Part 6: Pangil sa Dilim

2003 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 AiTenshi Part 6: Pangil sa Dilim   "Inaresto raw kagabi si Pablo dahil natagpuang patay ang kadate niya. Pero ang sabi nito ay nag hiwalay na sila agad pag katapos ang dinner kaya naka alis rin agad si Pablo. Saka hello, yung mukha na iyon? Papatay? Mas mukha pang mamatay tao yung chakang room attendant na karibal ko kay Pablo noh." ang wika ni Cookie habang kumakain kami ng tanghalian. "Teka saan ba galing iyang Pablo na yan? Gaano mo siya kakilala aber?" tanong ko naman. "Hindi ko siya masyadong noseline pinsan pero alam mo iyon, nakikita ko yung puso niya sa tuwing nakatingin ako sa kanyang mata. Ang sinasabi ng puso niya ay "Cookie! Cookie! Cookie!" ang hirit nito "Dahil dyan sa sinabi mo ay mas lalo akong naniwala na halimaw nga iyang si Pablo. O baka naman naka drugs yung puso niya kaya ikaw ang itinitibok nito." pang aasar ko Bumusangot siya. "Im sure mamaya ay lalabas nanaman iyang si Pablo, sundan natin siya para mag kaalaman na." "Sige, mabuti iyang naisip mo, ano kaya ang magiging reaksyon mo kapag nakita mong si Pablo ay isang halimaw.' "Hindi nga halimaw si Pablo, isa siyang mabuting nilalang ng Diyos at balang araw ay mag kakaroon kami ng maraming anak. Aanakan  niya ako, aasawahin, pupulutanin sa kama, pupunlaan ng kanyang malapot na t***d at mag kakaroon ng mga cute na cute na Cookie." "Cookie Monster! Iyon ang tawag sa anak nyo." ang pag aasar ko sabay tawa ng malakas. At iyon nga ang set up, alas 6 ng gabi noong nag handa kami ni Oven, siyempre ay hindi muna kami nag out sa trabaho dahil hinihintay namin ang pag labas ni Pablo sa hotel. "Oven, Narding, hindi pa ba kayo mag oout? Mukhang masama na ang lagay ng panahon, malakas na ang kulog at kidlat sa labas." ang wika ng aming manager. "Maya maya na po sir, tinatapos lang namin itong mga reservations. Marami kasing nag cancel lalo may parating na bagyo." tugon ko naman "At hindi lang daw iyan ordinaryong bagyo dahil halos saklaw na nito ang ating bansa. Malakas ito at maihahalintulad sa isang delubyo. Mag ingat kayong dalawa. Kung abutan kayo ng masamang panahon ay dumito na lang muna kayo dahil delikado sa labas." wika niya "Salamat sir!" ang malanding sagot ni Oven at doon ay kumambat ito sa akin noong makitang pababa ng hagdan si Pablo kaya naman nag handa na kami para sundan ito, masamang gawain iyon ngunit malakas talaga ang kutob ko na may kakaiba dyan sa kanya. Palihim namin itong sinundan sa parking lot hanggang sa makalabas ng hotel. At dahil nga wala naman kaming sasakyan ay wala akong nagawa kundi ang tawagin si Bart upang makisakay. Tamang tama naman at nandoon lang ito sa kabilang gusali nag hihintay sa aking pag labas. "Ano bang pumasok dyan sa utak nyo para sundan si Pablo? Masama na yung panahon at ayan na yata yung bagyo." ang reklamo ni Bart habang nag ddrive. "Malakas palang naman yung hangin, wala pang ulan at walang kahit ano. Sa ngayon kailangan natin mapatunayan kung totoo nga yung hinala nitong si Narding na si Pablo ay isang halimaw." ang wika ni Cookie "Eh paano pag mali si Narding?" tanong ni Bart "Edi wala, uuwi na tayo at itutuloy ko yung plano kong landiin iyang si Pablo. Hindi ako papayag na hindi masayaran ng sperm niya yung dila ko noh." ang wika ni Cookie. "Ayan huminto si Pablo!" ang dagdag pa niya "Kalibugan mo naman." ang hirit ko "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka tigang, hindi inaamag ang katawang lupa mo dahil parati itong dinidiligan ng sperm ni papa Bart!" ang mataray na sagot niya. "Ay! Eh bakit lalaki yung kasama ni Pablo? Bakit borta rin?" ang tanong ni Cookie noong makitang lumalakad si Pablo kasabay ang isang lalaking malaki ang katawan. "Eh kasamahan kong model iyan ah. Naku sinasabi na nga ba nag babaklaan sa set iyang dalawa na iyan e." wika ni Bart. " Alam mo iyang si Pablo bakla iyan, mahilig iyan mang hipo ng mga kasamahan niyang modelo." "Ay naku papa Bart, hindi bakla si Pablo. Im sure naninira ka lang." pag kontra ni Cookie Sumakay ang dalawa sa kotse kaya naman sinundan namin ito. Nag liliwanag ang daan sa kalsada dahil sa malalakas na kidlat. Nag drive ang dalawa sa pinaka dulo ng siyudad, sa walang gaanong bahayan at maya maya ay huminto ang kanilang sasakyan sa isang abandunadong gusali. At upang hindi mapansin ang aming pag sunod ay huminto na kami agad sa kanto malayo sa lugar kung saan sila bumaba. Tatlo kaming naka kubli sa likod ng isang malaking puno at pinag mamasdan namin ang pag pasok nina Pablo at ng kanyang kasama sa loob ng lumang gusali. "Eh bakit dyan? Wala ba silang budget?" ang bulong ko "Hihi, tang ina nila, mag iiyutan sa loob." ang natatawang wika ni Bart "Pwede ba, hindi bakla si Pablo. Baka mayroon silang session doon sa loob, may practice sila ng zumba o photography. Basta mali ang iniisip ninyo." depensa ni Cookie "Halika na, sundan na natin sila sa loob." ang wika ni Bart sabay hatak sa aking papasok sa loob. Nag kubli kami sa malaking pader habang sila Pablo naman ay lumalakad sa loob. "You like weird things pala pare. f**k!" ang wika ng lalaking borta habang nag lalakad. "Oo naman, mas okay dito. You like adventure diba?" ang tanong ni Pablo sabay sunggab ng halik sa bortang kasama. Napatakip ng bibig si Cookie at ngumawa ito, naka bukas ang bibig pero walang sound. "Sabi sayo bakla iyang si Pablo." ang wika ni Bart Malakas ang kidlat kaya nakikita namin ang eksena sa loob.. Nag halikan ang dalawa habang mag kayakap kaya nag lupasay si Cookie sa sahig. Hawak ang kanyang dibdib at momostra mostra habang naka nga nga. Bawal gumawa ng ingay kaya walang sound ang kanyang pag ngawa. "Anong sabi ng pinsan mo? Ayos lang ba siya?" ang tanong ni Bart habang pinag mamasdan si Cookie na gumugulong sa sahig. "Ayos lang siya, ang sabi niya ay "Ayoko na mabuhay, ang sakit sakit! Bakit lalakihan ang gusto niya at hindi ang katulad kong maganda. Hindi naman babaihan iyan e, I wanna die! " ang pag sasalin ko ng aksyon ni Cookie. "Ano tama ba yung sinabi ko." Tumango si Cookie habang naka nga nga.. maya maya ay nag lupasay nanaman ito, sinasakal ang sarili at sinasabunutan ang buhok.. “Anong sabi ng pinsan mo?” tanong ni Bart   “Ang sabi niya ay “Gusto ko na mag patiwakal ngayon, sakalin nyo na ako hanggang malagutan ako ng hininga.” Tama ba Cookie?” Tanong ko ulit   Tumango si Cookie bagamat ngumangawa pa rin ito..   Nag patuloy sa pag hahalikan ang dalawa hanggang sa maya maya ay kapwa na sila naka hubad. Nag kakainan ng u***g at nag didilaan ng dibdib. Para kaming nanonood ng live show ng dalawang bortang palihim na nag tatalik sa isang nakakatakot na gusali. Maya maya ay hinubad ni Pablo ang kanyang saplot sa ibaba at lumabas ang kanyang tirik na pag kalalaki dahilan para matawa si Bart. "Putang ina sabi sa inyo maliit ang t**i niyan." ang bulong nito sabay tawa ng pigil. "Shhh, wag kang maingay." ang bulong ko rin. Lumuhod ang lalaking kasama ni Pablo at isinubo nito ang kanyang tirik na tirik na ari. Kinain niya ng buo, sagad na sagad sa kanyang bibig. "f**k! s**t! Suck my d**k pare!" ang ungol ni Pablo "s**t, sarap ng d**k mo pare." ang sagot ng lalaki. Ilang minuto rin silang nag kakainan ng ari hanggang sa tumuwad na nga itong katalik ni Pablo. Pareho silang napa unggol noong ipasok ni Pablo ang kanyang pag kalalaki sa pwet ng katalik. "Ahh yeahhh, f**k!! f**k me pare!" ang unggol niya. Noong marinig iyon ni Pablo ay nirapido niya ng bayo ang likuran ng katalik hanggang sa kapwa sila mapaluhod. "Tang ina nyo, mga malilibog." natatawang bulong ni Bart habang si Cookie naman ay naka tulala nalang at naka handusay sa sahig. Makalipas ang ilang minuto ay dumalang ang pag kidlat sa labas kaya naman madilim ang aming nakikita. Halos malabong imahe na lamang ng dalawang nag tatalik na lalaki ang aming nasisilayan. Patuloy pa rin sila sa pag unggol, patindi ng patindi at kapwa sila hinihingal dahil sa pinag halos sensasyon ng sarap. Naririnig namin ang unggol ng lalaki, "Yeahhh ahhhhh!" ang usal niya pati si Pablo ay umuunggol rin. Patuloy ang ingay ng kanilang pag tatalik hanggang sa maya maya ay tila napalitan ang unggol ng lalaki at nag sisigaw na ito. Mayroon na kaming kakaibang ingay na narinig na parang may nababaling buto sa kanilang pwesto. Tumahimik sa paligid, nawala ang unggol at hindi na naulit pa ang malakas na sigaw ng lalaki. Kumidlat ng malakas dahilan para makita namin ang nagaganap na eksena sa dalawa. Halos mapasigaw ako noong makita ang gutay gutay na katawan ng lalaking katalik ni Pablo na naka handusay sa sahig, wakwak na dibdib at tiyan nito, nakalabas ang bituka at dinadakot ni Pablo ang lamang loob saka inilalagay sa kanyang bibig. Ganoon pa rin ang itsura ni Pablo ngunit ang kuko nito humaba at ang kanyang bibig ay lumuwang, nag karoon ng matutulis at maraming pangil. Naka tingala ito habang ninanamnam ang pag kain ng sariwang lamang loob ng kanyang biktima. "Putang ina, umalis na tayo dito!!" ang wika ni Bart sabay hila sa amin ni Cookie "Bakla na nga halimaw pa!! Napaka malas ko naman!!" ang pag iyak ni Cookie habang gumagapang kami palayo. "Sabi ko sa iyo, may kakaiba diyan kay Pablo." ang tugon ko naman. At habang nasa ganoong pag gapang kami para makalabas ay bigla na lamang may humila sa paa ni Cookie dahilan para mag sisigaw ito. Dito ay nakita namin hinila ni Pablo ang paa ni Cookie. "Walang hiya ka Pablo, akala ko pa naman ay meant to be tayo! Halimaw ka pala!" ang sigaw ni Cookie. "Gutom pa ako." ang tanging sagot ni Pablo "Bitiwan mo si Cookie!" ang sigaw ko sabay hampas ng kahoy sa kanyang likuran pero nabali lang ito. Maya maya ay si Bart naman ang lumapit, may dala itong isang malaking tabla. Buong lakas niya itong hinataw sa katawan ng halimaw dahilan para makatakas si Cookie. "Takbo na!" ang sigaw ni Bart kaya naman agad kong hinila si Cookie palabas ng gusali. Hinabol kami ni Pablo, mabilis itong kumilos na parang isang maliksing hayop. Ito ang unang pag kakataon na nakaramdam ako ng takot lalo't wala akong kapangyarihan para ipag tanggol sila. "Ako ang bahala dito." ang wika Bart, humarang siya sa aming harapan hawak ang isang mahabang tubo. "Ay, ano ka ba papa Bart, hindi natin kaya iyan. Tumakbo na tayo." ang wika ni Cookie ngunit mabilis ang kalaban agad nitong sinunggaban si Bart ng kalmot dahilan para matumba ito. Tumilapon ang katawan ni Bart gumulong gulong sa lupa. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko!" ang sigaw ni Cookie sabay dakot ng bato sa lupa. "Narding eto ang bato. Kahit ano nalang dito, lunukin mo na!!" ang wika ni Cookie. "Eh kung sa iyo ko kaya ipalunok iyan? Umalis na tayo dito!" ang sigaw ko naman habang inalalayan si Bart palabas ng bulok na tarangkahan. Pero hindi ganoon kadali ang lahat dahil patuloy kaming hinabol ni Pablo, sinugod niya ako at kinalmot sa gawing dibdib, si Cookie naman binigwasan niya ng malakas dahilan para bumulagta nito. Mabilis siyang lumundag kay Bart at noong akmang sasakmalin niya ito ay napahinto siya, luminga linga sa paligid ang halimaw at saka nag tatakbo palayo. Kasabay nito ang isang liwanag na nag mumula sa isang sasakyan parating. "Tulong!" ang sigaw ni Cookie habang hinaharang ang naturang sasakyan. Ngunit hindi naman ito huminto.. Wala kaming nagawa kundi ang alalayan ang isa't isa patungo sa sasakyan ni Bart at dito ay agad kaming bumalik sa gitna ng siyudad baon ang isang malagim na katotohanan na si Pablo ay isang halimaw. Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD