C-7: Legal Wife Strikes

1651 Words
Napaangat Ang aking pwetan nang Makita Kong dumating na si Alas. Gabi na at ayon sa mga kilos nito ay lasing siya, hinintay ko siya bago din ako matulog. Hindi ba't ganoon naman ang Isang ulirang asawa? "Alas," sambit ko tamang lakas lang ng aking boses upang makarating sa kanyang pandinig. Huminto naman si Alas at marahas na tumingin sa akin na para bang ano mang oras ay sasagpangin niya ako. "Lasing ka," sabi ko pa sabay lapit sa kanya upang sana ay alalayan siya. Subalit mabilis niyang tinabig Ang aking mga kamay sabay tulak sa akin. Pinakatitigan niya ako sa mga mata niyang nanlilisik. "Bakit? Sino ka ba sa Akala mo ha? Sa uulutin, huwag mo akong hihintaying makauwi baka magkasakit ka eh 'di kargo de konsencia ko pa?!" Asik na sagot ni Alas sa akin. "Hindi Kasi ako makatulog," katwiran ko. "Anong pakialam ko? Problema mo 'yan Ikaw ang hahanap ng solusyon, huwag mong masabi-sabi sa akin ang katangahan mo!"bulyaw ni Alas sa akin. Napapikit ako, ramdam ko Ang laway ni Alas na tumalsik sa mukha ko. Kaswal lang na pinunasan ko ang mukha ko. Sa pagmuni-muni ko maghapon habang wala si Alas napag-isip- isip kong masyado pang maaga na susukuan ko si Alas. Napagpasyahan kong gagawin ko Ang lahat nang paraan para mapaamo ko siya at matutunan niya din akong mahalin balang araw. "Ayokong manakit ng Isang babae kaya get out of my sight habang nakapagtitimpi pa ako." Narinig Kong sabi ni Alas. Napakurap-kurap ako kasabay nang paghugot ko Ng Isang malalim na hininga. Tahimik akong umalis sa harapan ni Alas para hindi mauwi sa malalang away ang aming usapan. "Uulitin ko sa'yo Summer, huwag mong ipilit maging huwarang asawa sa akin dahil magsasayang ka lang Ng effort." Mariin pang sabi ni Alas bago niya ako iniwan sa sala. Gustong umalpas Ang aking mga luha pero pinigilan ko, buo na Kasi Ang aking desisyon kaya kakayanin ko hanggang dulo. Umaasa akong may kapalit ang aking pagtitiis balang araw. At mamumulat din si Alas na ako karapat-dapat sa kanyang pagmamahal at Hindi si Daisy. Sinundan ko na lamang ng aking tingin ang palalayong si Alas. Hindi ko siya hiniwalayan ng tingin hanggang hindi ito nakakarating sa taas. Nangangamba kasi akong baka matumba ito sa hagdan at mahulog sa baba. Kapagkuwan ay bumuntonghininga ako at tahimik na din akong sumunod para matulog na. Bukas, susubukan ko ulit maging isang ulirang asawa. Kinaumagahan. Napabalikwas ako nang bangon, hindi ko namamalayan na napasarap pala ako ng tulog. Hindi ko sukat akalaing gamay na talaga ng katawan ko ang matulog sa isang kwartong may aircon. "Magandang umaga, Senyorita!" Bati ng babaeng alam kong dalaga pa at mas nauna lang ng ilang taon siguro sa akin. "Magandang umaga, anong pangalan mo?" Magiliw kong sagot. "Ako si Jena Senyorita, tama pala ang sabi- sabi dito sa Villa ang ganda niyo po talaga!" Masaya at buhay na buhay ang boses ni Jena. Mapait akong napangiti iniisip kong hindi alam ng mga katulong sa Villa ang tunay na estado namin ni Alas. "Umagang - umaga binobola mo ako, bakit hindi kita nakita kahapon nang dumating kami?" Sagot ko na lamang at nakakahawa ang sigla ni Jena dahil ganoon din akong tao. Napahagikhik naman si Jena. "Ang bait niyo pa Senyorita hindi katulad no'ng hilaw na ehem ni Senyorito!" Anito. "Baka may makarinig sa'yo ha?" pandidilat ko naman kay Jena. Natawa lamang ang dalaga kaya pati ako ay natawa na din. "Jena, nasaan ang Senyorito mo?" Biglang tanong ng babaeng kanina lamang ay pinag- uusapan namin ni Jena. Tumingin sa akin si Jena at bumulong. "Speaking of the devil!" Pinandilatan ko si Jena at humarap ako kay Daisy. "Bakit mo hinahanap ang asawa ko?" kalmado kong tanong. Nginisihan ako ni Daisy at lumapit siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling tumingin sa aking mukha. "Look who's talking here! Pati pala dito sa Manila sinusundan mo ang mahal ko," mataray nitong sabi. Nginitian ko nang ubod tamis si Daisy saka ako humalukipkip. "Nakalimutan mo yatang asawa ko na ang sinasabi mong lalaking mahal mo. Natural kung nasaan siya ay nandoon din ako ano pa bang akala mo?" Hindi ako nagpatalo sa pagtataray. Nakita kong lumaki - laki ang butas ng mga ilong ni Daisy. Tila nasorpresa ito sa sinabi ko siguro ay hindi niya alam na kasama ako ni Alas pabalik ng Manila. "Hindi mo alam? Puwes, ngayon alam mo na kaya magmula sa oras na ito trespassing ka na dito sa Villa. Wala ka ng karapatang tumuntong pa dito," dagdag ko pa. "Impokrita ka! Ambisyosa! Hindi mo pamamahay ito upang sabihin mong wala na akong karapatang magpunta dito. Tila nakakalimutan mo yata ako ang nauna sa lahat nang mayroon si Alas lalong- lalo na sa kanya!" Singhal sa akin ni Daisy. "Ako ang legal Wife, nasa akin ang lahat ng karapatan Daisy. Oo, nauna ka pero ako ang nagwagi kaya sorry ka! Kaya pag- isipan mo ang mga gagawin mong mga hakbang dahil sa bawat pagsuway mo sa akin may kapalit na magiging kahihiyan mo." Mariin ko pang sabi. Naningkit ang mga mata ni Daisy na tumitig sa akin. "Are you threatening me? At sino ka para matakot ako aber? Tingnan natin kung sino sa atin ang mas matigas, mas matapang at mas magwawagi!" Matigas nitong sagot sa akin. "Then, subukan mo ako Daisy! Magsubukan tayong dalawa," taas noo kong tugon. Kita ko ang ngitngit ni Daisy padabog niya akong tinalikuran at patakbong umakyat sa taas. Alam kong pupunta ito sa kwarto ni Alas kaya mabilis akong sumunod. Kailangan kong maipasagawa na ang pagiging asawa ko kay Alas maski sa papel lamang. "Why you didn't tell me huh?! Nakabalik ka na pala and then kasama mo pa siya!" Narinig kong tungayaw ni Daisy sa loob ng kwarto ni Alas. "Tumitiyempo pa ako baby dahil alam kong galit ka pa sa akin. Hindi ko kagustuhang dalhin siya dito, it was Dad. And, wala akong magawa para tumutol I respect him very much." Katwiran ni Alas. Itinulak ko ang pinto ng kwarto. Sabay na napalingon ang dalawa sa akin na sumandal sa pader habang nakatingin sa kanila. "You b*tch! Get out here, give us privacy idiot!" Sigaw ni Daisy sabay duro sa akin sabay subsob sa matitipunong dibdib ni Alas. Napalunok ako, na-attract na naman ako sa magandang katawan ni Alas. Agad kong iniwas ang aking tingin dahil nasa harapan ako ng isang diskusyon sa pagitan naming tatlo. Nakita kong niyakap ni Alas si Daisy, masakit makita pero kailangan kong pag-aralan ang salitang dedmatology step. "Anong ginagawa mo dito? Hindi ka namin kailangan sa aming pag- uusap umalis ka!" Mariing wika ni Alas sa akin. Hindi ako nagpatinag, bagkus ay tumingin ako nang diretso kay Alas. "Ikaw ang nagsabing I can have your money, fame, wealth, properties and all material things that you have. Including ang Villa na ito, kaya ako ang magiging batas sa loob ng tahanang ito. Show me respect as your Wife Alas maski sa papel lang, oo hindi ko pakikialaman lahat ng gagawin mo. Pero lahat ng mayroon ka, binigay mo sa akin ang karapatan kaya karapatan kong palayasin siya dito sa Villa specially dito sa loob ng kwarto mo." Mahabang saad ko. Natulala si Alas na nakatingin sa akin, siguro hindi nito inaasahan na bigla ang aking pagbabago. Na akala niya siguro ay tahimik lang ako, at hindi tumututol. Kapagkuwan ay biglang napangisi si Alas pero kita ang apoy sa mga mata nito. "Lumabas din ang tunay mong kulay, Summer. Maybe, you planned this all along at nagtagumpay ka. Tingnan mo nga naman kapag ang dukha ay mangarap yumaman gagawin ang lahat para lang magtagumpay!" Pang- uuyam sa akin ni Alas. Para akong sinaksak muli dahil alam ko sa aking sarili na hindi ako manggagamit na tao. At mas lalong hindi ko hinangad ang kayamanan ni Alas sadya lang na mahal ko siya. Pero, iyon naman ang tingin niya sa akin kaya ano pa nga bang silbi na magbanal- banalan pa ako? "Isipin mo na ang gusto mong isipin sa akin, Alas. Walang sino mang mas nakakakilala sa akin kung hindi ang aking sarili kaya malaya kang husgahan ako hanggat gusto mo. Kung gusto niyong mag-usap doon sa malayo sa akin, sa hindi mo pag- aari sa may wala akong karapatang lugar." Matapang kong tugon, taas noo walang bakas ng panghihina. Nag- igting ang mga panga ni Alas ang sama nang tingin niya sa akin pati na si Daisy. Kung nakakamatay ang masamang tingin ay baka kanina pa ako bumulagta sa sahig. "May araw ka din sa aking babae ka!" Pagbabanta ni Daisy. Nginisihan ko lang siya at tinaasan ko siya nang aking kilay. "Lumabas ka na Daisy susunod ako," utos naman ni Alas. Umayos ako nang aking tayo at nauna ng naglakad palayo sa kwarto ni Alas. Alam kong susundan ako ni Daisy kaya mabilis akong nagtungo sa may Den. Doon solong- solo ko siyang aapihin kagaya ng pag- aalipusta niya sa akin nang una kaming magkakilala. "Walang hiya kang babae ka! Huwag kang pakampante dahil sisiguraduhin kong babalik ka sa kangkungang pinanggalingan mo!' agad na sabi ni Daisy nang maabutan niya ako sa may Den. "Huwag kang putak nang putak tanggapin mo na lang talo ka na!" Pang- aasar ko pa lalo kay Daisy. "Go to hell! Wala pang sino mang nakatalo sa akin, Summer hindi pa tayo tapos tandaan mo 'yan." Naggagalaiting ngawa ni Daisy. I smirked. Sinigurado kong mas lalo siyang manginig sa galit niya sa akin. "Go, ahead I'm waiting!" Sulsol ko pa lalo. Napasigaw na lamang si Daisy dahil sa sobra nitong galit. Nakadama ako ng kasiyahan kahit papaano hindi ko man makamit- kamit ang pag- ibig ni Alas, at least may kasama akong magdurusa iyon ay si Daisy. Kung hindi ako sasaya sa piling ni Alas, sisiguraduhin ko namang damay si Daisy sa bawat kalungkutan at pighati na ibabato sa akin ni Alas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD