MAGKAHAWAK-KAMAY na pumasok si Felix at Relle sa loob ng mansyon ng mga Henderson. Nauna na si Lexi sa loob. Excited, eh. Sinalubong naman sila ng ina ni Relle. "Mabuti at dumating na kayo." Ani Yvette. " Opo, Mommy." Sabi ni Relle. "Pasensiya na po. Medyo nalate kami ng dating." "It's okay." Ngumiti naman si Felix. "Happy wedding anniversary po." "Thank you, Felix. Feel at home, ha." Wika ni Yvette sa kasintahan ng anak. Tumango si Felix. Pero napansin niya na halos lahat ng nasa loob ng mansyon ay tumingin sa kanila ni Relle o mas tamang sabihin na tumingin sa kaniya ang mga ito. Hindi naman marami ang bisita na nasa loob ng mansyon. Mukhang mga malalapit lang maman na kaibigan ang bisita ng mga magulang ni Relle. Felix looked at Relle. "Sunshine, why are they looking at me?" Tan

