Chapter 3

930 Words
Chapter 3 Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Wala akong masabi! Paano niya nalaman na nakipag-usap ako kanina kay Jake? Tiyaka teka--hindi landian 'yun! I'm just talking with him. That's all. Well, bakit ba ako nagpapaliwanag sa sarili ko? Naramdaman kong mas lalong naging madilim iyong aura niya ngayon kumpara kanina. "Answer me!" Sigaw niya na umalingawngaw sa buong office room. Bakit ba siya nagagalit? "N-nakipag-usap lang po ako sa kaniya..." Naghahadali kong sabi. Baka tanggalin na niya kaagad ako sa posisyon! Hindi pwede. Wala pa akong sahod. Wala pa akong pera! "What kind?" Bakit ba tanong siya ng tanong? "Sinabi ko lang po sa kaniya na natanggap ako sa trabaho.." I said, halos pabulong na nga. Tumaas ang isang kilay niya. "Then stop talking with him anymore. Kung ayaw mong tanggalin kita sa posisyon mo." Saad niya. "Opo, Sir!" Hadalian kong sagot. "Good then. Start your work. As my secretary." *** Natapos ang araw na 'yun ng hindi naman ako masyadong napapagod. May lunch break naman kaming lahat kaya hindi din ako nagutom. Nagkasalubong nga kami ni Ma'am Honda at gulat na gulat siya sa naging pwesto ko. Hindi siya makapaniwala. Iilan pa lang naman ang mga employado dito sa kompanya ang mga naka-usap ko. Kapag lang kasi may files na aayusin ako lumalabas sa office ni Sir Dashnell. Files. Approval. Chuchuness and all. Saktong 6:30 ng gabi, time na ng pag-out ko ay inayos ko na ang mga gamit ko. Mahihirapan na siguro akong mag-commute nito dahil gabi na. Malapit lang naman 'yung bahay nila Tita dito kaya baka saglit lang din ang oras. Bumuntong hininga ako at muling tinignan 'yung building. Asa labas ako ng gate. Out na din si Jake at may ka-night shifting siya. Mamaya pa atang 10 ang alis ni Sir Dashnel. Naglakad ako papunta sa sakayan ng bus. Hindi pa naman ako gutom. Matutulog na lang siguro ako sa byahe. *** "Kamusta ang first day mo sa trabaho? Maayos naman ba?" Tanong ni Tita. Nag-aayos siya ng mga labahin na lalabhan bukas. Tutulongan naman siya ni Gina dahil wala silang pasok. I wonder kung may day-off ba ako? "Maayos naman po, Ta. Hindi naman po masyadong nakakapagod. Tiyaka, hindi naman po mahirap 'yung mga pinapagawa nila sa akin." I assured them with a smile. Kumuha ako ng mga plato at inayos ang kakainin namin ngayong gabi. "Mabuti naman Flaire at ganoon. Pagbutihin mo pa para ma-promote ka kaagad." Saad ni Tita at ramdam ko ang saya sa boses niya. I sighed. Hindi na siguro ako mapo-promote. Parang pinaglihi kaya sa galit iyong boss ko! Mahirap na kung aasa pa ako. *** Sa sumunod na araw, mas inagahan ko pa ang pag-alis sa bahay. Nakarating ako sa company ng 10 sakto. Hinanap ko doon si Jake pero wala siya. Sinubukan kong magtanong sa ibang mga guard pero mukhang wala naman silang pake. Leche. Nagtatanong lang ako! "Kuya Paul!" Sigaw ko at lumapit kay Kuya Paul. Baka siya alam niya kung bakit. Or day-off? "Nasaan po si Jake?" Tanong ko. Bigla namang lumungkot 'yung itsura niya dahil sa tanong ko. "Natanggal na siya sa trabaho, Flaire. Tinanggal siya ni boss kahapon." Ano? "Seryoso? Bakit? Ano daw ang problema?" Sunod sunod na tanong ko. Mabait na tao si Jake. Ginagawa niya ng maayos iyong trabaho niya kaya bakit siya matatanggal? "Hindi din namin alam. Pero huwag kang mag-alala, naghahanap na siya ng ibang mapapasukan." Sabi niya. Ngumiti na lamang ako ng pilit at nagpaalam. Baka ma-late na naman ako nito dahil sa kadaldalan ko. Nang makarating ako sa office, kumatok muna ako syempre bago pumasok. Pagkapasok ko ay hindi lang si Sir Dashnell ang nakita ko. And believe me or not! Para din siyang isang greek god na bumaba sa langit? Sino 'tong gwapong lalaki na ito? Mukhang nag-uusap sila ni Sir Dashnell. Napabaling sa akin ang atensiyon niya at biglang ngumiti. Hala. "Goodmorning, sweet lady!" Bati niya at kinindatan ako. Playboy. "Goodmorning din po." Bumati naman ako at napanguso. Ayoko namang maging bastos sa harapan nila. "You're what?" Nakangiti padin nitong tanong. Tumingin ako kay Sir Dashnell pero nanatili lamang ang lamig at sama ng tingin nito. "Secretary po ako ni Sir Dashnell, sir." I tried to emphasize the word 'sir'. "Oh!" Saad nito sa tonong nagulat. "You're beautiful." Tumayo ito at lumapit. "Wha---" bago niya pa matapos ang sasabihin ay isang malakas na kalabog ang narinig namin na nagmula kay Sir Dashnel. "You fucking moron! Stop flirting my secretary! Get out here! Damn!" Galit na sigaw ni Sir Dashnel. Bigla akong napapikit dahil sa takot. Oh my ghad. Here we go again. Natatakot ako! Galit na naman siya. "Easy bro, gusto ko lang naman tanungin 'yung pangalan niya. What's the problem?" Natatawang tanong nung poging lalaki na hindi ko alam ang pangalan. "I'm Fresh, by the way." Pakilala nito sa akin sabay kindat ulit. Hala, bakit ang daming malanding gwapo dito. "Fuck!" Mura ulit ni Sir Dashnell. "Cashedy..." Bulong ko. Ewan ko ba kung bakit first name ko iyong sinabi ko. "Damn it!" Malutong na mura ulit ni Sir Dashnel ang narinig namin at sa isang iglap, asa gitna na siya namin ni Sir Fresh. Sa sobrang sama ng titig niya kay Sir Fresh, baka namatay na ito kung nakakamatay ang titig. Very dangerous. Hindi ako makatingin! "Seriously, bro? Are you into her?" Natigilan ako sa tanong ni Sir Fresh. Ewan ko pero parang biglang tumibok ng mabilis iyong puso ko. Pumintig ang tenga ko na tila gustong marinig ang susunod niyang sasabihin. "She's not even my type. Anong tingin mo sa akin?" @jynx19
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD