KABANATA 14

2033 Words
KABANATA 14: NAGKAGULO sa Clubhouse dahil sa pagdating ni Philip. May mga escort pa siyang kasama at umalis na din naman agad matapos niyang makarating sa Clubhouse. I am wearing a fitted red halter dress and black open-toe shoes. Sinalubong ko siya sa Reception. Ito ang paulit-ulit na habilin ni Lolo sa akin ng malaman niyang magbabakasyon si Philip. Lolo Aurelio even suggested making Philip stays at our Mansion. Malaki naman kasi talaga ang mansion kaya pu-pwede si Mayor. "It would've been great if you offer our Mansion. Bakit mo naman hinayaan na sa Guesthouse si Mayor." Napailing si Lolo ng malaman ang tungkol sa bakasyon ni Philip next week. "Lo, his accommodation is free. Hindi naman din 'yon papayag kung sasabihin ko 'yan. Ayaw nga niya ipa-r****d iyong binayad niya sa booking. Pinilit ko lang maging ang staff." Disappointed si Lolo sa ginawa ko pero ganunpaman mahigpit na bilin niya na salubungin at i-entertain ko ito ng maayos. Iniimbitahan din siya sa Mansion para sa munting salo-salo. Tumango na lang ako. Matanda na si Lolo para salungatin ko pa ang mga gusto. I don't want him to upset too much. "Welcome to Haciendera Madronero, Mayor Philip Enriquez!" bati ko sa kanya. Humalakhak lang ito. Nakipag-beso ako sa kanya at humiwalay din agad. "Finally, makakapag-bakasyon na din kahit limang araw lang!" anito sa maaliwalas na mukha. "Iniimbitahan ka ni Senyor sa Mansion para sa munting salo-salo. He is eager to meet you," sagot ko. Napatingin ako sa likod ni Philip dahil nahagip ng mata ko si Emil na may bitbit na janitorial cart. Agaw pansin siya dahil nga naman sa awra at tindig nito. Napapalingon ka talaga. Mabilis siyang nilapitan ng dalawang dalaga. Magbabarkada na naman na mukhang pa-check out na. Napatigil sa pagtutulak si Emil dahil sa mga dalaga. Binaling ko ang mga mata kay Philip. May sinabi siya pero hindi ko na nasundan. Mabuti na lang at kinausap nito ang concierge at pinapahatid na sa room ang gamit nito. Pareho kaming napatingin sa bungad ng Clubhouse dahil sa tilian. Nagpa-picture iyong dalawa kanina at hindi pa nakuntento ang magbabarkada. Nagsalitan na sila ng kuha. "Oh, he's working here? He's famous, huh?" Nakangising sabi ni Philip habang pinagmamasdan ang nagkakamot na si Emil. Walang magawa sa mga dalaga. Lalo na kumakawit na sa magkabilang braso ang mga iyon. Sumama ang aking sikmura. Hindi naman kami ni Emil pero parang gusto ko siyang itago mula sa mga mata ng lahat. Napairap na lang ako sa kawalan at kinuha ang atensyon ni Philip. "Nag-aantay si Senyor sa Mansion and I bet you're hungry. Malayo din naman ang binyahe mo." I smiled. Bumaling na siya sa akin at tumango. Tumango ako at ngumiti. Nilagpasan ko siya para unahan sa paglalakad. Hinawakan niya ang aking likod para igaya papalabas sa Clubhouse. Napansin ko na ganito siya kahit noong una kaming nagkita. Siguro dapat na akong masanay na ganyan siya. Hindi naman ako nababastos. Para ata kay Philip ay gesture lang iyon ng pagiging gentlemen. Tuwid na tuwid ako habang naglalakad. Bumaling sa akin si Philip at ngumiti. Sinuklian ko din iyon bago nahagip ng aking mga mata si Emil na sa direksyon namin nakatingin. Mabilis akong tumingin sa harap dahil ayokong makita ang buong reaksyon niya. Pero para akong pinapaulanan ng mariing titig sa likuran ko lalo na ng makalagpas kami sa kanya. Hinatid kami ng SUV sa Mansion. Sa malawak na dining agad kami dumiretso ni Philip. Sa bungad pa lang ng pinto amoy na amoy na ang mga pagkain. Napasinghap si Philip pagka-kita sa mahabang lamesa na punong-puno ng pagkain. "Wow!" namamangha nitong sabi. Awang ang bibig at hindi makapaniwala. May lechon pa sa gitna ng lamesa. Natawa ako sa reaksyon niya. "Nasa fiesta ba ako?" Natatawa niyang sabi. Natawa ang dalawang katulong na nasa dining. Pati ako nahawa na din. "This is how we prepare here when we have a guest. So, welcome to our home..." sabi ko sa kanya habang nangingiti. Napapalakpak ito at napapa-iling na tila bilib sa nakita. "Baka mapadalas ang pagbisita ko dito. Para palang fiesta. I am overwhelmed, really..." anito. "Welcome to Hacienda Madronero, Mayor Philip!" Napalingon kami kay Lolo na nakaupo sa wheelchair. Tulak-tulak ng Nurse nito. Bagong ligo si Lolo at mukhang pinaghandaan niya base na din sa pagkaka-ayos ng buhok nito. Hindi pa nakakalapit ay amoy na amoy na namin ang mamahalin nitong pabango. "Senyor, Aurelio! It's a pleasure to finally meet you! How are you!" Mabilis na dinaluhan ni Philip si Lolo. Pinagmamasdan ko silang dalawa na nakipag-kamay pa si Philip sa kay Lolo Aurelio. "I'm good! Still alive and kicking! Kaya ko pang magcha-cha!" biro nito. Nagtawanan kami. Kitang-kita ko kung gaano katuwa si Lolo kay Philip. Para nga ata sa kanya perpekto na ito sa kanyang paningin. Pero hindi para sa akin. "Bueno, umupo muna tayo. Marami akong pinahanda para sa pagdating mo. I am very excited to meet you. Kaya ng sinabi ni Geselle na magbabakasyon ka daw. Nagpahanda ako ng Lechon!" maligayang sabi ni Lolo. Tumalima ang mga katulong at inurong ang upuan para sa amin. "I am overwhelmed, and I appreciate everything, Senyor. Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap." Madamda-daming sabi ni Philip at may bahid iyon ng kaseryosohan. Ganiyan na ganiyan ang tono at salita ng mga pulitiko kapag nagpapasalamat. Humalakhak si Lolo at halata ang pagkatuwa sa sinabi ni Philip. Umupo kami at sa tabi ni Lolo. Nasa usual spot si Lolo Aurelio habang nasa gilid ako, katabi ni Philip. Nagsimulang kumain. Panay ang alok ni Lolo sa mga sikat na putahe at paborito nitong pagkain kay Philip. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila hanggang sa napadpad na sa pulitika. "Naiba lang sa mga apo. Ang panganay ni Amado ang posibleng sumabak sa pulitika. Pero ang iba malabo. Itong nagi-isang apong babae. Mas lalo na. She owns the Hacienda. Kung hahayaan ko din walang ibang mag-aasikaso. Kaya ayos na lang sa akin na hindi niya gusto ang sumunod sa mga yapak namin. Tumango si Philip. Nagpunas ng labi gamit ang napkin bago nagsalita. Sumenyas ako sa katulong na lagyan ng tubig ang baso ng panauhin. Tumalima naman ito agad. "Magandang desisyon din naman Senyor na manatili siya dito sa Hacienda at pamahalaan itong negosyo niyo. Alam naman natin magulo ang pulitika. Mas okay na din na hindi na siya ma-involve." Ngumiti si Philip ng sumulyap sa akin. Napanguso ako. "I agree. Iyong nangyari sa mga magulang niya ay ayoko ng maulit pa sa kahit sino sa aking pamilya. Hanggang ngayon hindi pa din ako naniniwala na aksidente ang pagkamatay ng anak at manugang ko. Mabuti na ding iiwas si Geselle sa gulo. Tama ng mga lalaki sa angkan namin ang tumakbo at manatiling nasa pulitika," si Lolo na sabay sumenyas sa katulong. Itinuturo ang lechon. Tumango-tango si Philip na tila sumasang-ayon. Sumubo ako ng pagkain. Lumapit ang Nurse kay Lolo. "Senyor, bawal po kayo niyan..." mahina nitong sambit. "Lolo," tawag ko sa kanya na nilangkapan na ng babala ang aking tono. Lolo Aurelio groaned in annoyance. "Grabe kayong dalawa. Isang hiwa lang ipagkakait niyo pa?" Nakasimangot na sabi ni Lolo Aurelio sa amin. Sumenyas ulit sa katulong at pinapalapit ito sa Lechon. Bumuntong-hininga ang Nurse. "Lo, bawal nga," pagu-ulit ko. "Hayaan mo na Senyorita. Kaunti lang," ani ng Nurse. Agad ang pagngisi ni Lolo. Napasipol pa na akala mo nanalo sa lotto. Kaunti nga lang. Kapiranggot na laman lang ang binigay sa kanya. Nangingiti lang si Philip sa tabi. Bago matapos ang tanghalian ay nagpasaring si Lolo. "Mas mainam ata Mayor na dito ka manatili sa Mansion? Mas maganda dito at makakapagkwentuhan tayo." Napabaling ng wala sa oras si Philip kay Lolo. Hindi makapaniwala sa inaalok ng Senyor sa kanya. Natikom ko ang bibig habang nakikinig. Wala naman akong bumalak sumabad. Masyadong tuwang-tuwa si Lolo kay Philip para alukin ito na manatili sa Mansion. Dinaan sa tawa ni Philip ang pagkabigla. "Masyado na atang sobra-sobra ito, Senyor. Nakakahiya naman po. Ako ho'y may accommodation na sa Guesthouse. Sapat na po sa akin ang manatili doon. Maraming salamat po sa alok, Senyor." Umungol si Lolo sa pagka-disgusto sa sagot ni Philip. "Hindi ka basta-bastang panauhin lang Mayor. Pagbigyan mo na ang aking kahilingan. Hindi ko naman alam kung may kasunod pa ito dahil alam kong busy ka sa serbisyo. Magtatampo ako kung tatanggihan mo ang aking alok. Minsan lang ako ganito. Hindi ba, hija?" baling ni Lolo sa akin. Napatingin ako sa kanya. Ang mga mata ni Lolo ay may laman, may ibig sabihin. Dahan-dahan akong tumango. Alam kong gusto ni Lolo na segundahan ko pa ang sinabi niya kaya bumaling ako kay Philip. "Pagbigyan mo na si Lolo. Minsan lang siya matuwa ng ganito sa guest." Nakangiti kong sabi. Hindi ko na nga dinugtungan na kung bakit hindi ko man lang sinaguest sa kanya na manatili sa mansion. Umiwas agad ako ng tingin dahil nagi-guilty ako na hindi man lang iyon sumagi sa aking isip. Baka maramdaman ni Philip or maisip niya na wala akong pakialam sa kanya. Totoo naman pero nakakahiya lang kapag kaharap siya. Sa huli ay walang nagawa si Philip kundi ang sumang-ayon dahil hindi din naman siya titigilan ni Lolo kung hindi. Inutusan ako ni Lolo na tumawag sa Guesthouse para ilipat ang gamit ni Philip sa mansion. Iniwan ko si Lolo at Philip sa terrace at masayang nagkukwentuhan. "Yes, Sophie. Lahat ng maleta niya pahatid dito sa Mansion. Sa gilid kamo dumaan. Ako ang maga-abang." "Alright, Maam." "Thank you." Ibinaba ko ang telepono matapos niyon. Hindi na ako pumasok sa araw na ito dahil nga kay Philip. Kung gagawin ko iyon malamang na magagalit sa akin si Lolo dahil hindi ko man lang inaasikaso ang paborito niyang guest sa Hacienda. "Ako na po ang mag-aantay sa gate, Senyorita!" ani ng katulong ng makita akong lumabas na. Inantay ko muna ang sampung minuto. Malinaw kasi sa instruction ko kanina na sa gilid ng Mansion ihatid ang maleta. Umiling ako. Bitbit ko ang payong habang nagpatuloy sa paglalakad. "Wala akong gagawin sa loob kaya ako na dito." "Pero Seny--" "Ako na nga. Pumasok ka na sa loob." Hindi kasi basta-basta nagpapasok sa Hacienda. Sa kabilang gate ako nag-abang. Sa may gilid ng Mansion. Sa main gate ay may guard. Pero dito sa dinadaanan ko sa tuwing umuuwi ako galing sa paglalakad. Walang nagbabantay. Para kasi ito sa akin at sa staff. Shortcut na din kaysa sa umikot pa sa harap. Humalukipkip ako habang nag-aantay. Panay ang tipa ng paa sa lupa at naka-yuko. Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw ko na agad kung sino ang may bitbit ng maleta. Napa-awang ang bibig ko ng makita si Emil na pasan ang maleta sa kanang balikat nito. Nataranta ako sa pagbukas ng maliit na gate. "Senyorita..." tawag niya. Napapikit ako ng mariin. "May usapan na tayo tungkol sa pagtawag mo sa'kin 'di ba?" Niluwagan ko ang gate para makapasok siya. Hindi ito sumagot at sa halip ay iba ang sinabi. "Saan ito dadalhin, Maam?" anito at tinignan ako. "Uh... pakipasok sa loob. Dito na lang, Emil. Please..." sabi ko. Nauna na akong maglakad sa kanya para igaya ito sa pagpasok sa loob. Tahimik lang itong sumunod. Nagpa-panic na naman ako. Kailan ba ako kakalma kapag nariyan siya? Kumpara kay Philip, si Emil. Makikita at makakausap ko lang. Nagkabuhol-buhol na ang nasa utak ko. Kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Minuwestra ko ang hagdanan. Napasinghap ang ilang katulong ng makita kung sino ang nagbubuhat. Mabilis silang nagsi-alisan ng mapasulyap ako sa kanila. "Bakit ikaw ang naghatid? Nasaan ang ibang staff?" tanong ko habang humahakbang. "Gusto mo daw sa kabilang gat ng Mansion ihatid ang gamit ni Mayor. Pagpapawisan ang mga empleyado kung sila ang gagawa. Kaya ako na ang nag-prisinta. Wala namang problema sa akin dahil hindi naman ako naka-aircon kapag nagta-trabaho." Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit sa kabila ng pagtatrabaho nito sa initan. Tusta na ang balat pero mabango pa din siya amuyin. Hindi amoy araw. Posible ba iyong ganoon o imahinasyon ko lang? Baka kahit amoy araw siya mabango pa din para sa akin dahil ang totoo gusto ko naman kasi siya. Lahat gusto ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD