CHAPTER 7
Patuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa canteen. Hindi ko alam pero mas lalo akong napapaiyak kapag naaalala ko ang nakita ko kanina sa office room.
Bakit ganun? Bakit parang pinipiga iyong puso ko sa nakita ko? Bakit parang nasasaktan ako ng sobra?
Yumuko lamang ako sa lamesang nasa harapan ko. Wala pa akong ganang bumalik doon. Hindi naman ako kailangan ni Sir Dashnell at baka makaistrobo lamang ako.
"Flaire?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita.
Si Borha.
"Uy! Ikaw nga. Teka, bakit parang ang aga mo dito? Tiyaka ano iyang nangyare sa mga mata mo? Umiyak ka ba?" Sunod sunod na tanong niya. Hindi naman ako nakasagot kaagad. Nakatingin lamang ako sa kaniya.
"Oy ano? Tulala ka na lang, ganern?" Natauhan naman ako dahil doon. Napakurap kurap ako. "Ah wala. Hindi. Hindi ako umiyak." Nag-aalangang sabi ko habang umiiling.
Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko at sumubo ng fries na dala niya. "Weh? Hindi ako naniniwala na hindi ka umiyak! Tignan mo oh," saad niya at huminto bago tinuro ang dalawang mata ko. "Mugto iyang mga mata mo." Dagdag niya.
"Naku, hindi talaga. Puyat lang siguro?" Ngumiti ako para ipakitang maayos lang talaga ako.
"Sabi mo eh." Napapatangong sabi niya. "Pero teka, ano nga palang ginagawa mo dito? Sure naman ako na kanina ka pa dito, eh. Wala bang inutos sa'yo si Sir Dashnell?" Tanong niya.
Sir Dashnell. Bigla na namang pumasok sa isipan ko iyong mga nakita ko kanina. Bigla na naman tuloy kumurot iyong dibdib ko.
"W-wala." Nauutal na sabi ko.
Ano ka ba, Flaire! Hindi mo dapat ito nararamdaman. You're very far from this! Hindi ka ganito noon.
Nandito ka para kumita ng pera at para makaahon sa hirap. At ng sa gayon, mahahanap mo na ang mga taong pumatay sa Nanay mo at mabigyan na siya ng hustisya.
"Okay. Gusto mo?" Alok niya sa pagkain niya. "Busog pa ako." Ngumiti ako sabay iling.
Tumango lang ulit siya at nagpatuloy sa pagkain. Tumingin ako sa relo ko at tinignan ang oras. 11:32 na.
Bigla kong naisip, tapos na kaya sila? Tapos na kaya sila doon sa..ginagawa nila?
"Cashedy!" Biglang nangunot ang noo ko at napalingon sa taong tumawag sa pangalan ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko. It's Jake! Anong ginagawa niya dito?
Tumatakbo siya mula sa entrance door papunta sa pwesto namin ni Borha. He's wearing something new. Hindi siya nakapang-guard. Faded pants at V-neck T shirt ang suot niya na parehas kulay light brown. Bumagay naman ito sa kulay ng kaniyang balat na hindi gaanong kaputian at sakto lang.
"Jake!" Ganting sigaw ko at ngumiti.
"Na-miss kita." Bungad niya at ng makarating sa pwesto namin ay umupo kaagad sa katabi kong upuan.
"Asus. Na-miss din kita." Sabi ko din.
Hindi ko namang maipagkakailang gwapo si Jake. Mula sa singkit niyang mga mata at matangos niyang ilong hanggang sa manipis niyang mapulang labi na parang laging naka-liptint, ang gwapo lang talaga.
"Musta ka na?" Tanong niya.
"Maayos lang naman. Ikaw ba? Tiyaka, paano ka nakapasok dito? I mean, 'di ba tinanggal ka na ni Sir?" Nagtatakhang tanong ko ng maisip.
"Lunch break kasi namin ngayon doon sa pinagtatrabahuhan ko at medyo malapit-lapit lang naman 'yun dito kaya eto, nagpunta ako dito. Alam mo na, kilala naman ako ng mga bantay dito kaya pinapasok nila ako. Tiyaka saglit lang din naman ako." Litanya niya.
"Saan ka nga pala nagtatrabaho? Tiyaka ano palang dahilan ni Sir Dash kung bakit ka niya tinanggal sa trabaho?" Tanong ko.
"Ehem." Sabay naman kaming napalingon kay Borha. Hala. Nakalimutan ko pala. Kasama nga pala namin siya ngayon.
"Nakakaistorbo ba ako? Hehe. Aalis na ako, sige. Ingat kayo!" Paalam niya at dali daling tumakbo paalis. Tatawagin ko pa sana siya pero nakaalis na siya.
Nakakahiya! Baka kung ano iyong isipan niya sa amin ni Jake. Magkaibigan lang naman kami.
"Sino 'yun?" Tanong ni Jake. "Si Borha. Bagong kaibigan ko dito sa company." Saad ko at nag-iwas ng tingin.
Magsasalita na sana siya ng biglang mag-ring ang cellphone ko.
Sir Dashnell is calling....
Bigla na namang sumama 'yung pakiramdam ko. Bakit siya tumatawag? Tapos na ba sila nung babae niya?
Ay wait, bakit pala kung makaasta ako..parang nagseselos ako? Hindi! Secretary lang ako ni Sir. Secretary! Huwag ka ngang parang ano dyan, Flaire. Gaga ka talaga.
Lumingon ako kay Jake at nginuso iyong phone ko. Tumango naman siya kaya tumayo ako at lumayo ng kaunti bago sagutin 'yung tawag.
"Sir?" Tanong ko.
"Where the f**k are you?"