KABANATA 13:
NAPAHILAMOS ako sa sarili ng maalala ang panaginip kagabi. Nakakahiya na umaabot na sa ganoong punto ang pantasya ko para kay Emil. Nagmumukha akong tigang sa kanya. Mabuti nga lang at ako lang ang nakakaalam. Paano na lang kung nababasa ng iba ang iniisip ko at nakikita ng iba ang panaginip ko? Wala ata akong mukhang maihaharap sa ibang tao.
Nag-focus na lang ako sa trabaho. Kaso hindi ko talaga maiwasan na kung minsan maalala iyon kaya napapa-iling na lang ako. Tumunog ang cellphone ko. Sinilip ko agad kung sino.
It's from Mayor Philip.
Hi! How are you? Nag-book na ko sa website for next week, Monday-Friday. See you soon!
I frowned. Sabi ko sa kanya ililibre ko na siya pero nag-book na?
Me: I promised you before na sagot ko na ang staycation mo sa Hacienda. I will tell my staff to r****d the money on your account. I'm gonna keep my promise, Philip.
Wala pang ilang minuto nag-reply na siya.
No worries! Sinabayan lang kita sa joke mo noon. Pero hindi ako mahilig magpa-libre.
I sighed. Makikipag-pilitan ba ko nito sa kanya?
Me: I'll coordinate this with my staff, Philip. Okay lang naman.
Nilapag ko ang cellphone matapos mag-reply at nagtipa na sa laptop ng biglang namatay ang ilaw sa opisina. Napundi na ata. Sinipat ko ang relo at nakitang malapit ng magalas-dose. Nag-unat ako at tumayo. Pupunta ako sa resto para maghanap ng makakain.
Tumayo agad si Mia pagka-kita sa akin.
"Napundi na ata ang ilaw sa kwarto ko. Kakain muna ako sa resto. Kaya naman palitan 'yon agad 'di ba?" tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang furball ng aking wallet.
"Uh... yes po, Maam! Magpapatawag ako ng magaayos."
Tinanguan ko siya at tinalikuran. Limang minuto lang naman ang layo ng resto. Kaya namang lakarin. Pagdating ay madami ng tao. Okupado ang mga lamesa at upuan. Kaya napilitan na lang akong mag-take out. Sa guests pa lang napuno na bago pa mga empleyado.
Pinapa-extend ko na din ito kaso hindi pa tapos.
"Naku, Maam! Sana nagpatawag na lang po kayo. Para hindi na kayo nag-antay," sabi ng Manager na si Paloma. Ito na mismo nag-abot ng in-order ko.
"It's fine. I enjoy walking these days. Thanks, anyway." I smiled and grab my food on the table.
Bitbit ang paper bag ay naglakad ako paalis doon. Ramdam ko ang mga titig ng mga tao. Minsan sinusundan pa ako ng tingin. Binuksan ko ang payong bago tuluyang naglakad sa gitna ng initan.
Pagbalik ay nagulat si Mia na mabilis akong nakabalik. Natigil ito sa pagsubo ng pagkain. Akmang tatayo pero sinenyasan ko na bumalik sa pag-upo.
"Inaayos pa po ang ilaw, Maam," sabi na lang nito habang tinitingala ako ng makalapit sa table niya.
"Okay lang. Maraming tao sa resto. Dito na ko kakain," sabi ko at umalis sa harap niya. Naririnig ko pa ang pag-urong ng kung ano sa loob ng buksan ko ang pinto.
Napasinghap ako ng makita si Emil na nagpapalit ng ilaw. Napalunok ako ng mapasulyap sa biceps nitong nag-flex habang nakataas. Nakasampa siya sa hagdanan. Agad ang pag-ragasa ng ala-ala mula sa aking panaginip. Mabilis na nag-init ang aking pisngi!
Nilingon niya ako.
"Malapit ng matapos, Senyorita."
Sinara ko ang pinto. Maging ang pagtawag niya ng Senyorita sa akin ay kinikilabutan ako. Naririnig ko pa din ang boses niya sa panaginip ko at iyan ang lagi niyang bukambibig doon. Hindi ako nakapagsalita. Nilapag ko ang paper bag sa ibabaw ng lamesa.
Hinubad ko ang blazer at nilagay sa stand rack. Nainitan ako bigla. Mukha man akong normal tignan pero sa loob-loob ko hindi. Kinakapos ata ako ng hininga ngayong dalawa lang kami ni Emil sa apat na sulok ng kwarto ko. Napatingala ako sa kanya. Seryoso ito habang kinakabit ang mahabang ilaw.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" tanong ko at umupo na sa swivel chair.
"Marunong ako nito, Senyorita."
Napalunok ako ng muli niya akong tawagin sa ganoong paraan. Parang endearment na sa pandinig ko na ako lang naman ang nakaka-alam.
"Drop that, Senyorita, Emil." I rolled my eyes. Kinikilabutan ako at may bahid na kasi ng malisya para sa akin ang tawag niyang iyon.
Natigil ito sa ginagawa at napatingin sa akin.
"Sige po, Maam."
Binasag ko ang tinginan naming dalawa. Inabot ko ang flask bottle at uminom ng tubig. Bigla akong naging uhaw na uhaw.
"Okay na, Senyo--Maam."
Ibinaba ko ang flask bottle bago siya binalingan.
"Salamat. Nasaan ba ang electrician. Bakit ikaw ang gumagawa niyan?" Binagsak ko ang mata sa paper bag na nasa ibabaw ng lamesa. Ayoko siyang tignan sa mga mata. Baka mabisto lang niya ako na pinagnanasaan ko siya.
Ka-babae kong tao pero kung saan-saan na napadpad ang iniisip ko. Inabala ko ang sarili sa paglabas ng pagkain na mula sa paper bag habang kinakausap ko siya.
"Nasa guest house kasi si Kuya Omeng. Kaya sabi ko kay Maam Mia. Ako na lang tutal marunong naman ako," anito.
Tinanguan ko na lang 'yon. Natigil ako ng nailabas ko na lahat ng tuppperware. Nag-angat ako ng tingin at nahuli kong nakatitig siya sa akin. Kumurap-kurap ito at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Sige, Maam. Aalis na ko," anito at nagpapalaam pa.
Tumango lang ako at wala ng balak magsalita. Muli kong pinagtuunan ang tupperware hanggang sa marinig kong bumukas-sara ang pinto. Pag-angat ko ng tingin ay wala na siya sa opisina ko. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag.
Napahilot ako sa sentido. Magkaka-sakit na ata ako sa nangyayari sa akin. Paano ba ito mawawala. Siguro dapat na magpaturo ako kay Phoebe. Ang bilis lang no'n mag-move on.
Pagsapit ng alas-sais ay nagmamadali na ko sa pag-shut down ng laptop. Nalaglag pa ang flask bottle sa sahig sa pagkataranta ko.
Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili. Si Emil lang iyon. Makikita ko lang si Emil ulit mamaya. Bakit kailangan akong mataranta ng ganito.
Dapat na siguro akong mag-boyfriend? Para ma-divert ang attention ko? Baka kulang lang ako sa love life?
Napa-iling ako sa naisip. Frustrated na ba ko para gawin 'yon, eh samantalang wala naman akong matipuhang lalaki. Simula ng nakilala ko si Emil. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganito katinding atraksyon sa lalaki to the point na hindi ko na magawang tumingin sa iba.
Nakaka-appreciate ako pero ni minsan hindi naman talaga ako ganito. Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito katindi.
Bumilis ang pintig ng pulso ko ng sa malayo pa lang ay nakita ko ng naka-abang si Emil habang nakasandal sa poste na tila inaabangan ako. Kumunot ang noo ko ngb mapansing naninigarilyo ito.
Napabaling siya sa akin ng siguro mapansin na may ibang presensya sa paligid.
"Senyorita..." namamaos niyang sabi. Mabilis na ibinaba ang sigarilyo at tinapakan iyon. Napatuwid ito ng tayo habang nakapamulsa.
Naglakad ako palapit sa kanya. Natu-turn off ako sa lalaking may bisyo. Lahat ng ayaw ko kay Emil ay nasa kanya na pero bakit ako nagkaka-ganito? Gusto ko pa din siya. Lahat ng kilos niya, attracted ako. Lahat ng galaw niya ay natutuwa ako.
Mariin ang tikom ko ng aking bibig ng makalapit sa kanya.
"Inantay kita," sabi nito pero hindi magawang tignan ng diretso ang aking mga mata. Sapat na ang ilaw ng poste para makita ko ang pamumula ng tainga niya.
Napayuko ako at tumango. Mariing kinagat ang ibabang labi. Pilit na itinatago ang ngiti. Nilagpasan ko siya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko!
Ramdam ko ang pag-sunod niya sa akin. Parang bawat hakbang ay naglalakad ako sa ulap. Ang bagal ng oras. Tahimik lang kami hanggang sa pagliko.
Ang dami kong iniisip habang naglalakad. Nayanig ang sistema ko simula ng hinayaan ko ang sarili na payagan si Emil na sabayan ako sa pag-uwi. Maging ang paglalakad kahit na pwede namang hindi. Ginagawa ko na lang atang dahilan ang exercise para lang makita ko siya.
Kahit na naririnig ko mula sa mga empleyado ko ang tungkol sa palaging pagdalaw sa kanya ni Amanda sa oras ng trabaho. Hindi ko mapigilan ang puso ko na lumundag sa tuwing masisilayan si Emil. Posible pala iyong mangyari. Nagseselos ako sa kung gaano sila ka-close pero ano namang karapatan ko? Bago ko pa siya makilala ay kasama na ata niya si Amanda.
Bukod doon, mali din naman kung higit pa sa pagka-gusto ang mayroon sa amin. Sapat na ang makita at makasama ko siya. Masaya na ako.
"Kumusta ang trabaho mo?" tanong ko sa kanya. Nilingon ko siya at nahuli kong nakatitig pala siya sa likod ko. Mabilis akong bumaling sa harap. Na-conscious tuloy ako sa lakad at sa likod ko.
"Ayos lang naman. Sisiw."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Saan ka in-assign ni Mia?" tanong ko sa mahinang boses.
"Sa Resto, Maam. Sa dining."
Tumango ako at nanahimik ulit.
"K-kayo? Kumusta?" may bahid ng paga-alinlangan ang boses nito.
"Hmmm?" tanong ko at nilingon ko siya bago tumapak sa stepping stone.
"Ako ba? Okay naman. Maraming trabaho." Ngumisi ako at binalik ang tingin sa harap at nagpatuloy sa paglalakad.
"Si Mayor, kumusta?"
Kumunot ang noo ko. Bakit niya itatanong si Mayor? Anong pakialam ko naman doon?
"Ha? Okay lang siya... siguro?" Nilingon ko siya at nakita kong sa ibang direksyon ito nakatingin habang nakapamulsa. Naglalakad.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"B-bakit mo natanong?" Napanguso ako.
"Pinopormahan ka ni Mayor 'di ba?"
Na-alarma ako sa sinabi niya. Nabuhay ata ang katawang lupa ko na ngayon lang si Emil nagsalita ng tungkol sa ganoon bukod sa palagi naming topic ay trabaho.
"Hindi, ah! San mo naman nakuha 'yang tsismis na 'yan?" Nilingon ko siya habang natatawa na. Huminto ako para makita siya ng mabuti.
Binasa ni Emil ang ibabang labi. Kahit na ang mga mata ay sa ibang direksyon nakatingin. Halata pa din sa mukha nito na maraming tumatakbo sa kanyang isip.
Tumikhim ito. Hindi pa din makatingin sa akin.
"Halata namang gusto ka no'n," ma-angas na sagot nito.
Umawang ang bibig ko sa pagkamangha na nakukuha niya na akong kausapin na parang hindi na masyadong pormal.
"Hindi ko naman siya gusto," sagot ko habang nakatitig sa adam's apple ni Emil na panay ang taas-baba sa bawat paglunok nito.
Napakurap-kurap ako sa sinabi. Ang tono pa naman ng boses ko ay seryoso kaya napatingin siya sa'kin. Bakas ang pagka-aliwalas ng mukha.
"Talaga?!" Hinimas ni Emil ang ibabang labi. Nangingiti.
Mabilis ko siyang tinalikuran. Kinagat ko ng mariin ang labi. Ayokong makita niya na nahahawa ako sa ngiti niyang iyon. Ang kaninang kabog ng dibdib ko ay mas lalo pa atang tumindi. Ramdam ko na ngang pinagpapawisan na ako ng malapot.
Naglakad ako at hindi ko siya sinagot. Huminto lang ako ng hindi ko maramdaman ang pagsunod niya. Nakatitig lang ito sa akin habang hindi na maalis ang ngiti sa labi.
Tinalikuran ko siyang muli. Anong ibig sabihin ng mga ngiti na iyon? Gusto na din kaya niya ako?
Halos mag-dugo ang ibabang labi ko sa sobrang kagat ko doon.
Nag-jog is Emil palapit sa akin.
"Magandang lalaki si Mayor. Makisig. Ma-impluwensya. Mabait naman siya at matulingin. Bukod doon, nabibilang sa mayayamang angkan at ngayon Mayor na nga. Mataas ang pinag-aralan. Bakit hindi mo gusto?" Dinungaw niya ako.
Bumuntong-hininga ako sa sinabi niya. Akala ba ng mga lalaki kapag ang lalaki ay halos nasa kanya na lahat. Gugustuhin sila ng mga babae? Bakit gano'n ang tingin nila sa mga angkan ni Eba?
"Emil, hindi lahat ng babae naa-akit sa ganoong lalaki. Sa ilang bilyong babae na single. Mayroon doon hindi magkaka-gusto sa kanya kahit na nasa kay Philip na lahat," sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hmm... tama ka. Lalo na ang tulad mo ay sobrang taas na. Hindi ka na naaakit kung mayaman siya o magandang lalaki. Kaya mo naman kasing humanap ng mas higit pa doon dahil sobrang taas mo na. Mahirap kang abutin."
Napahinto ako sa sinabi ni Emil. Nilingon ko siya.
Nakatitig lang ito sa lupa kaya hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya ngayon.
"Hindi ako mapili sa lalaki, Emil. Ang pamilya ko lang ang ganoon pero ni minsan hindi ko naramdaman na ma-akit ng sobra sa lalaki. Mayaman man siya at gwapo o... hindi. Wala pa akong naranasan na gano'n."
Hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko. Pero nasa utak ko pa ang mga huling salita na dapat kadugtong niyon.
Noon iyon, Emil. Panahong hindi pa kita nakilala.
Pinili kong hindi isatinig. Nag-angat ito ng mukha. Nagtama ang aming mata. Kumalabog ang puso ko sa intensidad ng mga tingin niya. Nanghihina ang tuhod ko at anumang oras ata ay bibigay na ang mga iyon. Agad ko siyang tinalikuran habang sapo-sapo ang dibdib. Nahihirapan ata akong huminga dahil sa kanya. Normal pa ba ito o baka may sakit na ko?