang kanyang anyo. Ang kanyang mata ay katulad ng kay Serapin, ang kanyang braso ay may kaliskis at gayon rin ang kanyang dibdib. May pangil ang kanyang bibig at balot siya ng kakaibang berdeng sinag sa katawan. Mula sa higanteng ahas ay muling bumalik sa normal ang katawan ni Serapan, duguan ang tiyan nito at gayon rin ang kanyang bibig. "Hayop ka Bart! Ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko!" ang sigaw nito. Nakangisi lang si Bart na animo isang demonyo. At maya maya ay nag bago ang anyo nito. Naging isang dambuhalang ahas rin na ganoon kay Serapin. Nag bago rin ang anyo ni Serapin at bumalik ito sa kanyang higante sawa na porma. Kulay Berde si Bart samantalang si Serapin ay kulay pula. Mula dito sa aming kinalalagyan ay makikita na agad ang pag kakaiba ng dalawang ahas. Nag lingkisan ang dalawang higanteng nilalang, mapanira ang kanilang ginawang kabanan, mag kapalupot ang kanilang mga katawan at pilit na sinasakal ang kalamnan ng isa't isa. Mistulang isang epikong pelikula ang nasasaksihan ng lahat, tiyak na hindi maniniwala ang iyong mata kung maka kita ka ng dalawang dambuhalang sawa na nag lalabanan habang nag kakagiba ang mga gusaling nasasagi ng kanilang mga katawan. "Bakit naging ahas rin si Bart? Paano nangyari iyon?" tanong ni Cookie "Dahil taglay ni Bart ang kapangyarihan ni Serapin, ito ang ginamit niya upang ipag tanggol ang kanyang sarili." ang sagot ko naman habang patuloy na kumakawala sa naka bigkis sa aking buong katawan. Nag patuloy ang labanan ng dalawang sawa, lumingkis ang pulang ahas sa katawan ng berdeng ahas at sinakmal ito sa ulo. Bumaon ang kanyang pangil ang sa ulo ni Bart at tumilamsik ang dugo mula dito. Ngunit hindi naging ganoon kadali kay Serapin ang lahat dahil ginamit ni Bart ang kanyang buntot upang lingkisin nag leeg ng kalaban. Bumitiw mula sa pag kaka kagat si Serapin at dito ay naka hanap ng tiyansa si Bart na lumingkis at sakmalin ang ulo ng kalaban. Sa pag kakataong ito ay lamang ang berdeng sawa. Nag patuloy ang kanyang pag lingkis, mas lumihigpit, mas pumapalupot sa katawan ng kalaban hanggang sa makarinig kami ng kalatok ng mga buto mula sa katawan ng pulang ahas at maya maya ay lumungayngay na ito. Bumagsak ang pulang ahas sa lupa, nakalabas ang dila at halos bali bali ang katawan. Muli bumalik sa dati ang katawan ni Serapin, ngunit sa pag kakataong ito ay halos wala na itong buhay. Agad na lumapit sa kanya ang berdeng sawa, sinakmal nito ang katawan ni Serapin at itinapon sa ere katulad ng ginawa sa kanya kanina. Habang nasa ere ang katawan ni Serapin ay sinakmal ito ni Bart, kinain niya ang katawan at naputol ang ulo nito na lumagapak sa lupa. Napatakip ng bibig si Cookie at nasuka ito sa nasaksihang pag kain ni Bart sa katawan ng katunggali. Ang inaasahan ay si Serapin ang kakain kay Bart ngunit naging baligtad ang pang yayari. Ngayon ay si Serapin ang nakain at nasilat sa kanyang sariling patibong.. Noong makain niya ang katawan ni Serapin ay kusang nawala ang ahas na nakapalupot sa aking katawan at nanumbalik ang aking lakas. Kasabay nito ang pag babalik ni Bart sa kanyang taong porma, naka hubad ito at naka suot ng sirang pantalon, ang kanyang katawan ay mas lalo pang lumaki, ang braso ay galit na galit at gayon rin ang mga muscles niya sa balikat. Lumakad siya patungo sa putol na ulo ni Serapin, kinuha niya ito at saka kinain na parang isang karne. Isinahod niya sa kanyang dila ang dugo mula sa pugot na ulo at saka ninamnam ito bago niya tuluyang sinakmal ang buong mukha. Tuluyang nasuka si Cookie tila hindi kinaya ang kanyang sikmura ang mga kaganapang nasaksikhan.. Tumagal ng ilang sandali ang ginawang pag kain ni Bart sa natirang parte ng katawan ni Serapin. Unti unting nawala ang kaliskis sa kanyang katawan at bumalik ito sa normal. Nasa ganoong posisyon siya noong biglang mag sulputan sa kanyang paligid ang mga hukbong militar ng bansa. Daan daang sundalo ang naka palibot sa kanya at mayroon pang dumarating mula sa himpapawid. Agad akong lumipad sa kinalalagyan ni Bart upang pigilan ang mga sundalo at pulis. "Huwag! Hindi siya masamang tao!" ang sigaw ko. "Nardo, tumabi ka dyan! Isa siyang halimaw na nag dulot ng grabeng pinsala sa buong siyudad!" ang sigaw ng commander pero hindi ako natinag. "Hindi! Nag kakamali kayo hindi siya kalaban! Huwag kayong mag papa putok!" ang pag pigil ko ngunit hindi ako pinakinggan ng mga ito. Ikinumpas ni Commander ang kanyang kamay at lahat ng baril ay itinutok sa kinalalagyan ni Bart. Makikita mo ito sa dami ng laser na tumatama sa kanyang katawan. Isa pang kumpas at nag simulang mag paputok ang mga ito. Umulan ng bala sa aming paligid ngunit sinangga ko ito gamit ang aking kalasag sa braso. Wala ni isang bala ang tumama kay Bart, lahat ay nagawa kong pigilan. Isang beses pang ikinumpas ng commander ang kanyang kamay at muli nanamang umulan ng bala sa aming kinalalagyan. Pero katulad kanina ay sinangga ko lang rin ang lahat ng ito, kahit daan daang bala iyon ay madali pa ring habulin. "Tama na!!! Hayaan nyo nalang siya! Hindi niyo ba ako nauunawaan? Hindi siya masamang tao!" "Hindi naman talaga siya isang tao kundi isang halimaw!" sigaw ng isa. "Kayo ang mga halimaw! Kayong mga sarado ang isip at nakikinig lamang sa utos ng nakatataas. Mga hayok sa kapangyarihan at mga bahag ang buntot!" ang sagot ko Muling nag pa putok ng baril ang mga pulis sa aming likuran kaya naman hindi na ako nakapag pigil, lahat sila ay hinipan ko dahilan para mag liparan ang kanilang katawan paalis sa kanilang kinalalagyan. Agad kong inalalayan si Bart at lumipad kami palayo sa kanila. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin lalo't sa aking pag lipad naka buntot ang sasakyang pang hihimpawid ng mga militar, sa lupa naman ay hinahabol kami ng mga sasakyan ng sundalo. Napuno ng wang wang ang buong sentro na para bang mayroong gera at sa pag kakataong ito ay ang mga sandatahang militar ng bansa ang aking kalaban, mga taong pinag tatanggol ko sa lahat ng pag kakataon. Sa mga taong pinag bubuwisan ko ng aking buhay para lamang maging ligtas. Habang nasa ganoong pag lipad ako ay inaasinta pa rin ako ng baril ng mga eroplanong nag kalat sa paligid. Ngunit hindi ko sila pinansin, ang mahalaga ay mailayo si Bart at maging ligtas ito.. Makalipas ng ilang minutong pag lipad at ibinaba ko si Bart sa paanan ng isang bundok. Hinang hina ang kanyang katawan at halos hindi na makatayo ng maayos. "May masakit ba sa iyo? Nauuhaw ka ba?" ang tanong ko sa kanya Tumingin siya sa akin at tumango "Iwan mo na ako dito." ang wika niya "H-hindi, hindi kita iiwan Bart. Nangako ako na hinding hindi kita bibitawan. Ayoko." ang tugon ko "Narding, kalimutan mo na ang pangakong iyon. Ngayon ay isa na akong ganap na halimaw, nananalatay sa aking ugat ang kapangyarihan ng kadiliman. Hindi na ako maaaring manatili pa sa iyo." ang tugon niya "Bakit hindi? Hangga't kaya mong kontrolin ang iyong isip at katawan ay wala tayong magiging problema. Please naman." wika ko sabay haplos sa kanyang mukha. Iniwas niya ang kanyang pisngi mula sa aking pag haplos. "Huwag, baka masaktan kita. Iwan mo na ako dito at humanap ng ibang lalaking mag papasaya sa iyo. Patawad ngunit hindi ako ang taong para sa iyo." ang seryosong wika niya habang naka tingin sa akin ng tuwid. Mga katagang nag dulot ng kakaibang kirot sa aking puso.. Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD