***ANASIA***
Nang gabi ring iyon, bihis na bihis ang magpinsang Anasia at Karen. Nagpasiya silang pormal ang magiging kasuotan nila dahil kung papalarin na makakapasok sila sa venue ng kaarawan ni Chairman Diosdado de Mevius ay hindi naman sila mukhang napadaan lang kahit na technically ay ganoon na nga.
Si Anasia ay nakasuot ng kulay navy blue na one-shoulder formal gown, framing her beautiful back. Hapit sa kanyang 23-waistline at kita ang kanyang pagka-long legged. Animo’y crystal ang kanyang mga hita kapag sumisilip sa may slit. Habang ang malulusog na kanyang mga hinaharap ay nag-uumapaw sa kanyang harapan. Habang si Karen ay maikling dress naman ang kasuotan, plunging sa harap at likuran na hapit na hapit sa sexy rin nitong katawan.
Parehas sila ni Karen na natural ang pagiging slim ng kanilang pangangatawan. Kahit anong kain nila ay hindi sila tumataba.
Ang mga buhok nila’y kinulot lang nila ng pa-wave at hinayaan na nilang nakalugay. Simpleng make-up naman sa kanilang mukha dahil parehas silang hindi magaling sa pagkulorete ng mukha.
At kahit luma man dahil ginamit na nila ang mga kasuotan nila noong may dinaluhan silang okasyon ay walang itulak kabigin pa rin ang magpinsan sa taglay nilang kagandahan sa gabing iyon.
“Kung makikita ako ngayon ni Alvin, sigurado tulo-laway na naman sana siya sa aking ka-sexy-an,” ani Karen nang makasakay na sila sa taxi na pinara nila.
Napangiti’t nailing naman si Anasia. Ayaw niyang badtrip-in ngayon si Karen ukol sa nobyo nitong palikero kaya hindi na siya nagkomento. Alam niya na kapag nagsalita siya tungkol kay Alvin ay masasamang adjective lamang ang kanyang masasabi.
Noon pa man ay hindi na siya boto sa lalaking iyon para sa kanyang pinsan. Mabait naman pero iyon na nga, ayaw na ayaw niya sa pagkahilig nito sa babae. Inis na inis siya kapag nakikita niyang umiiyak si Karen dahil nahuli na namang may kasamang ibang babae. Wala naman siyang magawa dahil mahal na mahal ni Karen si Alvin. Kahit pinapayohan niya ito halos araw-araw ay pasok sa kanang tainga lalabas na man sa kaliwang tainga.
Inakala niya talaga na magiging maayos na ang dalawa dahil mga engaged na nga, hindi pa rin pala. Wala pang isang linggo ang singsing sa daliri ni Karen. Tss
“Dala mo ba ‘yong—“ Natigil ang pagtatanong sana ni Karen singsing dahil pinandilatan niya ito ng mata. Pasimple niyang inginuso ang estrangherong nagmamaneho. Napatutop nito ang bunganga. “Sorry,” saka buka ng bibig nito na walang boses.
Para makapante ang pinsan ay iniangat niya ang purse niyang hawak. Nag-thumbs up si Karen bilang pagsasabi ng, “Okay.”
Saglit lang ay ibinaba na sila sa main entrance ng Five Star Hotel. At pagpasok nila, sa lobby pa lamang ay halos lahat ng kalalakihan doon at maging ang kababaihan ay napalinga sa kanilang direksyon. Naagaw ang pansin ng mga tao dahil sa kanilang kagandahan, lalo na ni Anasia.
“Ikaw na magtanong,” uto ni Anasia kay Karen.
Alanganin man ay lumapit nga si Karen sa receptionist. “Miss, saan dito iyong live na birthday party para sa Chairman ng Mevius Bank?”
Ngumiti ang magandang dalaga. “Sa may pandanggo function room po, Ma’am.”
“Thank you,” kinabahang pasalamat ni Karen. Akala niya kasi ay hindi siya sasagutin dahil exclusive ang okasyon.
“Tara,” kalabit agad ni Anasia sa pinsan.
“Thank you ulit, Miss. Late na kasi kami kaya parang naliligaw kami,” palusot ni Karen sa receptionist. Yumukod-yukod pa.
Nginitian lang naman ni Anasia ang magandang receptionist nang ngumiti sa kanila. Siguro dahil mukha silang dadalo talaga sa occasion kaya hindi sila pinagduduhan. Sa ayos nila ay malamang napagkamalan silang bisita ng Chairman.
“Sana maraming guwapo,” bulong ni Karen nang sumakay sila sa elevator.
Pinanlakihan niya ito ng mata upang magtigil. May kasama sila sa loob ng elevator kaya nakakahiya.
Ang problema, nang makarating naman sila sa lugar na pandanggo ay hiningian sila ng invitation. Napatutop si Anasia sa kanyang noo dahil ngayon lang pumasok sa isip niya na oo nga naman, kailang talaga ng invitation kapag mga okasyon ng mga mayayaman.
“Wala kaming invitation, eh, pero kilala ako ni Sir Vernon na anak ng birthday celebrant. Sabihin mo lang po na hinahanap siya ng binilhan niya ng singsing sa Lux Fine Jewelry,” pagbabasakali niya.
“Opo, sabihin niyo po na ibabalik namin iyong singsing niya,” segunda ni Karen.
“Pasensya na pero kailangan ng invitation, Ma’am,” ngunit ay inulit lang na sabi ng babae.
“Pero iyong singsing kasi ay para raw kay Miss Deanna kaya kailangang maibalik ko kay Sir Vernon. Kailangan po namain makapasok para maibigay sa kanya,” pakiusap pa rin ni Anasia.
“Akin nga ang singsing. Ipakita ko sa kanya.” Kinuha ni Karen ang purse ni Anasia at nagmamadaling binulatlat. Kinuha ang jewelry box at ipinakita sa bantay na babae. “Ito, oh, engagement ring. Nagkakahalaga ito ng higit isang milyon. Alam ito ni Sir Vernon.”
“Sorry po talaga,” sabi lang ng babae. Hindi man lang nagkainteres sa singsing. Hindi man lang tiningnan. Nagbe-busy-busy-an na.
Nawalan ng pag-asa na nagkatinginan sina Anasia at Karen. Palagay nila, ang tingin lang sa kanila ng babae at ng iba pang bantay ay mga nababaliw o manggagantso na nais lang makasulot sa magarbong handaan.
“Sige, Miss, salamat na lang,” sa huli ay pagsuko ni Anasia. Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang kanyang pagbuntong-hininga.
“Oh.” Naiinis na ibinalik sa kanya ni Karen ang jewelry box. Isa pang lingon ito sa mga bantay at mga inirapan nito.
Kinuha naman niya iyon at ibabalik na niya sana sa kanyang purse.
“Wait,” nang bigla ay pigil sa kanya ng boses babae.
Nang angatin niya ang tingin ay nakita niya ang mala-prinsensang dalagita sa ganda. Para itong si Lily James na gumanap bilang Cinderella. Blonde ang buhok at mukang Amerikana.
Walang anu-anong kinuha nito sa kanyang kamay ang jewelry box at binuksan. “Oh,” at naiusal nang nakita ang diamond ring sa loob niyon.
“So, it’s you,” pagkuwa’y kay tamis na ng ngiti nito sa kanya nang tingnan siya’t kilatisin.
“Sino po—“ At hindi pa man siya nakakapagtanong ay hinila na siya ng kamay ng dalagita.
“Let her in. She’s a special guest of Kuya Vernon,” tapos ay sabi nito mga bantay na kanina’y humaharang sa kanila ni Karen upang hindi makapasok.
“Miss Chloe, kilala mo ba sila?” paniniguro ng lady guard. Maliban sa lady guard ay may dalawa pang lalaki na bodyguards naman.
Mukhang close ang dalagita na ang pangalan ay Chloe sa lady guard dahil ibinulong nito ang sagot.
Lalong nagtaka si Anasia nang tingnan siya ng lady guard na medyo lumaki ang mga mata. Saglit ay bahagya itong yumukod na animo’y bigla siyang naging kagalang-galang na tao sa pangingin nito. At dahil do’n pati ang mga organizer ng event ay yumukod bahagya sa kanya.
“Come, Ate. Kuya Vernon is waiting for you. Kanina pa,” balik-pansin ni Chloe sa kanya.
Bumuka ang kanyang bunganga. May gusto siyang itanong o sabihin pero hindi lumabas sa kanyang tinig.
Nang hilahin siya ni Chloe ay nagpahila naman siya.
“Sama ako.” Kumawit sa braso niya si Karen.
Kung kanina ay namangha sila sa ganda ng mismong hotel, naging triple ang mangha nila nang makapasok sila sa napakarangyang bulwagan ng mga mayayaman. Ang mga chandelier, ang lalaki. Ang mga bulaklak, madami sa kahit saan. At ang mga tao, ang sososyal.
“What’s your name?” tanong ni Chloe na umuntag sa kanya habang hinihila pa rin siya.
“Huh?”
Kita ang mga mapuputing ngipin na ngumiti sa kanya si Chloe. Kung mag-a-audition ito para sa toothpaste commercial, sure siya na pag-aagawan ang dalaga ng mga iba’t ibang kompanya ng tootpaste.
“Don’t be shy. I’m Chloe de Mevius. Pinsan ako ni Kuya Vernon,” tapos ay pakilala nito.
“A-Anasia. Ako naman si Anasia Rosero,” napilitan din na pakilala niya. “Uhm, nasaan si Sir—“
“Kuya Vernon!” pasigaw na tawag ni Chloe sa lalaking kanina pa nila gustong makita kaya hindi niya naituloy na namn ang itatanong dapat.
Inabot ng kanyang tingin ang binatang tinawag ni Chloe. Naroon ito sa long table kasama ang limang katao na malamang ay pamilya niyo. Nasa kabiserang upuan ang birthday celebrant na si Chairman Diosdado.
“Oy!” Muntik na siyang matapilok nang pabiglang hinila ulit siya ni Chloe.
“Anasia?” Namalayan na lamang niya na nasa harap na siya ni Vernon. Takang-taka ang hitsura nito sa hindi makapaniwalang kanyang presensya. Na normal lang naman dahil hindi naman siya imbitado sa ginagawang birthday celebration tapos akay-akay pa siya ni Chloe.
“Hi, Sir,” pasalamat niya’t nagawa niyang ibati sa kabila ng matinding pagririgodon na naman ng kanyang puso sa pagkakakita niya sa kanyang crush. Masasabi niyang mas guwapo pa ito ngayon kaysa sa dalawang beses na pagkikita niya rito.
“What are you doing here?”
Sasagutin niya sana na ibabalik niya lang ang singsing.
“Guys, this is Anasia Roseso. Kuya Vernon’s fiancée,” ngunit ay biglang anunsyo ni Chloe.
Literal na nalaglag ang panga ni Anasia at alam niya ganoon din si Vernon.
Kinuha ni Chloe sa kamay niya ang jewelry box ng singsing. “Nakita ko noong isang araw itong ring na bitbit ni Kuya Vernon and when I asked him, he replied that he would give it to his fiancée. Kaya si Anasia ang mystery fiancée ni Kuya dahil nasa kanya at suot niya ang singsing.”
“Sigurado ka ba na iyan ang singsing?” nakakunot ang noo na paniniguro ng isang sosyalin at mukhang masungit na babae. Nasa ito tabi ni Vernon. At kung sino man ito ay walang ideya si Anasia.
“Of course, Sis, I can't be wrong,” siguradong-sigurado naman na tugon ni Chloe.
“Engaged ka na, Vernon?” lalaki naman ang nagtanong. Guwapo rin.
“Yes, Kuya Jernon. Ikakasal na soon ang iyong kambal. Magkaka-sister-in-law ka na,” sagot din ni Chloe.
Mabilis na naitanong ng isip niya ang, may kambal si Vernon? Pero bakit hindi yata sila magkamukha?
“Talaga? Kailang ang kasal kung gano’n?” Natuwa si Jernon. Kay laki nang pagkakangiti na ibinigay kay Vernon.
“Mali! Hindi!” gusto nang isigaw ni Anasia pero ngayon pa talaga nahiya ang kanyang malakas na boses.
“Bagay kayo, Kuya,” sabi pa ni Chloe sa kanila ni Vernon.
Napangiwi si Anasia. Nalagot na.