Tuwang-tuwa na binitbit ko ang mga manggang nasungkit ko sa puno ng mangga na nakita kong namumutiktik ang bunga. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naglaway habang nakatitig sa puno kanina. Mabuti na lang at may nakita akong panungkit na nasa ilalim ng puno. Kaya naman swerte dahil hindi ko na iisipin kung paano makakakuha ng mangga. Nakakapaglaway kasi ang mapipintog na bunga nito kaya naman kahit nakakahiya sa mga taong dumadaan ay nanungkit ako para lang ma-satisfy ang bibig kong naglalaway. Nakangiting naglalakad ako papunta sa kinatatayuan ni Uncle Zeke at Dr. Justin kanina. Nagtataka na nagpalinga-linga ako dahil hindi ko na sila makita. Nauna na yata silang pumasok sa ospital at nakalimutan yata niya na kasama ako ni Uncle Zeke at ipapa-check up niya ako. Bitbit ang m