KABANATA 8

2028 Words
KABANATA 8: LUMILIPAD ang isip ko sa kawalan. Natauhan lang ako ng may ilang classmate kami noong college na imbitado din sa Mansion ni Mayor ang bumati sa aming tatlo. Naharang kami sa bungad pa lang ng Mansion. Lahat ng naroroon ay sa akin nakatingin. Sanay na ako. I can even hear their praises. Noon, sa tuwing may okasyon. palagi ako tumatabi kay Lolo. Nahihiya ako humiwalay dahil nga pinatitinginan ako ng tao. Pero ang turo ni Lolo. Maging malapit sa tao dahil ang angkan namin ay kabilang sa pulitika. Hindi pu-pwede na makita akong nakasimangot o hindi makausap. Ganoon niya ako hinubog. Kaya nga kahit sino dito sa Mansion ay halos kilala ko dahil iyon sa aking pamilya... dahil iyon kay Lolo Aurelio. Nakawala kami sa mga kakilala ng makita ako ng anak ni Mayor na si Gretchen. Kinawayan niya ako at mabilis na lumapit sa amin. "Geselle! Glad you're here! Kumusta!" bati niya. May bitbit pang wine glass ng makipag beso-beso sa akin. Unti-unting nag-alisan ang mga kakilala na nakapalibot sa amin kanina. "I'm fine. Happy fiesta! Kumusta na ang Doctor ng pamilya?" Nakangiti kong sabi. "Heto, busy! Ngayon lang nakatakas sa Hospital. Hindi din sigurado baka may emergency..." sagot nito pero ang mata ay dumapo na sa mga katabi ko. "Oh, I'm with my friends! This is Rita... and Phoebe," pakilala ko sa mga kaibigan. Bumati ang dalawa sa kay Gretchen. Now, it's awkward. Hindi naman kasi nila close or nakakausap ni minsan ang mga tao dito. "May kausap pa si Daddy, si Congressman. Si Mommy naman nasa garden. Kasama ang amiga. Dito tayo sa dining! Mainit sa labas. Maganda dito kumain," yaya niya. Minuwestra ang right-wing ng kanilang mansion. Sumunod kami sa kanya habang ang mga kaibigan ko ay pinapasadahan ang buong kabahayanan. I've been here for a couple of times. Mahilig sa antiques ang asawa ni Mayor kaya hindi nakakapagtaka na maraming display ng mga kung ano-ano sa bahay nila. Bumagay naman kahit modern ang disenyo ng bahay nila. Noon kasi puro yari sa kahoy ang bahay nila. Ni-restore lang ito dahil matagal ng panahon na nakatayo ang Mansion nila sa Laguna. Three years ago namatay ang Ina ni Mayor kaya nagpasya sila na ipa-renovate na ng sumunod na taon. Binuksan ni Gretchen ang double door. Tumambad ang malawak na dining nila. Napatingin sa amin ang ilang bisita. "Go on. Don't mind us!" si Gretchen na sumenyas pa sa mga ito. Naka-buffet style ang set up. Mahaba ang lamesa at tatlong 18 seater ang naroon. Marami kasi palaging tao sa bahay nila kaya ganito kadami ang upuan. "C'mon, girls. Have a seat, please..." ani ni Gretchen. Tinalikuran kami saglit dahil may kakilala na binati siya at nakipagbeso-beso muna. "Geselle!" tawag sa akin sa kabilang lamesa. Kumuway ako sa ilang kakilala. Mga anak ng pulitiko na nakasalamuha ko na din dahil pa din kay Lolo. "I'll just take my leave girls, babalik ako mamaya. May mga bagong dating lang. Bon apetit!" anito at tinapik ako sa balikat at ngumiti sa mga kaibigan ko bago kami iwan. Tumayo din naman kaming tatlo dahil kukuha ng pagkain sa buffet. Mula sa dining ay tanaw ko ang sa garden. Nahuli kong si Phoebe ay doon din sa labas nakatingin. Bago pa kami mahuli ni Rita ay nagiwas na ako ng tingin. "Phoebe! Hanggang dito ba naman si Emil pa din?" sabi ni Rita sabay tinalikuran si Phoebe. Huminga ako ng malalim at tinapik sa balikat si Phoebe. "Let's go. Kumain na muna tayo. We haven't had our breakfast. Gutom na ko," bulong ko sa kanya. Binagsak nito ang tingin sa lamesa. "Ang gwapo talaga niya..." wala sa sarili nitong sinabi. Nakagat ko ng mariin ang labi. Pakiramdam ko katulad ko din si Phoebe na parang nahihipnotismo sa karisma ni Emil. Iyong kapag tinignan mo siya. Hindi mo na malubayan sa kakatitig. Halatado lang sa pagiging apektado si Phoebe kumpara sa akin. Akala ko naman ay ang mapapansin niya ay ang pakikipag-usap nito kay Amanda sa lamesa. Pero si Emil pala ang mapapansin niya. "Talo ako don. Mukhang si Amanda ang papatulan non..." bulong ni Phoebe ulit habang naglalakad na kami papunta sa buffet table. Abala na nga si Rita sa pagkuha ng sarili nitong pagkain. Samantalang kami ni Phoebe ay naglalakad pa din. Parang tinatamad naman itong kasama ko. Hindi naman sila ni Emil pero mukha ng broken hearted. Malala pa sa akin. Phoebe can easily fall for a guy. Madaming crush. Mahilig sa gwapo at macho. Noon pa man ay ganyan na siya. Kung gaano siya kabilis mahulog sa lalaki. Ganoon din siya kabilis magmove-on at hahanap ng kapalit. Tulad nito. "Hmp! Bahala na nga siya! Ayoko na sa kanya. Sayang lang talaga. Bakit ba kasi lahat ng gwapo taken. Lagi na lang akong nahuhuli. Kung mayroon man single, ayaw naman sa akin." Nagkibit-balikat ito at hinawakan na ang kamay ko para igaya sa buffet table. Tahimik lang ako. Wala akong ibang masabi. Iniisip ko ang awkward kung magbibigay ako ng payo, e samantalang gusto ko din si Emil. Pero syempre ako lang naman nagiisip na awkward. Hindi naman kasi nila alam na may gusto ako sa empleyado ko. Hindi ko lang talaga gusto ang ganoong pakiramdam kaya pinili ko na lang na itikom ang bibig. Hanggang sa oras ng pagkain. Hindi ko maiwasang mapatingin sa labas ng malaking bintana. Naroon pa rin silang dalawa sa round table. Sila lang dalawa. Sa tuwing nakikita ko si Emil na ngumi-ngiti. Humahapdi ang aking sikmura. Binagsak ko ang tingin sa lamesa. Nagu-usap si Rita at si Phoebe tungkol sa ka-trabaho na nirereklamo nila. Buti pa si Phoebe. Matapos na sabihin na ayaw niya na kay Emil. Hindi na nagagawang tumingin sa direksyon ng binata. Paano ba iyon ginagawa? Bakit ganoon sa kanya kadali? Sa akin... HINDI. Matapos ang huling subo ay tumigil na ako. Abala ako sa pagtap ng napkin sa gilid ng aking labi. "She's here, Dad! Geselle..." tawag sa akin ni Gretchen kaya napalingon ako. Napatayo ako sa upuan ng makita si Mayor Catindig kasama ang asawa nito at sa tabi ay isang matangkad na lalaki. Maganda ang pangangatawan. Sakto lang pero lamang pa din si Emil sa kanya. Maganda ang pagkakahulma sa katawan ni Emi. Halatang batak sa trabaho simula pa noon. Ito, mukhang dahil sa gym kaya maganda kahit pa-paano ang katawan. Maputi at may maamong mukha. Malinis tignan. Maayos ang tabas ng buhok. Ganito ang tipo ko sa lalaki. Pero bakit ngayon wala siyang appeal sa akin? Nilipat ko ang tingin kay Mayor na nakatingin din sa akin. "Good morning po. Happy Fiesta po pala..." bati ko habang pinaglalaruan ang aking mga daliri. Ngumiti ang si Mrs. Catindig. Sumenyas si Gretchen sa akin na aalis muna kaya tinanguan ko na lang din. "How are you, hija? How's your Lolo? Hindi na tayo masyadong nagkita. Abala si Senyor sa Hacienda. Ako naman na-busy din dito..." bungad nito. "He's fine, hindi lang niya talaga kaya na ang bumiyahe. Mabilis pong mapagod." Nakangiti kong sabi. Tumango si Mayor at tumingin sa asawa nito na nakatitig sa akin. Nakagat ko ng mariin ang labi. "Oh, sorry! Natulala ako. Ang ganda kasi ng apo ni Senyor! You know what, hija. Ever since I saw you... maliit ka pa lang noon. Gandang-ganda ako sa'yo. Basta ang ganda ng combination ng genes ng Mommy at Daddy mo. No wonder everyone tag you as Mestiza Enchantress. Buti hindi mo naisipang magmodelo or mag-artista?" tanong ni Mrs. Catindig. Halata sa mukha nito ang tuwa habang kausap ako. Hindi siya nagsisinungaling dahil ang mga mata nito ay nagpapakita ng kung gaano siya ka-giliw sa akin. Umiling ako habang nakangiti. "I have no plans to enter showbiz. Ayaw din po ni Lolo. Wala din kasing ibang maga-asikaso ng Hacienda," sagot ko at napatingin ako sa lalaking katabi ni Mrs. Catindig na hindi maalis-alis ang tingin sa akin habang nakangiti. Binalik ko ang tingin kay Mrs. Catindig dahil nagsalita itong muli. "Oo nga. Lumago na ng husto ang Hacienda niyo. Pwede na nga daw mag-camping. Sabi ko nga, kapag may retreat program. Ang Hacienda Madronero ang suggestion ko. Wala namang problema kay Ronaldo. Di ba, Daddy?" baling niya kay Mayor na natatawa na lang at tumango. "Of course! Teka, Irma. Nakalimutan mo na ang katabi mo. Ipakilala mo naman ang binata natin! Diyos ko naman. Kanina pa 'yan nakatitig kay Geselle," biro ni Mayor. Nagtawanan ang lahat ng nakarinig. Nakagat ko ng mariin ang labi. Mabilis na naginit ang aking pisngi. "Oh, my bad! Geselle, this is my niece. Philip Enriquez. Philip siya si Geselle. Iyong tinutukoy naming apo ni Senyor Aurelio," pakilala ni Mrs. Catindig. Lumawak ang ngiti ni Philip at naglahad ng kamay sa akin. Inabot ko iyon at muling naginit ang pisngi ko sa ginawa nitong pagpisil. "It's a pleasure to meet you..." anito. "Me too," tipid kong sagot. Binitiwan niya ang kamay ko. Kumibot ang aking kilay. Wala akong maramdaman sa kanya. Bakit walang epekto bukod lang sa nahihiya ako na inaasar kasi kaming dalawa. Ibang-iba kapag kaharap ko si Emil. Halos lumuwa sa katawan ko ang puso ko dahil sa abnormal na pagtibok nito. Lumabas ang biloy sa pisngi ni Philip. Maputi at pantay-pantay ang kanyang ipin. Walang anumang bigote. Malinis. Malayong-malayo sa tulad ni Emil. "He's the Mayor of Calatagan, Batangas. Naririnig ka na din niya noon pa. Kaso abala sa serbisyo, kaya walang time na makapag-kita kayo. He will also run for Governor position sa susunod na eleksyon. Mabait at masipag itong pamangkin ko," sunod-sunod na sabi ni Mrs. Catindig. Halatang nilalakad sa akin ang pamangkin niya. Natawa si Mayor Catindig. Nakagat ko ang ibabang labi habang natatawa na din. "Salamat, Tita. Talagang binibenta mo na ako sa kanya." Humalakhak ito. Natawa na din ako. Lahat na ng tao ay nasa amin na ang atensyon. Wala sa sarili akong napatingin sa bintana habang nakangiti. Naabutan ko si Emil na naka-dekwatro habang magkasalikop ang dalawang palad nito. Matiim ang tingin sa akin. Naroon pa rin si Amanda. Kinakausap siya pero para bang wala itong naririnig. Nag-iwas ako ng tingin. Bumilis bigla ang pintig ng aking puso maging ang aking paghinga ay ganoon na din. "Huh?" Nakakahiya na hindi ko nasundan ang sinabi ni Philip. Nawala ako sa konsentrasyon. Samantalang nasa harap ko lang siya pero nasa ibang dimensyon ang utak ko. "Are you done with your food?" tanong nito at tumingin sa plato kong wala ng laman. "Maiiwan muna namin kayo..." si Mrs. Catindig na nagpaalam na. Tinapik pa nito sa braso ang pamangkin bago tuluyan kaming talikuran. "Oh! Uh... yeah. Katatapos lang," tipid kong sagot. Sinuksok nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito. "Can we go outside? Is it fine?" anito nito na nakatitig ulit sa akin. Naiilang ako hindi dahil sa kanya kundi may ibang nakatingin sa amin. Napasulyap ako sa dalawang kaibigan. Pa-sikreto pang sumesenyas na umalis na ako at nagbigay si Rita ng okay sign. Napabaling ako kay Philip. Nahuli ko siyang nakatingin sa mga kaibigan/ "Oh, you're with your friends? I'm sorry. I didn't know. Nakaistor--" "Naku! Okay lang kami!" sabad ni Rita at nagwagayway pa ng palad nito sa ere tanda na walang problema. "Sige na Geselle. Nandito naman iba nating classmates. Makikipagusap kami kila Rich," segunda ni Phoebe. Napatingin ako kay Philip na naga-abang sa akin. Marahan akong tumango at tipid na ngumiti. Kinuha ko ang bucket bag bago nagpasya na sumama sa kanya sa paglakad. Diretsyo ang aking tiningin. Ramdam ko ang mga matang nakamasid sa amin. Nahigit ko ang aking hininga. Para akong naglalakad sa hangin. Wala sa sarili. Minuwestra ni Philip ang labas ng Mansion. Tumango ako at ngumiti. Naglakad kami palabas. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi na ang gusto ni Philip ay doon kami sa garden. Sa bakanteng table na malapit lang din kila Emil. Napalunok ako sa kaba. Hindi ko maintindihan bakit kailangan na ganito ang reaksyon ko. Pilit kong kinalma ang sarili. Diretso lang ang aking tingin pero mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko na si Emil na nakasandal sa upuan habang naka-dekwatro. Hindi ako nilulubayan ng tingin. Pati si Amanda tuloy ay nakita na kami. "Geselle!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD