Chapter 5
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"S-sir.." Tanging nai-usal ko. I can't move. Para akong naparalyze sa kinatatayuan ko. Virgin pa ako pero alam ko kung ano iyong ibig sabihin niya! Grabe lang!
Ramdam ko ang mabilis na paghinga niya na dumidikit sa aking leeg. Maski ang maiinit niyang mga braso na nasa bewang ko ngayon.
"You won't like it when I'm mad. Damn." Mura niya pa. Hobby na ba talaga niya ang magmura?
"Answer me!" He shouted. Kung hindi lang siguro sound proof ang buong office room niya dito, paniguradong rinig na rinig na ito sa labas.
Sasagot na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Sunod sunod at mabibilis ang pagkatok nito na para bang importante.
Tumikhim ako at lumayo kay Sir Dashnell bago binuksan ang pintuan.
Pumasok dito ang isang babae. Nakasuot siya ng dress na sobrang ikli. Naka-make up din siya at lipstick. She's beautiful. Kaso masiyadong makapal iyong make up niya. Sino naman siya?
"Hi sweety," Maarteng sabi nito sabay lapit kay Sir. Kinabig nito ang braso ni Sir at iginawad sa kaniya.
"I miss you so much." Malanding sabi nito sabay pilantik ng kaniyang mga kamay. Who the hell is this woman? At tiyaka ano, hindi niya ba ako nakikita?
"Get out of here, Innah. I'm not on my mood right now." Malamig na sabi ni Sir sabay lingon sa akin dahilan para mapatingin sa akin iyong babaeng malandi.
"Oh," Umirap siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You," saad niya sabay turo sa akin. "Iwan mo muna kami ni Dash. May importante kaming gagawin." Sabi nito sabay hagikhik.
She's a real b***h. Sinabi na nga ni Sir na umalis siya diba? Bakit ako ang pinapaalis niya ngayon? Leche. Sino ba ito?
Tumalim ang titig niya sa akin kaya naglakad ako papunta sa pintuan para iwan sila. Bahala silang maglandian. Bwisit. Magsama sila.
"You're not going anywhere." Matigas na utos ni Sir na hindi ko alam kung para kanino.
"Cashedy, stay with me." Biglang lumambing ang boses ni Sir na siyang nakapagpahinto sa akin.
Anong tinawag niya sa akin? Cashedy? Totoo ba ito? Tinawag niya ako sa una kong pangalan?! Tapos, what happened to his voice? Bakit biglang lumambing ito? Shet.
"What?!" Tili ni Innah. "No sweety---" bago pa man makapag-react si Innah ay nagulat ako ng katabi ko na siya sa pintuan.
Inis na inis ang mukha niya at ang sama ng tingin sa akin. "Get f*****g out of here damn b***h!" Galit na sigaw ni Sir.
"Tabi!" Galit na tinulak ako ni Innah at lumabas ng pintuan. Padabog niya itong sinara na naglikha ng ingay.
Ewan ko pero bigla akong napangiti ng kusa.
Nangyare ba talaga 'yun?
"Hey." Rinig kong tawag ni Sir sa akin.
Ramdam ko na papalapit siya sa pwesto ko kaya humarap na ako sa kaniya.
Hindi kagaya ng kanina, malambot ang ekspresyon niya na ngayon ko lamang ng nakita. Hindi ko pa nakikita sa kaniya ang itsura na ganito. Palagi lamang madilim ang aura niya at malamig. Tapos ngayon, ano 'to? What's happening to him?
"Cashedy..." Malambing ang tonong tawag niya sa akin.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Kinakabahan ako dahil sa mga bago niyang kinikilos ngayon!
Nilalandi ka lang niya, Flaire! Kagaya lang siya ng ibang mga lalaki. He's obviously flirting with you!
"P-po?" Utal utal na saad ko.
Ilang dipa lamang ang layo namin sa isa't isa.
At baka kapag humakbang pa siya ng isa, hindi ko na kayanin pa.
"Don't make me jealous again, please?"
@jynx19