Ang Tadhana ni Narding
Book 2
AiTenshi
Part 7: Delubyo
"Ayos ka lang ba Bart?" ang tanong ko habang ginamot ang mga sugat niya. Matapos ang engkwentro namin kay Pablo ay dumiretso agad kami sa ospital upang ipagamot ang aming mga sugat, halos lahat kami ay nag tamo ng malalim na kalmot at galos dulot ng pakikipag sagupaan sa halimaw. Ngayon ay napatunayan namin na siya ay isang alagad ng dilim at dapat na itong iwasan.
"Ayos lang ako, kayong dalawa talaga gagawa lang kayo ng kalokohan ay iyong tumpak pa. Sapul na sapul e. Gago." ang wika ni Bart
"Ikaw Cookie ayos ka lang ba?" tanong ko naman habang nakatulala ito. "Huwag mo na tanungin iyang kaibigan mo dahil tulog na siya." ang wika ni Bart
"Oo nga pala, nakalimutan ko na kung minsan ay naka dilat talagang matulog si Cookie. Naalala ko nga noong nag part time siya bilang security guard doon sa pawn shop ng kaibigan niya, ang akala nila ay mag damag gising si Cookie dahil naka dilat ito, pero ang totoo noon ay tulog talaga siya."
"Nakatulog siya sa matinding pagod at pag kabigo." wika ni Bart.
"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo dahil baka nag aalala na sila Papa sa amin." tugon ko naman.
"Naku hijo malabo kayong makauwi dahil parating na ang ngayon ang bagyo. Yung mga tao sa ibang lugar ay lumikas na, maganda ang pag kakatayo ng gusaling ito kaya mainam pang dumito nalang muna kayo." ang wika ng doktor.
Natahimik ako at napatingin sa labas ng bintana kung saan umiihip ang malakas na hangin, ang mga kidlat ay tumatama sa mga poste at puno bagamat hindi pa naman bumuhos ang malakas na ulan. "Siguro nga ay dumito na lang muna tayo. Tatawag na lamang ako sa bahay upang kamustahin sila." bulong ko habang ang atensyon ay nasa labas.
BREAKING NEWS:
Mga kaibigan konpirmado na nga ang pag laland fall ng naturang bagyo ngayong gabi. At ngayon ay nasasaksihan natin ang malakas na hagupit ng hangin na may kakayahang sirain ang mga gusali sa buong paligid. Halos wala na ring natirang mga puno dahil naputol na ang mga ito.
(Humangin ng malakas at nabuwal si Liza Mae, pagulong gulong ito sa kalsada)
"Mam Liza, tama na po mam, umalis na tayo dito." ang wika ng Cameraman niya
Bumangon si Liza Mae "Hindi tayo aalis! Bagyo lang ito, ako si Liza Mae Lawit remember? Ngayon pa ba tayo aatras? Marami na tayong mga pinag daanan, mga aliens, aswang, maligno, multo, kulto at mga terorista. Bagyo lang itooooo! Hindi ako papayaaaaggg!" ang sigaw ni Liza habang naka kapit sa isang puno.
"Rolling ang camera mam Liza, sige mag report na kayo!" ang sigaw naman ng Cameraman
Hinawakan ni Liza ang mic habang tinatangay siya ng hangin. "Ngayon mga kaibigan ay palakas ng palakas ang delubyong ito, pinapayuhan ang mga madlang people na lumikas na at mag tago sa ligtas na lugar. Mag dasal tayo at humingi ng tulong sa Panginoon. Hindi tayo maibubuwal ng bagyong ito dahil malakas tayo!! Ako po si Liza Maee, Lizaa Maeeee La- wit!! Nag uulat!!!"
Na cut na ang report dahil bigla na lamang lumipad ang camera..
End of Report
"Bayani talaga iyang si Liza, nag buwis siya ng buhay para lang makapag bigay sa atin ng dekalidad na report." ang mangiyak ngiyak na wika ng mga nurse ang iba ay nag punas pa ng luha.
Noong mga sandaling iyon ay nag simula na ang matinding pag hagupit ng bagyo, ang mga maliliit na bahay ay tinangay na parang mga papel, dumagsa na rin ang mga sugatang dinadala dito sa loob ng pag gamutan kaya naman halos mag siksikan na kami dito sa gusali.
Isang malakas na kulog at kidlat ang tumama kung saan..
Natili si Cookie dahil nagulat ito at kasabay noon ang pag kawala ng kuryente sa buong ospital kaya naman ang limitadong power supply na lamang ang ginamit nila para paandarin ang ibang aparato.
"Kanina ay halimaw ang kalaban natin, ngayon naman ay isang malakas na delubyo. Nakakaloka na itooo!" ang sigaw ni Cookie habang naka takip ang tainga.
Dahil sa lakas ng hangin ay isa isang nabasag ang mga salamin sa gusali, ang mga maliliit na sasayan sa labas katulad ng motor at bisekleta ay tinangay rin pasama sa malakas na hanging umiikot sa paligid. Ang mga bubong mga kalapit na gusali ay halos mawala na sa ayos hanggang sa tuluyan nang bumigay. Kasabay nito ang pag papanic mga tao sa loob ng ospital. Ang ilan ay nag sumisik sa isang sulok at nag dasal, ang ilan naman ay umiyak nalang habang nag aabang ng milagrong darating.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang pag tunog ng emergency broadcast system sa buong siyudad hudyat ng pag taas ng tubig sa dagat na posibleng umakyat at puminsala sa bahaging kalupaan. Lalo lamang natakot ang mga tao noong mag simulang pumasok ang tubig sa loob ng gusali kung saan kami naroroon.
Patuloy pa rin ang pag kulog, kidlat at pag hagupit ng hanging may kasama malakas na ulan..
Nawalan na ang signal..
Nawalan na rin ng power supply..
"Ayos lang ba kayo?!" ang tanong ni Bart na ginawang flash light ang kanyang cellphone
"Ayoko pang mamatay! Jusko! Narding gumawa ka ng paraan!!" ang pag iyak ni Cookie
"Hindi ko alam kung paano. Wala akong magawa!!" ang sagot ko naman na naramdam na rin ng matinding takot.
“Jusko, eto bato, lunukin mo na please!!” ang wika ni Cookie noong may nakita bato san aka display na halaman sa ospital.
Habang lumilipas ang segundo ay mas palakas ng palakas ang naturang delubyo, wala nang maririnig sa paligid kundi ang nangangalit na hagupit ng malakas na hangin, kulog at kidlat.
Hinala ako ni Bart sa ikatlong palapag ngunit habang nasa ganoong pag akyat kami ay bigla na lamang yumanig at mula dito ay unti unting naalis ang bubong ng ospital kung saan kami naka silong. Ang mga kisame nito ay parang karton na natuklap at ang mga pader ay nag bitak. Unti unting nabutas ang buong gusali hanggang sa wala na kami pamimilian kundi ang lumabas at lumipat ng masisilungan.
Pag baba namin sa ground floor ay laking gulat namin na hanggang bewang na ang tubig, naka kapit ako sa balikat ni Bart, si Cookie naman ay naka hawak sa akin. Hindi namin alintana ang mga naka lutang na bangkay sa tubig, ang mahalaga ay maka alis dahil tiyak na ang gusaling ito ay bibigay anumang oras.
Makalipas ang ilang sandali ay nakalabas kami sa gusali, mas malalim ang tubig dito dahil mababang lupa ang pwesto ng ospital, wala kaming nagawa kundi ang mag tungo sa pinaka sentro ng siyudad kung saan mataas ang mga kasalda at maraming mga gusaling maaaring silungan. "May matitibay na mall sa sentro, doon tayo mag tungo!" ang sigaw ni Bart na aming sinang ayunan.
Takbo kami patungo doon, hindi alintana ang malakas na hangin na tila lumalatigo sa aming mga katawan..
Pag dating namin sa sentro ng siyudad ay laking gulat namin na halos karamihan ng tao ay nandito, nag tatakbuhan at nag sisisikan kung saan saan. Para mga lupon ng langgam na binulabog at hindi malaman kung saan pupunta.
Naramdaman kong hinawakan ni Bart ang aking kamay. "Huwag kang bibitiw sa akin!" ang sigaw nito
Hinawakan ko rin ang braso ni Cookie. "Sama sama tayo! Walang hihiwalay!" ang sigaw ko rin.
Mag kaka kapit kaming nakisabay sa mga tumatakbong tao sa kalsada, para itong prosisyon ni Nazareno sa gulo at sa dami ng taong nag nanais na maligtas. Iyon nga lang ay walang direskyon ang kanilang nais marating dahil may ilang tumatakbo sa mag kakaibang direksyon.
Mahigpit ang aking kapit sa kamay ni Bart ngunit dahil sa dami ng taong sumisiksik ay nabitiwan ko ito at gayon rin si Cookie sa akin. "Bart!!! Barrrrtt!! Cookieeeee!!" ang sigaw ko.
"Narding!!! Heto ko!!" ang sigaw ni Bart habang nakakaladkad ang katawan sa lupon ng maraming palayo sa akin. "Mag kita tayo sa mall! Doon sa Central Mall!!" ang sigaw pa niya habang tinatanggay ng mga taong nag tatakbuhan.
Patuloy pa rin ang pag lakas ng ulan at hangin. Maya maya ay mag kakasunod na kidlat ang tumama sa mga gusali dahilan para sumabog ang mga ito at masunog.
Tumunog rin ng malakas ang emergency broadcast system sa di kalayuan. At ang lahat ay napahinto sa pag galaw noong masilayan na unti unting tumataas ang alon sa dagat. Panandaliang nawala sa ulirat ang lahat dahil sa matinding takot.
At maya maya ay biglang nag sigawan. "Tsunami!! Mamatay na tayo lahat!!" ang sigaw ng isang lalaki dahilan para mag kagulo na sa buong paligid. Kinaladkad muli ang aking katawan palayo sa direksyon na aking pupuntahan. Hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nakadapa sa lupa at patuloy na tinatakapan ng mga taong balot ng takot ang mga puso.
Nag pumilit akong tumayo, bagamat nanakit ang aking likuran, pakiwari ko ay nabugbog ng husto ang aking katawan sa dalas ng aking pag kakadapa.
Nanatili akong nakatayo sa aking kinalalagyan at kasabay ng malakas na pag kulog ay ang aking pag sigaw. Inipon ko ang pwersa sa aking dibdib at inilabas ito bilang isang malakas na tinig. "TULONG!! NARDOOOO!!! NASISIRA NA ANG MUNDO KO!! SAKLOLO!!!" ang sigaw ko na may halong pag papalahaw ng iyak. Ang aking tinig ay may takot, may lungkot at balot ng pangamba.
Ngunit wala..
Wala akong nakuhang sagot mula sa itaas, muli lamang akong nabunggo ng mga taong nag tatakbuhan kaya naman sa ikatlong pag kakataon na pasadsad ako sa lupa.
Isang malakas na pag yanig ang naramdaman ng lahat at kasabay noon ang unang pag salpok ng malakas na alon sa buong siyudad. Hindi ito umabot sa aming kinalalagyan dahil mataas na lupa ang sentro ngunit nakaka kilabot ang hiyawan at mga boses ng panaghoy sa lugar kung saan tumama ang malaking alon.
Wala akong nagawa kundi ang tumakbo at huwag nang umasa sa kapangyarihan na maaaring ibigay ng langit.
Magulo pa rin ang buong paligid at isang malakas na pag yanig nanaman ang naramdaman sa kalawang pag kakataon, kasabay nito ang pag tama ng malalakas na kidlat sa iba't ibang direksyon. Lalo ring lumakas ang hangin kaya ang iba ay walang nagawa kundi ang kumapit at itali ang sarili sa lugar na hindi sila matatanggay.
Patuloy ako sa pag takbo upang mabuhay at habang nasa ganoon pag hakbang ako ay naramdaman kong nag init ang aking palad at kasabay noon pag liliwanag nito.
Napahinto ako sa pag lalakad at palingon sa langit. Suminghap ako at binigkas ko ang salitang "salamat".
Sa gitna ng maluwang na kalsada kung saan may nag tatakbuhang mga tao, inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa kasalungat na direksyon. Muling nag balik ang lakas sa aking katawan at gayon rin ang aking pananalig sa kaligtasan.
Sa isang malakas na delubyo ay nakatagpo ako ng maliit na pag asa, at iyon ay ang liwanag sa aking mga kamay. Nag tatakbo ako at sinuong ang malakas na hanging sumisira sa buong paligid. At habang nasa ganoong pag hakbang ako ay unti unting nag liyab ang aking damit, nag liwanag ang aking balat. Sa gitna ng walang hanggang kadilimang iyon ay ang tanging liwanag ko lamang ang tiyak na nasisilayan.
Habang nasa ganoong pag takbo ay siya namang pag tama ng kidlat sa katapat kong gusali dahilan para sumabog ito at kasabay doon ang pag liliyab ng aking katawan. Hinawakan ko ng mahigpit ang bato at inilagay ito sa aking bibig..
Naka ukit na sa ating tadhana na tayo ay daraan sa maraming pag subok ngunit kahit ano pa man ang ipukol nito ay may laban tayo.
Itutuloy..