NAPANSIN ni Lexi ang kakaibang ngiti ng kapatid habang kumakain sila ng almusal. Parang kahapon lang parang ang bigat ng dinadala nitong problema pero ngayon parang ang saya-saya na nito. Mukhang may nangyari na hindi niya alam kagabi. "Ate, okay ka lang ba? Bakit parang ang saya-saya mo?" Wika ni Lexi. "Bakit? Bawal bang maging masaya?" Umiling si Lexi. "Hindi naman, Ate. Nagtataka lang ako sa kinikilos mo. Nitong mga nakaraang araw wala kang gana pero napansin kong masaya ka. May nangyari ba?" Tumango si Relle. "Merong ngang nangyari kagabi at wala akong balak magkwento. Basta masaya ako." Masaya naman si Lexi na masaya ang Ate Relle niya pero nagtataka siya kung ano ba ang nagpasaya rito. Kaya naman sinadya niyang magpahuli na matapos kumain. Nang matapos ang Ate Relle niya sa pagk

