NAPANGITI si Kira habang pinagmamasdan ang sarili niya sa salamin. Tapos na siyang ayusan ng mga HMUA na ipinadala ni David. Ang ganda-ganda niya. Alam niyang matagal na siyang maganda, ngunit ngayong araw ay mas lalo pang nag-glow ang kaniyang kagandahan dahil sa simple yet elegant make-up na inilagay sa kaniya. Para siyang isang real-life bride from a fairytale, napakaganda at napakaliwanag ng aura niya.
She wore a simple yet elegant wedding gown that draped beautifully over her slender figure. The satin fabric shimmered softly under the light, while delicate lace framed the neckline with quiet grace. Her makeup was natural and refined, soft blush on her cheeks, warm eyeshadow that made her eyes glow, and rosy lips that curved into a gentle smile. Her hair fell in loose waves, decorated with a small pearl accessory, completing the timeless elegance of a bride who didn’t need extravagance to look breathtaking.
Despite the beauty she had today, the wedding remained fake and planned.
Maya-maya lamang ay lumabas na sila ng gusali upang sumakay sa kaniyang bridal car.
“Where’s the car?” tanong niya nang walang sumundo sa kanilang sasakyan pangkasal. Bigla siyang nainis at na-frustrate. Naghihintay na sa kaniya ang mga tao sa simbahan.
Nagkagulo ang mga tauhang kasama niya at nagkanya-kanyang kuha ng cellphone upang may tawagan.
Kira rolled her eyes and crossed her arms, frustration written all over her face. Akala niya, nasa ibaba na ang sasakyan at hindi na siya maghihintay. Nasira tuloy ang mood niya.
Habang abala ang mga tauhan niya sa pagkontak sa driver ng kaniyang bridal car ay may humintong isang van sa kaniyang harapan. Napakabilis ng pangyayari, dinakip siya ng dalawang lalaki at sapilitang ipinasok sa loob ng van.
Laking gulat ng mga tao at kaagad na nag-panic. Nagsigawan, at si Yolly naman ay kaagad na tinawagan si David. “Sir David! Na-kidnapped po si Ms. Kira!”
David was shocked and froze for a moment. Hindi kaagad nakatugon. Inantay mag-sink in sa utak ang narinig. “I-I’m heading there! Call the police!”
“Tumawag na po kami!”
They were all panicking.
Tinakbo ni David palabas ng malaking simbahan at kaagad sumakay sa sasakyan upang hanapin si Kira. His heart was thudding.
Pagdating ni David sa area, agad siyang sinalubong ni Yolly, na nanginginig habang humihingi ng pasensya. Yolly knows how to use a gun, she was trained not just to protect herself, but also her boss, Kira. Yet now, Kira was kidnapped, she froze, doing nothing but panic.
David’s eyes narrowed, a mix of frustration and fear flashing across his face. He could feel the urgency pulsing through him. Every second mattered. He contacted everyone he knew who could help him find Kira and keep her safe. “For God’s sake, Kira! Nasaan ka?” bulong ni David sa sarili puno ng pag-aalala.
***
SA KABILANG simbahan naman ay bahagya nang naiinip si Lissandro dahil huli na ang kaniyang bride. Ilang minuto na itong hinihintay upang makapagsimula. He was already feeling embarrassed in front of the guests at her wedding, and now he was waiting because her bride was running late.
Ito ang unang araw na makikita niya ang babaeng pakakasalan niya. Talagang sa kasal pa sila unang magkikita at talagang sa una pa nilang pagkikita ay nagawa na siya nitong inisin.
“Where’s the bride?” pabulong na tanong niya sa katabing tauhan.
Lumunok ang lalaki ng laway. “Nagkaroon lang po unting problema pero papunta na po dito.”
Lissandro sighed. Hinayaan niya na lamang ang mga taong mainip dahil naiinip din naman siya. Ilang minuto pa ang lumipas, maya-maya ay in-announce nang magsisimula na dahil narito na ang bride.
Nakahinga si Lissandro nang maluwag.
***
SAMANTALA, mula sa loob ng sasakyan ay ginising si Kira ng driver. Pagmulat niya ng mga mata ay nasa isang bridal car na siya at nasa labas ng isang simbahan. Akala niya ay nanaginip lamang siya sa mga nangyari kanina. Hindi niya namalayang nakaidlip siya.
Marahan siyang bumaba sa sasakyan at inalalayan siya ng kaniyang driver na marahang maglakad pataas sa hagdan.
“Are we in a right church? Parang hindi dito ‘yung wedding namin ni David?”
Kumunot ang noo ng driver. “David?”
Nagkibit balikat na lamang si Kira. Tila lutang kasi ang lalaki. Nagsimula kaagad ang seremonya pagdating niya. Tumayo siya sa pintuan hawak ang kaniyang pastel round bouquet na ibinagay sa kaniyang eleganteng wedding gown.
Inabisuhan siyang pumasok sa loob nang simbahan nang bumukas ang dalawang malaking pintuan. She began walking down the aisle as a soft melody filled the air, bringing tears to the eyes of the guests.
Nasa gitnang bahagi na siya nang mapansin niyang wala ang kaniyang groom. Lumukot ang mukha niya nang wala siyang makilalang kahit na sino sa loob ng simbahan. She started to panic. Did she enter the wrong church? And was she about to marry the wrong groom?
Huminto siya saglit ngunit nang makitang sumimangot ang lalaking nasa altar ay bahagya siyang kinabahan. Bumalik siya sa paglalakad at tinanggap ang kamay ng groom na naghihintay sa kaniya.
“Can I ask where’s David?” bulong niya sa lalaking hindi niya kilala. “He’s my groom.”
Lissandro frowned. “Are you kidding me? You’re not marrying my bestfriend, David. You’re here to marry me.”
Hindi malaman ni Kira kung ano ang mararamdaman niya. Is this a prank? Niloko ba siya ni David? Did David plot all of this? Did he help her parents trap her in their arrange marriage plan?
Biglang tumulo ang luha niya. Suddenly, a sharp pang of betrayal hit her, by the one person she had trusted more than anyone else. “How could David do this to me?” bulong niya sa sarili.
She just realized that this was her parents’ plot, and David was their ally. David betrayed her. Napuno siya ng galit at wala ng nagawa kundi magpatuloy. Wala na siyang ibang magagawa. Her parents won the game. She’s a loser for trusting David and his plan.
Pinigilan niyang maluha ngunit nagkusa ang mga luha niyang pumatak. This is the saddest day of her life. Para siyang batang kinawawa at walang nagawa kundi ihulog ang sarili sa isang bitag. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa.
Galit na galit siya kay David. Umaapaw ang galit niya para sa lalaki. Tahimik lamang siya hanggang sa matapos ang kasal at hindi na nga niya halos namalayan ang ginawang paghalik sa kaniya ng kaniyang groom. She’s lost in thought.
Hinayaan niya na lamang ang kaniyang groom na i-assist siya sa mga dapat niyang gawin.
Panaka-naka siya nitong pinagmamasdan ngunit wala siyang pakialam doon. She’s full of anger.
“What’s your name?” tanong ni Lissandro.
Tumingin si Kira sa lalaki. “You marry me without knowing my name?” She rolled her eyes.
“I’m asking you, and I won’t repeat that.”
Hindi sumagot si Kira hanggang sa matapos ang kanilang wedding at magtabi sila ng kaniyang asawa sa loob ng isang sasakyan.
“So, it’s Kiana Dela Cruz?”
Kumunot ang noo ni Kira sa binanggit na pangalan ng lalaki. It wasn’t her real name. It was her fake name when she escaped from her parents. Hindi siya nagsalita.
“I don’t know about you, but you don’t seem happy marrying a rich guy like me. Don’t worry, your monthly allowance will be transferred straight to your bank. You’ll never have to worry about money again,” mayabang at may angas na wika nito.
“Nagbibiro ka ba? I never worried about money. I’m a Winds—” Kinagat ni Kira ang ibaba niyang labi. Bakit tila mali ang pakilala sa kaniya ng mga magulang niya sa lalaking ito? Bakit nila alam ang pangalang ginamit niya noong nagtrabaho siya sa coffee shop?
Kailangan niyang alamin ito.