Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017 AiTenshi July 27, 2017 Part 11: Ang Pista ng Blood Sucker 1 "Magandang umaga master, abala po ang lahat ngayon dahil mamaya ay kabilugan ng buwan at ito ay mag tataglay ng pulang sinag kung saan ang lahat ng blood sucker ay tiyak na manunuyo ang lalamunan. Kaya't nag hahanda na ang lahat para sa pista" ang wika ni Wilson noong lumabas akong ng silid "Nasaan si Rael?" ang tanong ko naman "Hindi ko lang alam master, baka nandoon sa labas ang prinsipe Rael. Bakit mo siya hinahanap? Hindi ba kayo mag katabi sa pag tulog?" ang tanong nito na may halong pang uusisa "Eh tabi kaso ay lagi akong late nagigising" palusot ko bagamat hindi naman talaga kami mag katabi. Kadalasan doon ako sa sofa natutulog dahil hindi ako komportable na tabihan i