bc

Until You're Mine

book_age18+
16.4K
FOLLOW
95.0K
READ
billionaire
sex
playboy
goodgirl
CEO
drama
tragedy
bxg
lies
passionate
like
intro-logo
Blurb

Kasintahan na ni Astrid ang stepbrother ni Revor nang magsimulang guluhin ng binata ang isip niya. Sinikap niyang balewalain iyon dahil ayaw niyang maging unfair kay Ybram. She struggled on fighting her own feelings. Pero lumala lang ang problema niya nang nagkaroon ng misunderstanding at kinailangan nilang magpakasal ni Revor. She broke up with Ybram. Akala niya ay matatapos na ang gulo sa buhay niya, pero isang trahedya naman ang nangyari na dahilan para hindi matuloy ang kanilang kasal at iwanan siya ni Revor...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
MARAHANG sumarado ang mga mata ni Astrid kasabay nang unti-unting pagbaba ng mukha ni Ybram. Her heart bounced madly in mixture of fear and excitement. Humigpit ang hawak niya sa handbag na dala at halos pigilan ang paghinga sa unang pagdadaiti ng mga labi nila. Ybram's lips felt soft as it gently pressed on hers. Banayad iyong gumalaw sa ibabaw ng kaniyang bibig. It was her first kiss. At hindi siya makapaniwala na si Ybram ang magpaparanas noon sa kaniya. She had known Ybram since they were kids, but it was only last week when they saw each other again. Nitong summer vacation ng taong iyon lang kasi umuwi sa Maynila ang binata magmula nang tumira ang buong pamilya nito sa States, pitong taon na ang nakalipas. She was then a twelve-year-old girl. Nineteen na siya ngayon habang twenty-one naman na si Ybram. Mag-bestfriend ang mommy niya at ang stepmother ng binata, dahilan para makilala niya ito at madalas na maging kalaro noong mga bata pa sila. Sa loob naman ng pitong taon na paninirahan ng mga ito sa States ay hindi sila nagkausap ni minsan ni Ybram o nagkakumustahan man lang. She just remembered having a crush on Ybram when they were kids. Why not? He had all the physical attributes of a boy that every girl was dreaming of. Gwapo, matangkad, matalino at laging ipinagmamalaki ng mga magulang dahil isa daw itong ideal son. Nalimutan na nga lang niya ang paghangang iyon nang umalis ang buong pamilya nito. But when he came back, she instantly regained that admiration she had for him. Nangamba pa siya nang magkita sila ulit. Akala niya kasi ay siya lang ang nakakaalala rito at hindi na siya natatandaan ng kababata. Nagkamali siya. Kilalang-kilala pa rin pala siya ni Ybram at katunayan ay nagulat pa nga ito. Hindi niya malimutan ang kislap sa mga mata ng binata nang magkita ulit sila.  He stopped kissing her. Itinulak ni Ybram ang haligi na kinasasandalan niya at umatras nang bahagya. He continued dissolving her with his gazes. Wala siyang ideya sa kung ano ang iniisip ng binata ngayon sa kaniya. They were just talking a while ago. Pagkatapos nilang magtawanan sa mga kwento nito ay pareho silang tila nawalan bigla ng sasabihin. And then the kiss happened. She bit her lower lip. Hindi na niya natiis ang titigan at marahan siyang tumikhim upang basagin ang katahimikan sa pagitan nila. "I-I think we should go now? B-baka hinahanap na nila tayo?" tukoy niya sa mga magulang nila ng binata. Their families were having dinner together at doon gaganapin sa bahay ng mga Escarrer.   Hindi tinugon ni Ybram ang sinabi niya. He glanced at her lips and just continued staring at her. "Is that your first kiss, Astrid?' tanong nito na nagdulot ng lalo pang pag-iinit ng mukha niya. She drew an embarrassed smile habang nanatili naman na seryoso ang mukha ni Ybram. "I-I'm sorry. Na-disappoint ba kita?" She might did. Hindi man lang kasi kumibot ang mga labi niya sa halik ni Ybram. "No..." It was almost a whisper. Itinaas nito ang isang kamay sa pisngi niya at masuyong humaplos doon. "I liked it that I am your first." Hindi sila masyadong nag-usap nang nasa kotse na at bumibiyahe pauwi. Gayunman ay nakailang ulit na sumulyap sa kaniya si Ybram at kapag nagkakahulihan ng tingin ay kapwa sila napapangiti. What now, Astrid? Hindi mo ba lilinawin iyan kay Ybram? She gently sighed. How would she do that? Obviously, what happened was just a kiss that wasn't even planned. Anong lilinawin niya sa binata? Napukaw ang pag-iisip niya nang maramdaman ang kamay ni Ybram sa mga kamay niyang nasa kandungan. "Are you okay?" tanong ni Ybram. Nilingon niya ito at tipid na ngumiti. "Y-yeah..." He smiled. Minsang pinisil ang kaniyang palad bago iyon bitiwan. "You're thinking about the kiss?" diretsong tanong nito na halos magpalaglag ng panga niya. Sinulyapan pa siya nito gamit ang namumungay na mga mata. "W-well… uhm, my first kiss happened and it’s normal that I think about it now. Lalo na dahil hindi ko inaasahan na ikaw pala ‘yon." Nilingon niya muli ang binata na diretso ang tingin sa unahan ng kotse. Nasilip niya ang pagkurba ng mga kilay nito. "Do you feel bad that I am the one who gave your first kiss, Astrid?" "No," she replied quietly. "Hindi sa gano’n, Ybram. Naisip ko lang… I am not in a relationship when it happened. I mean… we’re just friends, right?" “I like you. I think it’s enough reason for me to kiss you. Ikaw ba? Bakit hindi ka tumanggi?” Naramdaman niya ang paglingon ng binata. Marahan siyang nag-angat ng tingin dito. “Well… I-I… uhm… yes. I mean, I like you, too. P-pero sabi ko nga… hindi naman kita boyfriend…" Walang tugon mula rito. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho ang binata. Nasa loob na sila ng subdivision ng mga ito nang marinig ang malalim na buntung-hininga ng katabi. At hindi niya alam kung para saan iyon. Ilang sandali pa ay pumapasok na sila sa maluwang na bakuran ng mansion. Pagkahinto ng kotse sa garahe ay hindi na muna sila bumaba. "Astrid..." simula ni Ybram, nag-alis ito ng seatbelt upang maibaling nang husto ang katawan sa kaniya. "I like you. I instantly liked you the first time I saw you after seven years. Masarap kang kasama at masaya ako sa tuwing nakikita kita. Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan ka kanina..." She remained a face. Gusto niya ang mga narinig, pero may isang bahagi ng isip niya ang tila nag-uutos na h’wag muna siyang magdiwang. At napatunayan niya agad iyon sa sarili nang muli itong magbuntung-hininga. What? May girlfriend ba si Ybram na iniwan sa States? "I really like you, Astrid…” ulit pa nito. Nasilip niya ang pagtatalo ng kaooban nito at gusto na niyang mangurong, bumaba ng kotse at tumakbo palayo. Pero hindi niya ginawa. Matapang niyang hinintay ang sasabihin ng binata at desididong isalba ang pride. “As much as I want to take this to the next level… I can't be in any relationship right now. Marami pa akong kailangan gawin. And on top of that is to prove to my father that I deserve to be the successor of his company." She remained silent for a moment. Hindi niya lang mapigilan ang bahagyang disappointment. Maya-maya ay nagkibit siya ng balikat na sinabayan nang marahang tawa. "I understand, Ybram. Wala naman akong ine-expect from you." "I just want to be fair to both of us, Astrid. Ayokong ligawan ka para maging girlfriend at pagkatapos ay isasantabi muna dahil sa mga priorities ko,” patuloy na paliwanag nito. Mataman siyang tumango. "Ybram, hindi mo na kailangang ipaliwanag ‘yan." "But I like you so much, Astrid, and I want you to be my girl." Nagsalubong ang mga kilay niya rito. He looked sincere to what he said, but it caused her confusion. Ano ba talagang gusto ni Ybram? He took her hand and pressed it firmly. Pagkuwa'y dumukwang ito at inabot ang kaniyang mukha. Napaawang ang mga labi niya sa gulat nang halikan siya nito bigla. He then gave her a not so gentle kiss. It was deep, touched with eagerness and desire, malayong-malayo sa mababaw na halik na iginawad nito sa kaniya kanina. Her confusion grew bigger. Muntik na niya itong maitulak kung hindi lang nito agad pinakawalan ang mga labi niya. "I thought you want to be fair," banayad na pang-uuyam niya pagkatapos. "You're not being fair, Ybram." He sighed heavily. "I'm sorry. I just can't help it." "Pero hindi pwedeng hahalikan mo ako basta dahil lang hindi mo mapigilan,” naiinis na sabi niya. “Know what, bumaba na tayo. Baka kanina pa naghihintay sina Mommy at Tita Barbie." Nasa living room ng mansion ang mga magulang nila pagpasok nila roon ni Ybram. Magkatabing nakaupo ang mommy niyang si Olivia at ang bestfriend nitong si Barbara. Matamang nakikinig ang dalawang babae sa sinasabi ni Samuel Escarrer. Magkasunod silang lumapit ni Ybram sa mga ito. Si Barbie ang unang nakakita sa kanila. Natigil sa sinasabi nito si Samuel at sinundan ang tingin ng asawa. "Oh, they're here!" bulalas ni Olivia na nakita na rin sila at agad tumayo upang sumalubong. Binigyan sila nito ng mga halik sa pisngi. "Good evening, Tita Olive!” bati dito ni Ybram. "Mabuti naman at nakarating na kayo," wika ni Samuel na lumapit na rin sa kanila. Kasunod nito si Barbie na hinawakan siya sa balikat para halikan. "Good evening po, Tita Barbie… Tito Samuel" Tipid na ngumiti sa kaniya ang ama ni Ybram. Nakita niya nang seryoso nitong binalingan ang anak. "Where have you been? Bakit ipinaiwan mo ang bodyguard dito?" "Sa malapit lang kasi kami namasyal ni Astrid, Dad, kaya ipinaiwan ko na si Johnny." “Kahit pa dito lang kayo sa loob ng village ay hindi mo dapat pinaaalis ang bodyguard sa tabi mo. Ano pang silbi ng mga ‘yan?” "Oh, Honey, palampasin mo na itong ginawa ng anak mo. Ang importante ay safe silang nakauwi at kumpleto na tayo- oh!" sambit nito na luminga-linga sa paligid. Namataan nito ang isa sa mga kasambahay. "Puring! Pakihanap si Revor at sabihin mong ipinatatawag ko." Agad namang tumalima ang kasambahay sa utos nito. "May iniuwing babae ang anak mo, Hon’. Kung ako sa’yo ay hindi ko na lang ipapatawag dahil mukhang hindi naman interesadong sumali sa family dinner na ito. Ni hindi man lang ipinakilala sa atin ang kasama niya." Nasa tono ni Samuel ang matinding pagkadisgusto. "At kaya ko nga ipinatatawag si Revor ay para makilala natin ang bago niyang kaibigan.” “I don’t think it’s just a friend, Hon’. Babae ‘yung kasama niya at parang hindi mo alam ang pinagkakaabalahan noon sa States. Ang mabuti pa ay mauna na kami sa dining." Naunang tumalikod si Samuel na tinawag din ang atensiyon ng anak kaya napilitan siyang iwan ni Ybram. Bumaling naman sa kanila si Tita Barbie at iginiya na silang mag-ina kasunod nina Samuel. "Uh, Tita Barbie… susunod po ako sa dining. I just need to go to the comfort room." “Sure, Hija! A, Minerva!” tawag ni Tita Barbie sa isa pang kasambahay. “Samahan mo si Astrid papuntang rest room.” Alam niya kung nasaan ang common restroom ng mansion. Pero hinayaan na lang niyang samahan siya ng katulong. Pagdating naman sa bungad ng kusina ay nagpaiwan na siya rito at nilakad ang pasilyong papuntang restroom. Tapos na siyang magbanyo nang mapalundag sa gulat dahil sa tunog ng kung anong tila nagbagsakan. Nasundan pa iyon ng ilang pagkalampag. Luminga-linga siya. Mag-isa lang siya sa banyo at wala namang nagagalaw na gamit. Napalingon siya sa pinto. Ang alam niya ay katapat ng restroom ang pinto ng stock room. Marahil ay may kung anong mga kagamitan sa silid ang nahulog. Lumabas siya at wala na sanang balak pang alamin kung anong dahilan ng ingay nang makarinig naman siya ng mga impit na sigaw na tila nahihirapan. Natigilan siya at kinabahan. Dahan-dahan niyang kinabig pasara ang pinto ng banyo at napako ang tingin sa pinto ng katapat na stock room. May dalawang metro ang distansiya niya roon. Maingat siyang naglakad papunta sa sarado ring pinto nang matigilan naman sa narinig na mga ungol. "Ooohhh... R-Revooor..." Ilan pang pagkalampag ang nadinig niya na nagmula sa silid. Nanlaki ang mga mata at napanganga pa siya. Revor? Tama ba ang nadinig niya? Magsisimula na sana siyang mag-alala nang makadinig ulit ng mga ungol. Natulala siya nang ilang sandali dahil sa isang realisasyon. Napatitig siya sa pinto ng stock room. Ang sabi ni Tito Samuel ay may kasamang babae si Revor! At naroon ang dalawa sa loob! “Oooohh, Revor! Uhmmm…. aaahhhh… ooohhh, God, Revooooor!” May kung anong kilabot ang nanulay sa mga binti at likod niya. At habang napapako siya sa kinatatayuan ay lumakas pa ang ungol at naging sunud-sunod na. Nagiging eskadaloso iyon sa pandinig niya. "Ooooh... Revor! Ohhh, damn, you're so good! You're so good! Ah, Revoooorrr!” Gustong bumaligtad ng sikmura niya nang maunawaan ang nagaganap sa loob ng stock room. She wasn’t born yesterday and she wasn’t naive. At hindi rin niya kailangan makita ang ginagawa ng anak ng Tita Barbie niya at ng kasama nitong babae. Kababalik lang ng Maynila ni Revor. And the guy was already screwing someone inside the stock room! Isa pang mahabang ungol ang nagpakilabot sa kaniya bago siya tila natauhan. Ano bang ginagawa niya roon? Dapat ay umalis na lang siya. Bakit ba nag-aantabay pa yata siya ng kasunod na ingay mula sa dalawa? Nakilos siya sa naisip, pero bago pa siya makaalis doon ay nakita niya ang unti-unting pagbukas ng pinto sa tapat. Sa taranta niya ay mabilis siyang umatras at nahagip naman ang pinto ng banyo kung saan dali-dali ulit siyang pumasok. Hindi siya nakita ng mga ito. Tama ang ginawa niya. Dahil kung naglakad siya palabas ng pasilyo ay makikita pa siya ng mga ito. Ayaw niyang makita siya ng mga ito. Nag-antabay muna siya sa likod ng pinto ng restroom na mabuti’t nai-lock niya rin agad pagpasok. Hindi makakapasok ang kahit sino kay Revor at sa kasama nito sakaling maisip na magbanyo. "Nakababa na yata ang Mommy mo, Revor," malambing na sabi ng boses ng isang babae. “Ipakilala mo naman kami sa isa’t isa. Narinig ko sa maid na may special family dinner ngayon dito.” "Hindi na. Umuwi ka na lang. Paglabas mo dito, nasa kanan lang ang back door. Doon ka na dumaan palabas.” "Hindi mo man lang ako ipapakita sa Mommy mo?" "Bakit pa? Hindi naman kailangan. Walang nakilala si Mommy ni isa man sa mga naging babae ko-" "Oh, wow! Pagkatapos mo kong pakinabangan?" "Mas nakinabang ka naman sa akin! Sige na at nagugutom na’ko. Nasa kanan ang back door." “I hate you! Bakit ba nakilala pa kita? Wala ka nang kwenta, bastos ka pa! And you know what? Hindi ka naman magaling, e! Akala mo kung sino kang gwapo! ” “Hindi nga ba? Nagdedeliryo ka nga kanina sa ibabaw ng lamesa tapos ngayon nagagalit ka- Ooops! Easy! Wala pang nakakasampal sa pisnging ‘to. Gusto mo pa yatang ako mismo ang magtapon sa’yo palabas?” Nanlaki ang mga mata niya sa kagarapalan ni Revor. Gusto niyang kaawaan ang babaeng kasama nito. “Damn you! I really hate you! Demonyong ‘to! Goodbye! I hate you!” Kasunod ng mga nanggagalaiting boses ay dinig na dinig din niya ang padarag na pag-alis ng babae. Siguro ay halos patayin nito ang anak ng Tita Barbie niya. Gago rin naman pala ang isang iyon! Nakahinga na siya nang maluwag pagkatapos ng ilang sandali. Pinayapa pa muna niya sandali ang dibdib pagkuwa'y maingat na pinihit ang door knob na hindi niya binibitiwan. Pagbukas ng pinto ay napatda siya. Ramdam niya ang pagtakas ng kulay ng mukha habang sinasalubong ang tingin ni Revor na nakaharang ang buong bulto sa daan.  He’s tall. Mas matangkad pa nga yata sa stepbrother nitong si Ybram. At malapad ang mga balikat nito kaya halos sakupin ang pintuan ng banyo. "Your scent told me it’s you," sambit nito na nakaismid, nakalabas ang mahabang dimple sa kaliwang pisngi. Napako siya sa kinatatayuan. She left wordless. Ibukas at isara niya ang bibig sa pinaghalong gulat at pagkalito. "What are you doing, Astrid?" Revor asked, narrowing his eyes. Umangat ang mga kamay nito na itinukod ang magkabilang braso sa mga hamba ng pinto. Lalo tuloy nasarhan ang kaniyang daan. She swallowed. “W-what else do you think? Comfort room ito, di ba?”  He smiled. Lumabas ang mahaba at mababaw na dimple nito sa kaliwang pisngi. "Of course. Pero kanina ka pa nandiyan, di ba? Bakit hindi ka pa umalis?” "A-anong sinasabi mong… W-whatever! Padaanin mo na lang ako!” Tinakpan niya ng pagkairita ang guilt. “Nalaman mo siguro sa maid na nandito ako, ‘no? What do you want, baby? Inaalam mo kung anong ginagawa ko sa loob? Sinisilipan mo ba’ko kanina?” Namilog ang mga mata niya. “W-what? Of course not! Yuck!" Sagad hanggang sa kaloob-looban niya ang pandidiri sa bintang nito. “Will you get out of my way? Kung anu-anong sinasabi mo d’yan!” Tumuwid si Revor, pero hindi para umalis sa daan kundi upang humakbang papasok. Napaatras tuloy siya paloob. Nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay ng lalaki. “P-palabasin mo’ko! Umalis ka kundi tatawagin ko si Tita Barbie!” banta niya. “Ayan ang pinto, Astrid. Hindi na ako nakaharang. Pwede kang lumabas.” Natigilan siya sandali. Pagkuwa’y nagkukumahog na lumakad palabas ng CR. Pero hindi siya nakadirecho agad dahil mabilis na umatras si Revor sabay tulak pasara ng pinto. “What the hell, Revor!” bulalas niya, hindi na niya mapigilang kabahan sa inaasal ng binata. “P-palabasin mo’ko kundi sisigaw ako!” “Sumigaw ka. Sasabihin ko naman sa kanila na nahuli kitang sinisilipan ako at ang kasama ko kanina sa stock room.” “Wala akong nakita, okay? Ano bang problema mo d’yan?” “Hindi mo nga nakita, pero sigurado akong narinig mo kami. Did you listen to us intentionally?” “I didn’t! Narinig ko lang na may umuungol. I was curious. Hindi ko ‘yun sinasadya! Mag-iingay kayo diyan tapos ay magagalit ka na may nakaalam?” Tumatahip ang dibdib niya sa pinagsamang kaba at embarrassment dahil sa pag-amin. Pero hindi ba at ito ang dapat na mas mahiya sa pinaggagawa? Ngumisi ito at umiling na tila nadidismaya. “Now, that’s disappointing. Dahil lang sa ungol na-curious ka na? Or you instantly understood what’s going on? Bakit, Astrid? Gano’n ka rin ba kalakas umungol kapag nakikipag-sex ka? And my stupid stepbrother believes you’re an innocent girl." Isang malakas na sampal ang itinugon niya sa sinasabi ni Revor. Pati nga ang palad niya ay nanghapdi at nang tingnan niya ay namumula iyon. She winced. Umakyat ang tingin niya sa mukha ni Revor. Natigilan siya. Palibhasa ay maputi ang balat, halatang-halata ang resulta ng pagsampal niya dito. Naalala niya bigla kung paano nito pagbantaan kanina ang kasamang babae. Kahit hindi niya nasaksihan mismo, narinig naman niya iyon. The girl tried to hit Revor’s face. At nai-imagine niya ang galit sa mga mata ng binata habang binabantaan ang kasama. Katulad marahil iyon ng galit na nakikita niya ngayon pagkatapos niya itong sampalin. Ginapangan siya ng takot. Would he hit her also? O itatapon siya nito palabas? She forced herself to speak. “I-I… I-it’s your fault-” Nahinto siya sa pagsasalita nang kalawitin bigla ni Revor ang baywang niya at idikit ang katawan niya sa katawan nito. Nanlalaki ang mga matang sinalubong niya ang tingin ng binata. Her heart bounced crazily. Bumaba ang mukha ni Revor, senyales na hahalikan siya nito. “R-Revor, nooo!” aniyang iniiwas ang mukha kasabay nang mariing pagpikit. Hindi niya alam kung paano itutulak ang binata, na para bang nag-aantabay pa siya ng paglapat ng labi nito bago siya kumilos. He heard him smirked. “I can’t imagine Tita Olive’s reaction kung malaman niya ang tungkol dito,” anitong tinutukoy ang Mommy niya. Napamulat siya at nasalubong ang nang-uuyam nitong titig. Napakunot ang noo niya. “Be thankful that I can keep a secret. Hindi ito makakarating sa kahit sino lalo na sa mga nanay natin. Ayoko kasi ng gulo. At lalong hindi ko gustong magkaproblema sa pagitan nina Mommy at Tita Olive.” Hindi siya nakakibo nang bitiwan nito at iniwang mag-isa sa comfort room. Ang lagay pala ay siya ang may kasalanan. Siya pa ang pinalutang nitong may ginagawang masama. Magaling na lalake! Parang gusto niyang humabol at pagsisipain ito. Ang kapal ng mukha, grabe! She breathed deeply. Pilit niyang pinayapa ang sarili. Pinalipas muna niya ang galit at panggigigil na nararamdaman bago lumabas at nagtungong dining na parang walang nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.4K
bc

His Cheating Heart

read
41.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.7K
bc

Married By Mistake

read
170.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.6K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook