"S-Sa 'yo ba galing ang singsing na 'yon?" lakas-loob na tanong ko. Malakas ang hinala ko na galing sa kanya ang singsing. Pero tanong ko rin sa sarili ko, bakit naman niya ako bibigyan ng ganoong singsing? Malayo pa ang birthday ko, actually kaka-twenty ko lang nang nakaraan kaya nagtataka akong kung bakit niya ako reregaluhan ng ganoong klaseng singsing kung wala namang okasyon. And take note, bakit hindi ko matandaan? Naalala ko ang sinabi ni Papa nang makita niya ang singsing sa aking daliri. Baka raw kinasal na ako ng palihim ng 'di niya namalayan. Mukha kasing wedding ring ang singsing at kinakabahan ako ng bongga. May masama akong kutob sa singsing na 'yon. Hindi naman siguro singsing ni Lola 'yon na may hatid na sumpa. Pero kasi pakiramdam ko, may malaking binago ang singsing na