Ang Tadhana ni Narding
Book 2
Season 2
AiTenshi
Nov 7, 2018
"Hoy! Wag ka nga lumapit dito!! Delikado! Ano ka ba? Hindi ito biro!!!" ang sigaw ko naman.
"Ke biro, ke hindi ay dapat maexperience ko ang etits na yan!! C'mon take me!! Ako nalang ang ganyanin mo!!" ang wika ni Cookie dahilan para matawa ang kalaban.
Tumingin ito kay Cookie at dito ay bigla na lamang nag lundagan patungo sa kanya ang mga tiyanak sa paligid dahilan para mabuwal ito. "Walanghiya kaaaa! Ang sabi ko ay etits hindi tiyanak!!" ang sigaw nito habang pilit na inaalit ang isang sanggol na naka kagat sa kanyang leeg.
Part 26: Isinumpang Pag kalalaki 2
"Cookie!!" ang sigaw ko, dahil sa pag aalala ay kusang nag liyab ang aking katawan dahilan para lumuwag at mawala ang pag kakapalupot sa akin ng kalaban. Agad akong lumipad patungo kay Cookie at isa isang pinag susuntok ang aming tiyanak sa kanyang paligid.
Nakita ko nalang na umiiyak si Cookie..
Tadtad ng kagat ang kanyang katawan at ganoon rin ang kanyang leeg na puro dugo. Naka handusay ito sa lupa na parang nirape, nakalilis ang gown at mas lalong lumaki ang biyak nito na umabot sa kanyang pusod.
Patuloy siya sa pag hikbi..
"Ayos ka lang ba? Halika dadalhin kita s ospital." ang wika ko naman na hindi maitago ang pag alala.
"Nakaka imbyerna ka talaga cousin. Ako dapat ang hentai girl e. Hindi ikaw.." ang reklamo niya. Hanggang ngayon ay iyon pa rin ang nasa isip niya.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay nag simula nang kumuyog ang mga maliliit na halimaw sa aming kinalalagyan, ang iba ay inilulundag ako sa likod, sa balikat, sa ulo ngunit hindi naman tumatalab ang kanilang pangil sa aking katawan dahil matigas ito na animo bakal. Kaya naman agad kong binuhat ang duguang si Cookie at inilipad ito sa ligtas na lugar.
Noong makadistansiya kami ay napansin kong nag liliwanag ang katawan ng halimaw at maya maya ay biglang humaba ang kanyang mga ari na parang mga buhay na lubid. Nag tungo ito sa ibat ibang direksyon sa buong sentro ng siyudad.
Isang tili ng babae ang aming narinig sa dako roon, at maya maya ay isa pang tili sa iba't ibang direksyon ang maririnig sa buong siyudad. "Ano bang nangyayari?" tanong ni Cookie
"Mukhang pinapakain nanaman niya ang kanyang mga ari ng katawan ng tao. Dito ka lang at mag tago." ang bilin ko.
Tumango lang siya habang iniinda ang mga kagat at sugat sa kanyang balikat at leeg..
Agad akong lumipad patungo sa kalaban na noon ay naka pikit at pilit na ninanamnam ang mga sustansiya na nakukuha niya sa katawan ng kanyang mga biktima. Hindi na ako nag dalawang isip, sumugod ako patungo sa kanya at ginawaran ito ng isang nag aapoy na suntok dahilan para mawala siya sa balanse at gayon rin ang kanyang mga ari sa iba't ibang dereksyon..
Sadsad ang kanyang katawan sa lupa..
"Tama na.. Masyado mo nang nasira ang siyudad na ito. Isa kang salot!" ang sigaw ko.
Bumangon ang kalaban at laking gulat ko noong makitang lahat ng kanyang ari ay sumugod sa aking kinalalagyan. Para itong mga latigong humahampas sa aking katawan sa iba't ibang direksyon kaya halos hindi ako mag kamayaw sa pag iwas! Halos lahat ng kanyang galamay ay umaatake sa akin. Ginawa ko ang lahat upang mag kabuhol buhol ang mga ito ngunit kahit anong gawin ko ay bale wala pa rin.
Habang abala ako sa pag depensa sa aking sarili ay bigla na lamang sumuka ng puting likido ang lahat ng kanyang galamay. At lahat ng matamaan nito ay nalulusaw ultimo ang bakal. May ilang katas na tumilamsik sa aking braso at dibdib. Umusok ito at nag bigay sa akin ng kakaibang hapdi dahilan para mapa atras ako ng ilang hakbang.
"Nagustuhan mo ba? Iyan ang espesyal sa aking mga alaga, lahat sila ay nag tataglay ng kakaibang katas na mas matindi pa sa asido. Kaya nitong lumusaw ng pinaka matigas na bakal sa kalawakan." pag mamalaki niya ay ipinakita pa niyang pumatak ang likido mula sa kanyang ari. Tumulo ito sa lupa, umusok at nag iwan ng ga kamaong hukay. "Ikaw, anong klase kakayahan ang mayroon ka? Balita ko ikaw ang bayani planetang ito. Magagamit ko ang iyong lakas upang mas mabusog ang aking mga alaga."
"Hindi lamang ako ang bayaning nag poprotekta sa mundo ito dahil marami kami at alam kong marami pa ang darating. Pero kung gusto mo talagang makita ang aking kapangyarihan ay ibibigay ko ang nais mo." ang tugon ko sabay lipad palayo sa kanya.
Pumaitaas ako.
Siya naman ay nakangiti lang at nanabik sa aking gagawin..
Nag simula kong ipinunin ang aking enehiya sa medalyon na nasa aking dibdib dahilan para mag apoy ang aking buong katawan.
Noong makaipon ng sapat na lakas ay ibinuga ko ito sa kanyang direksyon, sumibat ang malakas na liwanag patungo sa kanya. Tumayo siya ng ubod ng yabang at ginamit niya ang kanyang mga galamay upang saluhin ito..
Wala siyang balak umiwas..
"Iyan ang gagawin kong enerhiya ng aking mga alaga! Akin ang kapangyarihan mo!!" ang sigaw niya sabay salo sa aking atake..
Tamatawa siya ng malakas habang unti unting sinasapo ng kanyang mga alaga ang aking inipong bola ng enerhiya. Tahimik lamang akong naka masid sa kanyang ginagawa.
Hanggang sa maya maya ay ang tawa niya napalitan ng pag sigaw na tila nahihirapan sa kanyang kalagayan. "Aarrrghhh ang init! Ano ito??!!" ang sigaw niya at dito ay nag simulang malusaw ang mga alaga sa kanyang kamay at paa.
Hindi na ako nag dalawang isip, nag liyab ang aking katawan at mabilis akong lumipad patungo sa kanyang nalulusaw na katawan. "Maraming planeta sa kalawakan ang nag tangkang manggulo sa aming mundo. Ngunit wala ni isa sa kanila ang nag tagumpay. Ang kapalaran nila ay magiging katulad rin ng kapalaran mo." ang wika ko sa kanya sabay yakap sa kanyang katawan.
Kapwa kami nag liyab..
Lumakas ang apoy sa aking katawan hanggang sa maging korteng ibon ito. Niyakap ng ibon ang kanyang katawan gamit ang kanyang mga pakpak at sinilaban ang kalaban hanggang sa malusaw ito..
Ang hiyaw ng kanyang takot, galit at panaghoy ang maririnig sa buong siyudad na umagaw ng atensyon ng lahat. Nag mistulang isang malaking display ang nag liliyab na ibon sa sentro kaya naman nag kagulo ang mga tao dahil sa matinding pag ka mangha..
Lumakas pa ang apoy at unti unti itong nawala, ako na lamang ang natira at ang abo ng aking katunggali..
Palakpakan ang mga tao sa paligid..
"Super Nardo! Ang husay mo! Anong masasabi mo sa mga pulis at sundalo na pinag tangkaan kang ikulong noon?" ang tanong ni Liza Mae
"Ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin. Maaaring sumusunod lamang sila sa batas at alituntunin ng ating bansa." ang tugon ko
"Bakit nawala ka? Totoo ba na tatakbo ka sa pagiging senador sa eleksyon? Publicity lang ba ang pag kawala mo upang pag usapan ka?" ang tanong pa niya
"Sa tingin ko ay mas masarap ang maging isang superhero kaysa sa maging isang senador. Wala akong balak maki gulo sa lumalalang problema sa politika ng ating bansa." sagot ko naman.
Hindi mag kamayaw ang flash ng camera sa paligid. Ngayon lamang ako nacorner ng mga tao kaya't nahihirapan akong umalis..
"Nardo, para sa iyo! Kunin mo please!" ang wika ng isang lalaki sa likod. Si Carlito pala ito, yung makulit na kolumnista. May hawak itong isang kumpol ng pulang rosas.
Ngumiti ako at kinuha ko ito. "Salamat." tugon ko. Aalis na sana ako noong hawakan niya ang aking braso. "Kung wala kang gagawin bukas ay iimbitahan sana kita sa date. Please. Mababaliw na ako! Gustong gusto kita!" ang nag mamakaawang daing niya.
"Gawin mo ng maigi ang iyong trabaho bilang isang kolumnista. Alam kong may darating rin na tamang tao para sa iyo." ang tugon ko.
"BOOM BASAG!" ang wika ni Liza Mae. "Oo nga naman Carlito, humanap ka nalang ng iba no, ambisyosong ito."
"Aalis na ako. Ingatan ninyo ang inyo sarili. N-nga pala, may isang sugatang tao sa likod ng gusaling iyon. Dalhin nyo siya sa ospital." ang dagdag ko pa sabay turo sa kinalalagyan ni Cookie.
Agad nila itong pinuntahan upang dalhin sa ospital. "Ay e bakit naman kasi naka gown ka pa mama. Alam mo na ngang delikado dito nakuha mo pang sumagala" ang narinig kong wika ng mga beking lumapit kay Cookie
"I-inggit lang kayo kasi mas maganda ako sa inyo. Hoy, mga bakla dalhin nyo na ako sa ospital, wala na yata akong dugo." ang nang hihingalong wika nito.
Lumipad na ako palayo sa kanila at manabuting mag palit agad ng anyo upang mapuntahan si Cookie sa pinaka malapit sa ospital kung saan ito dinala..
NEWS FLASH:
Itinumba ni Super Nardo ang isang alien na nag tataglay umano ng maraming ari. Ang nilalang na ito ay ang pumipinsala sa buong siyudad at nag iiwan ng maraming salot na tiyanak upang pumatay at mamerwisyo. Muli nanamang nakamit ng sang katauhan ang tagumpay at kapayapaan.
Samantala, itinanggi naman ni Super Nardo ang usapang pag takbo niya bilang isang senador sa susunod na national election. Ang lahat daw ng ito ay haka haka lamang ng mga tao sa social media.
"Bakit nawala ka? Totoo ba na tatakbo ka sa pagiging senador sa eleksyon? Publicity lang ba ang pag kawala mo upang pag usapan ka?" ang tanong pa niya
"Sa tingin ko ay mas masarap ang maging isang superhero kaysa sa maging isang senador. Wala akong balak maki gulo sa lumalalang problema sa politika ng ating bansa." sagot ko naman.
At iyan ang nag babagang balita sa mag hapong ito. Ako po si Liza Mae Lawit. Mabuhay ka Super Nardo! Ikaw ang tunay na bayani!
End of report.
"Pero hindi talaga ako yung tunay na bayani kundi ikaw. Ang husay mong mag plano at mag imbestiga. Congratulations dahil successful ang mission natin. Ikaw ang tunay na hero." ang naka ngiti kong wika kay Cookie na noon ay naka higa sa kama ng ospital.
"P-pero ikaw ang pinaluputan ng malaki at maraming etits sa katawan." ang sagot niya na may halong matinding pag kalungkot.
Natawa naman ako. "talaga bang naka gown ka? Alisin mo na nga iyan." wika ko sabay hila sa damit nito nang hindi sinasadyang masagi ang kanyang pwet..
"Ooohh, arrghhhh, ahhhhh yeahhhhhh!!" ang reaksyon niya na parang nakukuryente.
"Ano bang nangyayari sa iyo? Bakit nakatirik ang mata mo?" pag tataka ko
"Ahhhh yeaaahhh nasagi mo yung pasador na ahhh mayy oohhh ground!!!" ang sagot niya na parang nag dedeliryo..
Maya maya ay nahiyaw siya na parang isang babaeng bida sa hentai film. "Ahhhh im cumminggggg!!!" ang tili niya
Tahimik..
PRROOOTTTTT! PLAK!!
Natae si Cookie!
"Tangina ang baho!!" sigaw ko sabay labas sa silid. Pati mga langaw, langgam at lamok ay nag si labas rin..
Itutuloy..