Pagkatapos kong makapagpalit ay nagtungo agad ako sa kinaroroonan ni William. "Ang galing mo talaga Mask Butterfly. Lalong nakaka-in love." "Salamat!" Umupo ako sa kaniyang tabi at hindi ko maiwasan na mapasulysap sa maamong mukha ni William. Ang bawat ngiti niya ay nagpapakilig sa aking puso. Hanggang sa nagpaalam na si William at mag-good bye kiss sana siya sa aking pisngi at hindi naman sinasadya na lumingon ako kaya sa aking labi dumapo ang kaniyang labi. Parehong lumaki ang aming mga mata at hindi nakakibo sa pagkabigla. "I'm sorry." Malumanay niyang paghingi sabi. "It's okay." Nakayuko ako at halos hindi makatingin sa kaniya. Hanggang sa nakaalis na si William at hinahatid ko naman siya sa aking mga tingin. "Ewan ko kung magkikita pa ba kami pero bahala na." Bulong ko sa