Part 27: Kirot ng kahapon

1747 Words
Ang Tadhana ni Narding Book 2 Season 2 AiTenshi Nov 8, 2018   Part 27: Kirot ng Kahapon "May alien nanaman daw sa kabilang siyudad, pwedeng mag pahinga muna tayo cousin? Eh halos ilang buwan na tayong nakikipag bakbakan sa mga pipichuging alien na nag lipana dito sa Earth ah. " reklamo ni Cookie. Napabuntong hininga ako at dito ay nag balik sa aking isipan yung eksena kung saan nag uusap kami ni Casuis tungkol sa mga pag babanta sa aming planeta. Dito rin nag simulang pumasok ang mga dayuhan sa ibat ibang direksyon. FLASHBACK "Nabigo kami sa aming misyon at kalakip nito ang pag babago ng lahat." ang wika niya habang naka tingin sa mga bulalakaw na bumabagsak sa aming paligid. "Bulalakaw.." ang bulong ko habang naka tingin dito. Ang bawat bulalakaw na iyon ay bumabagsak sa aming mundo dahilan para manlaki ang aking mga mata. "Tama ka, ang mga iyan ay mga dayuhan, ngayon ay naka pasok na sila sa inyong planeta. Ang lahat ay magiging mahirap na mula ngayon." ang wika ni Cacuis sabay lundag pabalik sa kanyang sasakyan. Mabilis na sumibat palipad ang kanilang sasakyan at lahat ng makasalubong nilang kometa ay pinapasabog nila. Hindi na rin ako nag aksaya ng panahon, hinabol ko ang ilang bulalakaw na bumabagsak sa aming mundo at sinubukan kong wasakin ang mga ito. Sa malayo ay mukha silang kometa ngunit ang mga ito ay parang mga capsule na iba't iba ang hugis na nag lalaman ng kakaibang nilalang mula sa kalawakan. Ang ilang sa mga ito ay pinasabog ko at ang ilan naman ay hindi ko na nahabol pa. End of Flashback (Scene from Part 8: Hudyat )  "At ang nakakatawa ay ang kakaiba talaga yung mga aliens na iyan ha, may maraming etits, may mukhang pogita, may taong ibon, may mga taong buwaya at kung ano ano pa. Pagod na pagod na ako pinsan, mag take naman tayo ng rest o ng bakasyon. Teka ano bang hinahanap mo dyan at mukhang kanina ka pa busy?" ang tanong niya noong makita akong abala sa pag hahalungkat sa aparador. "Naalala mo ba yung bilog bagay na parang metal na holen? Iyon ang hinahanap ko." tugon ko "Yung kulay itim na parang perlas ng silanganan? Yung kumikinang at nag lalabas ng kakaibang liwanag paminsan minsan? Yung kasing laki ng bola ng roll on?" tanong niya "Oo iyon nga, nakita mo ba?" tanong ko naman. "Hindi e. Nandyan lang iyon sa loob." tugon niya at habang nasa ganoong pag hahanap ako ay bigla na lamang sumambulat palabas ang mga gamit namin ni Bart dahilan para mapahinto ako sa pag gawa. Isa isa ko itong pinulot, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Pakiwari ko ay gumuguhit ang isang malalim na kalungkutan sa aking dibdib habang hinahaplos ko ang mga naiwang damit ni Bart. Paulit ulit na bumabalik sa aking isipan yung mga masasayang oras na mag kasama kaming dalawa. Tuwing gumigising ako sa umaga ay siya hinahanap ng aking mga mata, sa kabilang gilid ng kama kung saan parati ko siyang niyayakap at ang kanyang ngiti ang bumubungad sa aking ng araw. Iyon ang pinaka masayang parte sa lahat. Ngunit ang pinaka malungkot? Ay yung takasan ang mga alala iyon na nag bibigay ng sakit sa aking dibdib. Araw araw akong lumilipad kung saan saang direksyon, nag lalakbay patungo kung saan. Nag babaka sakali ako na makita ko si Bart, masilayan ko man lang ang kanyang mukha upang maibisan ang lungkot at pangungulila sa aking pag katao. Pero wala, sa kabila ng pag bubuwis ko ng buhay para sa lahat ay nakatadhana pa rin sa akin ang mabigo ng paulit ulit. Tahimik.. Hindi ko namalayan ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Halos ilang buwan na rin mag buhat noong lisanin ako ni Bart, pero ni minsan ay hindi ko siya nakalimutan. Ang pag yakap niya sa kapangyarihan ng kadiliman ay ang naging katapusan rin ng aming samahan. Hanggang ngayon ay masakit pa rin, at habang tumatagal ay mas lalo siyang hinahanap hanap ng aking mga mata. "Pinsan ayos ka lang ba? Alam kong nasasaktan ka pa rin, pero isipin mo nalang na buhay si Bart at mag kikita pa rin kayo. Huwag mo na kasi tinititigan ito mga damit niya at huwag mo nang alalahanin yung mga moments nyo." wika niya sabay kuha sa lahat ng damit ni Bart at saka ito tiniklop. Marahan niyang inayos ang mga damit "Oh, ayan yung sando ni papa Bart na suot kapag natutulog kayo. Diba nga naka subsob ka pa sa mabuhok na kili kili nya at himbing na himbing ka. Eto naman yung polo shirt niya na regalo mo noong unang date nyo. Eto naman yung boxer short niya na parati mong isinusuot sa kanya after nyo mag s*x. Brief naman ito ni papa Bart na inaamoy mo bago siya maligo. At yung white shirt niya na suot niya noong nag propose siya na maging boyfriend mo. Diba nasa taas kayo ng roof top non tapos umiiyak ka pa." ang pag papa alala niya ng lahat kaya naman mas lalo pa akong napaiyak. "Akala ko ba wag kong isipin? Eh pinapalala mo pa sa akin ang lahat. Bwiset ka rin e." ang pag iyak ko. "Ayan pinsan! Ayan yung bolang hinahanap mo. Nakalimutan ko na inipit ko pala ito sa box ng condom nyo ni papa Bart." ang dagdag pa niya Pinunasan ko ang aking luha at kinuha ng bolang metal. "Ito ang mapa, batid kong marami nang kalaban nag nanais sa sagradong kapangyarihan. Kailangan na nating kumilos, kailangan natin silang unahan." ang wika ko na may pag pupursige. "Hmmpp, kung makapag salita ka naman ay parang nandiyan sa sapa yung sagradong kapangyarihan. Una, hindi nga natin alam kung paano pagaganahin yung mapa na iyan hano. Ikalawa, kaya ba ng powers natin na hanapin iyan? Yung tayong dalawa lang ha." ang reklamo ni Cookie. "Oo nga no? Paano ba ito gagana?" ang tanong ko sa aking sarili habang iniikot ikot ang bola sa aking kamay. "Eh ano kaya kung lunukin mo cousin? Medyo malaki lang ito kumpara sa mahiwagang bato. Baka iyon ang solusyon!" "Tado, hindi pa ako nababaliw para lunokin ang bagay na iyan." sagot ko naman. Tahimik ulit.. Kapwa kami nag isip.. "Alam ko na! Bakit hindi tayo mang hingi ng tulong kay Jorel, kay Super Panget o sa iba pa? Kay Ironman, kay Thor o kay Black Panter? Alam mo na, super hero thinggy!" ang malanding suhestiyon ni Cookie Napaisip rin ako. Kung sa bagay walang mangyayari kung kaming dalawa lang ni Cookie ang aaksyon, mas mainam siguro kung mayroon kaming back up. "Teka saan naman natin hahanapin yung iba pa? Ang laki ng Amerika para hanapin si Jorel." ang wika ni Cookie. "Wag mo na problemahin iyan. Eto ang papel. I-email mo ang isang ito." ang utos ko Binuksan ni Cookie ang papel at natawa ito. "Oo nga pala, nag tungo siya dito dati at nag iwan siya ng email. Sad nga lang dahil noong nag karoon ng kaguluhan dito ay wala kang powers kaya siya ang tumapos ng laban. Ayos, simulan na natin ang misyon!" ang excited na wika ni Cookie sabay kuha sa kanyang laptop. Isa isa ko naman inilagay sa kahon ang mga naiwang gamit ni Bart mula sa kanyang damit, mga pabango, shaver, roll on sa kili kili, sipilyo at kung ano ano pa. Nilagyan ko ito ng packaging tape at siniguradong nasa maayos na lalagyan. Hindi pa rin ako nawawalan na ng pag asa na kapag natapos na ang kaguluhan ito ay babalik sa dati ang lahat. Baka sakaling bumalik rin siya sa akin. Sa ngayon, ang dapat kong pag tuunan ng pansin ay ang kung paano ko mabubuksan ang mapa. Mula ngayon ay alam kong magiging mahirap na ang lahat. "Tadaaa nag sent na cousin! Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo habang nag hihintay ng kanyang sagot." ang wika ni Cookie. Nag bitiw ako ng isang pekeng ngiti. Noong mailagay ko ang kahon sa ilalim ng aking kama ay laking gulat ko ng bigla na lamang nabura ang buong paligid. Ang aking maliwanag na silid ay muling kinain ng kadiliman at mula rito ay natagpuan ko ang aking sarili na lumulutang sa alapaap. "Nasaan ako? Anong nangyayari?" ang tanong ko sa aking sarili. Nag palutang lutang ako sa ere hanggang sa ibaba ako nito sa isang mataas na tore. Tumapak ako sa tuktok nito habang nakatanaw sa isang imahe ng lalaking may pakpak.. "Ang lahat ng ito ay nakita ko na sa aking panaginip! Baka naman nanaginip ako ulit?!" sigaw ko sa aking sarili. Nag liliwanag kanyang pakpak habang umuulan ng mga puting balahibo sa kalangitan. "Sino ka??" ang sigaw ko sa kanya.. Ngunit hindi siya sumagot.. Bigla na lamang umangat ang aking paa sa ere at parang magnet ako hinila patungo sa kanya harapan. Noong makalapit ako sa kanyang harapan ay unti unti niyang itinapat ang kanyang kamay sa aking dibdib at laking gulat ko noong lumusot ito sa loob. Wala akong maramdamang kahit ano bagamat nakikita ko ang kanyang kamay na may ginagalugad na kung ano sa aking kaloob looban. Nag liwanag ang aking dibdib at noong ilabas niya ang kanyang kamay ay hawak na nito ang mahiwagang bato. Winasak niya ang bato sa kanyang kamay hanggang sa maging pinong pino. Ang mga alikabok nito ay sumama sa hangin. Kumikinang na parang maliliit na bituin.. Maya maya ay kusang nalaglag ang aking katawan sa ere at bumulusok ito pababa sa lupa.. "Malapit na ang wakas ng lahat Narding. Ito na ang simula ng katapusan." ang wika niya habang patuloy akong nahuhulog sa ere. Noong malapit na akong tumama sa lupa ay muling bumalik ang aking normal na ulirat. Natagpuan ko ang aking sarili na naka salampak sa sahig at hinahabol ang aking pag hinga na wari'y tumakbo ako sa malayong distansiya. "Narding, anong nangyari? Kanina ka pa nakatulala diyan ah. May problema ba?" tanong ni Cookie Huminga ako ng malalim at sumagot. "Wala, ayos lang ako.  Pinulikat lamang ang aking mga binti." "Dahan dahan ka kasi sa pag kilos. Naipadala ko na yung email sa back up natin. Mag hihintay na lamang tayo ng sagot." wika ni Cookie Tumango ako at inalalayan ang aking sarili para makatayo ng maayos. Halos balot pa rin ng takot at kaba ang aking dibdib dulot ng pangitaing iyon. Sa ngayon ang tanging magagawa ko lang ay kumilos na at buuin ang aking sarili gamit ang tibay at lakas ng loob. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD