C-6: True colors

1617 Words
"We're here," boses ni Senyorito Alas ang siyang nagpagising sa akin. Nagmulat ako at umayos ng upo, nakatulog pala ako sa aming biyahe. Pagbaling ko kay Senyorito ay nakababa na ito ng helicopter, kapagkuwan ay inalalayan ako ng isa sa piloto. Pagkababa ko ay agad kong nakita ang nakaabang na itim na sasakyan at ilang kalalakihang naghihintay sa amin. "Maligayang pagbabalik, Senyorito!" Bati ng lahat sabay yukod. Tumango lang si Senyorito sa mga ito, napakurap-kurap ako at agad akong sumunod sa kanya. "Maligayang pagdating Senyorita!" Sabay-sabay din nilang pagbati sa akin nang makalapit ako nang husto. Parang bigla akong nahiya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin na tawaging Senyorita nakakailang. Pero nginitian ko na lang sila saka na ako sumakay sa loob ng sasakyan. Noon ko lang napansin, may isa pang sasakyan na magkasunod sa amin at alam kong mga kasamahan din ni Senyorito ang nakalulan doon. Hindi kasi ako sanay na makitang maraming alalay si Senyorito, nasanay na akong parang simple lang ang kanyang pamumuhay kapag nasa probinsiya ito noon. Ilang sandali pa at pumapasok na kami sa mataas na gate at kulay blue lahat ng pintura sa paligid. Namangha ako sa ganda ng bahay ni Senyorito, hindi iyon Mansyon isa iyong Villa. Kung kaya't nagtaka ako kung sino-sino ang mga kasama ng Senyorito sa napakalaking Villa. Halos puro salamin ang makikitang design ng Villa, kay ganda ng garden nito na hitik sa namumulaklak na mga tanim. Ang malawak nitong swimming pool na nasa taas ng Villa pero kitang-kita ang view. Kahit saan ka tumingin na direksyon wala kang maipipintas sa Villa dahil isa iyong parang dream house na sa mga cartoons lang makikita, it was a very perfect Villa. May sumalubong sa aming isang lalaki at isang babae sabay bati sa amin ni Senyorito. Ngumiti sa akin ang babae palagay ko hindi nalalayo kay Inay ang edad nito pati na ang kasama nitong lalaki. "Welcome home, Senyorito, Senyorita!" Sabi pa ng ibang nakahilerang katulong sa may main door na hinihintay talaga ang aming pagdating. Tumango at kumumpas lamang ang kamay ni Senyorito Alas. Mukhang istrikto si Senyorito Alas doon sa Villa hindi kagaya sa probinsiya na kalog itong kasama. Nakasunod lang ako at tahimik, pangiti- ngiti at patango-tango sa mga katulong. Napasinghap pa ako nang umakyat kami sa napakataas na hagdan hanggang sa may hallway niya. "Butler Hector, si Summer alam niyo na siguro at Yaya Clara." Sabi ni Senyorito nang tumigil ito sa paglalakad at humarap sa dalawang nakasunod sa amin. "Ikinagagalak ka naming makilala, Senyorita." Magkasabay na bati sa akin ng dalawa. Kimi akong ngumiti. "Thank you po!" "Sige na pakilagay ang gamit ni Summer sa may guest room. Ang mga gamit ko sa Master bedroom, mag-uusap lang kami ni Summer." Utos ni Senyorito. Mabilis namang tumalima ang dalawa, si Butler Hector ang nagdala sa gamit ni Senyorito samantalang si Yaya Clara ang nagdala ng sa akin. "Follow me," baling sa akin ni Senyorito. Agad akong sumunod sa wakas ay kinakausap na ako ni Senyorito hindi kagaya ng mga nagdaang araw na palagi niya akong sinasamaan nang kanyang tingin. "Hindi tayo magsasama sa iisang kwarto, at huwag kang umasa. To be honest with you, I'm still holding my anger towards you. Pero malaki ang respeto ko sa isang babae, kaya kita kinakayang harapin. Don't expect na ituturing kitang asawa kagaya ng inaasahan mo. May iba akong mahal at huwag kang umasa na matutunan kitang mahalin dahil hindi iyon mangyayari Summer, never! Asawa lang kita sa papel, hanggang doon lang 'yon. I think I made myself clear to you, Summer. Starting today, huwag mong pakikialaman lahat ng gagawin ko dahil asawa lang kita sa papel." Mga katagang sing lamig ng yelo galing kay Senyorito. Napaawang ang aking labi pero walang ni isang salita ang namutawi doon. Napakurap-kurap ako kasabay ng mga luha naglaglagan mula sa aking mga matang wala ng makita dahil sa hilam ng maraming luha. Iyon pala ang kapalit ng pagiging naisin at tahimik ni Senyorito Alas sa probinsiya. Nawindang ako, hindi ko iyon inaasahan na ganoon ka-brutal ang bibitawang salita ni Senyorito sa akin. Parang maraming punyal ang siyang bumaon sa aking inosenteng puso hanggang sa mawarak iyon at magkapira-piraso. Wala na si Senyorito Alas nang hinamig ko ang aking sarili at inayos. Tahimik akong lumabas ng silid kung saan kami nag-usap ang wala pang ilang minuto. Ni hindi man lang pinakinggan ni Senyorito ang aking panig at saloobin. "Senyorita, baba na lamang po kayo mamaya para kumain," untag sa akin ni Yaya Clara. Nginitian ko ang Ginang. "Salamat po pero tawagin niyo lang po akong Sum," "Naku, hindi puwede hija masasanay ka din. Magpahinga ka na muna habang inihahanda namin ang pananghalian." Sabi ni Yaya Clara. "Sige po kayong bahala," kimi kong tugon at tinungo ko na ang guest room. Pagbukas ko, tumambad sa akin ang napakagandang loob ng kwarto. Sadyang inayos iyon para sa taong gagamit ng guest room. Mas malawak pa ang iyon kaysa sa kalahati ng bahay namin sa probinsya, iba talaga kapag mayaman. Kumpleto din ang kagamitan sa loob ng bathroom, kasama na doon ang personal na gamit. Napakalinis, maaliwalas at mabango ang magiging kwarto ko. Sigurado ko iyon, bilang isang katulong alam kong kakaibang linis ang ginawa sa guest room na kinaroroonan ko. Kahit umiiyak ang aking puso sa mga oras na iyon ay napangiti ako, kahit doon man lang ay bumawi naman si Senyorito sa pananakit niya ng aking damdamin. Maingat akong humiga sa malaking kama, malambot iyon na para bang kay sarap pahingahan sa pagal na katawan. Maya-maya pa'y biglang bumukas ang pinto kay agad akong bumangon, si Senyorito ang dumating. Bumaba ang aking tingin sa hawak niyang paper bag na agad nitong inilapag sa aking tabi. "That is your new phone, ako lang ang nasa phone number mo. Ang dati mong phone pinaiwan ko sa Mansyon," malamig na wika niya sa akin. "Pero-" "Kung gusto mong matawagan ang Nanay mo ako ang tatawag gamit ang phone ko. Nagkakaiintindihan ba tayo?" Dagdag pa ni Senyorito. Hindi ako umimik, gusto kong tumutol pero ayokong mag- away kami agad-agad. "And one more thing, lahat makukuha mo Summer! My money, luxury, fame, my properties but my heart and love, you will never get it. Because this is belongs to Daisy," tahasan pang sabi ni Senyorito. Napapikit ako nang mariin, nadagdagan na naman ang sugat sa aking puso bagaman inaasahan ko namang si Daisy ang mahal niya. Pero, sana naman hindi na niya ipamukha sa akin nang lantaran. "Puwede ba akong magsalita?" Inipon ko lahat ng aking tapang bago ko iyon nabigkas. "At ano ang sasabihin mo? Sorry? No, way Summmer in your f*****g dreams!" Galit na sagot ni Senyorito. "Puwede bang...hayaan mo akong gampanan ko ang pagiging asawa ko sa pamamagitan ng pag- aasikaso ko sa'yo?" Matapang ko pa ring tanong. "Hindi mo ba ako narinig? Asawa lang kita sa papel, huwag mong ipilit." Mariin nitong tugon at mabilis niya akong tinalikuran upang lumabas ng kwarto. Ibinalibag pa ni Senyorito ang pinto pagkatapos nitong isarado. Para namang namanhid ang dalawa kong pisngi at napaigtad dahil sa gulat. Masakit pero nandoon na ako, at desido akong mabaling ang pagmamahal ni Senyorito Alas sa akin. Ngayon pa na asawa na niya ako, at saka hindi karapat-dapat ang Daisy na iyon kay Senyorito. Alam niya ang tunay na kulay ng babaeng minamahal ni Senyorito. At hindi ako makakapayag na magtagumpay si Daisy, naungusan na niya ito ng isang hakbang kaya mas lamang pa rin siya kaysa sa dalaga. Naligo ako pagkatapos nang usapan namin ni Senyorito. Doon ako umiyak nang umiyak atleast sa loob ng bathroom, tubig lang ang saksi sa aking mga luha. Sinadya kong tagalan ang aking pagligo, umaasa akong makakahugot ako ng lakas pagkatapos. "Handa na ang pagkain, Senyorita!" Narinig ko ang boses ni Yaya Claring sa labas ng pinto. Kasalukuyan na akong nagsusuklay, nagsuot lamang ako ng kulay yellow na bestida abot hanggang tuhod. "Opo, nariyan na!" Sagot ko sabay alis na sa harapan ng salamin. Pinagbuksan ko si Yaya Clara. "Ang ganda mo naman Senyorita bagay na bagay sa'yo!" Puri niya sa akin. Kimi akong ngumiti. "Salamat po!" "Halika na sa baba, naroon na sa dining room si Senyorito." Masayang yakag sa akin ni Yaya Clara. Nakadama naman ako ng excitement, first time naming magkasalo ni Senyorito sa iisang table. Binilisan ko ang aking mga hakbang papuntang dining room, pagpasok ko doon agad kong nakitang napatitig si Senyorito sa aking katawan. Nag- init ang aking mukha at napatikhim naman si Senyorito sabay kurap-kurap. Lihim akong nakadama nang kaligayahan, dahil kita kong na-attract si Senyorito sa akin kahit ilang segundo lang. Sapat na iyon upang ganahan ako para kumain at mawala lahat ng aking hinanakit kanina lamang para kay Senyorito. "Inaakit mo ba ako?" Mula sa aking likuran ay biglang nagsalita si Alas. Nagulat ako at nabitawan ko ang hawak kong libro. "A-Anong sabi mo?" balik tanong ko sabay dampot sa librong nasa sahig. "Ano ba, Sum!" Singhal sa akin ni Alas. Napakunot-noo akong tumingin kay Alas dahil naguluhan ako sa mga ipinupunto niya. "Anong ano ba?" maang ko. "Inaakit mo ba ako? First, sa paseksi mong suot at second, sa pasilip mo with your boobs. May I remind you, hindi lang ikaw ang tao dito kaya mind your outfit and movement. At kahit anong pag- akit mo sa akin, hinding- hindi na ako matutukso sa'yo!" Pinaka- diin- diinan pang wika ni Alas at mabilis na itong umalis. Muli akong napakunot-noo, nagsalubong ang aking mga kilay dahil maski ni isa sa sinabi ni Alas ay wala akong intensyon. Wala sa akong balak na iba unless si Alas talaga ang nag- a- assume niyon at hindi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD