Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 28, 2017 Part 13: Ang Pulang Buwan Mabilis na tumakbo patungo sa amin ang mga kaibigan ni Rael kaya naman sinalubong nalang ito ng prinsipe upang hindi na makalapit sa akin. Ako naman ay nag tatakbo sa gilid ng bahay kung saan may isang pala at agad ko itong hinawakan para ipamprotekta sa aking sarili. Si Wilson naman ay abala sa pakikipag laban sa dalawang mag asawang blood sucker. Dalawang latigong baging na hawak niya sa mag kabilang kamay at ang ginagamit niya upang protektahan ang kanyang sarili at upang hindi makalapit sa bahay ang mga ito. Habang nasa ganoong pag mamasid ako ay siya naman pag tilapon ng isang kaibigang traydor ni Rael sa aking harapan. Duguan ito at basag ang mukha. Wala naman ako inaksayang pag kaka