Part 8: Hudyat

2234 Words
PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."     Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi   Sa isang malakas na delubyo ay nakatagpo ako ng maliit na pag asa, at iyon ay ang liwanag sa aking mga kamay. Nag tatakbo ako at sinuong ang malakas na hanging sumisira sa buong paligid. At habang nasa ganoong pag hakbang ako ay unti unting nag liyab ang aking damit, nag liwanag ang aking balat. Sa gitna ng walang hanggang kadilimang iyon ay ang tanging liwanag ko lamang ang tiyak na nasisilayan. Habang nasa ganoong pag takbo ay siya namang pag tama ng kidlat sa katapat kong gusali dahilan para sumabog ito at kasabay doon ang pag liliyab ng aking katawan. Hinawakan ko ng mahigpit ang bato at inilagay ito sa aking bibig.. Naka ukit na sa ating tadhana na tayo ay daraan sa maraming pag subok ngunit kahit ano pa man ang ipukol nito ay may laban tayo.   Part 8: Hudyat Nilunok ko ang bato at sumigaw.. "NARDO!!" muli kong binigkas ang pangalan ng anghel upang taglayin ko ang kanyang lakas at kapangyarihan. Binalot ng kasalag ang aking katawan, bumalik ang gintong ibon sa aking ulo, ang mga kalasag sa aking braso at dibdib ay patuloy na nag liliwanag. Umangat ang aking mga paa sa lupa at sumibat ako ng pag lipad sa kalangitan dahilan para mag hiyawan at mag palakpakan ang mga tao sa ibaba. "Narding, ngayon ay naka tingala ang lahat at pinag mamasdan ang iyong liwanag, isabog mo ang apoy ng pag asa at muling ibalik ang kapayapaan sa iyong lupain." ang boses ng Anghel. Mabilis akong lumipad sa kalangitan kung saan palala ng palala ang kondisyon. Ang bawat kidlat na sumasalubong at tumatama sa aking katawan ay sinasangga ng aking kalasag bilang proteksyon. Kapansin pansin na kakaiba rin ang anyo ng atmospera sa mga sandaling ito hindi katulad sa mga normal na araw na maaliwalas at asul ang kulay kahit gabi. Ngayon ay kulay kahel ito, may parteng mapula at may parteng berde na hindi mo mawari. Kakaiba kung iyong pag mamasdan. Marami na akong bagyong sinuong ngunit ang isang ito ay napaka extra ordinaryo. Nag desisyon akong lumipad patungo sa pinaka mata ng bagyo kung saan palakas ng palakas ang pwersa ng pinag halong hangin, kulog at kidlat. At habang nasa ganoong pag mamasid ako ay parang mayroong mali, may kakaibang bagay na naliliwanag sa pinaka mata ng bagyo kaya naman agad akong lumipad patungo sa malaking butas nito. "Narding, mag iingat ka. Ang bagyong iyan ay hindi produkto ng kalikasan, iyan ay gawa lamang ng isang bisita mula sa malayong lugar." ang wika ng Anghel "Tama ang hinala ko, ang malabong imahe sa gitna ng mata ay isang sasakyang pandigma, hindi ito makikita ng ordinaryong satellite o kahit na sino pa dahil gumagamit sila ng espesyal na teknolohiya na maaari silang ikubli bilang imbisibol." ang tugon ko habang mabilis na lumilipad palapit dito. Habang nasa ganoong pag lipad ay isang malakas na liwanag na animo laser ang sumalubong sa akin, batid kong galing ito doon sa sasakyan sa gitna ng bagyo. Sinangga ko ito gamit ang aking kalasag sa braso. Ilang mag kakasunod na pag atake pa ang kanilang ginawa kaya't parehong taktika ng pag sangga lamang rin ang aking isinukli. Noong maka kuha ng pag kakataon ay inipon ko ang lakas sa aking katawan at iniligay ito sa medalyong naka kabit sa aking dibdib. Nag liwanag ito ng husto at bumuga ng kakaibang pwersang sumibat patungo sa kalaban. Tinamaan sila dahilan para masira ang barrier sa paligid ng kanilang sasakyan at kasabay ng pag kawasak nito ay ang pag labas ng kanilang tunay imahe. Kung kanina ay imbisibol ang naturang space ship, ngayon ay nakikita ko na ito ng mas malinaw. Hugis parihaba ito, ang paligid ay parang yari sa isang itim na metal na nag liliwanag ang bawat simbolong naka ukit sa haligi nito. Nakipag palitan sa akin ng atake ang sasakyang pandigma, ang bawat pag baril ng laser sa kanilang sasakyan at buong lakas kong sinasalo at sinasangga, pag katapos ay ako naman ang aatake hanggang sa umalis ito sa gitna ng mata ng bagyo at mag tangkang tumakas. Hinabol ko sila, paikot ikot kami sa orbit ng daigdig patungo sa buwan. Dito ay bumaba ang umuusok na sasakyang pandigma nila kaya naman bumaba rin ako upang makipag tunggali kung kinakailangan. Tumayo ako sa harap ng kanilang sasakyan habang naka tanaw ng tuwid dito. Samantalang may lumabas namang pulang liwanag sa gilid nito at tumama iyon sa akin, tila ba isang laser na pilit sinusuri o iniiscan ang aking katawan habang nasa ganoong pag tayo. Tahimik.. Hinayaan ko lang sila.. "Anong kailangan ninyo? Bakit ninyo sinisira ang aming mundo?" ang tanong ko. Bumukas ang pinaka itaas ng sasakyan at lumabas dito ang isang nilalang na naka usot ng makapal na armor ang katawan na parang ganoon kay predator ang kanyang datingan. Lumukso ito ng malakas at bumagsak sa aking harapan. Hindi naman ako nakatinag sa pag kakatayo at hinintay lamang ang kanyang sagot sa aking tanong. Lumakad ang nilalang sa aking harapan at pinindot niya ang buton sa kanyang helmet dahilan para mag bukas ito. Ang mukha ng nilalang na bumaba sa pandigmang sasakyan na iyon ay walang pinag kaiba sa anyo ng isang ordinaryong tayo, iba lamang ang kulay ng kanyang balat dahil kulay asul ito at ang kanyang mata ay kulay puti. Mayroon siyang dalawang mata, tainga, ilong at labi na parang kaparehas ng pag kakahulma sa mga taga planetang Earth. Patuloy siyang lumakad sa aking harapan at nag salita. "Ikaw ba ay kapanalig o katunggali?" tanong niya. "Ako ay kapanalig ng mundong inyong sinisira at katunggali ako ng mga dayuhang nang gugulo sa aming tahimik na pamumuhay." ang taas noong tugon ko. "Kakaiba ang teknolohiya ng iyong kalasag. Paano nag karoon ng ganyang sandata ang isang taong nahihirahan sa inyong planeta?" tanong niya "Ito ay isang biyayang ipinag kaloob sa akin upang hadlangan ng mga katulad ninyong dayuhan na nag tatangkang manira at manggulo sa aming mundo." sagot ko. Lumakad siya at tumingin sa aming daigdig. Unti unting nag laho ang bagyo dito. "Ngunit ang aming ginawang aksyon ay para sa nakakarami. Ako si Cacius ang kapitan ng sasakyang pandigmang iyan. Galing kami sa planetang Tunyang  na nasa malayong galaxy. Naparito kami sa inyong daigdig upang hanapin ang dalawang sagradong kapangyarihan at upang itago ito laban sa mga masasamang planeta na maaaring gamitin ang lakas nito sa pag wasak sa kalawakan. Ang dalawang sagradong kapangyarihan ay ang pag aari ng sinaunang nilalang o kung tawagin ay Diyos. Ang kanyang kapangyarihan ay inihimlay niya sa inyong lupain bago siya mawala sa espasyo at oras. Maraming taon na ang nakalilipas mag buhat noong bumuo kami ng isang samahan na ang layunin ay kuhanin ang sagradong kapangyarihan sa inyong mundo at i seal ito sa lugar na hindi mahahanap o mararating ninuman. Ang aming samahan ay binubuo ng 5 planeta. Ang mga planetang Fupyo, Hagal Hagal, Degak, Guryon at ang aming planetang Tunyang. Kaming 5 ay nag pasyang mag tungo sa inyong daigdig upang wakasan ang kasaysayang ng matandang kapangyarihan. Sa tulong ng mga taga Guryon na bihasa sa pag gamit ng worm hole at time travel ay madali kaming nakarating sa inyong galaxy. Iyon nga lang ay dumaan kami sa butas ng karayom bago marakating dito dahil naka sagupa namin ang sasakyang pandigma ng pinaka makapangyarihang kapitan sa mga piratang pang kalawakan, siya si Juho, isa siya sa nag nanais makamit ang sagradong kapangyarihan na nakahimlay sa inyong daigdig. Nakipag digma kami sa grupo ni Juho hanggang sa napa bagsak niya ang tatlo naming kasamahan at tanging kami na lamang ng sasakyang pandigma ng Guryon ang nakarating dito."  ang salaysalay ni Cacius. Dito nag balik sa aking alala yung eksenang pag dalawa ng kakaibang nilalang noong nakaraang gabi. Ibig sabihin ay kapanalig niya ang nilalang na nag bigay sa akin ng mapa kung nasaan ang sagradong sandata. FLASH BACK "Mabuhay Earthlings, huwag kang mag alala dahil buhay pa ang kaibigan mo. Kinakailangan ko lamang gamitin ang katawan ng pangit na baklang ito upang mag kaunawaan tayo. Kami ay nag mula sa planetang Guryon na nasa malayong galaxy. Ang aming planeta ay ang isa sa pinaka mahuhusay sa pag gamit ng worm hole at time travel kaya't agad kaming nakarating dito upang mag bigay ng babala at isa pa ay kaibigan namin ang iyong Planeta. Dito sa planetang Earth naka himlay ang labi o kapangyarihan ng dalawang Diyos na may kakayahang gunawin ang mga planeta sa kalawakan. Ang ibang planeta ay hindi makapaniwala na dito pa sa inyong mahina at kulang sa teknolohiyang  planeta nahimlay ang pinaka malakas na enerhiyang iyon. Noong malaman ng nila ang tungkol dito ay agad sila pupunta upang kuhanin ang naturang kapangyarihan. Kami sa planetang Guryon ay nais lamang ng katahimikan sa kalawakan kaya agad kami nag tungo dito upang bigyan kayo ng isang babala. Nais sana naming tumulong ngunit ang aming sasakyang pang kalawakan ay nasira kanina lamang at ako na lamang ang natitirang buhay. Sa kalagayan kong ito ay batid kong hindi na rin ako mag tatagal kaya nais kong iwan sa iyo ang isang mahalagang mapa kung saan matatagpuan ang dalawang makapangyarihang enerhiya ng Diyos. Ang lahat ng aming teknolohiya ay ibinuhos namin sa mapang ito kaya hiling kong pag ingatan mo. Balang araw ay mauunawaan mo rin kung bakit sa iyo namin ibinigay ang mapa." ang wika niya sabay abot sa akin na isang metal na bilog na animo isang holen. "Iyan ang mapa, taglay nito ang impormasyon ukol sa kapangyarihan ng Diyos. At sa mga oras na ito ay tiyak na parating na rin dito ang ilang mananakop, pag igihan ninyo ang pag tatanggol sa inyong planeta, huwag ninyong hahayaang makuha nila ang alin man sa dalawang kapangyarihan dahil tiyak na magiging katapusan ng lahat." ang wika niya at doon ay huminga ito ng malalim na animo nahihirapan. "Sandali, sinong mananakop? Sino at saan sila nag mula?" ang tanong ko Itinuro niya ang kalangitan at ang pinaka maliwanag na bituin dito at saka unti unting binawian ng buhay. Ang kanyang katawan ay naging abo at sumama sa hangin. Wala akong nakuhang impormasyon kundi ang isang babala na galing sa kalawakan na mayroong nag babadyang masamang dayuhang nag nanais sa iisang kapangyarihan. Hindi malinaw sa akin ang lahat ngunit batid kong kailangan mag handa para sa ika bubuti ng lahat.   End of Flash back "Ngunit hindi na rin nag tagal ang mga taga planetang Guryon dahil wasak na rin ang kanilang sasakyang pandigma. Taglay ng mga taga Guryon ang mapa kung saan matatapuan ang sagradong kapangyarihan iyon ngunit bale wala na rin ito dahil wala na sila. Kami na lamang ang natitira sa aming samahan kaya't nag pasya kaming gamitin ang aming teknolohiya upang gumawa ng bagyo at wasakin ang iyong mundo upang isipin ng mga dayuhan na nakuha na ang kanilang sadya at wala na silang mapapakinabangan dito. Sa ganitong paraan ay wala nang makikinabang sa sagradong kapangyarihan at matatahimik na ang lahat." ang wika niya. "Ngunit mali ang inyong ginawa dahil may buhay rin kami katulad ninyo. Oo nga at mas advance ang kakahayan ninyo kaysa sa amin pero hindi ibig sabihin noon na maaari nyo na kaming wakasan na parang isang mikrobyong naka lutang dito sa kalawakan. Huwag na huwag ninyong isasayad ang inyo ng mga palad sa aming lupain dahil ako mismo ang mag aalis ng inyong mga buhay." ang seryoso kong sagot. "Nabigo kami sa aming misyon at kalakip nito ang pag babago ng lahat." ang wika niya habang naka tingin sa mga bulalakaw na bumabagsak sa aming paligid. "Bulalakaw.." ang bulong ko habang naka tingin dito. Ang bawat bulalakaw na iyon ay bumabagsak sa aming mundo dahilan para manlaki ang aking mga mata. "Tama ka, ang mga iyan ay mga dayuhan, ngayon ay naka pasok na sila sa inyong planeta. Ang lahat ay magiging mahirap na mula ngayon." ang wika ni Cacuis sabay lundag pabalik sa kanyang sasakyan. Mabilis na sumibat palipad ang kanilang sasakyan at lahat ng makasalubong nilang kometa ay pinapasabog nila. Hindi na rin ako nag aksaya ng panahon, hinabol ko ang ilang bulalakaw na bumabagsak sa aming mundo at sinubukan kong wasakin ang mga ito. Sa malayo ay mukha silang kometa ngunit ang mga ito ay parang mga capsule na iba't iba ang hugis na nag lalaman ng kakaibang nilalang mula sa kalawakan. Ang ilang sa mga ito ay pinasabog ko at ang ilan naman ay hindi ko na nahabol pa. Matapos noon ay pansamantala akong nakalutang sa pinaka labas ng mundo. Pinag mamasdan ko ang itsura at ganda nito, nakaka takot lamang isipin na baka dumating ang oras na tuluyang masira ito dahil sa pang aabuso ng mga tao o ng mga dayuhan mula sa dako pa roon. Gayon pa man ay hindi ko hahayaang mauwi sa malagim na katapusan ang lahat, gagawa ako ng paraan upang wakasan ang lahat ng ito, hindi ko alam kung paano, saan o kailan ngunit ang lahat ay mag sisimula sa isang hakbang pasulong kalakip ang tibay ng puso. Itutuloy..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD