Ang bilis ng mga pangyayari, kapwa na kaming nasa harapan ng Judge ni Senyorito Alas. Kasama na doon sina Don Arthur at Donya Helena, si Nanay at mga kapatid ni Senyorito. Panay ang buntonghininga nina Senyorito Alas at Donya Helena kita mo sa mga mukha nila na hindi Dola nasisiyahan. Subalit batas ang bawat salita ni Don Arthur sa Mansyon ay walang sino man ang mangangahas na kumontra.
Nakasuot ako ng isang simple puting bestida na hanggang tuhod ko. May bulaklak na parang korona sa aking ulo, kinulot nang bahagya ang aking mahabang buhok. May kolorete din ako sa aking mukha, inayusan ako ng dalawang kapatid na babae ni Senyorita. Bagaman tahimik din sila ay alam kong pare- parehas kaming nagkakailangan pa rin at hindi pa talaga tanggap ang mga nangyari.
"King Alas, tinatanggap mo ba si Summer Jean bilang iyong kabiyak sa habang buhay?" tanong ng Judge Senyorito Alas.
Sumulyap sa akin si Senyorito, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para akong naalibadbaran sa paraan nang pagtingin niya sa akin. Kapagkuwan ay muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Judge.
"Since I have no choice but to say yes, okay." Sagot ni Senyorito.
Ako naman ang tiningnan ni Judge, nginitian niya ako. Kahit papaano ay medyo gumaan ang nararamdaman kong bigat sa mga oras na iyon.
"Summer Jean, tinatanggap mo ba si King Alas bilang maging iyong kabiyak habang buhay?" tanong ni Judge sa akin.
Napatingin ako kay Nanay, matalim niya akong tinitigan kasi parang umurong ang dila ko. Saka, parang gusto ko na ding umatras sa kasal namin ni Senyorito lalo pa't parehas kaming napipilitan. Ibubuka ko na sana ang aking bibig nang marinig kong tumikhim si Don Arthur.
"Y- Yes po," taranta kong sagot at baka magalit ang Don.
Alam kong minadali lang ni Judge ang seremonyas ng kasal namin ni Senyorito. Narinig ko kasing mamayang gabi ay babalik na din sina Senyorito sa Manila. At hindi ko sure kung kasama ako saka ayokong umasa.
"You may kiss the bride now, Alas!" Narinig kong sabi ng Judge pagkatapos naming magpalitan ni Senyorito ng singsing.
Bagaman hindi iyon ang pangarap kong ganap sa aking kasal, wala na akong magagawa pa dahil nangyari na ang lahat. Napaigtad pa ako nang maramdaman kong hinalikan ako ni Senyorito Alas nang mabilisan sa aking pisngi. Smacked kiss lang iyong pero ramdam kong namula ang mukha ko ganoon kalakas ang dating sa akin ang Karisma ni Senyorito. Narinig kong nagpalakpakan ang mga kasama namin pagkatapos ay sabay na kaming humarap sa kanila. Nakita kong kinunan kami ng litrato at hindi ko sure kong ngumiti ba ako o hindi. At kung kay Senyorito naman ay sure akong hindi ito ngumiti dahil nga naghihimagsik pa din ang kalooban nito sa mga naganap.
Pagkatapos ng kasal ay sa isang mamahaling restaurant kami dumiretso upang kumain. Pagkatapos ay bumalik na kami ng Mansyon at nakita kong naroon na si Tatay at tila kakatapos lang nitong umiyak. Wala akong sinayang na sandali tumakbo ako at niyakap ko si Tatay nang mahigpit. Hanggang sa napaiyak na din ako at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya. Tinapik -tapik ni Tatay ang aking likod pero hindi ito sumagot.
"Senyorito, kung hindi mo matatanggap ang aking anak sa kabila ng lahat sana huwag mo siyang pagbuhatan ng kamay. Isa lang ang hiling ko, ibalik mo na lang siya amin dahil siya ay aming prinsesa." Maalumanay na sabi mg Tatay.
Napalingon ako sa aking likod, nakita ko si Senyorito Alas na nakatayo pala doon.Nagtama ang aming mga mata pero agad din akong nagbawi nang aking tingin at tumabi ako kay Tatay. Narinig kong bumuntonghininga si Senyorito Alas at pilit itong ngumiti kay Tatay.
"Dumating po pala kayo, akala ko po hindi kayo makarating ng Mansyon." Bagkus ay iyon ang sagot ni Senyorito.
"Pinayagan din po kasi ako ng amo ko kaya nakarating din po ako." Sagot ni Tatay.
"Well, enjoy po kayo sa dito sa Mansyon!" Sabi ni Senyorito at tumalikod na ito sa amin ni Tatay.
Inakbayan ako ni Tatay at nagtungo na kami sa kinaroroonan ni Nanay. Kapagkuwan ay magka-usap na silang dalawa sa may sulok ng Mansyon. Hindi na ako nakisali pa at sobra pa rin akong nakokonsensya sa nagawa kong kasalanan sa kanila. Tinungo ko na lamang ang aking kwarto sa may dulo ng maid's quarter room at nahiga doon. Doon ako nagmuni- muni sa mga nangyari dahil ang totoo may parte sa aking puso na masaya dahil natupad ko na ang aking pinakakaasam na maging asawa ni Senyorito Alas.
"Sum," anang ng isang boses kasabay ng sunod-sunod na mga katok.
Napabalikwas ako nang bangon, nakatulog pala ako na hindi ko namalayan. Mabilis kong tinungo ang pinto at binuksan iyon, mukha ni Inay ang bumungad sa akin.
"Pasensya ka na Inay nakatulog pala ako, may ipapagawa ba sina Donya Helena?" Taranta kong tanong agad.
Bumuntonghininga si Nanay." Mag- impake ka na at luluwas na kayo nang Manila."
"H-Ho??!" Gulat ako.
Pumasok naman si Nanay sa loob ng aking kwarto at naupo sa gilid ng kama saka tumingin sa akin.
"Tapos nang mag- usap ang Itay at Don Arthur Summer. Asawa ka na ni Senyorito Alas malamang kung nasaan siya ay nandoon ka din." Sabi pa ni Inay sa akin.
"Okay na ako dito, Inay." Mababa ang aking tinig at nanatili lang akong nakatayo.
"Iyon ang pasya ng Don, pumayag naman si Alas dahil nga mag- asawa na kayo. Masakit sa amin ng iyong Itay na malayo ka pero ito ang pinili mong kapalaran mo magtiis ka. Gampanan mo ang pagiging isang asawa ni Alas huwag kang gagawa ng ano mang ikakapahiya niya. Sa una, alam kong hindi kayo magkakaintindihan kung ikaw ang may malawak na pang-unawa ikaw ang magbibigay niyon sa pagitan niyong dalawa. At higit sa lahat, kung talagang hindi kayo magkasundong dalawa sa paglipas ng mga araw hindi masama ang bumitaw Summer. Huwag kang maging martir sa isang lalaki lalo pa't isang pagkakamali lang ang naganap sa inyong dalawa, naiintindihan mo ba ako?" Mahabang litanya ni Nanay.
Marahan akong tumango ayokong lumayo kina Nanay pero tapos na ang pasya ni Don Arthur. Saka, kinakabahan ako at nangangamba sa magiging sitwasyon ko sa piling ni Senyorito Alas kapag malayo na kami dito sa probinsiya.
"Sige na, kanina pa nakabihis ang asawa mo ikaw na lang ang hinihintay niya." Utos pa ng Inay.
Bantulot akong kumilos, at konti lang ang dinala kong gamit ko. Mga mahahalaga lang sa akin ang inilagay ko sa maliit kong maleta. Tinulungan pa ako ni Inay at talagang napapaiyak na ako habang nag- i- empake.
"Ang Tatay?" naalalang tanong ko kay Inay.
"Nauna ng umuwi ayaw niyang makita ang pag- alis mo alam mo na ang ibig kong sabihin." Sagot ng Inay na hindi man lang ako sinulyapan.
"Aalis kayo dito Inay?" Nahimigan ko kasi ang ibig sabihin ng Inay.
Kagyat na huminto si Nanay sa pagtupi ng aking mga damit.
"Wala ng dahilan pa para ako manatili dito, nag- asawa ka na kaya nagbitiw na din ako." Malungkot na sagot ng Inay.
"Inay, sorry po talaga!" Garalgal ang aking boses sabay yakap sa aking Inay.
Tinapik- tapik naman ng Inay ang aking likod saka hinaplos niya ang aking ulo.
"Nangyari na ang lahat mga bilin ko huwag mo sanang kakalimutan. Mas mabuti ng doon kayo manirahan sa Manila kaysa dito. Ayokong maltratuhin ka ni Donya Helena anak, at kung sakaling pagbuhatan ka ng kamay ni Alas maski isang beses umuwi ka sa amin tandaan mo iyan." Maalumanay na ang boses ng Inay.
Luhaan akong tumango. "Opo, Inay tatandaan ko po ang mga sinabi niyo at maraming salamat po."
Muli kaming nagyakap ni Inay, hinigpitan ko na at alam kong iyon na ang huli naming yakapan sa ngayon. Ilang sandali pa at sabay na kaming nagpunta ng sala ni Nanay. Naroon sina Don Arthur at Senyorito Alas na tila hinihintay na ako. May kumuha na din sa aking maleta upang ilagay sa sasakyan. Ang kabog sa aking dibdib ay hindi na mawala- wala. This is it for real, makakasama ko na si Senyorito Alas sa iisang bahay, iisang kwarto at sa habang buhay.
"Ang bilin ko Alas, wala akong mababalitaang hindi maganda ang trato mo kay Summer sa Manila. He is your Wife now not your servant," sabi ni Don Arthur.
Kahit papaano ay ngumiti ako dahil mabait sa akin si Don Arthur kakampi ko siya. At nagpapasalamat ako dahil Hino siya kagaya ng asawa niyang matapobre. Hindi din kunsintidor si Don Arthur sa mga mali ng mga anak nito nakakatuwa a very responsible father.
"Sum, wala kang ibang gawin kung hindi gampanan ang pagiging asawa ni Alas. Natural lang ang mag- aaway pero walang pisikal na sakitan maging emotional okay?" Baling sa akin ni Don Arthur.
Masaya akong tumango at tumingin ako kay Inay, nakangiti din itong tumango-tango sa akin. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay unti-unting gumaan. Tumingin naman ako kay Senyorito Alas...ang aking asawa na ngayon. Blangko ang mukha nito at hindi ko mawari kung ano ang nasa kanyang mga mata. Ipinilig ko ang aking ulo at binalewala na lang iyon, ilang sandali pa at nagyaya na si Senyorito Alas na lumulan na kami sa loob ng sasakyan. Bale ihahatid kami ng sasakyan sa private Airport nina Don Arthur at sasakay kami ng kanilang private helicopter papuntang Manila. Napapapikit ako at piping nagdasal para sa bago kong magiging buhay sa Manila bilang asawa na ni Senyorito Alas. Nawa ay magkakasundo kaming dalawa at sana ay matutunan din niya akong mahalin balang araw.