Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi Season2 Sep 11, 2017 Nasa ganoong posisyon kami ng bigla na lamang pa tumarak na patalim sa aking likuran ang lumabas ang dulo nito sa aking dibdib. Tumagos ang espada sa aking katawan na aking ikinabigla. Namalayan ko na lamang ang pag agos ng dugo sa aking bibig at gayon rin sa aking dibdib.. Part 60: Musika ni Kamatayan Mabilis na kinuha ni Santre ang aking katawan at inilayo kay Kier. Halos pawian ako ng ulirat dahil sa matinding pag kabigla. Tila ba umikot ang aking paningin at nawalan ng lakas ang aking tuhod para tumayo ng tuwid. "Enchong! Enchong!" ang narinig kong boses ni Santre na tinatawag ang aking pangalan. Pinilit kong imulat ang aking mata bagamat malabo ang aking paningin. Ang tinig niya ay natatalo ng