PABALING-BALING ang ulo ni Felix sa higaan. Pinagpapawisan rin siya. "Felix!" "Felix..." Hinanap ni Felix kung saan nagmumula ang boses na 'yon. Kilala niya ang boses na 'yon. Boses 'yon ni Anniza. "Anniza?!" "Felix." Natigilan si Felix. Napatingin siya kay Anniza na nakatayo sa harapan ng kanilang bahay. Nakangiti ito at kumakaway sa kaniya. Kasama nito si Aaron. Napangiti si Felix. "Anniza! Aaron!" Lumapit siya at niyakap niya ang mga ito ng mahigpit. "Bumalik kayo—" "Felix, hanggang ngayon ba hindi mo pa natanggap ang pagkamatay namin?" "Anniza..." "Felix." Hinawakan ni Anniza ang mukha niya habang ang isa nitong kamay ay nakayakap kay Aaron. "Move on. Huwag ka ng maghiganti sa mga taong pumatay sa amin. Mapapahamak ka lang at 'yon ang ayaw kong mangyari sa 'yo. Felix, hindi

