bc

Dealing with the Casanova

book_age18+
44.3K
FOLLOW
176.8K
READ
billionaire
possessive
sex
arranged marriage
playboy
bxg
small town
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

Kontento na si Darrina Manaig sa buhay niya. May maayos at masayang pamilya, may mga kaibigan at nakakapag-aral pa siya sa pinakamalaking unibersidad sa kanilang bayan sa tulong ng Marciano Rodriguez Foundation, Incorporated. Planado ang mga gagawin niya sa kinabukasan kaya wala siyang panahon para sa ibang mga bagay.

Hanggang isang gabi ay naging panauhin ng kaniyang ama si Don Marciano na pormal na hinihingi ang kamay niya para sa isa sa mga apo nito.

Siyempre pa ay tumanggi siya! Kahit malaki ang utang na loob niya sa Don at nasa kasunduan nito at ng kaniyang ama ang ukol sa isang kahilingan ay nunca siyang magpapakasal kay Cayel Rodriguez- ang lalaking wala yatang ginawa sa buong buhay nito kundi magbilang ng mga babae.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
HINDI niya gusto ang lugar na iyon. Maingay. Mausok. Iba-ibang klaseng tao ang naglalabas-pasok at pakiramdam ni Darrina Manaig ay iilang hakbang na lang siya patungo sa impiyerno. Ang totoo, kanina pa masakit ang mga tainga niya sa malakas at walang-tigil na tugtog, pero pati ang mga mata at ulo niya ay nagsisimula na ring sumakit dahil sa mga gumugulong na neon lights mula sa kisame ng club. Kinikilabutan din siya sa ibinubugang usok ng mga smoking devices ng ilan sa mga naroon. She winced. Dinampot niya ang baso ng iced tea at sumipsip sa straw noon. Nagsisisi siya na naka-oo pa kay Pony sa request ng bestfriend na sumama siya sa bar. Birthday kasi nito kahapon kaya niya pinagbigyan. “Darrina girl, try mo ‘to! Bawal tumanggi!” sigaw ni Pony sa tainga niya. Itinaas nito ang hawak na mga kopita pagkatapos ay inilapag ang isa sa maliit at bilog na mesa sa harapan saka umupo sa high chair. Sinipat ni Darrina ang asul na likido. “Ano naman ‘yan? Asido?” Humalakhak si Pony. “Luka-luka! Alam kong alam mo na wine ‘yan! Come on, taste it!” “Ayoko nga ng alak! Iced tea lang ako!” Dinampot niya ulit ang baso ng iced tea na paubos na ang laman. “Killjoy naman nito!” tuya ng bestfriend niya sabay ikot ng mga mata. “Sige na, girl! Regalo mo na ‘yan sa birthday ko! Ngayong gabi lang naman!” Itinulak nito sa kaniya ang wine glass saka dumampot sa nakalatag na pinggan ng finger foods. Palihim siyang ngumiwi sa baso. Kinuha niya iyon at muling tinitigan. Hindi naman siguro ikasisira ng buhay niya kung tikman niya ang likido. Pwede niya na ring pagbigyan si Pony. At kapag naubos niya iyon ay yayayain niya na rin itong umuwi. Pikit-mata niyang inilapat ang baso sa mga labi. “Yey! Cheers tayo, girl!” tili ni Pony sabay umang ng kopita nito at kinantahan ang sarili ng ‘Happy birthday’.  Naiiling niyang pinanood ang kaibigan. “Thank you, bestfriend! Buti at pinagbigyan mo ako ngayon!” “Magpasalamat ka na birthday mo ngayon! Kung hindi, nunca mo ‘kong mapapasok sa ganitong klaseng lugar! Ano bang napapala n’yo sa pagpunta dito?” sumbat niya kay Pony. Nakatayo ito at pasimpleng isinasayaw ang magaslaw na tugtog, mukhang walang pakialam sa sinasabi niya.  Iginala ni Darrina ang tingin sa kumakapal na tao sa paligid. She would never fit in a crowded place like that. Though she was fine with meeting people and making new friends, hindi sa gano’ng klaseng lugar niya gugustuhing makihalubilo. Marunong siyang makipagkapwa-tao, pero hindi sa gano’ng pagkakataon. She could feel like trouble was just around the corners of the jam-packed room.  Nakakabalita nga siya madalas ng ilang mga gulo at away na nangyayari sa mga bar at club. Ang daming napapahamak na mga kabataan dahil agad nagtitiwala sa mga bagong nakikilala. May mga babae ring napagsasamantalahan dahil ang dadaling mauto. Katulad halimbawa ng dalawang babaeng nasa ilalim ng magkabilang braso ng lalaking kanina pa niya natatanaw mula sa pwesto. Kahit sa distansiya, halatang nagpipista ang lalake sa naka-exposed na mga balikat at mga binti ng mga kasama. Napailing siya sa mga babae. Poor girls! Panibagong mga biktima ng Casanova. “Order pa’ko, gusto mo?” sigaw ni Pony nang mailapag ang wala nang lamang baso. Mariin siyang umiling saka pinandilatan ito. “Tama na, Ponsettia! Makuntento ka na d’yan sa iniinom mo! Wala sa plano ko ang maghila ng lasing! Iiwan kita sa kalye, makita mo!” Tinawanan lang iyon ni Pony. Dinampot nito ang bote ng kanina pa iniinom na beer at tinungga iyon. Muli niyang itinaas ang kopita at sumimsim. Pagkatapos, kinapa niya ang hand sanitizer na nakalawit sa zipper ng bag saka nag-spray sa mga daliri. Dumampot siya ng onion rings at sumubo. Napasulyap siya sa gawi ng lalakeng dala-dalawa ang ka-date at doon ay halos maibuga niya ang kinakain. Nanlaki ang mga mata niya. Kitang-kita niya kasi kung paano hinaltak ng babaeng  nasa kanan ang kwelyo ng polo shirt ng lalake saka sinunggaban ang bibig noon. Pero hindi pa roon natapos ang pagka-shock ni Darrina. Dahil ang nasa kaliwa namang babae ang kumalawit sa batok ng lalake bago iyon mariing hinalikan. Diring-diring napangiwi siya sa nasaksihan. Yuck! E, di naghalu-halo na ang mga laway nila! “Darri, come on! Let’s dance!” Hindi niya malingon si Pony. Hindi niya kasi maialis ang mga mata sa tatsulok na nagko-contest  yata sa palaliman ng paghalik. Sa habag ng Langit ay napagod din sa wakas ang tatlo at tumigil. Nakita pa niyang pinunasan ng daliri ng lalake ang bibig ng isa sa mga ka-date. Kadiri talaga! “Ohhhh! Cayel Rodriguez! Siya ba ang tinitingnan mo, girl?” malakas na tanong ni Pony na nakaupo na ulit sa high chair nito. Umismid siya sa kaibigan. Dinampot niya ang wine glass at lumagok doon. Wala siyang balak sagutin ang tanong ni Pony.  Hindi niya kailangang kumpirmahin na si Cayel Rodriguez nga ang lalakeng kanina niya pa tinitingnan. “The King of all Casanovas! Napakagwapo naman kasi ni Cayel kaya ang daming umaaligid na babae! Di ba, girl?” komento ni Pony na hindi na rin mapigtas ang tingin sa gawi ng lalake. Tumikwas ang isang kilay niya sa tinuran ni Pony. Yeah right! Gwapo nga, pero wala yatang kahihiyan sa katawan itong si Cayel. Well, hindi niya ito personal na kakilala. Nagkataon lang na apo si Cayel nang tanyag na pilantropo na si Don Marciano Rodriguez kaya niya kilala ang lalake. She admired the old man. May mabangong pangalan si Don Marciano hindi lang sa negosyo kundi pati na rin sa pagkakawanggawa. Katunayan ay isa ang pamilya ni Darrina sa mga natulungan at tinutulungan hanggang ngayon ng matanda. He’s the man behind Marciano’s Group of Restaurants, kung saan kabilang ang primera klaseng restaurant na Café Rafaela at ang informal dining na Marciano’s. Balita pa niya, shareholder din si Don Marciano ng Nogara Philippines – ang kumpaniya kung saan naman siya nakatakdang mag-internship. Ekta-ektaryang lupain din sa bayan ang pag-aari ng matanda. At bukod pa roon ay may iba pang mga negosyo ang Don. Napakaswerte lang ng mga apo ng matanda. Lalo na ng isang ‘yon na parang halimaw nang nakipaghalikan sa dala-dalawang ka-date. Ang daming nakakakita sa ginagawa ni Cayel, wala ba itong pakialam sa sasabihin ng mga tao? Dapat nga ay maingat ito sa ikinikilos sa mata ng publiko dahil apo ito ng isang kilalang pilantropo. Hindi kaya sa ginagawa nito ay madungisan ang magandang imahe ni Don Marciano? “Halika, girl! Magpapansin tayo kay Cayel!” yaya ni Pony sa kaniya bago inisang-lagok natitirang ang laman ng baso. “Ano? Ayoko nga!” asik niya sa kaibigan na halatang may tama na. “Bakit ganiyan ka maka-react? E, kanina ka pa nga nakatingin kay Cayel?” “Excuse me! Hindi si Cayel ang tinitingnan ko! Sa mga babaeng kasama niya ako nakatingin…” Tumawa nang malakas si Pony. Nakakailang baso na ba ito mula pa kanina? Marami-rami na samantalang siya ay bahagya nang nabawasan ang wine. “E, bakit mo naman sila tinitingnan?” pag-uusisa pa rin nito. “Wala! Bakit, masama bang tumingin?” Tumawa na naman ito. “If I know, inaalam mo lang kung mas maganda sa’yo ang mga ‘yon. Crush mo si Cayel Rodriguez, ano !” “Anong s’abi mo?” naaasar na sambit niya at pinaningkitan ito ng mga mata. “Hoy, Pony, pwede ba? Tumigil ka at baka malimutan kong birthday mo, e, mabato kita ng baso!” Imbes na matakot sa banta niya ay nakangising tumayo si Pony. “Kung ayaw mo, ako na lang ang lalapit kay Cayel!” anito sabay talikod. Nalaglag ang mga panga niya sa ginawa ng kaibigan. Mukhang may tama na nga ang loka! Nagsimulang humakbang si Pony patungo sa direksyon ni Cayel at ng mga kasama nito. Diretso pa naman ang lakad nito, pero hindi niya mapigilang kabahan. Baka kung anong gawin nito. Baka sunggaban lang din nito si Cayel at makipagpalitan din ng laway! Bago pa makalapit si Pony kay Cayel ay may dalawang lalaking mukhang manyakis ang humarang dito. Nakita niya nang nawala ang ngiti ng kaibigan at naging hindi komportable. Itinaas pa ni Pony ang mga kamay sa mga ito senyales na tumatanggi. Hindi na siya nagdalawang-isip. Tumayo siya at mabilis na lumapit sa kaibigan. “Pony!” Napatingin din sa kaniya ang dalawang manyakis. “Oh, hi, beautiful! Magkasama ba kayong dalawa?” Hindi niya pinansin ang sinabi ng isa sa mga lalake. Hinawakan niya ang braso ni Pony  para sana mahila na pabalik kaya lang ay biglang humarang ang lalaki. Inilapit pa noon ang mukha sa tainga niya. Natakpan niya ang ilong at bibig. Halos masuka talaga siya sa amoy ng hininga noon. “Pwede bang makipagsayaw sa inyo? Wala kasi kaming partner nitong kasama ko.” “S-sorry, Kuya! Pauwi na kami, e!” Ngumisi ang lalaki. “Mamaya na! Magsayaw na muna tayo! Gusto n’yo ilibre pa namin kayo ng drinks?” “Hindi na nga sabi!” nakukulitang sagot niya sabay hatak nang malakas kay Pony. Halos kaladkarin na niya ito palayo. Kinuha niya ang kanilang mga bag pagdaan sa mesa. “O, bakit? Uuwi na ba tayo? Mamaya na, girl, maaga pa! Saka paano sina Ate Peachy? Ang sabi ay hahabol daw sila ng friends niya.” “Mamaya pa ang mga ‘yon at hindi ko na kayang maghintay! Pony, pinagbigyan na kita kaya umuwi na tayo!” “Ang killjoy mo naman, e! Hindi pa nga umiinit ang party!” “Ang party hindi pa, pero ang ulo ko, mainit na! Ninenerbiyos ako sa ginagawa mo, Ponsettia! Ninenerbiyos ako sa mga sari-saring tao na nasa lugar na ‘to!” At pagkasabi noon ay hinaltak na niya ang kaibigan. Nakipagsiksikan sila sa dami ng taong pumapasok. Hila-hila niya si Pony na nagngunguto. “Girl, balik na tayo! Sayang naman kasi ang gabi!” himok pa rin sa kaniya ni Pony. Medyo iba na ang tono nito at namumula pa ang buong mukha. “Hindi na, Pony! Tama na! Lasing ka na, o!” Paglabas ng club ay agad na gumala ang mga mata niya. Puno ang parking ng gusali hanggang sa may sidewalk. Hawak niya pa rin sa kamay si Pony hanggang sa makarating sila malapit sa stoplight. “Hindi pa nga ako lasing! Ang killjoy mo! Pasok ulit tayo! Saka nando’n pa si Cayel, ‘yung crush mo!” Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Tumigil ka nga, Ponsettia! Sinabi ko nang hindi ko crush si Cayel! At ngayon mo sabihin na hindi ka lasing?” “Hoy, Miss!” sigaw na kumuha ng pansin niya at napalingon doon. Natulos siya nang makilala ang dalawang lalaki kanina sa bar.  Sinundan ba sila ng mga ito? “Bastos ka, ha! Nakikipag-usap kami nang maayos sa inyo, tatalikuran mo kami basta!” Bahagya siyang umatras nang makitang palapit na sa kanila ang dalawa. Si Pony na kanina ay hawak niya ang humawak sa braso niya ngayon.  “Ano’t ‘di ka makakibo? Supladang ‘to! Baka hindi mo ‘ko nakikilala?” “H-hindi nga kita kilala, Kuya...” wika niya na pilit nilalabanan ang kaba.   “A, gano’n ba? E, ‘di magpapakilala ako sa’yo!” maangas na sabi nito sabay hatak sa kaniyang braso. Nagkahiwalay sila ni Pony sa isang hilahan lang nito. Si Pony na tutulong sana sa kaniya ay pinigilan ng isa pang lalaki. “Giiiirl!” Nagtitili na nga si Pony. “Ano ba, Kuya? Bitiwan mo ‘ko!” angil niya sa lalake habang pinipilit bawiin ang braso. Hinawakan niya ang bag subalit, bago pa niya iyon maihampas sa lalake ay nahuli na rin nito ang isa pa niyang braso. Iniangat niya ang paa at tinangkang sipain ang gitna ng hita ng lalake, pero nailagan siya nito. Tumawa pa ito nang nakauuyam kaya nag-init ang ulo niya.   “Palaban ka, ha!” tatawa-tawang sabi noon sabay yapos sa kaniya. Pinigilan niya talagang huminga. Mamamatay siya hindi sa takot kundi dahil sa mala-imburnal na amoy ng bibig ng lalake. “Tingnan ko lang kung pumalag ka pa oras na matikman mo ang halik ko!” Sinundan nito ng halakhak ang sinabi bago lalong inilapit ang nguso sa kaniya. “Eeewww!” nadidiring sigaw niya sabay tulak sa mukha nito.   “Giiiirl! Ano ba, kuya, tigilan mo na kami!” Narinig niya ang sigaw ni Pony. “K-kuyang lasing, ano ba! Bitiwan mo’ko, mamamatay ako sa amoy mo!” Sinabayan pa niya ng piglas ang mga pagtili. Nangilabot siya nang lumapat nang bahagya ang labi ng lalake sa kaniyang pisngi. Nagsisigaw pa siya nang todo habang itinutulak ito nang ubos-lakas, pero bago pa man siya maubusan ng boses ay may biglang humila rito palayo. Napatanga siya sa saklolong dumating. Mabilis na ang mga sumunod na pangyayari. Nakita niya ang paghandusay ng lalake sa kaniyang paanan. Ilang suntok pa ang dumapo sa mukha at katawan noon bago iyon tinigilan ng sumaklolo sa kanila. Nilingon nito ang direksiyon ni Pony. “Aray ko naman!” Muntik nang masubsob si Pony kung hindi niya ito nasalo. Bigla kasi itong itinulak ng lalakeng humawak dito bago iyon kumaripas ng takbo at iniwan ang kasama. Bahagyang nanginginig pa ang katawan ni Pony nang mapayakap ito sa kaniya. Nakita niya ang paglapit ng mga tao. Hindi niya alam kung nasaan ang mga ito kanina habang nakikipagbuno siya sa lalake, pero sigurado siyang nanonood lang ang iba rito sa kanila. Walang nagtangkang tumulong sa kanila maliban lang dito kay- “Cayel Rodriguez!” Halos mabasag ang ear drum niya nang sumigaw si Pony sa gilid ng kaniyang mukha. Bigla rin itong bumitiw ng yakap. Nilingon niya rin ang lalakeng tumulong sa kanila. Kumabog ang dibdib niya nang masalubong ang mga mata nito. “S-salamat…” ang unang nasambit niya at bahagyang ngumiti habang palapit si Cayel. Halos tumingala siya sa taas nito. Naalala niya bigla ang mga lihim na panghuhusga rito at bahagya siyang nakadama ng guilt. “Salamat sa’yo! Mabuti na lang talaga… d-dumating ka…” “Don’t you think I deserve a reward?” Natigilan at nalilitong tumingin siya kay Cayel, pero agad napalitan ng shock ang kaniyang pagkalito nang kabigin siya nito at mariing hinalikan sa mga labi. Ilang segundo na nanlaki ang mga mata niya. Narinig niya sa background ang malakas na tili ni Pony. Pumiglas siya at marahas na itinulak si Cayel, parang pader ang matigas nitong dibdib sa mga palad niya.  Pareho silang natitigilan nang bitiwan siya nito. Ilang segundo yatang nakatitig lang siya rito, pero nang maisip niya ang ginawa ni Cayel ay agad siyang nandiri. Desperado niyang pinunasan ang bibig at makailang ulit na dumura sa lupa. Pagkatapos ay sinugod niya si Cayel at buong lakas itong sinampal sa mukha. “Bastos ka! May patulong-tulong ka pang nalalaman, masahol ka pa pala sa mga lalaking ‘yon!” Nanginginig ang buong katawan niya. Halos marinig niya ang pagbulusok ng dugo sa mga tainga. Nakita niya ang pagpula ng mukha ni Cayel. “D-Darrina, wait-” Hindi niya ito pinatapos. Muli niya itong sinugod at saka pinaghahampas. Inawat siya ni Pony. Halos masiko pa niya ang kaibigan dahil sa gigil kay Cayel. “Nakakadiri ka! Ang kapal ng mukha mo! Bastos! Bastos!” sunud-sunod na mura niya at muling dumura.  Hindi niya kayang lunukin ang anumang laman ng bibig ngayon. Halos nai-imagine pa niya ang paghahalu-halo ng laway ni Cayel at ng mga babaeng kasama kanina sa bar. At malay ba niya kung sino pang hinalikan nito bago siya. Hindi pala siya dapat ma-guilty kung hinusgahan niya si Cayel sa isip dahil sadya palang makapal ang mukha ng apong ito ni Don Marciano. Mabilis niyang kinapa ang rubbing alcohol sa sling bag. Binuksan niya iyon at sa nanginginig na mga daliri ay pinasirit niya ang likido sa loob ng bibig. “What the hell!” Narinig niya ang bulalas ni Cayel. Hindi niya ito pinansin. Iminumog niya ang maanghang at mapait na likido. Nahilam ang mga mata niya sa lasa noon. Di bale nang makalunok siya ng alcohol. Hindi niya iyon ikamamatay. Mas ikakamatay niya kung hindi mawawala ang laway ni Cayel sa bibig niya! Pinunasan niya ang labi pagkatapos na maibuga ang alcohol. Muli niya pa sanang pasisiritan ang bibig  nang biglang hablutin ni Cayel ang bote mula sa kaniyang kamay. “Gusto mo bang malason?” asik nito na lalo lamang niyang ikinagalit. “Huwag kang makialam! Ibalik mo ‘yan! Akina ‘yan!” Sabay hablot sa botelya, pero itinaas iyon ni Cayel sa ere bago pa niya mahawakan.  At sa height niyang iyon, paano niya naman maaabot ang kamay nito? “ANG S’A-BI-KO, A-KI-NA-YAN!” gigil na sambit niya saka ubos lakas na sinuntok ang matigas na tiyan ni Cayel. “Ouch!” anitong bahagyang napayuko at sinapo ang tiyan. Duda siya na nasaktan nga ito. ‘Yung kamao pa nga yata niya ang bahagyang nangainit sa pagsuntok dito. Hindi nga siya nasiyahan. Humakbang pa siya at inundayan ng tadyak ang isang paa ni Cayel. “Ooohhh, sh*t!” sigaw nito na nagkandirit hanggang sa nawalan ng balanse. Bumagsak ito sa concrete ground. Doon siya naniwalang nasaktan ito. Nakaismid niyang dinampot ang botelya ng alcohol na nahulog nang mabitiwan ni Cayel saka siya umirap dito. “Sumusobra ka na, Darrina! Tinulungan kita, pero ito pa ang igaganti mo?” inis na sumbat ni Cayel. Kunot-noo niya itong nilingon. Akala niya ay imahinasyon niya lang na tinawag siya nito sa pangalan niya kanina. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ni Cayel. Siguro ay narinig nito kanina kay Pony. “Girl, ano ka ba, ang bayolente mo! Iniligtas tayo nung tao, e!” Naninisi ang tono ni Pony nang iharap siya. Nakanguso ito at itsurang nahihiya sa ginawa niya kay Cayel. “Ah, talaga, iniligtas niya tayo? Nakita mo ang ginawa sa’kin n’yan, tapos ngayon ipagtatanggol mo? Sirang-sira na ang gabi ko, alam mo ba ‘yun!” Inirapan niya si Pony at nakita niya ulit ang mga taong nanonood sa kanila. Wala sana sa mga iyon ang nakakilala sa kaniya. Hindi niya gustong makarating sa mga magulang ang nangyaring iyon.  Umatras siya at hinarap ulit si Pony upang yayain nang umuwi. Nakatingin naman ito kay Cayel na pinaliligiran na ulit ng mga babae. Nakatayo na ang lalake at nakatuon kay Darrina ang tingin. Subukan lang nitong magsalita pa at tutuhurin na niya talaga! “Cayel, salamat ulit, ha! Okay lang ‘yan na medyo nasaktan kanang kaunti. Ikaw naman ang first kiss ng bestfriend ko!” Nag-init ang mga pisngi niya at pinigilang lingunin si Cayel. “P-Ponsettia! Ano bang sinasabi mo diyan? Halika na sabing umuwi!” Inis na hinaklit niya ang braso ng kaibigang traydor at hinila na ito palayo. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
211.2K
bc

My Last (Tagalog)

read
486.8K
bc

The Professor's Wife

read
449.7K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.6K
bc

His Cheating Heart

read
41.3K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook