PART 13

1655 Words

***ANASIA*** “Oo, may asawa na ako,” gustong aminin ni Anasia ngunit pinigilan niya ang sarili. “Wala ka ring wedding ring kaya wala ka ring asawa, tama ba?” tanong pa ng lalaki. “W-wala pa,” hirap na hirap ang kanyang dila na pagsagot. Mabuti na lang at hindi siya tinamaan no’ng kumidlat dahil sa kanyang pagsisinungaling. Palakas nang palakas ang ulan. Halos hindi na makita ang unahan ng kalsada. “Itulog mo lang diyan kung gusto mo. Medyo malayo pa tayo,” pag-iiba na ng topic ng lalaki. Siguro ay upang makapagpokus na ito sa pagmamaneho. Hindi nga naman maganda na nag-uusap sila habang nagmamaneho ito. Delikado lalo’t nagngangalit ang ulan. Isang pagkakamali lang nito ay disgrasya ang kakahantungan nila pareho. Pumikit nga siya pero ang linaw pa rin ng diwa niya. Kahit naisin niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD