Chapter 2

1523 Words
Chapter 2 "S-sir." Medyo takot na saad ni Ma'am Honda. Ramdam ko sa boses niya ang takot at nawala kaagad sa kaniya ang pagkamataray na aura niya. Even me! Sobra talaga akong kinabahan dahil sa boses niya! Believe me or not, nakakatakot talaga! Hindi naman ako makalingon sa kaniya. I heard some footsteps at huminto ito sa gilid namin ni Ma'am Honda. Naamoy ko kaagad iyong mabangong amoy. Jusko, Flaire. Siya ba iyong CEO dito? "I'm asking. Didn't I?" He asked. His voice is very intimidating. Dangerous. Napatuwid naman sa pagkakatayo si Ma'am Honda. Sinenyasan niya muna ako na para bang sinasabi niya na bumati ako sa bagong dating. Nakuha ko naman ang gusto niyang ipahiwatig kaya nag-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harap ko ngayon kahit na kinakabahan ako. "Goodmorning po, Sir." I tried to smile pero hindi ko kinaya lalo na ng matignan ko 'yung mukha niya. Oh my. Para siyang isang greek god na bumaba dito sa lupa! From his dark eyes to his very pointed nose and pinky lips. His jaw is perfectly defined. His clean cut hair suits his face. Naka-black tuxedo siya na mas nakapagpagwapo sa kaniya! Oh no, ano ba 'yang iniisip mo, Flaire?! Napansin mo pa talaga iyong mga 'yun? Nakita ko namn na natigilan siya. Lumapit sa akin si Ma'am Honda at may ibinulong. "Sabihin mo sa kaniya na naghahanap ka ng trabaho! He's our boss! The CEO on this company." Mariin na bulong niya sa akin. Napapangiwi naman akong tumingin sa kaniya sabay balik ng tingin sa taong nasa harap ko. I bite my lips. "S-sir---" "Fuck." Napahinto ako ng magmura siya. "Go to my office." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Without any words, iniwan niya kami ni Ma'am Honda na tulala. Go to his office? Bakit? May sinabi ba akong mali? May ginawa ba akong mali? Hala! Baka ipakulong niya ako? Naghahanap lang ako ng trabaho! "Narinig mo? Puntahan mo siya sa office niya. Sixth floor. Sa dulo ng pasilyo. Goodluck." Nakangising saad ni Ma'am Honda at pinagsaraduhan ako ng pinto. Napahawak ako sa sentido ko. Okay? *** "What makes you think that I will hire you?" Nakaramdam agad ng kaba ang katawan ko dahil sa malamig niyang boses. Walang kaemo-emosyon siyang nakatitig ngayon sa akin habang nakaupo sa swivel chair. Napahigpit ang hawak ko sa aking resume at napayuko. "N-nagbabaka sakali lang naman po..." Saad ko sa tonong kinakabahan. His dangerous eyes are very intimidating. Na parang kapag tinignan mo, mamamatay ka. Nakakatakot. It's very unusual. Wala akong narinig sa kaniya kaya siguradong wala na akong chance. Nanlulumong tumalikod ako at naglakad papalabas sa opisina niya. I was about to open the door when he said something. "I'm not finish yet. Stop." Sabi niya gamit ulit ang malamig na boses. Napahinto ako. Anong ibig sabihin niya? Kinakabahan akong humarap sa kaniya. Hindi ako tumingin sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng titigan ng matagal! "A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. Nakita ko ang pag-ikot ng swivel chair niya. Tumayo siya doon at naglakad papalapit sa pwesto ko. Doon ko napansin ang kaniyang tindig. Matangkad siya kumpara sa mga lalaking nakita ko na. Ang kaniyang pangangatawan ay parang alagang alaga sa sobrang ganda nito. Nag-iwas kaagad ako ng tingin. Bakit ako kinakabahan?! "Are you single?" Laglag ang panga ko sa tanong niya. Ilang dipa na lamang ang layo ko sa kaniya at amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya. "Po?" Tanong ko. Baka mali lamang ako ng narinig. Bakit naman niya tatanungin 'yun? "Fuck. Just answer me. Are you still single?" Mariin ang boses niya at mapanganib. "O-opo." Napilitan kong sagot. "Good, then." Saad niya at naglakad ulit siya pabalik sa upuan niya. Tanggap na ba ako? Anong connect ng pagiging single ko sa mga requirements dito sa kompanya? Hindi ko siya maintindihan. "S-sir?" Pagtawag ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot kaya tumalikod na lang ulit ako. "You're hired." *** "Aba. Ano namang mahika ang ginamit mo at natanggap ka sa trabaho, Flaire?" Tanong ni Tita habang nasa hapag kainan kami. Binalita ko kaagad sa kaniya iyong mga nangyare kanina sa Peterson Company. At maski ako, hindi makapaniwala sa nangyare. Sariwa pa nga din sa isip ko hanggang ngayon 'yung mga nangyare. Nanaginip lang ba ako? Nangyare ba talaga iyon? "Baka type ka nun ate Cash! Haha." Saad ni Gina. Mas matanda lang ako sa kaniya ng tatlong taon. Sa mga pinsan ko, sa kaniya lang ako pinaka-close at siya lang din ang tumatawag sa akin ng Cash. Para daw simbolo ng pera para daw yumaman kami. See? Ang taba ng bilbil niya. Umirap ako. "Duh. Malabo naman ata iyang iniisip mo, Gina. Kakakita niya pa nga lang sa akin, eh." Saad ko. Pero nagtataka padin ako sa mga kinilos niya kanina. Para siyang galit at naiinis. Laki siguro ng problema niya sa buhay. Ang yaman yaman naman niya at nasa kaniya na ang lahat. Ano kayang problema niya? Wala ba siyang lovelife kaya ganon? "Tama na nga ang kuda niyong dalawa. Ang mahalaga, nakakuha ka na ng trabaho, Flaire. Mag-advance ka na din kaya ng sahod mo par makapagbayad na tayo?" Sabi ni Tita. "Pero Tita, hindi pa nga po ako nakakapagsimula. Tiyaka na lang po siguro. Sa isang buwan pa naman po ang dating ng mga bills natin sa kuryente at tubig. Chill lang kayo." Saad ko. "Tama si Ate, Nay. Masyado kang apurado. Hays. Ganda ko talaga." Pabirong sabi ni Gina. Napairap ako sa sinabi ni Gina. "Hay naku! Basta ayusin niyo iyang mga buhay niyo ha. Mga bata pa kayo! Bawal pa ang mga jowa jowa. Ikaw Gina, nababalitaan ko sa mga kaibigan mo may boyfriend ka na daw, totoo ba?" Tanong ni Tita. Natawa naman ako kaagad dahil sa naging reaksyon ni Gina. "Naku Tita, meron na iyan. Makiri iyan eh." Pang-aasar ko. Inirapan naman ako ni Gina. "Uto mo." Nakasimangot na saad niya. "Wala pa po akong jowa. Study first muna." Saad niya pa. "Huwag ka nga." Napatawa na lang ako. It's really nice to be with them. To be with my love ones even though I'm slowly losing my hope in life. *** "Kuya Jakeee!" Sigaw ko pagkadating ko sa harapan ng gate ng Peterson Company. Siya ngayon iyong naka-assign dito sa main door ng gate. Day-off daw ni Kuya Paul ngayon kaya siya muna ang nasa posisyon nito. Kailangan ko ng makakausap man lang dito at mukha naman siyang mabait. Feeling close ko ba? Ngumiti naman siya ng makita ako. "Uy Flaire! Natanggap ka?" Nakangiting tanong niya. Nakangiti naman akong tumango sa kaniya. "Oo! And guess what? Secretary 'yung posisyon ko! Waaah!" Pagtitili ko. Ang saya ko kasi balita ko, iyon ang may pinakamalaking sweldo dito sa kompanya. Napatingin tuloy sa amin 'yung ibang guard. "Woah? Talaga Flaire? Ang alam ko may secretary pa si Sir Dashnel ha? Tanggal na pala?" Huminto siya at napaisip. "Mabuti naman at ikaw 'yung pumalit." Dagdag nito. Napangiti naman ako lalo. Hindi ko din naman ine-expect na pagiging sekretarya ang magiging trabaho ko. At isa pa, hindi nga ako sure sa mga nangyare kung paano ako natanggap! "Oo eh. Nagulat din ako." Sabi ko. Hinatid niya ako hanggang sa ground floor bago nagpaalam. "Babye! Goodluck sa first day!" Ngumiti naman ako sa kaniya at nag-okay sign. Nag-elevator kaagad ako at sinabi kung saang floor ako. Pagkarating ko sa sixth floor ay nagpunta kaagad ako sa office ni Sir Dashnel. Tumingin ako sa relo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Late na ako! Oh my ghad. 10:33am na. 10:30 'yung pasok ko! At dahil first day ko ngayon dito. Hindi ako pwedeng ma-late kahit minuto lang! Tiyaka, bawal talagang ma-late dito! Hala. Lagot ako nito. Napapalunok at kinakabahan akong napahinto sa pintuan ng office ni Sir. Flaire, kung mag-iinarte ka pa ngayon. Mas male-late ka lang. Pumasok ka na! Bumuntong-hininga ako bago kumatok sa pinto. Lagot ka talaga nito, Flaire! "Come in." Malamig na tinig niya ang narinig ko. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan dahil sa tono ng boses niya. Pumasok ako at nakayukong lumapit sa kaniya. May hawak siyang kape at nakatutok ang mga mata sa laptop sa harapan niya. Relax ka lang, Flaire! "Sorry Sir---" "Anong oras na?" Pagpapahinto niya sa akin gamit ang isang tanong. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil doon. Eto na nga ba iyong sinasabi ko. "10:34." Nauutal na sabi ko. Magagalit kaya siya? "You're late." Madiin ang bawat salita na saad niya. Nag-angat siya ng tingin at agad kong nasalubong ang mga malalamig na titig ng kaniyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin. "Sorry po Sir! Hindi na po mauulit! Sorry po talaga!" Paghingi ko ng paumanhin. Nakakahiya! First day ko pa lang dito pero ganito na kaagad. "Why are you late?" Nakataas kilay na tanong niya. "Traffic po kasi." Sagot ko. Actually, hindi naman traffic. Ewan ko din ba kung bakit ako na-late. Napahaba siguro iyong pakikipagusap ko kanina kay Jake kaya ganoon. Kasalanan ko! "Really?" Saad niya at ramdam ko ang sarkastikong tono roon. "O-opo.." Sabi ko. "Then why are you with that fucking guy earlier? Landian, aren't we?" Shet. @jynx19
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD