KABANATA 7

2000 Words
KABANATA 7: MASAMA ang timpla ko habang nag-aantay na matapos si Phoebe at Emil sa pag-iikot dala ang kabayo. Hindi ko magawang ngumiti. Buti na lang abala si Rita sa kaka-cellphone kaya hindi na ko inintindi. Sampung minuto ang lumipas at hindi ko pa din sila matanaw. Bumibigat ang aking pakiramdam. Instead na sila ang isipin ko. I decided to took my phone out. I opened my peacebook account. Hindi talaga ako mahilig mag-open ng PB. Instagrammy at sa Misingger lang ang hilig kong buksan. Natagpuan ko ang sarili na hinahanap ang pangalan ni Emil sa Peacebook. Unang search ko pa lang. Sapul agad sa banga. Private ang profile. Wala akong ibang makita kundi ang profile pic nito na si Alexandra! Dalawang beses lang siya nagpalit ng profile pic. Iyong una ay naka-sandal siya sa malaking puno. Nakapamulsa habang nakatingin ng malayo. Maganda ang kuha niya dito. Bakit pa niya pinalitan ng hayop? Sa tindig pa lang niya agaw pansin na si Emil. Ang daming likes ng profile pic niya na iyon. Maging ang latest DP niya na kabayo. Napanguso ako. Bago lang iyon. Last week lang. Bakit si Alexandra ang pinili nitong kunan ng litrato. Hinawakan niya kaya ang kabayo ko ng walang paalam sa akin? Maselan pa man din ako sa kabayo pero bakit ganoon. Ngayong si Alexandra ang DP niya iba ang nararamdaman ko? Hindi naman ako galit. Pero... May sumaging ideya sa aking isipan pero agad ko ding inalis dahil wala naman itong patutunguhan. "Ang tagal naman ng dalawa," si Rita na tinaob na ang cellphone sa hita nito. Hinampas nito ang braso dahil may kumagat ata na lamok. Maya-maya pa ay nakapangalumbaba naito habang nakatingin sa malayo. Pasimple kong ino-off ang cellphone ng sumulyap sa akin si Rita. "30 minutes kasi kada ride," sabi ko. Sinipat ang relo at nakitang may kinse minutos pa. Tumambay kami ni Rita sa batuhang lamesa at upuan. Malapit ng dumilim. Nagkukulay orange na kasi ang kalangitan at ang ilaw sa mga poste ay binuksan na. "Ang tagal! Dapat iniwan na lang natin 'yung bruha na 'yon. Ang landi! Ay, ayan na!" turo ni Rita. Napatingin ako agad sa direksyon na tinuro ni Rita. Napa-upo ako ng tuwid. Tila nakahinga din ako ng maluwag na makita sila pabalik na. Kinse minutos lang ang tinagal. Himala? O, baka nahihiya kasi siya sa akin kaya tinapos agad. Hindi ko pa nga siya nasisita sa nangyari kanina. Iyong nag-extend siya ng oras kay Amanda. Tumayo si Rita at nag-abang na habang nakapameywang. "Bilisan mo, Phoebe! Nilalamok na kami ng may-ari dito!" reklamo ni Rita. Nakasimangot na. Totoo naman kasing may lamok. Buti na lang naka-pantalon kami pareho. Pero hindi naman long sleeve ang suot namin kaya expose sa mga lamok. Kami na lang ang tao dito. Umuwi na din kasi ang ilang staff pero may empleyado pa naman sa Club house at sa Guesthouse. Humagikgik si Phoebe. Halata ang saya sa mukha nito. Samantalang ako ay hindi magawang ngumiti pero pinipilit ko dahil ayokong sabihin nila na KJ ako sa kasiyahan niya. "Umuwi na kami ng maaga kasi nakakahiya kay Emil. Hanggang 5 PM lang pala siya. Ang bait nitong staff mo, Geselle! Nag-extend pa para sa akin," si Phoebe na halata ang kilig habang nasa kabayo pa din. Tumango lang ako at ngumiti. "Get down and let's go home!" si Rita na iritable na. Nagdidilim na kasi ang kalangitan. Nakangiti pa din si Phoebe kahit na iritable na si Rita. Tila walang makakabasag sa masayang mood ni Phoebe ngayon. Pilit kong iniiwasan ang mariing titig ni Emil sa akin. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagalalay ni Emil sa kaibigan. Mabilis lang iyon. Para bang segundo lang at tila napapaso nitong tinanggal ang kamay sa kaibigan. Tumikhim ako at tumayo na din. Sumenyas ako sa driver namin na nasa malayo. Naga-antay sa amin sa pag-uwi. "Salamat, Emil. Sa uulitin..." si Phoebe na hindi mapuknat ang ngiti kay Emil. Kitang-kita ang biloy nito sa pisngi. "Walang anuman," sagot ni Emil na tinanguan na lang si Phoebe. Napatingin kami lahat sa cart ng huminto sa tabi. "Pasensya na po, Senyorita. Inabot na po ng gabi. Nakiusap lang talaga sa a--" "Hayaan mo na. Mauuna na kami," putol ko sa sinabi niya. Siya may gustong mag-extend hindi ako. Hindi ako magbibigay ng OT. Tutal may special bonus naman siyang natanggap sa akin. Hindi ko na nakita ang reaksyon ni Emil dahil tinalikuran ko na sila doon. Umangkla agad sa akin si Rita. "Bye, Emil! Sa uulitin!" pahabol na sabi ni Phoebe bago sumunod sa amin. Tahimik lang ako ng umupo sa golf cart. Diretso ang tingin. Peros a gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Emil na tinatanaw kami paalis habang hawak niya ang tali ng kabayo. Nagsimula ng mag-kwento si Phoebe. "Ang bait at gwapo niya... mamaya i-kwento ko sa Mansion," mahinang bulong ni Phoebe. "Bye, Emil. Sa uulitin. Ang harot!" si Rita na inulit at ginaya ang boses ni Phoebe. Pagdating sa Mansion ay hindi na maawat si Phoebe sa kaka-kwento. Tahimik nga lang ako at paminsan-minsan ngumingiti kapag tumitingin siya sa akin. Hinayaan lang namin siya ni Rita. "Single pa! Kaso hindi niya daw priority ang mag-jowa," saad ni Phoebe. Napataas ang kilay ko. Single nga ba? "God, you even ask him that?! Ikaw na talaga. Ang kapal mo!" Naiiling at natatawang sabi ni Rita. Papunta na kami sa dining para sa hapunan. "Nasaan si Lolo?" tanong ko sa katulong na hindi masyadong nalalayo ang edad namin sa kanya. "Nasa kwarto po niya, Senyorita. Hindi daw sasabay ng kain dahil busog pa." Tumango ako. Hindi naman ako magaalala dahil may kasama naman itong Nurse. Buong oras ng pagkain. Panay kwento lang si Phoebe kung gaano ka-attractive si Emil at kung ano pa ang nalaman niya sa binata. "Iyong looks niya parang lalo ka ngang mapo-fall the more na titignan mo siya. Dzai! Iyong muscle! Nahawakan ko kanina. Matigas! Ay!" Tumili si Phoebe at agad ding tumigil dahil napalakas iyon. Natuptop ang bibig. "Halata naman. Kaya ka nga no'n ibalibag." Napapailing lang si Rita. Tapos na kaming kumain pero si Emil pa din ang topic. Nagiinit na nga ang tainga ko makinig. "Diyan lang pala 'yan sa labas ng Hacienda nakatira. Nangungupahan daw sila ng Mama niya." "Alam mo lahat na ata alam mo sa kanya. 15 minutes lang 'yan. Na-interview mo talaga." Natatawang komento ni Rita sabay napatingin sa akin. "Huy! Anong nangyayari sa'yo?" si Rita na napansin na pala ang pagkatulala ko sa lamesa. Nag-angat ako ng tingin at natawa. "Wala. Ang sarap tumulala kapag busog." Napakamot ako sa ulo. "Umakyat na tayo. Bukas maaga tayo sa Calauan di ba?" tanong ni Phoebe na tumayo na mula sa upuan. "Oo," tipid kong sagot. Tumayo na din ako. Sumabay si Rita. "Okay na kaya 'yun?" tanong ni Phoebe sabay umangkla sa aking braso. "Oo naman. Pag si Lolo nagsabi. Walang humihindi diyan." I smirked. Natigil lang si Phoebe sa kaka-kwento niya tungkol kay Emil ng sumabat na si Rita at napunta na sa mga ka-trabaho nito ang topic. Alas-singko gising na kami. Pinatawag agad ako ni Lolo sa kwarto nito para lang sabihin na inaantay kami ni Mayor Catindig sa bahay nila. Tapos sabay-sabay daw na pupunta sa covered court para manuod ng events nila doon. May basketball at singing contest din na gaganapin. Pagdating sa gabi ay pageant naman. Pero pagdating ng tanghali ay nasa munispyo kami para sa salo-salo kasama ang ilang alipores ni Mayor at mga pulitiko. Parang nahiya ako bigla. "Lo, tatlo kami. Wala naman kaming alam sa pulitika at hindi ko close ang mga kasama ni Mayor doon. Is it fine if we will just greet them? Well, uh... kakain din at sasama sa covered court pero uuwi na kami pagkatapos. Mamasyal kami sa Sta. Rosa." Umungol si Lolo. "Ipapakilala ka nga sa pamangkin ng asawa ni Ronaldo. Tatakbo din iyon sa susunod na ele--" "This is why you want me to come. You're playing cupid again." Umismid ako. Bakit ba hindi ko ito napansin noon. Hindi naman ganito si Lolo na ipu-push ako na um-attend kung walang lalaking ipapakilala sa akin na pasado sa kanya. Matagal ko ng sinabi na ayoko ng pulitiko. Kaso si Lolo mukhang kinalimutan ang sinabi ko. For sure, governor sa ibang lalawigan itong irereto niya. Umungol sa iritasyon si Lolo. "No one deserves you but a man like him. Trust me, hija." "Whatever. Last na 'to. Ayoko sa pulitiko. Besides, I'm busy. Kapag ako nag-nobyo. Bahala ka hindi ko na masyadong ma-asikaso ang Hacienda," sabi ko na tila tinatakot pa siya. "And why would you do that?" Nagsalubong ang kilay nito. Masama na ang tingin sa akin. Natawa na ako. "Eh, mahahati ko ang oras ko. Baka mamaya panay date kami. Sige ka..." Nanliit ang aking mga mata. "Hindi iyan tatalab sa akin. Ikaw din naman mahihirapan kapag hindi mo inintindi ang negosyo. Wala namang hahawak niyan at magmamana kundi ikaw lang." Nginisihan niya ako. Sumimangot ako. "Basta last na 'to! If you want to play cupid again, chose a man who is not a politician. Ayoko nga madamay sa magulong buhay ng pulitiko. If you'd do that, maybe I consider him to be my boyfriend," sagot ko kay Lolo at tinalikuran ko siya. Nagdire-diretso ako sa paglabas sa kwarto ni Lolo. Hindi ko na nga narinig na sumagot pa, eh. Wala ng nasabi. I chose to wear a white elegant puff dress. Hanggang tuhod ang tabas niyon. Tinernuhan ko ng nude na heels. I curl my long dark brown hair. Pinasadahan ko ng kamay ang buhok at inayos. Tinignan ko ang mga kaibigan ko sa salamin. Mga abala din sila sa kanya-kanyang paga-ayos ng sarili. I applied a light make-up. Maputi naman ako kaya kahit na kaunting blush on lang halata na sa aking pisngi. For today, I decided to wear red lipstick. Kapag nakasuot ako ng ganoon. Napaka-powerful tignan. Sinipat ko ang sarili sa harap ng salamin bago ako tumalikod at hinarap ang mga kaibigan na ngayon ay nagsusuot na lang ng sapatos. I grab my Gucci bucket bag. "Tara?" yaya ko ng matapos sila. Sakay ng SUV ay hinatid kami ng driver sa Calauan. Malaki ang bahay ni Mayor. 3 storey house na modern ang disenyo. Mataas din ang bakod. Sa labas pa lang dinig na ang ingay mula sa loob. Maraming tao base na din sa pagpasok ng ilang sasakyan sa gate ng Mansion ni Mayor. "Bigatin ang dumadating! Sasakyan pa lang alam mo na agad," sabi ni Phoebe. Pumasok ang sasakyan sa Mansion. Tanaw agad ang catering sa garden. Bumaba kami matapos na huminto ang sasakyan sa parking. "Parang ayoko ng sumama. Maiwan na kaya ako sa kotse..." bulong ni Rita. Nalulula sa dami ng tao. "Ako din. Sama ko, Rita..." si Phoebe na naka-angkla na sa braso ni Rita. "I'm not gonna leave you here. Kaya nga sabi ko kay Lolo umalis na tayo pagkatapos ng sa basketball--" "That's a great idea!" si Rita habang naglalakad kami papasok sa malaking bulwagan ng Mansion ni Mayor. "Kaso may pinapa-antay siya sa akin. Ipapaki--" Naputol ang sinasabi ko ng matanaw sa di kalayuan si Emil! "Bakit? Sinong maga-antay?" Dinig kong tanong ni Rita. Nanliit ang mga mata ko ng makita si Emil na kasama si Amanda. Nagu-usap sa harap ng buffet table. "Hala, si Emil! Nandito si Emil!" si Phoebe na halata na ang pag-panic sa boses. Napahinto lahat kami dahil sa tinitignan. Huminga ako ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "Let's go! Baka inaantay na tayo ni Mayor," sabi at hinawakan na sa braso si Phoebe. Hindi kasi matanggal ang tingin niya kay Emil. Tulad ko mukhang badtrip din siya. Kaso si Phoebe halata sa itsura niya. "Hayaan mo si Emil. Malay mo inimbitahan ni Amanda. Kamag-anak ng Mayor 'yan, eh. You're not even his girlfriend, Phoebe. Bakit parang galit ka?" tanong ni Rita at humarang na sa harap ni Phoebe para lang matakpan ang view nila Emil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD