TBWB - 4

1257 Words
NAGPAALAM na si Kira sa trabaho at ganoon din ang tauhan niyang si Yolly. Tatapusin na lamang nila ang isang buwan at tuluyan nang magre-resign. Mas gusto niyang pormal na umalis kaysa bigla na lamang nawala dahil sa ilang buwan niyang pananatili at pagtatrabaho doon ay naging kaibigan na rin nila ang ilang empleyado. Nakatakda na din ang araw ng fake wedding nila ni David. Hindi na nakabalik ang lalaki sa lugar niya dahil naging abala na ito sa pag-aasikaso at ilang trabaho. Nakikita niya ang effort ni David sa pagtulong sa kaniya and she was very thankful to him. "Ms. Kira, bakit hindi mo po sinubukang kilalanin kung sino ang groom mo na gustong ipakasal sa 'yo ng mga magulang mo?" tanong ni Yolly habang nagpapahinga sila sa rooftop ng apartment na tinutuluyan nila. Rest day nila ngayon kaya naman naisipan mag-chill muna at magpahangin sa rooftop. "Bakit pa?" "Paano kung magustuhan mo naman pala siya?" Mahina siyang tumawa. "Imposible 'yon, Yolly. Hindi ako ganoong babae na sa isang meet ay gusto na agad ang lalaki." Tumango si Yolly. "Kung sabagay. Pero hindi mo po ba alam kung sino?" Marahan siyang tumango at bumuntong hininga. "Noong narinig kong nag-uusap sila ni Papa tungkol do'n nag-panic ako agad. Kaagad akong nag-withdraw ng pera at umalis. Natakot ako. I know my parents' capacity and how they want their plans to be followed." "Paano kung kilala mo pala?" "Hindi naman siguro sapat 'yon para magpakasal kami," tugon niya na ikinatango ni Yolly. "Hindi sapat na magkakilala lang kami para magpakasal. Para sa 'kin ang kasal ay sagrado at ginagawa lang ng mga taong may pagmamahal sa isa't isa." Tumingin siya sa kalangitan. Para sa iba ay hindi ganoon kabigat ang problema niya, pero para sa kaniya ay malaking bagay iyon na may kaakibat na ikasisira ng buhay niya. Kaya naman kahit anong mangyari ay hindi siya papayag na magpakasal sa taong hindi niya gusto. Makalipas ang isang buwan ay tuluyang bumalik si Kira at Yolly sa Batangas. Isang araw bago ang kanilang kasal. Dumiretso sila sa isang penthouse na si David mismo ang nagmamay-ari. "Our wedding is tomorrow." Iniabot ni David ang isang tasa ng mainit na kape sa kay Kira. Tinanggap niya naman iyon habang nakaupo siya sa sofa at nanonood ng palabas sa TV. "I know. Thank you." "Ipapasundo kita sa mga tao ko, okay? Didiretso na kayo sa simbahan." Naupo si David sa tabi niya. Tumango siya. "Thanks, David. Handa na rin ba ang mga reporter? Pakisiguradong makakarating agad kila mama sa mismong araw na 'yon, pero dapat ay tapos na seremonya nang hindi na mapigilan or magulo. You know them." Biglang may naalala si Kira. "A-about the ceremony..." Tumingin sa kaniya si David pagkatapos humigop ng kape. "Why? What about the ceremony?" "I mean.... about the ceremony 'di ba may ano do'n?" Kumunot ang noo ng lalaki sa sinasabi niyang hindi niya maituloy. "May ano?" Ngumuso siya dahil hindi niya direktang masabi. Mas lalong lumukot ang noo ni David at tumingin sa likuran kung saan nakaturo ang nguso niya. "Ano 'yon?" Nag-irap ng mga mata si Kira at bumuntong hininga. "May kissing scene 'di ba? Ang slow mo. Nakakainis ka!" Humagalpak ng tawa si David at kamuntikan pang matapon ang kape nito. "You're so funny! Hahahahahaha! Bakit 'di mo nalang sabihin, may panguso-nguso ka pa. Akala ko naman may kung ano kang tinuturo." Sumimangot siya at tinarayan ito. "So, ano nga about do'n sa kissing scene. Don't you dare kiss me!" "May ikakasal bang hindi nagki-kiss sa harap ng pari?" Nanlaki ang mga mata ni Kira. "P-puwede naman siguro 'yon." "Pa'no silang maniniwala?" "K-kailangan ba talaga 'yon?" Tumango si David at seryosong tumingin sa kaniya. Napalunok siya ng laway. "Okay, fine." Muling humagalpak ng tawa ang lalaki. Pinagloloko na siya nito. She glared at him and David stopped laughing. Sumeryoso ito ulit. "Binibiro lang kita, ito naman masiyadong seryoso. Let's just fake the kiss, I'll kiss your cheek instead. Alam kong isa kang Maria Clara." Tumango siya at ngumiti. "Thank you!" "You're welcome. See you tomorrow, My Beautiful Bride." They raised their cups of coffee in a toast. *** MASARAP PAKINGGAN at banggitin para kay David ang itinawag niya kay Kira. My Beautiful Bride How he wish totoo nalang ang wedding nila bukas ngunit alam niya namang imposible at hindi niya rin gustong sa ganoon paraan sila ikasal ni Kira. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang maamin kay Kira ang nararamdaman gayong sobra naman silang dikit sa isa't isa. Siguro ay dahil natatakot siyang umiwas ito kapag nalaman dahil hindi sila pareho ng nararamdaman. Labis siyang nag-alala nang malamang umalis si Kira at hindi alam kung saan nagpunta. Sinubukan niya itong hanapin ngunit hindi masiyadong nakapag-focus dahil sa dami ng gawain. Luckily, ang tadhana na ang gumawa ng paraan para magkita sila ulit. Excited si David at maagang nagising kinabukasan. Ito ang araw ng kasal niya. Pinaghandaan niya ito nang sobra kahit alam niyang peke lamang ito at hindi totoo. Talagang nag-effort siya sa mga bagay na gusto ni Kira. Maaga niyang tinawagan si Kira upang kamustahin ngunit mukhang natutulog pa ito. Ngayon niya lamang nabuksan ang cellphone niya dahil sa sobrang abala. May ilan siyang missed calls mula kay Lissandro at nang buksan niya ang messages nito ay doon niya naalalang ngayong araw din ang kasal nito. Puro reminders ang text sa kaniya ni Lissandro at ang picture ng invitation. Tunay na kapatid na ang turi ni Lissandro sa kaniya at ganoon din siya dito, talaga lang nawala sa isip niya ang tungkol doon at hindi niya rin naman alam ang esaktong araw dahil late iyon inanunsyo at late siyang pinadalhan ng invitation. Talagang sa text message pa. Napatapik siya ng noo. Kaagad siyang nag-text back dito para humingi ng pasensya. "Sumakto pa talaga sa special day ko," wika niya na ang kausap lamang ay ang sarili. Alam niyang hindi rin naman espesyal kay Lissandro ang araw ng kasal nito ngayon kaya siguro naman ay ayos lang na hindi siya makaka-attend, ang problema nga lamang ay hindi niya nabanggit sa kaibigan na ngayong araw din ay ang kaniyang kasal. Isinantabi niya muna ang tungkol doon at maagang nag-asikaso dahil sa sobrang excitement. Hindi naman ganoon karami ang kanilang bisita ilang espesyal lamang na tao. Nagulat pa nga ang mga ito nang malamang ikakasal na siya at sa isang anak pa ng Windsor. Kilala ang pamilya ni Kira hindi lamang sa negosyo maging sa koneksyon at kapangyarihan. Ngunit kaakibat ng mga ‘yon ay pagiging estrikto sa mga anak. Suwerte na lamang siya at hindi ganoon ang mga magulang niya. Kinamusta niya si Kira bago siya magpunta sa simbahan. Ayos naman ito at bahagyang kinakabahan. Sakto lamang nang dumating siya sa simbaham. Ilang minuto na lamang at magkikita na sila. Mas lalo tuloy bumibilis ang t***k ng puso niya. How he wished this were their real wedding. But it wasn’t, and it never would be, because Kira didn’t like him. Hindi niya rin alam kung may kakayahan nga ba siyang magtapat dito o habambuhay na lamang siyang mumultuhin ng nararamdaman. He will silence his heart just to protect the friendship they share. From the sidelines, he will quietly watch over Kira and help her as long as he can. Hihinto na lamang siya sa oras na matagpuan nito ang taong totoong mamahalin. David just realized that he was the true definition of “torpe”, or a man who didn’t have the courage to tell the woman he loved how he felt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD