TUMABI ng higa si Felix kay Relle pagkatapos niyang maligo. Hindi siya pwedeng tumabi sa asawa na amoy-alak siya. "Sunshine." Humarap sa kaniya ang asawa. Nakatagilid kasi ito kaniya. "Nabasa mo na 'yong sulat?" Umiling si Felix at tumingin sa nightstand. Inabot niya ang sulat. Tinignan niya ang asawa. "I don't why Anniza wrote this. Sana naman walang nakakagulat na nakasulat dito." Natawa si Relle. "Paano nga kung meron?" Felix sighed. "Then let's read this letter together." Relle smiled. "Okay." Binuklat ni Felix ang nakatuping papel. 'Felix, kailangan mong malaman ang buong katotohanan. Patawarin mo ako pero wala akong lakas ng loob na sabihin sa 'yo 'to ng harap-harapan. Natatakot kasi ako na baka kamuhian mo ako. Mahal na mahal kita, Felix. Mahal na mahal at sana mapatawad mo

