TWO

932 Words
  TWO   ---      Hangover.      Pusang gala naman, oh!      Bakit ba ako nalasing kagabi?!      Dumiretso ako ng CR at nagshower muna bago bumaba sa kusina.      Inabutan naman ako kaagad ng kape ng mga katulong namin.      Dala ko ang kape ko at lumabas muna sa may garden.      Ang sakit ng ulo ko! Argh!      Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa may mesa katabi ng kape ko.      Anak ng?! Nagiging magugulatin na yata ako!      “Hello?!” Galit na sigaw ko sa kanya.      “Improving. Marunong ka ng maghello.” Si Bryan at saka tumawa.      “Ulol. Anong kailangan mo?!”      “I just want to congratulate you and wish you good luck, bro.”      “What? Ano na namang kagaguhan 'yang sinasabi mo? We already graduated months ago.” Sabi ko at uminom ulit ng kape mula sa tasa.      “Congratulate you because of the hot chick that you're with last night.” Alam kong nakangisi na sya ngayon kahit hindi ko sya nakikita.      “What the fucking shit! Anong sinasabi-- Oh, shit!” Nahampas ko na lang ng palad ko ang noo ko.      Bakit ba ako nagpakalasing?!      “Yeah. Naalala mo na? That's why I congratulate you, but I wish you good luck, too.”      “..and why?”      “Its all over facebook, twitter and instagram, dude. Naka-tag sa'yo lahat ng pictures n'yo nung babae.”      “What?! Oh, fuck!” Mura ko at narinig ko na lang ang tawa ni Bryan sa kabilang linya.      Pinatay ko na ang tawag at mabilis na binuksan ang facebook ko.      Argh! Sana hindi nya pa nakikita! Pero mukhang imposible 'yon. Dahil paniguradong ng sumama ako kagabi sa babaeng 'yon, alam nya na. Shit.      Hindi ko alam kung ilang mura ang nasabi ko ng makita ko ang mga pictures.      Fuck!      Naka-droga ba ako dito?!      And the worst picture na nakita ko is when she was on my lap.      Anak ng?!      Nababaliw na ang babaeng 'to. Hindi n'ya ba alam na maari nyang ikamatay ang ginawa nyang pagpopost ng mga ganitong picture?!      Nagscroll down pa ako ng news feed ko. Hanggang sa isang picture ang makita ko na nagbigay sa akin ng dahilan para magpunta sa New York.      Isang picture na may naka-akbay na lalaki kay Ashley. Si James. Tapos may caption pa na; You enjoyed last night, i'll enjoy this day.      Tang'na lang 'di ba?      Sinubukan ko s'yang tawagan pero hindi nya sinasagot. Inulit ko pa rin ng inulit pero pinatayan nya na ako ng telepono.      Argh!      Tinawagan ko si Troy.      “Hey.” Bati nya sa kabilang linya.      “I'll be in New York. Tinawagan ko na si Mr. Jung at inutusan ko ng ipagreserve ako ng ticket. Tawagan nyo na lang sya kung gusto n'yong sumama.” Pagkatapos kong magsalita ay agad ko ng pinatay ang tawag.      Troy      Sabi ko na nga ba at pupunta 'to ng New York, eh.      “Oh, magbayad ka na Blake! Pupunta na ng New York, oh!” Sigaw ni Bryan pagkababa ni Ethan ng tawag.      Magkakasama kasi kami ngayon sa Wilson's. Sa tambayan namin dito. Naka-loudspeaker kanina si Ethan kaya narinig din nila ang pagkairita sa boses niya. Heto at pinagtatawanan na nila.      Alam naman nya kung ano ang mga kayang gawin ng girlfriend nya pero sumama pa sa babae kagabi, eh.      Sa totoo lang bilib ako sa kanya dahil nagawa nyang hindi pumunta ng New York at sundan doon si Ashley sa loob ng mahigit anim na buwan. Akala ko nga noon, dalawang araw matapos umalis ni Ashley at sinabing doon na muna sya mamamalagi, susunod na sya doon. Pero nagkamali ako.      Tumayo na ako. Tiningnan naman ako ng dalawa.      “We better pack our things. Kailangan nating sumama ng New York. Kung hindi mamamatay si Ethan doon, malamang sya ang makakapatay.” Sabi ko sa kanila.      “Nah.. I think mas dapat nyang paghandaan si Ashley.” Si Bryan.      Tumawa ang dalawa at sabay-sabay na kaming lumabas ng Wilson's.      Mukhang tama naman si Bryan. Knowing Ashley? Baka nasa most wanted list na ng Royals ang babaeng kasama ni Ethan kagabi.      Alas-siete ng gabi ang flight namin. Sa Airport na lang kami nagkita-kita.      Nakabusangot pa rin ang mukha ni Ethan ng dumating sya. As expected.      Ang dalawang kasama ko naman tumatawa.      Pagadating namin ng New York, sinundo kami ng isa sa mga tauhan nila Ethan.      Jetlag.      Sa bahay kami nila Ethan dumiretso.      “Kung gusto ni Ethan na sumugod agad kay Ashley, mauna na muna sya.” Matamlay na sabi ni Blake sa gilid ko.      Pagod kami lahat.      “Oo. Ipagdadasal ko na lang sya.” Nakapikit na dagdag naman ni Bryan.      Nasa kabilang kwarto kasi si Ethan, sa kwarto nya. Samantalang kami, mas pinili naming sa isang kwarto na lang kami mananatili.      Inalis ko lang ang jacket ko at nahiga na rin sa kama ko.      Nakaidlip na ako ng marinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto.      Hindi ko lang pinansin at humilig ako sa kabilang side.      Halos mabalikwas kaming tatlo ng bangon ng marinig namin ang malakas na ingay.      “What the fuck, dude?!” sigaw ni Blake.      Nakakalat na sa sahig ang isang lamp shade. Mukhang 'yon ang inihagis nya kanina lang.      “Pupuntahan natin sa University si Ashley. Get the fuck up.”      Ginulo ko na lang ang buhok ko.      Kainis. Inaantok ako, eh.      “Tatayo na ba kayo o kakaladkarin ko pa kayo?!” Galit na sigaw nya ulit.      “Bro, hindi ba pwedeng--” Naputol ang sasabihin ni Bryan ng humakbang na isang beses si Ethan palapit.      Tinaas nya ang dalawang kamay nya.      “Easy. Sinasabi ko lang na kung hindi ba pwedeng mag-shower muna?” Bawi nya at naglakad na papuntang cr.      “Susunod na lang kami.” Sabi ko kay Ethan.      Hindi na sya sumagot at lumabas na lang ng kwarto.      Sumigaw naman si Blake dahil sa frustration.      Ng matapos kaming magbihis lumabas na kami ng kwarto bago pa pumasok ulit si Ethan.      Ayaw pang bumangon ng dalawang 'to kanina, ngayon bihis na bihis pa!      Sa isang kotse lang kami nakasakay. Si Ethan ang nagmamaneho. Nasa passenger's seat ako habang ang dalawa naman ay nasa likod.      Siguro naman walang masamang mangyayari, ano?      Sigurado ako na alam na ni Ashley ngayon na nandito kami. Siya pa?      Sana lang ay magkaayos ang dalawang 'to agad. Dahil ayokong makasama si Ethan ng ganito. Baka iwanan namin sya dito sa New York.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD