KABANATA 15:
INANTAY ko si Emil na matapos sa paglagay niya ng maleta sa guest room. Umusog ako ng lalabas na ito. Napalunok ako. Naghuhurumentado ang puso ko ngayong ilang pulgada ang layo niya sa akin.
Nahigit ko ang akong hininga ng huminto ito sa aking harap. Napatingin ako sa dibdib nitong basa na. Pawisan man, mabango pa din siya para sa akin. Tulad ng sa panaginip ko. Kung paano tumagaktak ang pawis niya. Pababa sa leeg hanggang dibdib. Sa bawat ulos nito. Sumasabay ang pawis. Mas lalo lang akong naaakit.
Napakurap-kurap ako ng ma-realize na nakuha ko pa talagang alalahanin ang panaginip ko gayong nasa harap ko lang siya!
“Babalik na ko—“
“Ah, oo!” sabi ko. Hindi ko na siya pinatapos sa pagkataranta ko. Umalis agad ako sa harap niya para bumaba sa hagdan.
“Papasok ka ba ngayon?” tanong niya ng nasa kalagitnaan na kami ng hagdan.
“Hindi muna…” Nakagat ko ang ibabang labi habang nanatili ang mga mata ko sa harap. Nilaktaw ni Emil ang ilang baitang para mapantayan niya ako.
“Pasensya na. Pawisan ako,” anito at dinaan sa tawa ang biro.
Umiling ako.
“Ayos lang. Galing ka sa initan, eh.”
Hindi ito sumagot hanggang sa makarating kami sa baba tsaka lang ito nagsalita.
“Bukas papasok ka?” tanong ni Emil.
Bumaling ako sa kanya. Titig na titig siya sa mga mata ko. Dahil diyan sa titig na ‘yan nanlalambot ang tuhod ko.
“Oo naman!” sagot ko. Natigilan ako dahil nagtunog masigla iyon.
Tumango-tango ito at ngumiti na tila may nakakalokong naisip. Naglakad ito kaya sumunod ako para ihatid na din palabas sa Mansion.
“Nasaan si Mayor?” tanong nito ulit.
Kumunot ang noo ko.
“Kasama ni Lolo, Emil.”
Bumaling siya sa akin.
“Hanggang kailan siya dito?” tanong niya ulit matapos na makarating kami sa Main door.
“Hanggang friday. Bakit?” Tiningala ko siya.
Umiling lang ito pero halatang malalim ang iniisip.
“Dito ka na lang, Maam. Masyadong mainit. Baka mamula ang balat mo sa sikat ng araw.”
“Ah… sige. Salamat!”
Tumango ito at tinalikuran na ako. Walang kaarte-arte itong naglakad sa gitna ng arawan. Sanay na siya sa ganoon. Wala siyang pakialam sa kutis niya pero bagay naman. Moreno na matangkad.
Wala pa bang ibang nago-offer sa kanya na pumasok sa pagmo-modelo? Mas okay iyon kaysa sa trabaho niya sa Hacienda. Kaya lang mas makikilala pa siya at mas maraming babae ang mahuhumaling sa kanya.
Iniwan kami ni Lolo sa terrace. Matapos kong umakyat para kamustahin sila ay nagpahatid na ito sa kwarto. Naiwan kami ni Philip.
Sa totoo lang gusto kong bumalik sa opisina at magtrabaho. Pero heto napipilitan ako na i-entertain si Philip dahil iyon ang gusto ni Lolo. Bukod doon, maging kabastos-bastos kung hahayaan ko na lang si Philip dito sa mansion kasama si Lolo. Baka isipin niya front lang iyong kanina. Di naman pala talaga siya welcome.
I tried my very best to entertain him. Nagkwentuhan ng tungkol sa buhay habang nagpapababa ng kinain. Matanda si Philip sa akin ng ilang taon pero hindi halata sa kanya. Alaga din ang sarili at sinisiguro nito na may ehersisyo siya araw-araw.
Bata pa lang ay mulat na siya sa pulitika. Nahubog na din siya dahil nga sa pamilya. Pareho man kami na laki sa political family. Nabali na lang pagdating sa akin. Samantalang si Philip na ang sumunod sa yapak ng ama nito.
“That’s why I’m too busy to even have a girlfriend. Hindi kaya ng oras ko ang manligaw,” mahinang sabi nito.
Ramdam ko ang mariing titig niya sa akin pero nanatili ang mga mata ko sa malawak naming lupain.
“But I guess… ganoon lang siguro talaga kapag hindi ka pa tinamaan.”
Napatingin ako sa sinabi niya. Umiling-iling lang ito at kinuha ang beer can sa lamesa. Nilagok nito iyon habang ito naman ang nakatingin sa malayo.
“Tinamaan?” I frowned.
He smirked and nodded.
“Tinamaan dito.” Tinuro nito ang dibdib at napa-iling muli. Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Nahihinuha ko na kung saan patungo ang usapang ito.
“Kung di ka interesado sa kahit sinong babae. Talagang wala kang oras. Pero kapag may gusto ka. Kahit ang imposible magiging posible pala. Kaya mo pala maglaan ng oras. Magagawan pala ng paraan,” matalinhaga nitong sinabi pagkatapos ay bumagsak ang mga mata niya sa akin.
Nanayo ata ang balahibo ko sa kaseryosohan ni Philip. Nakatingin lang ako sa kanya. Naga-abang ng sasabihin. Bago ko aminin kung ano lang ang tingin ko para sa kanya.
“I want to be true to myself, Geselle. Gusto ko din magpakatotoo sa’yo. GUSTO KITA.” Walang paligoy-ligoy nitong sabi.
Napalunok ako sa pagiging straight to the point niya. Imagine, dalawang beses lang kaming nagkita. Umamin na. Sunod manliligaw na siya. Ang bilis naman yata?
Ikaw nga kaki-kilala mo lang kay Emil. Gusto mo na nga din! Pinapantasya mo pa!
Parang may demonyo talaga na bumubulong sa aking tainga. Iba naman ako. Hindi naman ako umamin sa kay Emil. Masaya na nga ako sa set-up namin kahit alam ko hindi naman pangmatagalan iyon. Ine-enjoy ko na lang. Malay mo dumating iyong lalaki na papantay sa attaksyon ko para sa kanya. Tapos boto ang pamilya edi walang problema.
Pero si Philip, una pa lang hindi ko talaga maramdaman na gusto ko siya. Parang nawalan ako bigla ng amor or paghanga sa ibang lalaki. Naging basehan ko na si Emil.
“At gusto kitang ligawan…”
Napatuwid ako ng upo. Hindi binabasag ni Philip ang titig niya sa akin. Nailang ako pero nanatili pa din ang composure sa sarili.
“Philip, I don’t have plans to be in a relationship right now—“
“I’m gonna court you, Geselle. Hindi ko naman sinabi na sagutin mo ko agad,” pagputol niya sa sinabi ko.
“I know but… I can offer you is friendship lang talaga.” Huminga ako ng malalim.
“Doon din naman nagsisimula ‘di ba? Willing akong dumaan sa pagiging kaibigan.” Puno ng determinasyon ang mga mata nito.
“Look, Philip. Ayoko magpaligaw. That’s it. I’m not interested. Mao-offer ko lang ay friendship,” matigas kong sabi. Gusto kong malaman niya na seryoso ako sa sinasabi ko. Na ito ang gusto ko. Hindi ko kailangan na mahiya para i-reject agad siya.
Laglag ang balikat nito ng sabihin ko iyon. Umiwas siya ng tingin at tumango-tango.
“Wow… I confessed and got rejected right away.” Tumikhim ito.
Binagsak ko ang mga mata sa aking mga daliri. Bigla akong nahiya dahil napahiya siya. He’s a dignified, and powerful man. Pero tinanggihan ko. Simply because I don’t feel any spark. Ayokong lokohin ang sarili ko dahil hindi ko naman talaga siya gusto.
I was attracted to a man like him. Was, meaning noon pa iyon. Nagbago na ang gusto ko sa lalaki. Nagbago na ang tipo ko.
“Alright… Sorry, nabigla ako. This is the first time—don’t get me wrong. Hindi talaga ako sanay manligaw ng babae at ngayon ko lang naranasan na ma-reject agad-agad. Ganito pala ang feeling,” dinaan nito sa tawa ang sinabi. Pulang-pula ang mukha niya ng kinuha muli ang can beer at nilagok.
“I’m sorry…” namamaos kong sabi.
“No, no! It’s not your fault that you’re not attracted to me even a bit.” Kumuway-kaway pa ito. Senyas na sinasabing wala lang iyon. Pero mukha naman siyang apektado.
Now, it’s awkward. Wala pa siyang 24/7 sa Hacienda. Paano ang mga natitirang araw niya na pananatili dito?
Ano din kaya ang sasahihin ni Lolo sa akin nito. I don’t want Philip to have hopes on me. Mas okay ng ma-disappoint ngayon kaysa sa kalaunan alam ko naman sa sarili ko kung saan ang bagsak nito. Hindi ko pa din siya sasagutin. Maiintindihan din ni Lolo na ayaw ko sa manok niya. Wala din naman siyang magagawa.
Iniwan ko si Philip mag-isa sa Terrace. Tingin ko kasi iyon ang kailangan niya. Wala naman siyang sinabing uuwi siya pero alam kong na-disappoint at nawalan ito ng gana. Kaya maiintindihan ko kung magdesisyon ito agad na aalis na lang sa Hacienda.
Pagagalitan ako ni Lolo Aurelio kapag iyon nga ang ginawa ni Philip. Baka magkasakit pa lalo si Lolo kaya hiniling ko na lang na sana hindi na lang muna siya umuwi. Tanggapin na lang niya na wala kong gusto sa kanya. Siguro nataaman lang ang ego no’n. Nabigla. Akala niya ata papayag ako. Buo ang kumpiyansa nito kaya ganoon na lng ang reaksyon ng sabihin kong hindi ko talaga siya gusto.
Imbes magmukmok sa Mansion. Bumalik ako sa Clubhouse. Sa opisina ko. Hindi alam ni Lolo pero kinausap ko ang katulong na doon mag-antay sa kay Philip. Kapag okay na ang binata ay tawagan ako sa office at kung gusto nito ay ipapasyal ko siya sa Hacienda.
Bumagal ang lakad ko ng mapadaan sa arena. Madami pa ding tao. Mahaba pa din ang pila kay Emil pero buti na lang half day na lang siya doon.
Simula kasi ng naging sikat ang horse riding. Whole day na iyong activity. Pero si Emil ni-request ko na sa hapon na lang para hindi madumog ng tao. Pakiramdam ko naha-harrass na siya doon. Napipilitan na lang dahil nga trabaho.
Wala siya sa arena. Special route na naman siguro ang request ng guest. Pwede kasi ilibot sa ibang lugar ang guest. Malaki nga lang ang bayad. Naroon ulit si Amanda sa upuan at lamesang bato. Kasama ang katulong nito. Tiga-payong at paypay.
Bumunting-hininga ako. Wala bang ibang ginagawa si Amanda at marami siyang panahon para bantayan si Emil? At pumapayag si Emil? Bakit?
Nakita ko sila noon na sabay na lumabas sa kwarto sa Mansion ni Mayor Catindig. Ayoko na nga lang mas laliman ang pagiisip kung ano bang ginawa at pinagusapan nila doon dahil papait lang ang dibdib ko.
Naglakad akong muli ng hindi ko siya makita. Nagulat si Mia ng makita akong dumating. Naputol ang pakikipag-usap nito sa isang empleyado at humangos na lumapit sa akin.
“Maam!”
“Dito lang ako sa opisina,” sagot ko sa kanya at nilagpasan na.
“Okay po.”
Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Limang minuto pa lang akong nakaka-upo ng tumawag ang katulong sa Mansion at sinabing balak mamasyal ni Philip sa buong Hacienda. Kaya naman pinahatid ko si Philip papunta sa Club house. Tinigilan ko ang ilang dokumento at nagpalit ng flip flops. Ngayong mamasyal, mas madami ang oras sa paglalakad kaysa sa nakasakay. Masakit sa paa kung naka heels.
Sinalubong ko agad siya pagdating. Maaliwalas na ang mukha nito. Ibang-iba sa kanina.
“Sorry, bumalik ako dito. May tinatapos kasi akong trabaho,” paliwanag ko dahil nahihiya akong aminin na tinatamad kasi ako manatili sa Mansion.
“Ayos lang. Kalimutan na natin ‘yon. Andito ako para magbakasyon.” Ngumiti ito at sinuksok ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nito.
“Tara?” Ngiti kong yaya sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag na okay na siya. Senyales na tatapusin nito ang bakasyon sa Hacienda. Tumango ito kaya sumakay na kami sa golf cart.
“Sa arena tayo.”
Ngiting-ngiti ako ng sabihin iyon.
“Anong mayroon sa arena?” Sinulyapan ako ni Philip.
“Kabayo,” simpleng sagot ko. Hindi matanggal ang mga ngiti sa labi habang nakatingin sa mga dinadaanang puno.
“Oh… hindi ako marunong mangabayo.” Humalakhak ito.
“Edi maganda!” Nagliwanag ang mga mata ko. Kumunot ang noo niya at napatingin sa akin. Natigilan ako at nahihiyang ngumiti dahil mukha akong excited kanina.
“Maganda kasi dito sa Hacienda matututo ka. Paglabas mo dito equestrian ka na.” Humagikgik ako.
“Really, huh?” He smirked.
Pagdating sa arena ay una na agad ako sa pagbaba. Hindi ko na inantay na alalayan pa ako ng driver o kung sino man sa staff. Piansadahan ko ang buong paligid.
“Is that Amanda—oh, siya nga.”
Napalingon ako kay Philip na nakatingin kay Amanda habang abala sa kausap sa cellphone.
“What is she doing here? Wait—“ sabi ni Philip at hindi na ko inantay sumagot. Nagdire-diretso na sa pinsan nito para siguro mang-usisa.
Nagtilian ang mga tao ng lumitaw mula sa mga puno si Emil sakay ng kabayo. Nasa unahan ang babaeng guest at halos sumubsob na sa sobrang kapit sa leeg ni Emil.
Saksi ako sa pagtayo ni Amanda at ang paghagis nito ng cellphone sa damuha. Dire-diretso ang lakad papunta kay Emil. Natulala at sinundan na lang siya ng tingin ni Philip.