HINDI rin lang natuloy ang paglalaro ng baseball at umuwi na lang ang mga nasa baseball field. Wala, eh. Nasira na dahil kay Luke. Kaya sa mansyon na lang sila. Night came. Medyo nahihilo na si Felix dahil umiinom siya kasama ang mga kapatid ni Relle. Wala naman talaga siyang balak uminom pero pinilit siya ng mga kapatid ni Relle. Naramdaman niya ang tingin sa kaniya ng kasintahan kaya tumingin siya rito. Nakita niyang nakataas ang kilay nito. Napangiwi na lang si Felix. "Sorry." He mouthed. Relle rolled his eyes. Bumalik ito sa pakikipag-usap sa kapatid nitong si Lexi. Magkakasama kasi ang mga babae habang silang mga lalaki ang magkakasama at nag-iinuman. Nagpunta muna siya sa banyo at naghilamos para kahit papaano ay mabawasan ang pagkahilo niya. Tumingin siya sa salamin. Humawak si

