KINABUKASAN bumalik ako sa hospital upang kumustahin si madam Nishiko at dinalhan ko siya ng mga prutas at bulaklak. Kumatok ako bago pumasok. "Come-in!" boses ni madam Nishiko. Pagpasok ko sa kuwarto may nakita akong isang matandang lalaki na nakaupo sa harapan ni Madam Nishiko. Nang makita niya ako ay agad naman niya akong pinalapit. "Good morning, madam Nishiko. How are you?" bati ko sa kaniya. "I'm okay now. Anyway Audrey, He's my personal lawyer Mr. Senichi." Pagpakilala ni Madam sa lalaki. "Good morning, sir!" bati ko rin sa kaniyang bisita. "Good morning too!" tugon ng abogado sa akin at nakangiti ito. "Atty. Senichi, she's Audrey, my legally daughter-to-be," aniya rito. Ngumiti naman ang abogado sa akin at kamayan naming dalawa. Pagkatapos ay binuksan ni atty. Senichi a