KABANATA 10

2275 Words
KABANATA 10: NANATILI si Emil sa aking tabi. Bilang tuloy ang kilos ko. Hindi ko na maalala kailan ako huling na-conscious sa itsura at sa kilos ko. Ngayon na lang ulit. Inutusan siya ni Mayor dahil alam nito na may ilang lalaki na lalapit-lapit sa akin. Pero bakit si Emil? Hindi si Philip? Samantalang pamangkin niya ang nirereto sa akin. Tsaka ko naisip na may ibang commitment nga pala ito tulad ng sabi niya kanina. Di-diretso na sana paalis kung ihahatid ako dito. Kailan pa siya pinagkatiwalaan ni Mayor Catiindig? Marami akong hindi alam kay Emil. Kilala ko lang siya bilang taga-pangala ng mga kabayo namin. Mukhang kinagigiliwan din siya ng lahat. Kilala din siya maging dito sa Calauan. Pati bigating tao, kilala din siya. Bakit? Dahil sa looks niya? Hindi kaya ganoon nga? Pala-isipan sa akin ang lahat pero pinili kong itikom ang bibig. Ayokong isipin niya na interesado ako sa buhay niya. “Bakit ikaw hindi ibang tao?” tanong ko dahil syempre nakakapagtaka naman talaga. Hanggang sa ganoon lang kaya kong itanong. Hindi ko na pwedeng usisain ang buhay niya dahil magmumukhang iba ang dating. “Dati na kong nag-trabaho kay Mayor Catindig. Kaya kahit pa-paano pinagkakatiwalaan niya ako pagdating sa ganito,” sabi niya at dumekwatro ng upo. Hindi ako sumagot. Nasagot na ang ilang tanong ko kanina. Kung nagtrabaho siya kay Mayor noon. Bakit hindi na ngayon? Bakit nasa Hacienda na siya? “Emil, buti napadpad ka dito.” Dungaw ni Phoebe sa katabi ko. Napanguso ako. Akala ko ba ayaw niya na kay Emil. Pero kung sabagay. Nagkausap na sila kahapon. Ang pangit naman kung hindi siya babatiin ni Phoebe. Napatingin sa kanya si Emil. Tsaka lang ata natauhan ang binata na kasama ko nga pala ang mga kaibigan ko. Hindi man lang niya nabati. “Oo, Phoebe. Taga dito kasi kami noon. Nakapagtrabaho ako kay Mayor. Saglit lang naman kaya nagawa naming tumira dito sa Calauan.” Napataas ang kilay ko dahil sa pagtawag niya sa kaibigan gamit ang unang pangalan nito. Napasulyap ako sa kanya. Agad akong nagiwas ng tingin ng mahuling nakatingin din pala siya sa akin. Nakita nito ang pagtaas ng kilay ko. "Bakit kailangan na bantayan pa ko. Wala namang mangyayari dito." Humalukipkip ako. "Sumusunod lang ako sa utos. Mula din iyon kay Senyor. Kilala ka sa lalawigan ng Laguna. Hindi naman maiiwasan na may ilang lalaki na babastusin ka. Hindi lahat ng tao ma-ginoo. Ngayon ka na lang daw lumabas ulit para mamasyal." Sumulyap siya sa akin gamit ang seryosong mga mata. Napangiwi ako at napa-iling. Hindi ko na binalak pang umapela. Bahala sila. Umayos ako ng upo at tumikhim. Hindi na din nag-usap pa si Emil at Phoebe. Nagsimula ang laro ng dumating si Mayor. Hindi ko ata masundan ang laro dahil sa katabi ko si Emil. Bukod doon, naba-bother ako sa hita nitong minsan nadidikit sa akin. Matapos ang laro ay pinatawag na kami ni Mayor para mag-abot ng trophy at cash sa Team ng nanalo. Hawak ni Mayor ang cash at sa akin naman ang trophy. Binati ko ang ilang binatilyo. "Congratulations!" Maligaya kong sabi. Naghiyawan sila at panay ang bigay ng papuri sa akin. "Pa-picture kami mamaya, Maam." Tumango ako at ngumiti. "Hija, dito ka," tawag sa akin ni Mayor. Pinapalipat sa tabi niya. Nakita ko pang nasa tabi si Emil. Nanahimik ang mga lalaki ng makita itong nakapamulsa habang pinagmamasdan kaming lahat sa gitna. Nakatayo lang naman siya pero napaka-intimidating pa rin nito kung tignan. Nagpicture-taking kami habang inaabot sa nanalong team ang napanalunan nila. Matapos ay nag-request na ang mga lalaki na kung pwedeng magpakuha ng litrato. "Grabe makatingin si Emil. Para ng mananapak. Bilisan niyo magpa-picture!" biro ng isa. Napatingin tuloy ako sa madilim na anyo ni Emil. Tikom na tikom ang bibig. Nagkumpulan ulit sila at pumuwesto ako sa gitna. Wala ni isang naglakas loob na dumikit sa akin. Sa matalim na tingin ni Emil kaya niyang patumbahin kung sino mang mangangahas na humawak sa akin. "Solo sana, Maam. Kaso huwag na lang pala..." ani ng isa. Napatingin ako kay Emil na pinapatunog pa ang leeg habang nakatingin sa amin. Nanliit ang aking mga mata. Sinasadya niya na magmukhang ganyan para mangilag ang lahat. "Ay, sige... isa lang. Wala namang problema." Nakangiti kong sabi. Ngiting-ngiti ang binatilyo at lumapit na sa akin. Narinig ko ang katiyawan ng mga kaibigan niya. Tumabi ako sa kanya ng kaunti para sa picture. Mabilis lang naman. Dalawang shots lang ang nangyare. "Ang bait mo po pala talaga. Salamat, Maam!" Yumukod pa ito ng kaunti habang nakangiti. "Walang anuman. Congrats po ulit!" sabi ko. "Halika na. Babalik na sa munisipyo." Napalingon ako kay Emil na nasa likod ko na. Sumulyap ako kay Mayor na kasama na ang mga alipores nito. Paalis na. "Hindi kami sasama. May lakad kami ng mga kaibigan ko ngayon," sabi ko sa kanya. Sumulyap tuloy si Emil sa direksyon ng mga kaibigan ko. Sumenyas ako kila Rita at Phoebe. Pinapalapit sila. "Alam ba ito ni Mayor at Senyor?" si Emil na nakapamulsa pa din. Sobrang lapit niya sa akin. Amoy na amoy ko tuloy siya. Hindi man tulad sa mamahaling amoy na gamit ng mga pinsan ko at ng ibang manliligaw na nasa Alta. Mabango pa din siya sa para sa akin. Masculine scent pa din. "Hindi ko masabi kay Mayor kasi marami siyang kausap palagi. Hindi na kami susunod. Nabanggit ko na din ito kay Lolo. Ilang araw lang ang mga kaibigan ko dito sa Laguna kaya mamasyal na muna kami." "Sasama ako." "Sasama ka saan, Emil?" tanong ni Phoebe ng makalapit. "Bakit?" Tiningala ko siya. "Babantayan kita. Iyon ang utos ni Mayor. Sa buong araw na ito bantayan kita." Humalukipkip ito at tumingin sa malayo. "Kung sasama ako sa Munispyo at sa mga event niya. Kaso hindi." Tinaasan ko siya ng kilay. Tumikhim si Rita. "Kaya na namin, Emil. Hindi naman na kami sasama kay Mayor," segunda ni Phoebe. Hindi na siya tulad sa kahapon. Ngayon parang wala na lang si Emil. Ganoon siya kadaling magbago ng gusto sa lalaki. Hindi na naka-imik si Emil dahil pinagtulungan na namin ni Phoebe. "Kung ano ma--" "Emil. Ikaw na magsabi kay Mayor na hindi kami sasama. Alam na ng Lolo ko ang tungkol dito at huwag kang magalala. Sasabihin ko ulit sa kanya na namasyal na kami at hindi na sumunod kay Mayor. Mauuna na kami," sabi ko. Ibinuka ni Emil ang bibig pero itinikom din. Nilagpasan namin siya. Walang nagawa si Emil kundi sumunod at ihatid kami sa sasakyan. Tinatanaw habang papa-alis ang SUV. Nag-enjoy kami buong araw. Andami naming pinamili at pinuntahan. Ngayon na lang kami ulit nag-bonding nila Rita at Phoebe. Tulad pa rin ng dati. Puno ng tawanan. Walang dull moments. Nakaka-miss iyong panahon na magkakasama kami. "May gusto sa'yo si Emil," ani ni Rita habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng dresser. Nagkatinginan kami sa harap ng salamin. Umayos ako ng upo sa kama. "Oo nga. Kaya nga ayaw ko na sa kanya. May gusto siya kay Amanda. May gusto din siya sa'yo," si Phoebe na tumabi na sa akin. "Stop imagining things." Napailing-iling ako. Binagsak ko ang tingin sa cellphone. Nanunuod ako ng American series sa Netflix. "Totoo nga! Hindi naman imahinasyon 'yon. Obvious sa kanya," saad ni Rita. Nilingon na kami ni Phoebe sa kama habang nagsusuklay. "Kung paano ka niya tignan. Tsaka iyong mga lalaking nasa paligid mo. Kulang na lang sakmalin niya. Ganoon ang tingin ng mga lalaking may gusto sa babae. Tingin din ng possesive. Maniwala ka sa amin!" sabi ni Phoebe at dinungaw ako. Kumunot ang noo ko. Kumabog ang dibdib ko sa mga sinabi ng mga kaibigan. Kaba at bakit excited na masaya? Gusto ko ang ideya na gusto ako ni Emil? Hindi lang ako ang nakakapansin. Akala ko guni-guni ko lang pero heto. Sila na ang nagsasabi. Pero ano naman kung totoo nga? Wala namang saysay lahat dahil alam ko na kaagad na hindi kami pu-pwede. Number one na kokontra si Lolo. Kasunod ay ang mga pinsan ko. "Ganoon lang talaga 'yon. Naging body guard kasi siya..." walang-buhay kong sabi. Sinara ko ang app at nagbukas ng Instagrammy. Wala naman akong maintindihan sa palabas dahil sa dalawang kaibigan. Umiling si Phoebe. "Ito naman parang hindi alam iyong ganong tingin. He likes you! Ano ka ba. But anyway, he likes pretty girls. Mukhang malapit talaga sila ni Amanda. Pero hindi naman siya ganoon tumingin kay Amanda. Sa'yo lang? Ikaw, Rita? Napansin mo din?" tanong ni Phoebe. Nakatagilid na at nakaharap sa akin. Tumayo si Rita. "Oo. Grabe noh. Kung mayaman lang si Emil. Pwede sana kayo. Perfect na eh! Tall, dark and handsome. Kaso lagapak sa financial background." Napa-iling si Rita at sumampa na sa kama. May bahid ng panghihinayang. "Masipag naman siya. Mga katulad niya. Yayayaman 'yon," si Phoebe. "Pero hindi kasing yaman ni Geselle. Mga tipong pang tulad lang natin." Humalakhak si Rita. "Hindi nga ako nag type 'non, eh. Kaya hindi pwede. Malay mo magustuhan siya ni Senyor. Kami nga hindi ka namin ka-level. Scholar lang kami pero 'di ba. Love kami ni Senyor!" Humahagikgik na sabi ni Phoebe. Napangiti ako sa sinabi niya. "Kaibigan ko kasi kayo. Lahat ng kaibigan ko at mahal ako. Mahal din ng Lolo. Pero ibang usapan kapag nobyo, Phoebe. Mapili si Lolo. Ganoon din ang mga pinsan ko," sabi ko sa kanya. "Rich kid problem. Buti na lang mahirap tayo!" Natatawang sabi ni Rita. Nag-appear pa sila ni Phoebe. Napagitnaan na naman nila akong dalawa. Natatawa na lang ako sa mga kaibigan. I tour them around the Hacienda the next day. Lahat ng activities balak nilang subukan. Naki-join na din ako. Pagod na pagod kami sa mga ginawa. Sa Farm kami kumain. Fresh mula sa aming farm ang nilatag na pagkain. We decided to have a boodle fight. Masaya ako na nage-enjoy ang mga kaibigan. "Ligo tayo sa lawa. Ang tagal ko ng hindi nakapunta doon. May nagbago ba?" Humahagikgik na sabi ni Rita. "Marami. Maraming pwedeng gawin doon. Pero sa kabilang side. Para sa amin lang na family. Gusto niyo doon tayo? Para walang istorbo? May mga guest kasi na nagwa-water activities," sabi ko habang nasa hapag-kainan kami. "Kahit doon na lang sa may mga guest. Masarap magwater activities mamaya! Maliligo na din ako," si Phoebe. Sumang-ayon na din si Rita. Tumango ako bago uminom ng juice. "Magpapadala ako ng swimsuit." Nakangisi kong sabi. Iyon nga ang pinagka-abalahan namin pagdating sa hapon. Mas na-realized ko tuloy na kahit na ako ang may-ari hindi ko naman nae-enjoy lahat ng mayroon ang Hacienda dahil abala ako sa trabaho. Minsan pala dapat makisali din ako sa mga guest. Sumunod na araw ay tumambay kami sa Mansion--sa pool. Duon na namin naisipang kumain at magkwentuhan ng kung ano-ano. Bukas ng umaga ay luluwas na din sila pabalik sa Maynila. Sinu-sulit na din namin dahil nga matagal ulit kaming magki-kita. Hindi naman pwede na palagi silang naka-leave sa trabaho. “Sa susunod ikaw naman lumuwas. Clubbing tayo! May bagong bukas na Club sa Pasig! Hindi pa namin pinupunahan ni Rita kasi gusto namin kasama ka!” Humahagikgik na sabi ni Phoebe. “I’ll check my schedule. Kapag bakante tatawagan ko kayo.” “Ayan ka na naman. Binuburo mo ang beauty mo dito sa probinsya. Labas ka din sa lungga mo,” ani ni Rita. Nginitian ko lang sila. Hindi ko talaga matagalan ang Maynila dahil naiinitan ako doon at ma-polusyon pa. Ewan ko. Mas gusto ko pa dito sa amin. Pinahatid ko ang mga kaibigan sa driver kinabukasan. Alas-sais pa lang ay umalis na sila. Di-diretso daw ng pasok na. Andami pa naman nilang bitbit pero okay lang naman sa kanila. Dumiretso na din ako sa opisina. Marami ng tambak na trabaho. Pag-upo ko pa nga lang ay dire-diretso na ang gawain. Hindi na ko makatayo. Hinahatiran na lang ako ni Mia ng pagkain. Hinilot ko ang nangalay na batok. Matapos review-hin ang ilang dokumento para sa planong pagpapatayo ulit ng Guesthouse ay tumayo ako mula sa upuan. Dahil sa dami ng nagtse-check-in. Hindi na lahat ma-accomodate. Magdadagdag na din ng mga staff lalo na sa housekeeping at restaurant. Kumunot ang noo ko ng makitang walang tubig na lumalabas sa gripo sa sarili kong banyo. Lumabas ako para sa common bathroom magpunta. Dinaanan ko muna si Mia. “Walang tubig sa banyo ko. Pa-tawag ng maga-ayos, please...” sabi ko. “Sure, Maam!” anito at nagumpisa ng mag-dial sa telepono. Dire-diretso ako ng lakad. Hanggang sa makarating sa banyo. Walang ibang tao. Apat ang cubicle doon at napapanatili pa ding malinis kahit na hindi ako ang nagba-banyo dito. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. “Nag-trending siya sa post sa Peacebook kagabi. Kaya nga dumami ulit nag-inquire kung may bakante pa sabi sa reception kanina. Grabe si Emil ano? Ang gwapo kasi. Sikat tuloy agad!” Napataas ang kilay ko sa narinig. Naka-abot na sa social media si Emil. Narinig ko ang pagbukas ng isang pinto sa katabing cubicle. “Naku, binabakuran ng pamangkin ni Mayor! Nandon na naman yung maputi. Hindi naman maganda. Kung maitim ‘yun wala na,” sabi ng isa. “Racist ka. Huwag ka ngang ganyan. Baliw ‘to! Bilisan mo na diyan. Pagagalitan tayo nito. Ang daming tao sa Club house. Bawal magtagal sa banyo.” Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang sa kabilang cubicle. “Saglit lang!” ani ng babae at narinig ko na naghuhugas na ata ng kamay. Tsaka ako ng-flush sa inodoro ng sumara ng muli ang pinto. Nandiyan ulit si Amanda? Pagtapos kay Nika. Si Amanda naman. Ilang babae ba ang didikit kay Emil?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD