KABANATA 9

2175 Words
KABANATA 9: DUMIRETSO kami sa kung saan sila Amanda dahil tinawag na nila ako maging si Philip. Magpinsan ang dalawa. Ang mga mata ni Amanda ay may bahid ng panunukso dahil nakita niya kami ni Philip na magkasama. Hindi nawala ang pagbilis ng aking paghinga lalo ng makalapit sa kanila. Tumayo si Emil para salubungin kami. Nagulat ako. Tiningala siya ni Amanda. "Hindi talaga mapag-hiwalay ang dalawang 'yan..." bulong ni Philip habang natatawa pa. Kumibot ang aking kilay pero pinili ko na lang na itikom ang bibig. Magka-kilala na ba noon pa si Amanda at Emil? Wala namang naikwento si Phoebe sa akin o baka sadyang wala naman nasabi si Emil. Unang-una, bakit niya naman kailangan sabihin. Pangalawa, interesado naman ba si Phoebe kung anong kay Emil at Amanda para usisain pa niya. Iniisip lang namin lahat na bumisita lang siya sa Hacienda at nag-acitvity. Namasyal kumabaga. Hindi naman malabong hindi makarating sa kanya ang tungkol sa kay Emil. Usap-usapan na nga siya sa lalawigan. "Magandang umaga, Senyorita," bati agad niya. Ramdam kong may kakaiba. He's not the usual Emil today. Iba ang pagbati niya ngayon. Guni-guni ko lang ba o naga-assume lang ako na mukhang masama ang timpla niya? Isinang-tabi ko ang isipin na iyon. "Good morning... good morning din, Amanda." Nakangiti kong sabi. Pilit na tinatago ang kaba. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ba akong nakaramdam ng ganitong kaba simula ng nakilala ko siya. Walang palya. Kapag alam ko na nariyan si Emil. Bumibilis ang pintig ng puso ko. Sa lahat ng experiences ko na ito. Walang ibang nakaka-alam kundi ako lang. I did my very best to ignore him. To keep my sanity. To keep calm. Pero hindi nakikisama ang katawan ko. Hindi sumusunod sa kung anong sinasabi ng utak ko. "Magandang umaga, Mayor..." bati ni Emil. Nakipag-kamay na kay Philip. "Magandang umaga din, Emil. Hindi pa din kayo mapag-hiwalay ni Amanda. Akala ko hindi na kayo masyadong nagkikita dahil abala ka na sa trabaho. Ikaw, Amanda? Kailan ka pa andito sa Calauan?" tanong ni Philip. Nagkatinginan kami ni Emil habang nag-uusap ang magpinsan. Ako ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko kayang matagalan. Nanghihina ang aking mga tuhod. Para akong nilalamon sa bawat titig niya sa akin. Paano niya iyon nagagawa? "Upo ka muna, Senyorita..." mahina niyang sabi. Dahil nasa tapat ko lang siya ay nilapit niya na sa akin ang bakanteng upuan. Natigil sa pag-uusap ang magpinsan dahil sa kay Emil. "Maraming salamat, Emil pero balak namin na umupo dito sa bakante na lang. Mahirap ng maka-istorbo sa inyong dalawa ni Amanda." Nakangisi na sabi ni Philip at nanunukso pa sa dalawa. Tumawa ng mahinhin si Amanda. Kilala namin ang isa't-isa. Pero hindi kami close. Hindi ko nga alam kung anong update sa buhay niya bukod sa alam ko nagta-trabaho siya sa Manila. Pero hindi ko alam ano naman ang trabaho niya doon. Ngayon ko lang din nalaman na magka-kilala nga talaga silang dalawa ni Emil. "Hindi naman..." mahinang sabi ni Amanda. Pulang-pula ang buong mukha niya. Hinawakan ni Philip ang beywang ko para igaya sa kabilang table. Nakagat ko ng mariin ang ibabang labi ng mapatingin doon si Emil. Hindi nakatakas sa aking mata ang pag-galaw nito ng panga. Ngumiti ako kay Amanda bago sinulyapan si Emil sa tabi nito na nasa ibang direksyon nakatingin. Umalis kami doon at lumipat sa kabilang table pero malapit din naman sa kila Amanda kaya nakikita ko pa din sila mula sa gilid ng aking mga mata. "Maybe I should visit your Hacienda one of these days. Naririnig ko na noon pa na maganda sa Hacienda ninyo kaya patok sa tao... Wine?" Ngumiti ito at itinaas ang wine bottle. "Sure, please..." sabi ko. I crossed my legs while looking at Philip. Kahit na umaakto akong normal. Hindi nawawala ang pagiging conscious ko sa sarili. Sa aking galaw. Pakiramdam ko nagmamasid siya sa akin. "Kapag hindi ka na busy pwede naman bumisita sa Hacienda. I'm gonna give you a free staycation. 3 days or 5 days... what do you think?" sabi ko sa kanya habang nakatitig ako sa ginagawa nitong pagsasalin ng wine sa baso. Nakangiti nitong inabot sa akin ang isa. Tinanggap ko iyon. "Sounds great! I might consider that. Titignan ko ang schedule ko at gagawan ng paraan para lumuwag. I think I deserve a vacation too. Sayang din naman kung hindi ko papatusin ang alok mo. May-ari na ang nag-alok tatangi pa ba ako?" Natatawang sabi nito. Mariin ang titig niya sa akin habang sumisimsim ng wine. Napangiti lang ako habang umiinom na din. Wala sa sariling napatingin sa direksyon nila Emil. Nag-uusap ng masinsinan na ang dalawa. Parang kinakain ng pait ang aking dibdib. Ibinaba ko ang hawak na wine glass at mabilis kong binagsak ang tingin doon. "Can I get your number? Para kapag nalaman ko kung anong available date ang mayroon. Tatawagan kita," sabi nito sabay simsim ng wine. Napatitig ako sa kanya. Natawa ito at ibinaba ang wine glass sa lamesa. "Mas gusto kong ako iyong magsasabi, Geselle. Kaysa ipaubaya ko pa ito sa secretary ko. This is personal. Hindi naman parte ng trabaho ang pagbabakasyon ko," segunda nito sa sinabi kanina. Tumango ako. Nahihiya ako na nagisip pa ako ng kung ano-ano. Wala namang masama sa sinabi niya. Bukod doon nakakahiya dahil Mayor siya. I took my phone out of my bag. Pinakita ko sa kanya ang numero ko. Kinuha ni Philip ang cellphone mula sa bulsa nito at nagtipa sa cellphone nito para i-save ang number ko. "Got it. Thanks!" Ngiting-ngiti na sabi nito. Napasulyap tuloy ako sa biloy niya. Lubog na lubog sa pisngi. Napangiti ako habang tintignan na iyon. "Why?" nagtatakang tanong ni Philip. "Ang galing ng dimple mo. Ang lalim." Humagikgik ako. Parang kasya ata ang tip ng daliri ko doon. Humalakhak ito. "My asset..." anito at nilapit pa ang pisngi sa akin. "Sira..." Natatawa kong sabi. Humalakhak ito at lumayo sa akin. Wala sa sariling napatingin ako sa direksyon nila Emil pero wala na ang mga ito doon. Pa-simple kong pinasadahan ang buong paligid. Hindi ko sila makita! Ang kaninang kaba ay napalitan ng panic. Nasaan na ang dalawa? "Is there something wrong?" Napabaling ako kay Philip na nakatingin sa akin. Nagpalinga-linga din tuloy siya sa paligid. Agad akong tinablan ng hiya. Nahuli niya din pala akong may hinahanap. "Are you looking for your friends?" iyon ang tanong niya. Mabilis akong sumulyap sa loob ng Mansion. Wala na sa dining ang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag na bigla akong nakahanap ng ibang dahilan. Tumango ako sa kanya. "Halika. Sasamahan kita... Pupunta din ba kayo sa covered court?" Tumayo si Philip kaya gumaya na din ako. Tumango ako. Huwag mong sabihin na sasama siya sa akin? Paano ang mga kaibigan ko? Mao-awkward lang sila sa kay Philip. "Pwede ko kayong ihatid. Sasabihin ko na lang kay Tito. Didiretso na din ako pauwi..." anito sabay sipat sa suot na relo. Naglakad kami papasok sa Mansion. "Kasama namin ang driver," simpleng sagot ko. Ayoko nga na pauwiin iyon pagkatapos na magantay sa amin ang ending uuwi din naman pala. "Alright." Ngumiti si Philip. Kabisado niya ang Mansion kaya sumunod ako sa kanya. Natagpuan namin sila sa gaming room. Nagbi-billiards ang mga kakilala kong lalaki at panay ang cheer ng mga babae kasama na sila Phoebe at Rita. "Geselle!" "Kumusta!" "Good morning, Mayor!" Ilang bati muna ang nangyari. Naharang din ng ilang kakilala pero nanatiling nasa tabi ko si Philip. Nakikipag-usap na din. Tinuro ni Philip ang mga kaibigan kaya sinikap namin na makawala sa mga kausap. Dumiretso kami sa mga kaibigan ko. "Magsisimula na ata ang basketball. Mauna na lang tayo. Mamaya aalis na din si Mayor," sabi ko sa kanila. Tumango lang ang dalawa pero ang mga mata ay nakatingin sa mga lalaking naglalaro ng billiards. Napatingin ako sa kabilang pinto. Naunang lumabas doon si Emil. Sumunod si Amanda. Agad ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib. Sinubukan kong silipin ulit pero naharang ng tumayo ang mga babae at nagtitili dahil nanalo ang kaibigan nilang lalaki. "Talo. Tara na nga!" si Rita at hinatak si Phoebe. Napilitan akong sumunod sa kanila. Sinikap ko na diretsoa ng tingin dahil kasama ko si Philip. Nakakahiya naman kung malalaman niyang panay ang sulyap ko kila Amanda. Mabigyan niya pa ng ibang kahulugan. "Salamat, Mayor." "Philip na lang. Masyado namang pormal ang Mayor." Napakamot ito sa ulo habang ang kamay ay nasa pintuan ng aming sasakyan. Tumango na lang ako at tipid na ngumiti. "Tatawag na lang ako kapag okay na iyong tungkol sa bakasyon," sabi nito. Tumikhim si Phoebe. Nakita ko ang pa-simpleng pagkurot ni Rita sa hita ni Phoebe. Napa-aray ito pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig. "Sure..." sagot ko sa maliit na boses. Mabilis akong pumasok sa loob. Sumilip muna si Philip sa driver. "Dahan-dahan lang sa pagda-drive. Ingat po sa biyahe!" sabi ni Philip. "Salamat, Mayor!" sabay pa na sabi ng dalawa kong kaibigan. Ngumiti ako kay Philip bago tuluyan nitong isinara ang pinto ng sasakyan. Tsaka ako niyugyog ng dalawa. "Bagay kayo ni Mayor!" si Rita. "Kinikilig ako sa inyo. Nanliligaw na ba?" si Phobe. Umiling ako. Panay ang kulit ng dalawa sa akin habang nasa biyahe. Panay din lang naman ang pag-iling ko. Wala akong gusto kay Philip. Kaibigan pu-pwede pa. Kaso hindi naniniwala ang dalawa. Para sa kanila, maaga pa para sabihin iyan. Baka sa susunod na araw magustuhan ko na. Lalo pa gusto siya ni Lolo Aurelio para sa akin kaya wala daw problema. Ikinibit balikat ko na lang ang lahat. Pagdating sa covered court ay marami ng tao. Ngayon na lang kami nakapunta sa ganito. Laman na lang kasi ako talaga ng Hacienda namin simula ng nag-trabaho ako. Nakaka-miss din pala manuod ulit at sumama sa ganitong event. Inassist kami ng taga barangay. Pagkita pa lang sa akin ay may bench na naka-reserved doon. "Papunta na daw po si Mayor, Maam. Bale, dalawa po kayo mamaya na magaabot ng trophy sa mananalo." Tumango na lang ako. Kinuha nila akong special guest. Naalala ko sumali ako noon bilang Muse sa basketball. Ma-experience ko lang din. Okay din naman kay Lolo at gusto nga niya hindi ako maging mahiyain kaya pinapayagan din naman ako. Naghahanda na ang mga players. May ilang binata ang bumati sa akin. Ngiti lang ang aking sinagot. May iba pang nagtutulakan at tinatawag ang aking pangalan. "Maam, pa-picture po!" isang binatilyo ang nakakuha ng atensyon ko. Tumango ako at ngumiti. Umupo siya sa bakante sa tabi ko at nilapit ang ulo sa akin. Nag-selfie. "Salamat, Maam! Ang bait at ang ganda po ninyo..." puri niya. Nagtawanan ang mga kaibigan nito sa malayo. Tinutukso na. "Salamat po..." sagot ko habang nakangiti. "Pwede pong dito umupo?" tanong niya. Napa-ubo si Phoebe. "Bilis, ah!" si Rita na kausap si Phoebe pero alam ko na nagpaparinig din lang naman. "Uhh... pwede? Wala naman atang nakaupo," sabi ko na lang. Maligaya itong tumango. Naghiyawan tuloy ang mga kaibigan niya lalo. "Andiyan ulit sila, Emil!" si Phoebe at tinapik pa ako kaya napatingin ako sa bungad. Pumasok si Emil kasama ang ilang lalaki. "Wala si Amanda?" si Rita. Tanong ko nga din iyan sa aking isipan. Umismid si Phoebe. Magsasalita sana kaso dumating ang staff sa barangay para mag-abot ng tubig sa aming magkakaibigan. "Snack po, Maam?" alok niya sa amin ng slice cake na naka-pack pa. Umiling kami. "Salamat pero okay na kami sa tubig..." si Rita. Hindi matanggal ang tingin ko kay Emil. Pagpasok pa lang niya ay agaw pansin na. Sa tindig nito at gandang lalaki. Hindi pu-pwedeng hindi mo susulyapan. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap. Napatuwid ako ng upo. Ayan na naman. Bumilis ang aking paghinga. May pakiramdam ako kung sino ang hinahanap niya. Ayoko mag-assume pero nahanap niya ang aking mga mata at dire-diretso ang lakad papunta sa akin. Kumabog ang aking dibdib. "Hala, san siya pupunta?" si Rita. Napatingin sa akin si Phoebe. "Tinitignan ka niya, Geselle!" Napakurap-kurap ako. Agad na pinagpawisan ang aking palad. Umawang ang aking bibig habang pinagmamasdan si Emil na seryoso habang naglalakad. Para akong nakatingin sa rumarampa. Walang kahirap-hirap niyang nagagawa na makuha ang atensyon ng lahat. Angat na angat siya sa karamihan ng tao. Huminto ito ng tuluyan sa tapat ko. "B-bakit?" Nauutal kong sabi. Tiningala ko siya. Lahat ng tao tuloy ay sa amin nakatingin. Maging ang mga kaibigan ko. Ang kaninang maingay na covered court ay biglang tumahimik. "Babantayan kita, Senyorita. Utos ni Mayor." "Ha?" takang-tanong ko. Kunot ang noo. Hindi ito sumagot. Tumingin ito sa katabi ko na lalaki. "Emil!" Napatingin ako sa katabi ko. Kilala pala niya si Emil. Mabilis itong tumayo at nahihiya pa na tumingin sa akin. "Salamat, Maam. Duon na lang pala ako sa kaibigan ko." Turo niya sa malayo kung nasaan ang mga kaibigan nito. Napatango na lang ako. Mala-haring umupo si Emil sa tabi ko. "Akin ito. Ang akin, akin. Hindi ko pinamimigay kahit kanino..." sabi nito bago tumitig sa akin. Tila binibitin ang mga salita. "...ang pwesto ko." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD