GUSTONG makausap ni Felix si Lucas kaya tinawagan niya ito. Sa mansyon na ng mga Henderson sila mag-uusap dahil hindi pumayag si Relle na sa labas mag-usap ang magkaibigan. Baka daw may magawa pa na hindi maganda si Felix kay Lucas dahil sa mga nalaman nito. Alam naman ni Relle na kayang kontrolin ni Felix ang sarili nito pero iba pa din ang nag-iingat 'no. "Hindi ka pumunta noong kasal ko." Sabi ni Felix kay Lucas ng makaupo sila sa sofa na nasa pavilion. "Pasensiya na, Pare. Busy kasi ako sa negosyo ko." Sabi ni Lucas. "Bakit mo nga pala ako gustong makausap?" Tanong niya. Felix sighed. "Hayaan mo na." "Why did you want us to talk anyway?" Tanong ni Lucas. "Alam ko na ang totoo." Sabi ni Felix. Kumunot ang nuo ni Lucas. "Anong totoo?" "Nagkaroon kayo ng relasyon ni Anniza habang

