Medyo late na akong gumising dahil siguro sa hindi namin pagpansinan ni Alas. Tatlong araw niya akong hindi kinakausap kahit ang tingnan ako ay hindi niya magawa. At tatlong gabi din itong hindi umuwi alam kong magkasam silang dalawa ni Daisy. At masakit iyon para sa akin, kahit nabira ko na ang babaeng iyon ay siya pa rin ang nasa puso ni Alas. Expected ko na pero determinado talaga akong mabaling sa akin ang pagmamahal ni Alas na kay Daisy ngayon nakatuon. Alam kong hindi madali na paibigin si Alas dahil saling pusa lamang ako at napilitan lang si Alas na pakasalan ako.
Iinot- inot akong lumabas mula aa guest room pababa na ako nang maulinigan kong tila may mga ibang tao sa malawak na sala. Maingay kasi kahit hindi pa ako nakakababa. Out of curiosity ay binilisan ko ang aking mga hakbang pababa upang tiyakin na may mga bisita nga kami.
Pagkababa ko, nakita kong naroon sina Alas at mga kaibigan nito sa sala. At doon talaga sila nag-iinom kilala ko na mga kasama nito dahil nagpunta sila noon sa probinsiya. Napatikhim ako, iisa silang lumingon sa akin maliban kay Alas. Na para bang hindi ako nag-i- exist sa kanyang harapan. Sa mukha ng mga kaibigan ni Alas ay mukhang alam na nila kung bakit naroon ako sa Villa ni Alas. Malamang ay nai-kwento na ni Alas sa mga ito ang buong kaganapan sa amin ni Alas.
"Oh, hi Sum!" Sabi ni Ivan ang binatang alam kong may pagnanasa sa akin sa tingin pa lang niya.
"Hi," tipid kong sagot at nagpatuloy na sa aking paglalakad palayo sa kanila.
"Bakit hindi mo naman binati ang instant wife mo bro?" Narinig kong tanong ni Sean kay Alas.
"For what? Nakita ko naman siya, nakita naman niya akong narito. So, anong silbi ng greetings?" Dinig kong sagot ni Alas.
"Ang harsh mo naman kay Sum," sabi naman ni Dave.
"Kasalanan niya ginusto naman niya kaya magtiis siya!" Walang pakundangang tugon ni Alas.
Nakagat ko ang aking labi, nangingilid ang aking mga luha na muling naglakad palayo sa sala. Gusto kong depensahan ang aking sarili, gusto kong sabihing hindi ko ginusto na makasal sa kanya pero pinangrap kong maging akin siya.
"Kakain ka na ba Senyorita?" Salubong sa akin ni Jena.
Napakurap-kurap ako at agad na ngumiti para hindi halata ang kalungkutan sa aking mukha.
"Oo, ano bang ulam natin? Sabayan mo nga ako," masigla kong sagot.
"Nagpaluto po si Senyorito ng kare-kare saka beed steak po saka inihaw na isda. Iba pa po 'yong pulutan nila nagulat nga po ako, umagang-umaga nag-iinuman. Ngayon lang ganyan si Senyorito," Saad ni Jena.
Tumikhim ako dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan.
"Hayaan muna natin siya, nag-a- adjust pa kami pareho," sabi ko na lamang at tuluyan na akong nagtungo sa dining room.
Hinainan naman ako ni Jena, pinilit kong kumain nang marami kahit pa wala sana akong gana. Malaki ang respeto ko sa mga pagkain na dapat ay huwag sayangin masarap man o hindi. Dahil iniisip ko, marami ang hindi lumala nang araw-araw saan mang banda ng Pilipinas. Kaya pasalamat ang iba na kumakain ng tatlong beses sa isang araw at hindi dinanas ang kumalam ang kanilang mga sikmura.
"Sabi ni Senyorito, kapag gusto mo daw mamasyal dito sa Manila ay sasamahan kita." Biglang sabi ni Jena.
Napatingin ako kay Jena, sa isip ko ay himalang sinabi iyon ni Alas. Bakit hindi niya sinabi sa akin ng harapan?
"Baka daw mabagot ka dito sa Vilala Senyorita," dagdag pang sabi ni Jena.
Ngumiti ako. "Salamat, sasabihan kita kapag gusto ko ngang mamasyal."
Ngumiti din si Jena sa akin kapagkuwan ay nagpaalam ito pabalik sa dirty kitchen. Hindi ko napilit si Jena na sumabay sa akin at naiintindihan ko naman. Kaya kailangan ko na ding sanayin ang aking sarili na madalas kumain nang mag-isa. Binilisan ko ang aking pagkain, gusto kong libangin ang aking sarili ulit sa may garden. May mga tanim na din akong mga gulay sa paso doon at halamang namumulaklak. Para hindi ko maramdaman ang grabeng kalungkutan at pagkabagot dito sa Villa. At para na ding maiwasan ko si Alas na makitang ini-ignore ako sa tuwing magku-krus ang aming mga landas.
"Tumabo na ang mga tanim mong okra Senyorita. At ang mga talong biglang laki sila," natutuwang sabi sa akin ni Mang Fabian ang hardinero sa Villa.
Nnginitian ko si Mang Fabian. Gusto kong sabihin sa kanya na may kasamang patak ng aking mga luha ang tanim kong talong kaya sila biglang laki. Pero sinarili ko na lamang at baka magtaka sila, ayokong maginh masama si Alas sa kanilang paningin. Hindi ko plano iyon, gusto kong manatili ang kanilang mataas na respeto sa kanilang Senyorito.
"Siyempre po kasama ko kayong nagtanim kaya mabilis silang lumaki," sabi ko na lamang pero may katotohanan naman.
Mas ngumiti pa si Mang Fabian.
"Malamig ang kamay niyong magtanim Senyorita. Siguro dati na po kayong nagtatanim kasi pati mga halaman niyong namumulaklak biglang dami." Anito.
Totoo kasi iyon, para bang nagpakitang Gilas ang aking mga pananim sa akin. Umulan naman kasi kaya siguro bigla silang lago at biglang laki ang mga ito. Pero, ang isa pang katotohanan kinakausap ko sila habang natulo ang aking mga luha. Sa aking mga halaman ko sinasabi lahat ng aking mga pinagdadaanan sa Villa.
"Opo dati na akong nagatatanim sa amin pero hindi po ganito kayabong. Siguro dinadamayan nila ako, hindi niyo po ba alam kung ano ang dahilan sa aming pagiging asawa ni Alas?" Sagot ko.
Napatitig si Mang Fabian sa akin kapagkuwan ay bahagyang ngumiti nang pilit.
"Wala po kaming alam Senyorita," tugon nito pero hindi ito makatingin sa akin.
Mapait akong ngumiti.
"Alam kong may alam kayo Mang Fabian nahihiya lang kayong magsabi sa akin." Ani ko.
Napatungo si Mang Fabian saka muli niya akong tiningnan.
"Wala po kaming karapatang makialam pero isa lang po ang alam namin dito. Hindi po kayo magkasintahan ni Senyorito at nagpakasal kayo dahil sa isang pangyayari. Pero Senyorita, mas gusto ka po namin kaysa kay Ma'am Daisy iyon po ang sigurado." Saad nito sa akin.
Napakurap-kurap ako pero at the same time ay nakadama ng saya. So, alam pala ng lahat ang tunay na dahilan kung bakit naging mag-asawa kami ni Alas. Akala ko ay hindi nila alam pero bilib ako sa pagiging respeto nilang lahat sa akin. Para akong nakadama ng mga bagong kakampi sa Villa, na akala ko ay wala. Kahit papaano ay nakikiayon din sa akin ang tadhana subalit alam kong maa tapat sila kay Alas. Subalit masaya akong malaman na mas gusto pala nila ako kaysa kay Daisy.
"Maraming salamat po sa compliment at respeto Mang Fabian mula sa puso ko, salamat po talaga." Matapat kong tugon.
Muling ngumiti sa akin si Mang Fabian.
"Para na din anak ang tingin ko sa'yo Senyorita. At naniniwala po akong may dahilan ang lahat ng mga nangyayari may purpose po. Kaya sana po huwag niyong sukuan si Senyorito," wika nito.
Ako naman ang napatungo at nagbabadya ang aking mga luha dahil sa tuwa. Ang sarap sa pakiramdam na may natagpuan kang tao at nagmamalasakit sa'yo. Bigla kong naalala si Itay sa katauhan ni Mang Fabian at bigla ko ding na-miss ang Tatay.
"Marami po salamat ulit Mang Fabian hayaan niyo po gagawin ko ang lahat para magkasundo kami ni Alas. Huwag lamang po kaming umabot sa sakitan nang husto," turan ko sabay ngiti.
"Ganyan nga Senyorita kung kailangan mo kami, magsabi ka lang po." Natutuwang sabi ni Mang Fabian.
Masaya akong tumango pagkatapos ay magkatulong na ulit kami ni Mang Fabian na diniligan ang aking mga pananim. Patapos na ako nang masulyapan kong tila magsisi- uwian na ang mga kaibigan ni Alas. Nakahinga ako nang maluwag pero nakita kong tinanaw pa nila ako bago sila umalis. Alam kong ako ang paksa nila habang sila ay nag- iinuman pero wala akong pakialam. Tapos na ang lahat, nasa bagong yugto na ako ng aking buhay. At kailangan doon muna ako magpokus habang pinapatatag ako ng panahon.
"Senyorita!" Tawag sa akin ni Jena.
Naghugas na ako ng aking mga kamay pagkatapos ay sinalubong si Jena papunta sa akin.
"Senyorita, si Senyorito namimilipit sa sakit ng kanyang tiyan!" Humahangos na Sabi akin ni Jena.
Nataranta ako hindi ko siya sinagot bagkus ay nilagpasan ko siya sabay takbo patungo sa loob. Habang ako ay tumatakbo ay tinatawag ko si Butler Hector maging si Yaya Clara. Agad kong tinungo ang kwarto ni Alas at nadatnan ko siyang nakadapa sa sahig habang namimilipit sa sakit.
"Anong nangyayari sa'yo?" Nag- aalala kong tanong sabay patihaya sa kanya.
"Don't touch me!' asik niyang sagot sabay tulak sa akin.
Subalit hindi ko siya pinakinggan pilit ko siyang ibinangon at pinaupo na nakasandal sa akin. Nakapikit si Alas hindi ito nagsasalita subalit alam mong namimilipit sa sakit dahil sa pawis nito sa noo at mukha.
"Anong masakit sa'yo? Sandali lang at dadalhin ka namin sa hospital, tiisin mo muna." Sabi ko ulit habang naiiyak na.
Pilit kumakawala si Alaa mula sa aking pagkakahawak pero hindi ko siya binitawan. Siya namang pagdating nina Butler Hector at isang guwardiya saka binuhat si Alas. Mabilis akong sumunod pagkalabas namin ay nakahanda na ang sasakyan. Agad na nilang ipinasok si Alas sa loob ng sasakyan kasunod ako noon ko narinig ang kanyang ungol. Ramdam ko ang sakit na narararamdaman ni Alas habang pinagmamasdan ko siya. Kusang nalaglag ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan subalit umusal ako ng panalangin sa lalaking aking minamahal. Kinasusuklaman niya man ako pero hindi ko kayang panoorin na nahihirapan siya sa aking harapan.