Mr. Genius X Mr. Blood Sucker AiTenshi July 27, 2017 Nag patuloy kami sa pag tahak sa bundok kung nasaan naroroon ang kanilang tahanan. Kasabay nito ang unti unting pag dilim ng kalangitan. Hudyat na ilang oras na lamang ay sisibol na ang panibagong pulang buwan. Part 12: Ang Pista ng Blood Sucker 2 Unti unting nilamon ng kadiliman ang buong kalangitan. At habang abala sa pag takbo ang aming kabayo ay nakakasalubong namin ang mga blood sucker na patungo sa palasyo. Mayroong buong pamilya na naka sakay sa karwahe suot ang magagarbo nilang damit. Mayroon ring lumilipad, tumatakbo ng mabilis at ang iba ay naka sakay sa kakaibang hayop. Ang ilan sa kanila ay hindi agresibo marahil ay hindi pa tuluyang lumalabas ang buwan. "Mukhang ginagabi tayo ng uwi kaibigan." ang wika ng i