Chapter 6

886 Words
Chapter 6 "Nangangarap ka na naman diyan, Flaire! Asus. Kilala ko na iyong mga lalaking ganiyan. Sa una, sweet at lalandiin ka pero kapag nakuha na ang brilyante tiyaka perlas mo, naku asahan mo! Tatapon ka na lang niyan sa kung saan!" Pangaral ni Tita sa akin ng ikwento ko sa kanila ni Gina iyong nangyare kanina sa office. "Brilyante tiyaka perlas? Hay naku Tita, kung ano ano pinagsasabi mo." Huminto muna ako at uminom ng tubig. "Hindi naman ako umaasa 'ta, baka pinagtitripan niya lang naman ako. Tiyaka baka kaya siya nagselos kasi--ahmm, basta trip niya lang?" Napapa-isip na sabi ko. "Akekeke! Ang landwe ha! Ang landwe!" Singit ni Gina sa usapan. "Alam mo Ate Flaire, para malaman iyong mga ganiyang kalandian, pagselosin mo pa siya lalo. Bright idea diba? Tapos kapag lalo pa siyang nagselos, edi aamin siya sa'yo! Exactly! Ang talino ko talaga!" Patili-tiling sabi ni Gina. Pagselosin? Malabo. Baka nagkataon lang talaga kahapon o baka naman ginawa niya lang iyon na excuse. Pero kasi...bakit lumambot iyong exkpresyon niya tiyaka naging..alam mo na? Malambing. Napa-pout ako. "Hoy ikaw Gina. Lumalandi ka din naman sa School niyo. Balita ko nga may anim na nanliligaw saiyo at balak mong sagutin sabay sabay eh. Pwe. Feeling maganda reh." Sabi ko sa kaniya at binelatan siya. "Aba! Gaga ka talagang bata ka! Kaya pala gabi ka na din umuuwi at feeling may trabaho ka na ha! Magtutuos tayo mamaya!" Sigaw ni Tita. Natawa naman ako ng samaan ako ng tingin ni Gina. "Ayoko na nga! Pinagtutulongan niyo ako. Hindi niyo talaga ako mahal!" Nakangusong sabi nito at inirapan ako. "Arte neto. Kala maganda." Pang-aasar ko pa sa kaniya. "Che!" *** OMAYGHAD?! Bakit walang nanggising sa akin?! Muli kong tinignan kung anong oras na sa orasan. 10:30 na talaga! At ibig sabihin lang nun, late na akooooo! Hindi pwede ito! Malalagot ako nito kay Sir! Dali dali akong bumangon at bumaba. "Tita! Bakit hindi niyo ako ginising?" Bungad kong tanong pagbaba. Nadatnan ko si Tita sa sala na nanonood ng tv. "Aba malay ko ba na may pasok ka ngayon." Sagot nito. "Waaah! Huhu." Ang boba mo Flaire! Bakit hindi ka nagising ng maaga? Nakakaiyak. Bumalik ako sa kwarto ko at nagpunta ng banyo. Myghad. Kailangan kong maghadali ngayon. Naligo ako sa sobrang bilis na makakaya ko. Hindi ko nga alam kung ligo pa ba ang tawag doon sa ginawa ko. Habang nagbibihis ako ay sinusundan ko ng tingin iyong kamay sa orasan. Leche kang orasan ka! Bagalan mo naman ang andar! Nakita mong naghahadali na iyong tao eh! "Hoo!" Napasigaw ako ng tapos na akong magbihis. Doon na lang siguro ako sa company kakain. Naku po, baka traffic pa sa labas. 10:53 na at ang oras ng pasok ko sa trabaho ay 10:30. Super duper triple late na ako dahil babyahe pa ako! What if...huwag na lang kaya ako pumasok? Baka kasi sapakin ako ni Sir kapag dumating ako doon ng alas dose na! Kaso, kailangan ko ng pera kaya hindi ako pwedeng sumuko. Flaire, isipan mo ang pera. Kailangan mo nga pera. Nagsuklay ako at sabay na nag-pulbos. Parang dumami ang dalawang kamay ko dahil sa sabay sabay na ginagawa ko. Sinuot ko na ang sapatos ko at bumaba. Muntik pa akong madulas sa hagdan kakahadali. "Tita, alis na ako! Babye! Ingat!" Hingal na sabi ko at lumabs na. Nag-trycicle na ako sa amin para makarating sa sakayan. Napakainit ng panahon. Grabe naman, ang saklap ng araw ko ngayon. Sumakay kaagad ako ng Cubao. Ghad. Standing pa. Ano ba iyan. Iiyak na talaga ako konti na lang. Bakit ba kasi hindi ako nagisinh ng maaga? Maaga naman akong natulog kagabi, ah. Nang makababa ako, 11:10 na. Hindi naman ako binaba nung lecheng driver sa mismong tapat nung kompanya kaya ang ending, maglalakad pa ako. Mabuti na lang talaga at naging runner ako dati nung elementary. Wala ng bati bati sa guard ng makarating ako. Akyat kaagad ako sa ground floor at nagpunta ng elevator. EEUDIAOSBAO!! KASASARA LANG NG ELEVATOR! Flaire, kalma ka lang. Makakarating ka sa sixth floor. Tiwala lang. Pilit kong pinakalma ang sarili ko at habang di pa bumabalik iyong elevator ay inayos ko muna ang itsura ko. Wala pa man din, haggard na ako. Pumasok kaagad ako sa elevator at nagkulong sa dulo. Grabe siksikan. Huhu. Nang makarating ako sa sixth floor ay nagpunta kaagad ako sa office ni Sir. Hingal na hingal akong nakarating doon. Bigla naman akong nagtaka ng makitang nakabukas ng kaunti ang pintuan. Hindi na ako kumatok at dahan dahang pumasok. Wala si Sir sa desk niya. Nasaan kaya si Sir? Late din ba siya? Eh bakit nakabukas iyong pintuan? Lalabas na ako para bumaba at makakain ng pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako ay bigla akong nakarinig ng ungol. "Ohhh, you're so good Raff." Tinig ng isang malanding babae ang narinig ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. "f**k. You're still tight bitch." Hindi ako pwedeng magkamali! Tinig iyon ni Sir Dashnell at kahit hindi ko tignan. Alam kong may ginagawa silang kakaiba! Bigla akong nanginig at unti-unting nanghina. Lumakas pa ang ungol nila na nanggagaling sa cr na nasa loob ng office room ni Sir. Namalayan ko na lamang ang sarili kong umiiyak na nagtatakbo palabas doon. Bakit ako nakakaramdam ng ganito ngayon? Bakit ako nasasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD