Story By Dani Alba
author-avatar

Dani Alba

ABOUTquote
It's better to fail in originality than to succeed in imitation. - Herman Melville Bodrum, Turkey
bc
Lured For His Revenge
Updated at Mar 24, 2024, 22:41
Isang inosenteng dalaga na taga-probinsiya si Chay na ang tanging pangarap ay makatagpo ng maayos na trabaho para hindi na maging pabigat sa pamilya ng tiyuhin na nag-aruga sa kaniya mula nang maulila siya sa ina. Sa kaniyang pagtira sa pamilya ng tiyuhin, nakilala niya ang panganay nito na anak daw sa pagkabinata. Kasalanan ang makaramdam siya ng paghanga sa sariling pinsan, ngunit hindi akalain ni Chay na mahuhulog pa siya rito nang lubusan. Ang pinakamabigat, may namagitan sa kanila ng binata, pero iniwan siya nito kinabukasan. Matitinding dag0k sa buhay ang idinulot ng pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kadugo. Aminado si Chay sa naging kasalanan at itinuring na parvsa sa kaniya ang mga hirap na pinagdaanan. Makabangon pa kaya siya sa nagawang pagkakamali?
like
bc
To Unlove a Mafia Prince (Dashiel Ward Gamboa Story)
Updated at Jan 28, 2024, 08:03
Mula sa pinagtatrabahuhang bangko ay tinangay si Violet ng isang grupo ng mga armadong lalake. Balot ng sindak at pagkalito, wala siyang nagawa nang dalhin siya ng mga ito at ikulong sa isang silid sa lugar na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo naroon. Sigurado si Violet, napagkamalan lang siya ng mga kumuha sa kaniya. Wala siyang naaalalang atraso sa kahit sino kaya sinong pwedeng magpakidnap o magpapatay sa kaniya? Hanggang sa malaman niya kung sino ang \'boss\' na tinatawag ng mga tauhan. Hindi makapaniwala si Violet. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita. Beinte anyos lang siya nang mangyari ang mga bagay na iyon. Ginawa naman niya ang mas tama. Umalis siya upang palayain ang lalakeng dapat sana ay asawa na niya, pero bakit ngayon ay parang siya pa ang may malaking atraso kay Dashiel Ward Gamboa? At sino ba talaga si Dashiel? Kinse anyos pa lang ay sagad na sa langit ang paghanga niya sa mga katangian nito, pero bakit ibang-iba na ang lalake ngayon? Misteryoso, mapanganib, bayolente at higit sa lahat, halimaw ito pagdating sa kama. Makaalis pa kaya si Violet nang buhay sa lugar na iyon at makabalik sa itinuturing niyang pamilya?
like
bc
Orion's Bet
Updated at Aug 29, 2023, 06:50
Lumaking walang nakilalang ina kaya naman isa lang ang pinakahahangad ng dies y nueve anyos na si Victoria ‘Tori’ Baluyot- ang makatagpo ang kaniyang amang si Manolo ng babae na tatanggap at magmamahal sa kaniya nang higit pa sa isang tunay na anak. Mukhang natupad naman ang hiling niya nang dumating sa buhay nila si Miss Rowanda Dominguez- ang biyudang may-ari ng garments factory kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama. Hindi lang minsan nagpakita ng pagmamalasakit kay Tori ang biyuda. Parang nanay nga niya ito at madalas din siyang mapagkamalang anak ng babae. Kaya naman nang umugong ang mga usapan na may relasyon ang biyuda at ang kaniyang Papa ay siya pa ang unang-unang natuwa. Mas lalo pa nga niyang naramdaman ang kabaitan ng babae nang dalhin siya nito sa Maynila upang doon na pag-aralin ng kolehiyo. Okay na sana at matutupad na ang nais ni Tori na magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya, subalit may isang problema. Halatang ayaw sa kanila ni Orion- ang beinte ocho anyos na binatang anak ng kaniyang Mama Rowan, at mukhang ito pa yata ang magiging malaking hadlang sa kaniyang pangarap.
like
bc
Urban Legend (Juan Lucas, The Father of My Son)
Updated at May 28, 2023, 19:02
Juan Lucas Urbano was the hottest guy in town. Bukod sa ubod ng gwapo, nagmula ang binata sa isang kilalang angkan at sikat din na varsity player ng pinakamalaking universidad sa kanilang lalawigan. May mga kwentong umiikot sa kanilang bayan- may expiration date daw ang mga babae para kay Lucas at walang tumatagal nang isang linggo sa mga naging girlfriends nito. May mga nabuntis pa nga raw ang binata, pero hindi pinanagutan at sa halip ay ipinalaglag ang sanggol at saka binayaran ang babae ng malaking halaga kapalit ng pananahimik. Hindi alam ni Jessabell Capistrano o Jessie kung maniniwala siya o hindi sa mga kwentong iyon. Kilala lang naman niya ang pamilya Urbano, pero walang dahilan o pagkakataon para magtagpo ang mga landas nila ng isa man sa mga miyembro nito. Magkalayong-magkalayo ang mundong ginagalawan nila ni Lucas at isa pa, napakabata pa niya para intindihin ang mga ganoong bagay. Ano namang pakialam niya kung babaero nga ito at marami nang nabuntis? Subalit ang tadhana ang naglapit sa kaniya sa mundo ng binata. Sa tulong ng isang pilantropo, pinalad si Jessie na makakuha ng scholarship at makapasok sa universidad kung saan nag-aaral si Juan Lucas Urbano. Mula noon, mas madalas na niyang nakikita ang binata hanggang isang araw ay tuluyang nagkrus ang mga landas nila. Hindi naitanggi ni Jessie sa sarili ang totoong nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay agad siyang sumama at bumigay sa panunukso ni Lucas. Buo ang loob niyang isinuko ang sarili sa binata. Iyon na rin ang huling beses na kinausap siya ni Lucas at ang pinakamasakit, naiwan siyang nagsisisi at luhaan at buntis sa edad na dies y siete.
like
bc
After All (The Fall of Alistaire 2)
Updated at May 20, 2023, 04:35
WARNING: HIGHLY EROTIC ROMANCE NOVEL Halos dalawang taon pagkatapos pumanaw ng kaniyang asawa, nakilala ni Ysolde Aguilar si Xavi Buencamino- isang lalake na kamukhang-kamukha ni Alistaire. Tinulungan siya nito at naging boss pa niya sa bagong trabaho. Sa kabila ng laging paalala sa sarili na hindi ito ang kaniyang asawa, umibig pa rin si Ysolde kay Xavi. Pinili niyang sarilinin iyon, subalit madalas siyang puntahan at guluhin ni Xavi na lalong nagpahirap sa kaniya para layuan ito. Hanggang sa tuluyang sumuko si Ysolde sa nararamdaman, pero ang masakit, may kasintahan na si Xavi at malapit nang ikasal. After All - This is the second book of my story The Fall of Alistaire. Read at your own risk.
like
bc
Sinful Israel
Updated at Mar 1, 2023, 09:48
Dies y seis anyos si ISRAEL VON ANGELO NAPOLEON o Ivan nang matuklasan nila na hindi siya tunay na anak ng kinagisnang ama na si Abel Napoleon. Kasunod nito ang mabilis na pagkawasak ng dati ay masaya at perpekto nilang pamilya. Ten years later, bumiyahe si Ivan pabalik sa Cebu City at hinanap si Williard Gallano, ang sinasabing biological father niya, hindi upang magpakilala rito bilang anak kundi ang maipaghiganti ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Before meeting his father, Ivan met a pretty, young girl who was obviously affected with his charms but was trying to get away from it. He deliberately seduced her until a one-night-stand happened between them. Little did Ivan know that he would see her again. Because the girl he had sex with was unfortunately his biological father's daughter and she was his own half-sister.
like
bc
The Secret of Us
Updated at Jun 26, 2022, 03:17
Isang bagay ang nais patunayan ni Celine sa kaniyang ina - na kaya niyang umasenso sa buhay kahit wala siyang college diploma. Desperadang patunayan iyon, kumapit sa patalim si Celine upang makapagsimula ng magandang negosyo na siguradong aahon sa kanilang mag-ina sa kahirapan. Subalit hindi nangyari ang mga plano niya. Sumabay pa roon ang unang pagkadurog ng kaniyang puso. Kaya walang ibang pagpipiliian si Celine kundi ang ibaon sa limot ang sikretong nag-ugnay sa kaniya sa isang propesor sa universidad. And years later on, Celine was again caught in a complicated situation. She would have to keep another secret with a gorgeous, but cold-blooded lawyer. Paano babaguhin ng mga lihim na ito ang buhay ni Celine? Anong sikreto ang mananatili na lamang? Anong sikreto ang mabubunyag?
like
bc
Crime and Passion
Updated at Apr 23, 2022, 02:17
Beinte anyos lang si Gigi Apostol, pero ipinagkasundo na siyang ipakasal ng stepmother niya sa isang matandang mayamang negosyante sa kanilang bayan. Mula nang magkaisip si Gigi, tumatak na sa kaniya na ang stepmother at hindi ang kaniyang biological father ang nasusunod sa kanilang pamilya. Upang hindi matuloy ang kasal, pinapakitaan ni Gigi nang kasamaan ng ugali ang matandang negosyante dahil nagbabakasakali siyang ito mismo ang umayaw na pakasalan siya. Ang hindi niya inaasahan, natagpuang patay ang matanda sa loob ng opisina nito at si Gigi ang itinuturong salarin. Akala ni Gigi ay tuluyan nang masasayang ang kaniyang buhay subalit, isang tao ang nagpakita ng pagmamalasakit sa kaniya. Bata pa lang siya ay kilala na niya si Attorney Matthew Gamboa dahil apo ito ng may-ari ng hacienda kung saan katiwala ang kaniyang ama. He was also her childhood crush. Trese anyos lang siya noon habang twenty-eight years old naman si Matthew. Sa paglipas ng mga taon ay nawala na sa isip ni Gigi ang paghanga sa abogado hanggang sa tinulungan siya nitong makalaya. Naabswelto si Gigi sa krimen kaya ang laking pasasalamat niya kay Matthew. Ang hindi alam ng dalaga, may kapalit pala ang lahat… “Maniningil na ako ng mga pautang, Gigi.” “P-pero…w-wala pa po akong perang pambayad, Senyorito.” “You don't need money to repay me. You just have to marry me...”
like
bc
THE RAVISHER (Cougar Series #1)
Updated at Jan 23, 2022, 03:58
[EROTIC ROMANCE] Annie Salcedo had a good career, love life, and bestfriend. Tahimik at maayos ang takbo ng buhay niya but, things happened after she met Jefferson Carl Navarro - ang binatang kapitbahay niya na mas bata sa kaniya ng ilang taon. Isa-isa nang nagbago ang lahat sa buhay ni Annie. Her long-time boyfriend broke up with her. Next, she found herself in bed with Jeff. Then, she lost her bestfriend and finally, she had to leave her job. She thought it's all worth it because she had Jeff whom she fell in love with subalit, natuklasan naman ni Annie ang totoong dahilan kung bakit umalis ang nobyo sa poder ng ama at kapatid. Pagkatapos noon ay hindi na ulit nagpakita sa kaniya si Jeff. Paano haharapin ni Annie ang buhay niya na tila binagyo sa pagdaan ng isang Jeff Navarro?
like
bc
The Fall of Alistaire
Updated at Jan 22, 2022, 06:36
(WARNING: HIGHLY EROTIC ROMANCE NOVEL. Read at your own risk.) Ako si Ysolde Pelayo, beinte-uno anyos na dalagang galing sa mahirap na pamilya. Kailangan ko ang suportang pinansiyal mula sa ibang tao upang makapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Siya si Alistaire Aguilar, beinte-nueve anyos na binatang amo ko. Gwapo at halos perpekto sa mga katangiang pisikal, mayaman, isang matagumpay na Engineer/Architect at siyang benefactor ko. Nagmula sa magkaibang mundo, anong uring relasyon ang mabubuo sa pagitan namin ni Sir Ali? Paano haharapin ng isang tulad kong scholar at housemaid ang umuusbong na damdamin ko para sa aking amo? Mayroon kayang pag-asa ang pag-ibig ng isang gaya ko?
like
bc
Enrico's Trap
Updated at Jan 19, 2022, 21:25
Upang matulungan ang taong nagpalaki sa kaniya ay lumapit si Naya Robles kay Enrico 'Eric' Laxamana, ang CEO ng Laxamana Group of Companies. Hindi nga lang niya inasahan ang naging epekto sa kaniya ng pagkikita nila ng mailap na lalake. Eric was too manly, too handsome and intimidating pero, sa kabila noon ay nagawa naman ni Naya na ipakipag-usap ang tungkol sa pagkakalagay ng pangalan ng ninong niya sa blacklist na siyang dahilan kaya ito nahihirapang maghanap ng bagong trabaho. Bigo si Naya na baguhin ang isip ni Eric. She even offered him a deal but, he still refused to give her what she asked for. Ang ikinagulat ni Naya, inalok siya nito ng kasal kapalit ng pagpayag nito. She had just turned nineteen and he was already thirty-one! Wala namang issue sa kaniya ang edad pero tama bang magpakasal siya sa CEO para lang makaganti sa mga sakripisyo ng ninong niya? Sapat na ba ang malaking admirasyon na nararamdaman ni Naya para mag-asawa sa lalakeng hindi niya lubos na kilala? Maraming rason para tanggihan ni Naya ang marriage proposal ni Eric subalit sa huli ay tinanggap rin niya ang alok nito. Pero paano makikisama ang isang college student sa asawang CEO kung malamig ang pakikitungo nito sa kaniya?
like
bc
Spying on the Boss
Updated at Jan 17, 2022, 01:41
Dose anyos pa lang si Cruzette Romero nang makilala niya ang isa sa mga apo ni Don Marciano Rodriguez. Madalang man niyang makita si Clyde dahil tuwing bakasyon lang ito umuuwi sa San Carlos ay hindi iyon naging dahilan para umusbong ang damdamin sa bata niyang puso. Hanggang sa nagdalaga siya ay si Clyde ang naging pamantayan niya para sa lalaking mamahalin. Dobleng kamalasan naman ang nangyari sa kaniya isang gabing sumama siya sa inaakalang kaibigan. Kamalasan na naghatid sa kaniya sa isang misyon - ang pasukin ang mundo ng supladong si Clyde at maging mata ng lolo nito. Matutuwa na sana siya, subalit paano ba siya magpapanggap sa harapan ni Clyde kung tingin lang nito ay mahihimatay na siya? At paano pala siya mapapansin ng bagong boss kung ang alam nito ay isa siyang 'tiborcio'? Ang hirap lang dahil nakatakda na ring magpakasal si Clyde sa babaeng napili ng abuelo.
like
bc
Dealing with the Casanova
Updated at Jul 4, 2021, 13:59
Kontento na si Darrina Manaig sa buhay niya. May maayos at masayang pamilya, may mga kaibigan at nakakapag-aral pa siya sa pinakamalaking unibersidad sa kanilang bayan sa tulong ng Marciano Rodriguez Foundation, Incorporated. Planado ang mga gagawin niya sa kinabukasan kaya wala siyang panahon para sa ibang mga bagay. Hanggang isang gabi ay naging panauhin ng kaniyang ama si Don Marciano na pormal na hinihingi ang kamay niya para sa isa sa mga apo nito. Siyempre pa ay tumanggi siya! Kahit malaki ang utang na loob niya sa Don at nasa kasunduan nito at ng kaniyang ama ang ukol sa isang kahilingan ay nunca siyang magpapakasal kay Cayel Rodriguez- ang lalaking wala yatang ginawa sa buong buhay nito kundi magbilang ng mga babae.
like
bc
Until You're Mine
Updated at Jan 27, 2021, 19:15
Kasintahan na ni Astrid ang stepbrother ni Revor nang magsimulang guluhin ng binata ang isip niya. Sinikap niyang balewalain iyon dahil ayaw niyang maging unfair kay Ybram. She struggled on fighting her own feelings. Pero lumala lang ang problema niya nang nagkaroon ng misunderstanding at kinailangan nilang magpakasal ni Revor. She broke up with Ybram. Akala niya ay matatapos na ang gulo sa buhay niya, pero isang trahedya naman ang nangyari na dahilan para hindi matuloy ang kanilang kasal at iwanan siya ni Revor...
like
bc
Chasing My Abductor
Updated at Dec 24, 2020, 05:26
Dalagang namuhay na tila isang prin sesa ang mas pinili ang pag-ibig mawala man sa kaniya ang lahat. Ngunit sa bandang huli ay kakailanganin din ulit niyang magsakripisyo at iwan ang nag-iisang lalakeng minahal. Paano haharapin ni Florence ang galit ni Colin kung pagkatapos ng limang taon ay ibang-iba na ang katauhan at katayuan sa buhay ng dating nobyo?
like