Part 1: "Hit & Run"

1525 Words
*********** "BESTF̶R̶I̶E̶N̶D̶" ni Madam K ( iamkenth™ ) *********** Part 1 - "Hit N Run" *Wendell* "ANO pong sabi ng mga doctor sa kalagayan niya?" Tanong ko kay Janette, ate ni Cliford. Roommate ko si Cliford sa Lopez residencial building. Kaklase ko siya noong high school mula freshmen hanggang sa makapagtapos kami. Sa ngayon, iisang unibersidad ang pinasukan namin pero magkaiba na kami ng kursong kinuha. Nursing siya, ako naman Business Administration. At dahil nga sa iisang unibersidad ang pinasukan namin, napagkasunduan namin na magsama nalang sa iisang kwarto. Dalawang taon na rin kami magkasama sa kwarto---kaya nga halos alam namin ang sekreto ng isa't isa. Hindi lang kaibigan o dating kaklase ang turingan namin---magkapatid. Kaya nga nang mabalitaan ko na naaksidente siya, agad-agad akong nagpunta rito sa hospital na pinagdalhan sa kaniya. "Sa ngayon under observation pa rin ang kalagayan niya." Mahinahong pagkakasabi ni Janette. Nakaupo siya sa tabi ng kamang kinahihigaan ngayon ni Cliford. Meron siyang mahabang tahi sa kaliwang pisngi niya. Kapansin pansin rin ang mga pasa niya sa leeg niya, sa kamay niya---marami siyang gasgas, galos, sugat sa iba't ibang parte ng katawan niya---at sa mukha niya. Kinailangan din kalbuhin ang isang malaking parte ng buhok niya dahil may tahi rin siya rito. Nakakaawa ang kalagayan niya---malayong malayo sa maaliwalas niyang mukha bago ang aksidente. Parehas kaming bakla ni Cliford. Pero hindi kagaya ko may pagka-manly siya. Discreet sa ibang tao pero kung kami-kami lang, lumalabas ang kabaklaan niyang taglay. Wala siyang boyfriend pero marami siyang pinakikilala sa aking lalaki. "I know he'll be okay. I'll pray for his fast recovery." Nakangiting sabi ko. Hindi ako sanay na pagmasdan siya sa ganiyan niyang kalagayan. Maingay si Cliford, madaldal, mapagbiro. Walang dull moments kapag kasama ko siya--kapag kasama namin siya. Ngayon palang namimiss ko na ang boses niya ang kaharutan niya. "Thank you, Wendell." Maikling tugon ni Janette. Nasa abroad ang mga magulang nila at ang mga kamag-anak naman nila ay nasa mga malalayong probinsya. May sariling pamilya na itong si Janette. Hindi niya kasama ang asawa't anak niya ngayon. Marahil ay--ayaw din niyang makita ng mga bata na nasa ganitong kalagayan ang tito nila, hindi muna sa pagkakataon ito. "Uhm, may balita na ba kung sino ang nakasagasa kay Clif?" Tanong ko. Kagabi, nagpaalam siya sa akin na may pupuntahan raw siya---mga alas onse na ata iyon. Patulog na rin ako. Pero bago siya umalis may ka-chat siya. Actually, ilang araw na siyang may ka-chat. Ang sabi niya lang sa akin, bago niyang kaharutan. Medyo busy rin ako sa kaka-review dahil malapit na ang finals kaya hindi ko siya masyadong naiinterview tungkol sa bago niyang kalandian. Umiling si Janette, "...walang puso ang gumawa nito sa kapatid ko, hindi man lang niya hinintuan. Mabuti nalang at may mga taong nagmalasakit na humingi kaagad ng tulong kaya nadala kaagad siya rito sa hospital." **** *Cliford* 1:05 A.M. "Pwede ka ng bumaba ng sasakyan." Sabi nito pagkatapos niyang labasan. Pinasok na niya ang ari niya sa kaniyang shorts. He unlocked the door on my side. "What?" Well, medyo nabigla naman ako. Ibang iba siya sa chat at ibang iba rin siya sa personal. Para ngang hindi siya ang ka-chat ko. Sobrang gwapo ng lalaking ito--siya na ata ang pinaka-gwapong lalaking natikman ko. Tumingin siya sa akin, nakakatakot ang kaniyang mga pagtingin---basta nakaramdam ako ng kakaibang takot... "Baba." Maikli niyang sabi---not it's more like, utos. "But why? Hindi ka ba nasarapan? Alam mo kanina ka pa. Sa chat ang lambing lambing mo sa akin tapos kanina noong mag meet tayo halos hindi mo na ako kausapin. Pangit ba ako sa paningin mo?" Sabi ko. Pinalalakas ko lang ang loob ko--just to make this conversation calm. Hindi na siya umimik, "...alam mo, okay fine. But thanks, ikaw na ang pinaka-gwapong lalaking natikman ko sa tanang buhay ko. Alam mo iyon, pwede na akong mamatay dahil nakatikim ako ng kagaya mo." Bumaba na ako ng sasakyan at umalis na rin siya. Sobrang dilim ng kalyeng ito. Ang layo ng pagitan ng mga poste ng ilaw. At may mga poste naman na pundido na ilaw. Namamatay-matay. Halos walang sasakyan na dumadaan dito---o tryke man lang o side car, wala tuloy akong masakyan. I need to walk hanggang sa dulo nitong kalye na ito. Wala naman sigurong mga bad guys dito---bakit naman kasi hindi man lang ako hinatid ni G kahit hanggang doon sa dulo nitong kalye. Tulog na siguro si Wendell sa mga oras na ito. Siguradong maglalaway siya kapag nakita niya ang picture ni G. Buti nalang kanina nasimplehan kong picture'an siya ng hindi niya napapansin. From here---I can see a car. Uhm, wait is that G's car? I think. It is moving towards my direction. Sabi ko na nga ba, hindi niya ako matitiis no. Ginalingan ko kaya. Hindi ako pwedeng magkamali, it's his' car. Pumagitna ako. Haharangin ko siya then surely he'll stop and say sorry. Well, I forgive him already. I am on the center. But--- wait--- he's not slowing down. God! No---- I've felt the most painful feelings. Pagkabunggo niya sa akin, pumaibabaw ako sa sasakyan niya---then bagsak ako sa kalsada. I can't move my body. I've felt my bones are keep on crushing. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon---halo-halong sakit na hindi ko maunawaan. I think---I think.. I am going to die. He stopped his car. Tutulungan niya ba ako? But why he hit me--- gad. ouch. "Help me." I still managed to cry for his help. Naglalakad siya papalapit sa akin. But he's not helping me. "Bakit naman kita tutulungan? Hindi ba sinabi mo na---pwede ka nang mamatay dahil natikman mo ako?" Nakakatakot ang tono ng boses niya. I want to shout, I want to ask for help---pero hindi ko kaya---nanghihina ako. Naramdaman ko nalang na parang may bumubuhos sa mukha kong tubig---God! iniihian niya ang mukha ko. He's a maniac. I am trying to crawl---to keep my self away from him. Dugo, pawis, ihi, laway, luha nagsama-sama na sa mukha ko. Napapatanong nalang ako sa sarili ko, why.. why is he doing this? "Kailangan mo nang mawala. Habangbuhay." Ang huling salitang sinabi niya- he walks away. Bumalik siya sa sasakyan niya. I'm trying to save myself. Then, isang nakakasilaw na liwanag ang nakita ko. He turned on the head lights of his car. Starts the engine. Kitang-kita ko pa na mabilis na patungo ulit sa akin ang kaniyang sasakyan... NO! **** *WENDELL* 5 DAYS EARLIER "Who's this guy? Jo Hidalgo." Just opened my facebook account someone's requesting for a friend's request. We're here in a Net Cafe shop. Kasama ko si Pearl... my closest friend and classmate. Actually it's Earl but he preffered to be called Pearl. Matangkad siya sa akin. Poging bakla. Napatingin siya sa screen ng computer ko. "Poser. Don't mind it. Wendell Roque." IT? at talaganf full name ko? "Parang 'di naman. Earlson Bueno." "Duh. Masyadong gwapo. Maybe isang model or artista somewhere we don't know. Or someone's else picture na kinuha lang at inaupload diyan sa account na iyan. Nagkalat ang mga poser fren." Sabi niya---tinuon na ulit niya sarili niya sa ginagawa niya, "...we need to finish this, punyetang laptop mo kasi--nasira pa, we need to do this tuloy here at the cafe." dagdag niya. "Wow talagang laptop ko pa sinisi mo. Bakit hindi yung laptop mo sisihin mo. Ow, nga pala---pinanakaw mo sa lalaki mo." Sabi ko. Napatingin siya sa akin, irritatedly. "Sige ipaalala mo pa. Tsaka pwede ba stop facebooking, we have lot of works to be done. We should finished this before finals." I sighed. Sinilip ko muna ang profile. Walang latest post---but it seems like, matagal na itong account na ito. Maybe tama si Pearl, poser---a dummy account. Hindi ko kailangan ng mga taong hindi ko kilala sa account ko. I accidentally refreshed the site. Wait---may uploaded photo. Just now. And his now online. Hindi ko makita ang mukha niya clearly sa picture, naka-sideview kasi. It looks like the same person sa profile picture naman, i think. Hmmm. But no. "Hi..." He sent me a message bago ko i-close ang facebook ko. "Pearl, he just sent me a message. Online siya." "Who?" Tanong niya. "This Jo's." "Okay. And so? papatulan mo?" "Gaga. Feeling ko naman hindi siya poser." "Feeling mo? Feelingera ka talaga. But alam mo, okay fine. Magreply ka, i-confirm mo. Makipaglandian ka. Just do it." "Makipaglandian kaagad? Alam mo naman naoopen ni Greg itong account ko na ito." "That's exactly my point. Para mabasa niya na---you're doing great. Na nakikipaglandian kana sa iba kasi wala siyang kwentang jowa. Para naman tigil-tigilan ka na niya no. Iyon eh kung may pake nga ba talaga siya sa iyo once mabasa niyang nakikapaglandian ka sa iba." "He loves me." Sabi ko. I--think he loves me. "Whatever Wendell Roque. Huwag mo nga akong abalahin. Bahala ka sa buhay mo kung re-replyan mo or hindi. Kahit ano namang sabihin ko sa iyo, sarili mo pa rin ang susundin mo no." Sabi niya---may laman. Hindi ko na muna siya pinansin. At hindi ko na rin nireplayan this guy. Log out my account.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD