"By the way, i'm Claude. Youngest brother of Charlie. Anyway, dalawa lang naman kami and ahead lang siya ng one year sa akin. So, you are? What's your name, beautiful?" Nakangiti at mukhang walang ipinagkaiba itong Claude sa kuya niyang si Charlie.
Maaliwalas din ang mukha at smiling face din. Hindi mabura-bura ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Ahm..L-Lhevyrose po," nahihiya at naiilang kong sagot sa kaniya. Hindi man lang kasi magdamit!
"Drop the po, okay? Wala pa naman akong puti at wrinkles no? Feeling ko tumatanda ako eh," ngiting-ngiti pa rin niyang sagot kaya naman naglalabasan ang magkabila niyang dimple na kagaya rin ng kay Charlie.
Magkahawig na magkahawig at hindi maipagkakailang magkapatid nga sila. Ang akala ko pa nga kanina ay si Charlie na siya noong una kong makita! Kaya pakiramdam ko kanina ay aatakehin na ako sa nerbiyos!
"A-amo ko po kayo eh."
"It's fine with me, okay. Let's go to the kitchen. I'll introduce you to Nanay Lydia na siyang makakasama mo dito." Tinalikuran na niya kami at nag-umpisang maglakad papasok ng mansion.
"Ahm, Claude?" tawag naman sa kanya ni Cail na nasa aking likuran.
"Cail! Oopss! Sorry I almost forgot about you, baby." Mabilis siyang bumalik kay Cail.
"Tss. Stop calling me baby. I'll go ahead."
"Iyon na nga lang, bawal pa rin? Sayang talaga. Sana noon pa ako umuwi dito eh. Tsk," naiiling niyang sagot kay Cail. May gusto ba siya kay Cail? Eh 'di ba kapatid niya si Charlie? Eh 'di pinsan niya rin si Rick na asawa ni Cail.
"Tss. Sige na, bye. Lhevy, una na 'ko. If you need anything, just call me."
"S-salamat ha. Ingat ka." Kumindat lang siya sa akin bago nagpatuloy sa paglabas ng mansion.
"Take care, baby," malakas ding pahabol ni Claude kay Cail pero hindi na siya nito pinansin pa kaya bumaling na siya sa akin.
"Let's go. Have you eaten? Maybe you're hungry." Bigla siyang umakbay sa akin. Nagulat ako kaya bigla akong napalayo sa kaniya!
"Ooopss! Hey, sorry. D-don't mind that. Sorry, I'm just used to being like this with my friends and with anyone. But that's all. No malice ha. Hindi ako mapagsamantalang tao," kaagad niyang paliwanag sa akin na may kasama pang pagtaas ng dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
"S-sorry din. N-nagulat lang ako. H-hindi kasi ako sanay eh."
"Yeah, i'm sorry. Hindi na mauulit."
Tumango ako sa kaniya.
"Don't be shy to me, a'right? Anyway, Charlie and I are the only ones living here plus an old maid so we still need another maid here para may makakatulong si Nanay Lydia. I've only been here in Pinas for a week dahil si daddy ang pumalit sa akin sa Italy para sa negosyo namin doon. Doon talaga ako nakatira but for now, dito na muna. If you ask me, wala na kaming mommy 'cause she's already married to someone else. If you ask me too, I don't have a girlfriend dahil ang gusto ko sana ay si Cail ang kaso, naunahan ako ng pinsan ko. You know him, Rick? So, I'm already 25 but still single. Tsk. It's hard to find a deserving woman. So, how old are you? Are you married? Do you have children? Hindi na kasi ako humingi ng application form mo tutal ay kaibigan mo naman si Cail kaya tiwala naman ako sa iyo ha?" dire-diretso at napakahaba niyang sinabi. Hindi rin siya madaldal no? Kalalaking tao. Mukhang mas malala pa ito sa kuya niya.
"S-salamat. Nineteen pa lang ako...p-pero m-may anak na ako."
"Really?" tanong niya habang namimilog ang kanyang mga mata at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. "Eh nasaan ngayon si baby? Sinong nag-aalaga sa kaniya ngayon?"
"F-family ko."
"Family mo? Parents, brother and sister?"
"Opo," nakayuko kong sagot.
"Wait. Mind asking you where's the father of your baby? Lalaki ba o babae ang baby mo?" Ang dami niyang tanong. Reporter siguro ito. Hindi ko alam kung alin ang uunahin kong sagutin.
"Baby boy."
"How old is he?"
"One year and three months old."
"Whoaa! Sana ma-meet ko siya. And the father again? Where is his father?"
"H-hinahanap ko pa eh." Natigilan siya sa paglalakad at biglang napaharap sa akin.
"What the fuck?! Hinahanap?! What do you mean by hinahanap? He left you? He relinquish his responsibility to you after niyang magpakasarap at magpakasasa sa ipinagbabawal na pagkain?!" Nagugulat ako sa lakas ng boses niya. At ano ulit 'yong sinabi niya? Ipinagbabawal na pagkain?
"S-sorry, sorry. Nadadala lang ako. I don't like his strategy. Kung gagawa siya ng kalokohan, siguraduhin niyang kaya niyang panindigan, 'di ba?"
"H-hindi pa niya kasi alam."
"Hindi pa niya alam?! Why didn't you tell him?!" sigaw niya ulit. P'wede naman sigurong hindi sumigaw no? Siguro mga ilang araw pa lang ako dito ay may phobia na ako sa kanya.
"K-kaya nga hinahanap ko pa siya."
"Ah oo nga pala. Punta na tayo sa kitchen." Bigla siyang kumalma at ako naman ay hindi makapaniwala sa kaniya. Napakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo.
Pagdating namin sa kitchen ay naabutan naming abala sa paghahanda ng hapunan ang isang may edad na babae na sa tingin ko ay nasa sisenta mahigit na ang kanyang edad.
"Nanay," medyo malakas pero may paggalang na tawag sa kanya ni Claude. Napalingon naman sa amin ang matanda.
"Oh, bagong kaibigan mo na naman ba, iho?" tanong ng matanda habang inaaninaw niya ako sa suot niyang reading glasses.
"Yes, Nanay. May new friend na naman ako aaaat? Makakasama natin siya dito kaya hindi ka na mahihirapan pa. Ayoko kasi ng nahihirapan ka eh."
"Naku, ikaw talaga. Anong pangalan mo, iha?"
"Lhevyrose po."
"Lhevyrose, kay ganda namang pangalan. Siya nga pala, pagpasensiyahan mo na itong alaga ko ha. Makulit lang talaga 'yan, parang kuya niya at gustong-gusto ng maraming kaibigan."
"Okay lang po."
"Masarap namang kasama ang tulad ko no," sabat naman ni Claude.
Binigyan nila ako ng silid dito sa may tabi ng kitchen. Katabi rin ng silid ni Nanay Lydia. Maliit lang pero malinis at may foam pa ang higaan. May mga cabinet din na lagayan ng mga damit ko.
Si Charlie daw ay hindi nila masabi kung anong oras umuuwi dahil minsan daw ay umaga na pero mas malimit daw ay hating-gabi or madaling araw mula sa mga kaibigan or gimikan, bar at kung saan-saan pa. Sanay na daw sila sa ganoong pamumuhay ni Charlie.
Hindi ako mapakali dito sa higaan ko dahil hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako at hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Charlie kapag nakita na niya ako.
Naisipan kong lumabas ng aking silid nang makaramdam ako ng uhaw. Katabi lang naman ng kusina ang silid kaya hindi ako maliligaw.
Kumapa-kapa ako sa paligid dahil hatinggabi na rin at paniguradong tulog na si Nanay Lydia at Claude. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang switch ng ilaw dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan.
Nagbukas ako ng ref nang makapa ko na ang hawakan nito sa pinto nito. Kumuha ako ng stock na bottled water at dito na rin ako uminom habang may ilaw pa na nagmumula sa loob ng ref bago ko ito isinara.
Pagkasara ko ay bigla kong nabitawan ang hawak kong bote nang mapansin kong parang may nakatayong higanteng nilalang sa aking tabi.
M-momo? M-may momo sa t-tabi ko!
Nanginig ako sa takot at handa na sana akong tumakbo nang marinig ko ang pamilyar niyang tinig.
"L-Lhev?"