Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 28, 2017 Part 14: Ang Dambana Panandalian akong natulala dahil sa ginawang pag halik ni Rael sa akin. Bagamat ang nag bigay rin ng matinding kaligayahan sa akin ang sinabi niyang pag tulong na hanapin si Oven. At hindi lang iyon dahil nag effort pa siyang mag papunta ng kaibigan para lang suportahan ako sa aking nais. "Kaibigan ko si Niko, isa siyang Dambana o yung mga nilalang na marunong mag manipula ng mga halaman. Ginamit nila ang mga d**o, bulaklak, punong kahoy sa pakikidigma." ang wika niya "Malayo ba ang kanilang lupain?" ang tanong ko "Malayo, ang lupain ng mga floral fairy ay hindi basta basta napapasok ng sinuman dahil mahigpit ang kanilang seguridad. Si Niko ay matagal ko nang kakilala, mga bata palang kami