Mr. Genius X Mr. Blood Sucker Season 2 AiTenshi Sep 12, 2017 Part 61: Ang Himig ng Kadiliman "Bilisan ninyo! Delikado dito!" ang sigaw ko na hindi maitago ang takot. Halos hindi ko na mabilang ang mga kaluluwang gutom na lumilipad sa paligid upang kumuha ng makakain. Para silang mga gamu gamo na habang pinapansin ay mas lalong dumarami. Mabilis kong pinapasok ang mga natirang taong bayan sa loob ng palasyo. Lahat sila ay balot ng takot at pag aalala habang patuloy sa pag tangis. Pansamantala naming ikinandado ang mga pinto at bintana ng kastilyo upang walang makapasok na kahit ano rito. "Ang eksenang iyan ay nakatala rin sa kasulatan sa aming mundo. Ang sugo ng aming Diyos ay nag padala ng pitong salot at kamalasan sa katunggaling hari. Kabilang sa mga salot na iyon ay a